Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Chapter 26


Nakatitig lang ako sa kanya habang ilang beses umuulit sa utak ko ang tanong niya sa akin.

What does he mean by that? Accept for who he is? Why? Bakit ganitong klaseng tanong ang naririnig ko sa kanya? Can't he just explain to me the everything? Bakit kailangan niya akong takutin nang ganito sa klase ng tanong niya?


"Rashid, what do you mean? Nalilito ako, what are you then? What are you? Why am I having this bad feeling? Inhumane? You're not a killer right? I am not talking to a killer Rashid right? Hindi ka naman pumapatay ng tao Rashid hindi ba?" paulit ulit na tanong ko sa kanya. Pilit kong inagaw sa kanya ang aking kamay at pinunasan ko ang luha sa aking mga mata.

Damn, that's why I hate my tears. Masyado silang papansin sa lahat ng oras.


"What if I am?" seryosong tanong niya sa akin. Napasapo na lang ako sa aking bibig at ilang beses akong napaatras mula sa kanya.


"No, you are not Rashid. You are not.." nangangatal na sabi ko sa kanya habang ilang beses akong umiiling. He can't be like that. How come a prince looking like him with so much sweetness can kill someone?


"Baby.." nang nagtangka siyang lumapit sa akin ay ilang beses akong muling humakbang paatras.


"Rashid, why? It is because of revenge? Sa tingin mo ba ay maibabalik ng paghihiganti mo ang buhay ng mommy mo? Do you think she'll be happy for that revenge of yours Rashid? Rashid, umaagaw ka ng buhay ng tao.." napahawak na lang ako sa noo ko nang bahagya akong makaramdam ng pagkahilo.

Nagmadali akong lumapit sa may upuan para makahawak dito, pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse. Nang maramdaman ko na hahakbang papalapit sa akin si Rashid ay agad akong nagsalita.


"Please, don't come near me Rashid. Please.." iniwas ko ang mga mata ko sa kanya nang makita ko na may kung anong gumuhit sa kanyang mga mata.

Pinili ni Rashid na bigyan ako ng distansya. Tumigil na lamang siya sa kanyang posisyon at dahan dahan siyang tumalikod sa akin para humarap sa puntod ng kanyang mga magulang.


"Can I continue Aurelia? I want to tell you the reason why, I want you to hear me, just tell me if you want me to stop.." hindi na lamang ako sumagot sa kanya.

I want him to stop, natatakot na ako sa mga nalalaman ko. Pero gusto kong malaman ang buong detalye kung bakit siya napasok dito. What is he then?


"Aurelia, I am hiring men for my own revenge. Nagkaisip ako na dala ang galit sa mga taong nasa likod ng pagpatay sa mommy ko. Pina imbestigahan ko ang lahat ng pangyayari hanggang sa makahanap ako ng butas at tuluyan ko nang matunton ang mga taong umagaw sa kumpleto kong pamilya..." nanatili akong nakikinig sa kanya.


"I discovered that it was not just one but there three shits planned for my mother's death. A politician and two druglords.." kagat labi lamang ako habang ilang beses nagpupunas ng aking mga luha.


"How many? How many lives Rashid? Ilang buhay na ang naipapapatay mo?" halos pumiyok na ang boses ko. Yes, masasabi ko na malaki ang kasalanan ng mga taong ito kay Rashid pero kahit balibaliktarin ang mundo ang pagpatay ay pagpatay wala ng kahit anong kahulugan ito. It is still a sin.

Buhay ang pinag uusapan dito, buhay. I am nurse, buhay ng tao ang pinaglalaban ko pero kung ang lalaking mamahalin ko ay kaiba ng aking prinsipyo anong magandang patutunguhan namin dalawa?


"They're all dead Aurelia. Those three.." malamig na sagot niya sa akin. Dito na tuluyang nanlambot ang buong pagkatao ko. Napatulala na lang ako sa likuran ng lalaking inakala kong tuluyan nang magpapasaya sa akin. I can't be happy knowing that the man I adore the most is killing lives of people.


"Masaya ka ba sa ginagawa mo Rashid? Sa tingin mo walang pamilya ang mga pinatay mo? Do you think wala silang anak na babaeng maiiwan? Walang asawa? What if they'll do the same to you? Maghiganti din sila para sa mga magulang nila? Wala nang katapusang paghihiganti Rashid. Walang katapusang patayan. Life is too precious Rashid, walang karapatan ang taong bumawi nito. You can't just kill people, you can't Rashid.." kahit hindi mismong mga kamay niya ang gumawa nito siya pa rin ang nag utos. Wala na rin itong pinagkaiba sa mga taong mismong pumapatay.


"Nagawa ko na Aurelia. I have nothing to do with it.." marahas na akong tumayo at huminga ako ng malalim.


"Sorry but I can't accept you Rashid. Hindi ko kayang magmahal ng lalaking hindi marunong tumingin ng totoong kahulugan ng buhay. Lumaki akong laging pinapaalala ni tatay na 'isa lang ang buhay ng tao' minsang mawala ito kailanman ay hindi na ito maibabalik. Nasa mundo akong buhay ang pinaglalaban pero ikaw? You are killing people. Anong mangyayari sa akin kapag bumalik sa'yo ang mga ginawa mo? Anong mangyayari sa atin? I don't want to experience that miserable days again Rashid. Ayoko nang maiwan. Hanggang kaya ko pa, kailangan ko nang lumayo. This is the right thing to do for us.." wala na akong tigil sa pagpupunas ng luha ko.

Akala ko si Rashid na tatay, akala ko si Rashid na.

Pinilit kong tumayo sa kabila nang nangangatal kong tuhod. Nagsisimula na akong humakbang nang muli siyang nagsalita.


"That's why I did stop, I am planning to kill all their accomplices. Gusto ko silang ubusing lahat pero itinigil ko 'yon nang makilala kita Aurelia. Yes, pumasok sa isip ko ang mga sinabi mo. Anong gagawin ko kung bumalik sa akin ang mga ginagawa ko? Paano kung bumalik siya sa babaeng pinahahalagahan ko? Noon wala akong kinatatakutan, I am not afraid of death. Pero nang makilala kita Aurelia, natakot na akong mamamatay. I can't just die because I have my Aurelia now. May dahilan na ako para mabuhay.." natigil ako sa paglalakad at muli akong napatitig sa kanya.


"Unti unti kong binabago ang sarili ko simula nang makilala kita Aurelia. Yes, killing is not a solution baby. Pilit ko nang ibinabaon ang paghihiganti ko. I am changing my life Aurelia, please stay with me. Don't leave me baby.." akala ko ay wala nang iluluha ang aking mga mata pero lalo itong bumuhos sa sinabi niya.

Nanatili pa rin siyang nakatalikod sa akin, lalong hindi ko kakayanin kung makikita ko ang mga mata niyang punong puno ng kalungkutan. I can't blame him for what he did, pero mali ang paraan niya ng paghihiganti. Maling mali.


"I am sorry Rashid, kailangan ko munang mag isip.." mahinang sabi ko bago ko siya tuluyang tinalikuran. Pero nakakadalawang hakbang pa lamang ako nang marinig ko ang pilit niyang pagtawa.


"I told you mom. No girl will ever love me, I am a fucking killer.." pakiramdam ko ay may kung anong humiwa sa dibdib ko nang marinig ko ang pilit na pagtawa ni Rashid.

Nakita ko na lamang ang sarili kong humahakbang pabalik sa kanya at kusa na lamang yumakap ang mga braso ko sa kanya. I am tightly hugging him from his back.


"Sa tingin mo ba ay magkakaganito ako kung wala akong pakialam sa'yo Rashid? Do you think I will cry like this if I don't care about you? Rashid naman, sabi ko mag iisip lang ako.." bakit nang sandaling marinig kong kinakausap niya ang mommy gusto ko nang tumakbo at yakapin siya ng mahigpit?

Marahan niyang kinalas ang mga braso ko sa kanya at humarap siya sa akin, umangat ang dalawa niyang kamay para punasan ang basa kong pisngi.


"I am sorry Aurelia for making you cry. I promise, I won't ever kill again. I am willing to leave everything for you baby. Just please accept me, you are now my world Aurelia.." marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.


"Rashid.." napatitig na lang ako sa kanyang mga mata.


"You're the only woman I brought here Aurelia. Ikaw lang ang kaisa isang babaeng ipinakilala ko sa mga magulang ko. Oo, inaamin ko Aurelia nakikipaglaro lang ako sa'yo noong una. I love watching your expressions when you're annoyed. You're too cute when you call me 'Kuya Rashid' which is very unusual for girls. Nasanay ako sa iba't ibang endearment ng mga babae sa akin pero ikaw tinawag mo akong kuya. Palagi akong nakakatanggap ng paglalambing sa mga babae pero ikaw sinampal mo ako..." bakit sinasabi niya ang mga bagay na ito ngayon?

Nakahawak na ang mga kamay niya sa magkabilang pisngi ko habang mariing nakatitig sa akin ang kanyang singkit na mga mata.


"You know after you slapped me with tears on your eyes? Fvck, nagkagulo na ako Aurelia. Ilang araw akong hindi nakatulog, ilang araw akong puyat. Lagi na akong uhaw, naiirita na ako kapag hindi ka agad dumadating, gusto kong patayin si Drizello at Augusto kapag tumitingin sa'yo. Gusto ko ako na lang ang itutor mo. Gusto ko ako na lang ang sinusubuan mo kaysa kay Anastacio. Gusto ko ako lang ang nilalambing mo.." hindi ko na alam ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. Halo halo na ang emosyong ibinibigay sa akin ni Rashid.

How can he confess like this in cemetery?


"Nang sandaling sampalin mo ako Aurelia, nasabi ko na lang sa sarili ko na nakilala ko na ang babaeng pwedeng umaway sa akin habang buhay.." napapahanga na ako sa'yo Rashid Amadeus Villegas. He can easily divert the atmosphere from tension to this never ending 'niaaway'


"Rashid, I told you I need to think. Hindi biro ang mga nalaman ko ngayon.." mahinang sabi ko. Nalilito na ako.


"I can wait baby.." hinawakan ko ang mga kamay niya sa pisngi ko at inalis ko na ito.


"I think we need to go.." muling sabi niya. Nanatili akong hindi gumagalaw at pinakatitigan ko siya.


"Button your shirt Rashid, please.."


"Masakit ang kamay ko Aurelia.." mahinang sabi niya na hindi ko pinaniniwalaan. Hindi na lang ako nagsalita at ako na ang nagbutones ng damit niya.

Habang abala ako sa butones niya ay ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko sa batok nang ilapit niya ang kanyang mga labi sa kanang tenga ko.


"I love you.."


"What?" mabilis akong tumingin sa kanya.


"Hindi ko uulitin.." matabang na sabi niya sa akin. Nagkibit balikat na lang ako at nauna na akong maglakad sa kanya. I heard it.


"Aurelia!" napairap na lang ako at lumingon ako sa kanya.


"Rashid naman.."


"I love you Aurelia. I love you baby.."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro