Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Chapter 22


Tulad nang gustong mangyari ni Cinderello, kasama ko siya ngayon sa supermarket. At tuwang tuwa na naman siya dito, sa katunayan ay wala siyang tigil sa pagsipol hanggang sa pagkuha namin ng basket. Siya na ang pinagbitbit ko nito nang magpumilit siya kaysa naman pagtalunan pa namin, ako lang ang sasakit ang ulo.

Baka sabihin niya na naman 'niaaway' ko na naman siya at humaba na naman ang nguso niya na parang batang hindi nabigyan ng candy. Buti sana kung maiinis na lang ako sa ginawa niyang ito. But how? Paano ako maiinis sa kanya? Cinderello is too cute to ignore, he's damn adorable para hindi pagbigyan sa kanyang gusto.

Oh god, he's not using his aggressive skills but this damn cuteness acts. Sinong babae ang hindi mahihirapang tumanggi sa kanya? Shit.


Hindi ko akalaing mabibigyan ako ng pagkakataon sa aking buhay na makakilala ng lalaking laging 'ni aapi' at 'ni aaway'

Isama pa na laging nawawalan ng sapatos, mahilig sa yakult at laging kaaway ng mga bata. Kung tutuusin sa tuwing kasama ko si Rashid para akong may kasamang 'madamdaming batang paslit' na hindi pwedeng laging ni aaway.

Napairap na lang ako nang hulihin niya ang kamay ko habang bitbit niya sa kabilang kamay niya ang basket. Pilit ko man tanggalin ang kamay ko sa kanya ay hindi niya ito bitawan.


"Seriously Rashid? Holding hands? Nasaan ka nasa luneta?" narinig ko lang naman siyang tumawa sa sinabi ko.


"What the—" natatawang sabi niya na napapailing sa akin.


"You're funny Aurelia, sa luneta lang ba pwedeng hawakan ang kamay mo?" ngising tanong niya sa akin.


"Ewan ko sa'yo Rashid.." inirapan ko na lang siya at nagsimula na akong maglakad na nauuna sa kanya kahit mahigpit niya pa rin hawak ang kamay ko. Oh my god, he's too impossible! Pati ba naman dito sa supermarket?


"Baby wait.." nagulat na lang ako nang naramdaman ko na lang ang isang braso niyang nakapulupot sa bewang ko.


"Oh my god! Rashid!" baka may makakita sa amin. Agad akong inilibot ang paningin ko, malaki ang pasasalamat ko at walang tao sa section na ito. But what about the CCTV camera?


"Rashid, ano bang ginagawa mo?" pilit kong inaalis ang braso niya sa akin. At halos manlaki ang mata ko nang ilalapit na niya ang mukha niya sa akin. Agad kong iniwas ang mukha ko sa kanya. Can't he stop for now? My god! We're in public place. Ano na lang ang sasabihin ng mga makakakita sa amin dalawa?

Tumagal siguro ng ilang segundo akong nakapikit habang pilit kong iniiwas ang aking mukha sa kanya. Nang wala naman akong nararamdaman mabilis ko nang iminulat ang aking mga mata. Hindi na nakapulupot ang braso niya sa akin pero hawak na naman niya ang kamay ko.


"What was that all about Rashid?! Papaano kung may makakita sa atin?!" iritadong sabi ko.


"Akala ko kasi napuwing ka Aurelia.." kibit balikat na sabi niya na may kasama pang pagkagat sa kanyang pang ibabang labi.

Nagpanganga na lang ako sa isinagot niya sa akin. What the hell? Bakit ako mapupuwing? Wala namang hangin at alikabok dito, bakit ako mapupuwing?! Saan niya nakuha ang sagot niyang ito? Oh my god, enough na Cinderello.

Halos sabunutan ko na ang sarili ko, hindi na yata ako makakapamili ng maayos kapag kasama ko itong si Rashid.


"Rashid, please behave. Hindi naman kita ni aaway, wag mo rin akong awayin. Please? nasa supermarket tayo.." baka sakaling makinig kapag kinausap ko siya sa kanyang paraan.


"Naglalambing lang ako Aurelia.." mahinang sabi niya na halos makapagpapadyak sa akin.


"Huwag dito Rashid. Baka pinagpipiyestahan na tayo ng mga tao sa likod ng CCTV camera.." tipid lang siyang ngumisi sa sinabi ko.


"Kahit kailan hindi ako natakot sa mga CCTV. I can always make them blind baby.." umarko ang kilay ko sa sinabi niya. Pinapatay niya ang CCTV? Siya ang may ari ng supermarket?

Napailing na lang ako sa sinabi niya at hindi ko na lang siya pinansin. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad at talagang hindi niya bitawan ang kamay ko.


"Rashid, hindi mo ba talaga ako bibitawan?" tanong ko sa kanya.


"Nurse, nilalamig ang kamay ko.." malambing na sabi niya na nagpangiwi lang naman sa akin. Mas malamig pa nga sa bahay nila kaysa dito sa supermarket ngayon.


"Masakit na ang ulo ko sa'yo Cinderello.." muli ko na lamang siyang inirapan. Hindi na ako nag abalang muling tanggalin ang kamay ko sa kanya dahil mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa akin.


"Anong bibilhin mo Aurelia?" tanong niya sa akin habang nagtitingin ako ng instant noodles.


"Kahit ano, basta makakain.." tamad na sagot ko.

Nang makakuha na ako ng instant noodles, nagpunta naman kami sa mga powdered milk.


"Gusto mo ba ng fresh milk Aurelia? I can send you everyday.." napakasosyal talaga nitong si Cinderello.


"Nah, ayos na ako sa tinitimpla Cinderello.." naglagay na rin ako ng gatas sa basket. Kumuha rin ako ng ilang pack ng icetea at chocolate drink.

Sumunod naman kami sa mga mga de lata, mabuti na lang at medyo malaki ang kinita ko sa halo halo at naibigay na rin ni Tita Tremaine ang sweldo ko kaya nakakapamili na ako.


"Kumakain ka ba ng mga de lata Cinderello?" tanong ko dito habang naglalagay ako sa basket. Tumango lang ito sa akin. Hindi ako kumbinsido.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa mga tinapay. Aabutin ko na sana ang isang loaf bread nang hindi ko agad ito makuha dahil naiwan na naman si Rashid at nang tingnan ko ito ay nakatigil lang siya at nakatingin siya sa mga beverages. To be specific, masama na ang tingin niya sa nag iisang bundle ng yakult.

Kawawa naman pala itong si Cinderello, mukhang naubusan ng supply sa kanilang bahay.


"Rashid, nahihirapan akong mamili. Let go of my hand, kuhanin mo na 'yon. Nag iisa na lang" bahagya kong itinaas ang kamay namin dalawa.


"I can't, nilalamig ako baby. Samahan mo na lang ako mamaya" ngising sabi niya sa akin. Bakit ayaw niya na lang humiwalay? Sobrang lapit na. Ilang hakbang na lang. My god.

Napansin ko na napasulyap na rin sa amin na may kunot noo si Manang na kumukuha na rin ng de lata. Damn, nakakahiya. Hinila ko na lamang si Rashid sa bilihan ng mga biscuits kung saan walang taong namimili. Mamaya na lang kami kapag wala na si Manang.


"Anong favorite mong biscuit Aurelia?" tanong niya sa akin.


"Kahit ano, basta nakakain.." sagot ko ulit sa kanya.


"Suplada mo.." natatawang sabi niya sa akin.


"Bakit naman ako magsusuplada sa'yo? Baka sabihin mo ni aaway na naman kita.." ngising sagot ko habang naghahanap ako ng masarap na biscuit.


"The CCTV can't see us here Aurelia, wag mo akong ni aaway Aurelia.." hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko kapag kasama ko itong si Rashid. Madalas naiinis ako sa baby talk niya, napapahiya, nakakasakit ng ulo pero sa huli nakikita ko na lang ang sarili kong napapangiti sa mga sinasabi niya.

Nang makita ko na ang cookies na gusto ko ay halos mapamura na lang ako nang makita kong sobrang taas nito. Bakit dito nila nilalagay sa mataas?

Tumingkayad ako para maabot ko ito, halos madiin na ang pagkakagat ko sa aking mga labi nang nasa dulo na ng daliri ko ang pack ng cookies na inaabot ko.


"You can ask for my help baby.." pakinig kong sabi ni Rashid.

Hindi ko na pinilit abutin sa pag aakalang siya na mismo ang aabot nito pero nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang dalawang kamay ni Rashid sa bewang ko. At walang kahirap hirap niya akong binuhat para maabot ang cookies na gusto ko.


"Now get it baby.." what the fvck? Bakit hindi na lang niya inabot sa akin? Nagmadali na akong kumuha ng dalawang pack para agad niya akong ibaba.

At nang sandaling makababa na ako at mailagay ko sa nakababang basket ang cookies na kinuha ko ay pinaghahampas ko na si Rashid.


"What's wrong baby? Sa lahat ng tinulungan ikaw pa ang nagagalit.." natatawang sabi niya sa akin habang sinasalag niya ang bawat hampas ko sa kanya.


"Nakakainis ka na! Nakakainis ka na Rashid. Pwede mo namang abutin sa akin! Bakit may pabuhat buhat ka pang nalalaman! God! Kanina mapupuwing daw ako, ngayon naman? Oh my god!" nagmadali akong kuhanin ang basket at mabilis na akong naglakad papalayo sa kanya.

Bakit sobrang landi nitong si Rashid? Wala siyang pinipiling lugar!


"Baby, wait!" hindi ko siya nililingon. Kahit medyo may kabigatan na ang buhat ko ay pinili kong maglakad ng mabilis. Huwag niya akong lapitan, malandi siya.


"Aure—" natigil ang pagtawag niya sa akin nang may marinig akong tumutunog na telepono.


"Fvck!" narinig ko ang malakas na mura niya. Nang lingunin ko siya ay nakatalikod na ito at mukhang may kausap na sa kanyang telepono.

Sana tumagal ng isang oras ang pakikipag usap niya sa telepono. Mamimili muna ako.

Inilipat ko sa push cart ang mga pinamili ko para itutulak ko na lang ito. Tumigil ako sa bilihan ng mga shampoo at sabon. Agad kong napansin na may isang babae na may dalawang hawak na bote ng shampoo na mukhang hindi makapagpasya sa kanyang pipiliin.


"Which do you think is better?" dahil alam kong kaming dalawa lamang ang tao dito, alam kong ako ang kausap niya.

Nang sandaling lumingon ako sa kanya ay agad nangunot ang mata ko. Have I seen her before? She's so beautiful.

Para siyang hindi Pilipina sa sobrang ganda niya o baka may lahi siya? Bakit parang pamilyar sa akin ang mukha ng isang napakagandang babaeng katulad niya? Pero sigurado akong ngayon lang kami nagkita. This is so weird. Mukha din siyang may pagkamataray.

Nakapagtataka na ang isang magandang babaeng katulad niya ay mapipiling makipag usap sa akin.


"Yung nasa kanan.." tulalang sagot niya sa akin.


"You look innocent and pure. Simply beautiful, no wonder why he's too crazy about you.." lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya. What?

Naiiling niyang ibinalik ang dalawang bote ng shampoo.


"Magkakilala ba tayo?" nagtatakang tanong ko sa kanya. She really looked familiar, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Tipid lang siyang ngumiti sa itinanong ko sa kanya.


"Huwag ka basta maniniwala kapag nakarinig ka ng 'kambyo' at 'puwing'. It's either he wanted to touch your legs or he wanted to kiss you. Typical lines of agen---" I am not dumb. She's talking about Rashid.


"Baby, where are you?" nakita ko ang pag arko ng kilay ng babae bago ito tumalikod sa akin nang marinig niya ang boses ni Rashid. Agad ko pang napansin ang paghawi niya sa kanyang mahabang buhok bago siya muling nagsalita.

Dito ko nakumpirma kung saan ko siya nakita, she's the girl from Rashid's picture frame.


"I hope he'll choose you over his job Aurelia.."



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro