Chapter 27
Chapter 27
Pinilit ko ang sarili kong hindi ngumiti sa sinabi niya kahit ramdam na ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kahit ang agad na pag iinit ng pisngi ko ay ramdam na ramdam ko.
Tinalikuran ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad. Damn Cinderello, bakit sa ganitong sitwasyon niya naisipang sabihin ang mga salitang ito? Can't he just make my heart calm for a while? Can't he just find a right time and place for this?
Hindi biro ang mga nalaman ko mula sa kanya. Hindi biro ang mga bagay na pinaniniwalaan niya. Kahit kailan ay hindi naging tama ang paghihiganti, sa halip ay magiging dahilan lamang ito ng walang tigil na hindi pagkakaunawan ng mga tao.
And we are talking about life here, buhay ng tao. Anong gagawin ko? Anong dapat gawin ng isang matinong babaeng katulad ko? I can't just accept him dahil inamin niyang mahal niya ako, hindi pwedeng basta ko na lamang siyang tanggapin dahil sa ginawa niyang pag amin at pangako sa akin. Anong panghahawakan ko na nagsasabi siya sa akin ng totoo? Anong panghahawakan ko na titigil na siya sa paghihiganti niyang ito?
Mali ang sinabi niya, hindi lang ako natatakot sa sitwasyon ko kung sakaling tuluyan ko na siyang tanggapin. Mas malaki ang takot ko sa maaaring mangyari sa kanya kung ipagpapatuloy niya ang kanyang paghihiganti, buhay ang inagaw niya at malaki ang posibilidad na ito rin ang agawin ng mga taong maaaring bumawi sa kanya. Siya na rin ang nagsabi na mga politiko at mga druglord ang pinapatay niya. Hindi biro ang mga taong binabangga niya. Saan kumukuha ng lakas ng loob si Rashid para matapang na banggain ang mga taong ito?
There is still something, alam kong may kung ano pa siyang hindi sinasabi sa akin. At higit akong mas natatakot sa bagay na ito.
Nakasakay na kami sa kanyang kotse. Tahimik lamang kaming dalawa habang malayo ang lipad ng aking isipan. Naghahalo na ang mga tanong sa isip ko, papaano siya tumagal na ganito? Is it because he has no parents to support and guide him? What about his father? Hinayaan ba siya nitong lumaki na punong puno ng galit?
Hindi ko akalaing sa likod ng mga ngisi at paglalambing ni Rashid ay may ganitong siyang itinatago. His childhood memory was too painful at hindi ko lubos maisip na nadala niya itong mag isa nang napakahabang panahon.
Napakagat labi na lang ako sa mga naiisip ko. Mali ang mga nasabi ko sa kanya, maling dumistansya ako sa kanya dahil sa mga nalaman ko. I should comfort him and enlighten him more. I should tell him the right thing to do, kung iiwan ko pa siya sa mga oras na ito sino pa ang taong maaaring magsabi sa kanya ng tama? Damn it Aurelia. Ngayon ako higit na kailangan ni Rashid.
Hindi ko dapat siya itinataboy, hindi ko siya dapat iwan sa ganitong sitwasyon. I should not make him feel unwanted. He has no mother, father and even siblings. It could be the reason why he did come up with this damn revenge. Anong sakit pa ang gagawin ko kung lalayuan ko pa siya?
Nang lingunin ko si Rashid ay agad ko siyang nahuling sumusulyap din sa akin.
"Rashid, mahal ko pa ang buhay ko. Sa daan ka tumingin.." mahinang sabi ko habang minamasahe ko na ang aking noo.
"Sorry for that.." hindi ako sumagot sa kanya. Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho pero hindi din nagtagal ay nagsalita siyang muli.
"Iuuwi na ba kita Aurelia? May dadaanan ka pa ba?" ilang minuto akong hindi nagsalita sa kanya dahil marami pa rin ang tumatakbo sa isipan ko.
"Baby.." tawag niya sa akin. Nang lumingon ako sa kanya ay hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi magtanong.
"How about the note Rashid? Bakit si Enna ang pinaghinalaan mo na nagpadala sa akin? Who are the people behind that note? What if they are one of---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang agad siyang magsalita.
"Yes baby, that note was from them. Enna and Hazelle are my friends at alam nila ang ginagawa ko. They are aware to this revenge.." halos mag init ang ulo ko sa narinig ko.
"What kind of friends are they? They are damn tolerating you to kill people?! Oh damn, what the fvck is that?" halos sumigaw na ako sa loob ng kotse. Bakit hinayaan nilang makapatay ng tatlong buhay si Rashid? Talaga ba na mga kaibigan sila?
"Kaya nila ginawa ang pananakot sa'yo Aurelia. They wanted me to stay away from you, ilang beses nilang sinabi sa akin na layuan na kita. That I am not good for you, a man like me with full of revenge will just ruin your peaceful life. Dahil kilala nila ako, alam na nilang hindi na kita kayang layuan Aurelia. Kaya gumawa sila ng paraan para ikaw mismo ang lumayo sa akin.." kunot na kunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya.
Nagagalit ako kay Enna at Hazelle dahil hinayaan nilang ipagpatuloy ni Rashid ang paghihiganti niya pero may parte din sa akin na nagpapasalamat sa ginawa nilang pananakot sa akin. That note was not meant to harm or even scare me but its purpose is to protect me.
Mukhang unti unti ko nang naiintindihan at napapagdugtong dugtong ang mga sinasabi nila sa akin.
"What about the girl in supermarket?" tanong ko sa kanya.
"She's also my friend. Pareho pareho sila ng pinaniniwalaan, that I should stay away from you baby. But I can't Aurelia, I can't leave you anymore. Mababaliw ako.." binitawan ni Rashid ang hawak niyang kambyo at mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.
"I am so sorry for everything Aurelia, I promise I will fix this for you. For us, just please don't leave me.." malumanay na sabi niya sa akin.
"Hindi ko na alam Rashid, naguguluhan na ako.." halos bulong na lang ang pagkakasabi ko. I am too tired for this.
"Aurelia I told you magbabago na ako. I can't just live my life with revenge as my damn motivation, dumating ka na sa buhay ko Aurelia. You are now my motivation Aurelia. I can understand if you can't talk to me like you used to baby, I can understand if you can't look at me. I will give you time and space Aurelia. Kahit wag mo muna akong kausapin, kahit huwag mo muna akong tingnan. Just..just let me glance at you even from a far baby. Hindi na lang muna ako magpapakita sa'yo.." ramdam ko ang biglang pagkirot ng dibdib ko sa mga sinabi ni Rashid.
It was not like that. It was not like that Rashid!
Gusto ko nang sabunutan ang sarili ko sa nararamdaman ko. I want to hug him right now, I want to comfort him right now. Gusto kong sabihin sa kanya na nalilito lamang ako, that's all! Pero bakit parang ang tingin niya sa akin ay masama ang iniisip ko tungkol sa kanya?
"I am not a Prince, Aurelia. I am a murderer.." nakita ko ang paghigpit ng kamay niya sa manibela.
"No! You are not! Damn it Rashid! You are not! You are not.." malakas na sigaw ko sa kanya.
Marahas kinabig ni Rashid pakanan ang kotse at agad niyang pinatay ang makina. Huminga siya ng malalim at humarap siya sa akin.
"May kukuhanin lamang ako, please wait for me.." nang tingnan ko ang tinigilan namin ay agad ko itong nakilala. Kung ganoon ay nasa kabilang bayan pa rin kami.
This is the famous commercial greenhouse with unique interior design. Ilang beses ko na itong nakita sa telebisyon. Anong kukuhanin ni Rashid dito?
Nagmadali akong lumabas ng kotse at halos habulin ko si Rashid nang papasok na ito sa entrance.
"I'll go with you.." napansin ko na nakangisi ang ilan sa mga tauhan sa akin. It could be because of my majorette outfit.
"I told you to wait Aurelia.." hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang pagsunod sa kanya.
Nang makapasok sa kami sa napakagandang greenhouse halos hindi ko na matingnan ang magagandang halaman nito, lakad takbo ako habang sinusundan ang mabilis na paglalakad ni Rashid. Wala akong makitang ibang tao, mukhang kami lamang ni Rashid ang tao dito.
"You don't need to pretend Aurelia, I told you I will give you space. Alam kong hindi mo na kayang tagalang tingnan ako. Stop pretending baby.. please stop it..." sabi niya habang nakatalikod siyang naghahanap ng kung anong halaman.
"That's not it Rashid!" malakas na sabi ko. Gusto ko nang murahin ang sarili ko. I made him think like this!
"Bumalik ka na sa kotse. Iuuwi na kita kapag nakuha ko na ang hinahanap ko. I am sorry for everything Aurelia.." bahagya na siyang nakaluhod sa may halaman habang may kung anong pinipitas siya dito.
Malalaki ang hakbang ko para makalapit sa kanya.
"Rashid naman! Ang tigas ng ulo mo. I am not pretending! I care about you! Nahihirapan ako kapag ganyan ka.." nanatili siyang nayuko sa halaman na hawak niya.
"Naaawa ka lang sa akin Aurelia. Please baby, tama na.." nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. I don't pity him! Hindi awa itong nararamdaman ko sa kanya.
"Rashid.." malamig na tawag ko sa kanya. Nang akma na siyang tatayo ay mabilis kong itinapon ang sarili ko sa kanya dahilan para mawalan siya ng panimbang at matumba kaming dalawa.
I don't care anymore if I am on top of him, I don't care about the destroyed plants near our bodies. Nakasubsob ako sa dibdib niya habang ilang beses kong hinahampas ang balikat niya.
"I don't pity you Rashid, nalilito lamang ako. Natural lang naman ito hindi ba? Pero bakit kung magsalita ka sa akin parang ang sama sama na ng pagtingin ko sa'yo? Sinabi ko sa'yo na gusto kong mag isip, sinabi ko sa'yo na kailangan ko ng distansya. Rashid binabawi ko na, ayoko. Hindi ko na hahayaang mag isa ka, I won't allow you to stay single like this, I won't allow your mind to stay cloudy like this. Aalagaan kita Rashid, I will enlighten your blurry mind, I'll be here to help you forget the painful past. I will always take care of you, please be my baby Rashid. Please be mine. Hindi ko maipapangako na hindi kita aawayin pero susubukan kong lagi kang lambingin..." walang tigil sa pagluha ang mga mata ko. I can even see my teardrops on his handsome face.
Hindi paglayo ko ang kailangan ni Rashid ngayon, he needs my love and care na ipinagkait sa kanya simula ng pagkabata niya. Kailangan niya ng nag uumapaw na pagmamahal.
"Aurelia.." pakinig ko ang pangangatal ng boses ni Rashid hanggang sa maramdaman ko lamang ang mga braso niyang dahan dahang yumayakap sa akin. Muli kong isinubsob ang sarili ko sa kanyang dibdib. I can even hear the fast beating of his heart.
"Aurelia.." muli niyang tinawag ang pangalan ko. Ramdam ko ang paghaplos ng isa niyang kamay sa aking buhok.
"Aurelia.." napakagat labi na lang ako nang tawagin niya akong muli.
"You're crying Cinderello.." bulong ko sa kanya. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin.
"I am not baby.."
"You are.." bulong ko ulit sa kanya. Nang lumuwag ang pagkakayakap niya ay mabilis ko siyang pinagmasdan. Yes, he did cry. My baby did cry.
"Niaaway mo ako Aurelia.." ngusong sabi ni habang hinahaplos ang pisngi ko. We're still on the same position and I don't care at all. I want to comfort him, gusto kong malaman niya na hindi awa ang nararamdaman kong ito sa kanya.
"I am sorry baby.." sagot ko na nagpangisi sa kanya.
"I love you.." marahang sagot niya sa akin. Kasabay ng paghaplos ng mga daliri niya sa labi ko ay ang paglukso ng dibdib ko.
"I love you too Rashid Amadeus Villegas.."
At sa unang pagkakataon, unang lumapat ang mga labi ko sa lalaking laging niaaway.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro