Chapter 20
Chapter 20
Nang sandaling maglapat ang aming mga labi pakiramdam ko ay hindi na ako muling huminga pa. Nanatiling nakamulat ang aking mga mata sa pagkagulat. Hindi ko alam kung bakit parang nawalan na ng lakas ang buong katawan ko habang pinagmamasdan ang kanyang nakapikit na mga mata. Pahigpit na nang paghigpit ang pagkakahawak ko sa aking upuan habang marahan nang nagsisimulang gumalaw ang kanyang mga labi.
His soft lips are now moving with my trembling lips and I don't know what to do.
Bakit hindi ko siya magawang itulak? Bakit nanatili lang akong nakatigil at walang ginagawa? Hindi ba dapat ay umiwas ako? What is happening to me?
Parang may kung anong mayroon sa kanyang napakalambot na labi na siyang nagpipigil sa akin para umiwas sa kanyang mga halik o tama bang aminin ko na lang sa aking sarili kung anong totoo?
Should accept the realization? That my whole system is giving in to him, giving in to this real life prince. Yes, he did kiss me before at the back of my hand with the same position. But the feeling is damn different. Nag uumapaw na ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
The fast beating of my heart, the intense heat all over my face and the warm happiness all over soul. This feeling is so overwhelming, na halos hindi ko na maipaliwanag ng maayos.
I was about to close my eyes when I heard Anastacio's complaints about Cinderello's hands on his eyes.
Akala ko ay tuluyan na niyang pakakawalan ang aking mga labi nang hagipin nang isang kamay niya ang aking kanang kamay para ikawit ko ito sa kanyang batok. Halos manlaki ang mga mata ko sa ginawa niya, how about Anastacio's eyes?
Pinilit kong iiwas ang aking mga labi sa kanya dahilan kung bakit maramdaman na lang ng aking pisngi ang dulo ng matangos niyang ilong. Nang sulyapan ko si Anastacio ay nakasandal na ang ulo nito sa sandalan ng upuan habang ang isang kamay ni Cinderello ang nakatakip sa mga mata nito. Oh god! He's good at multi tasking.
"Aurelia, nabitin ako.." bulong niya sa akin. Nanatili pa rin siyang nakayuko sa akin at hindi niya inabalang alisin ang nakalapat niyang matangos na ilong sa aking pisngi. Ilang beses niya pa itong ginagalaw para makiliti ang pisngi ko. Oh my god Rashid Amadeus Villegas!
Pakiramdam ko ay punong puno na ako ng pawis sa ginagawa niya.
"What's with this kuya Rashid?" nakahawak na ang mga kamay ni Anastacio sa kamay ni Rashid.
"Count from one to fifteen Anastacio, kuya has a surprise.." sinasabi lang naman ito ni Cinderello habang nakatitig sa akin.
"Wow!" tuwang tuwang sabi ni Anastacio.
"Rashid!" pag alma ko. Ngumisi lang siya sa akin bago niya inilagay ang hintuturo niya sa unahan ng labi niya para iparating sa akin na huwag akong maingay.
"Enough Rashid..." bulong ko sa kanya.
"Hmm, isa pa.." malambing na sabi niya na parang batang inapi na naman.
"One!" malakas na bilang ni Anastacio.
"Rashid.." iniwas ko na ang labi ko nang muli siyang magtangkang humalik sa akin.
"Baby, isa pa.." sa pisngi ko na lamang tumatama ang mga labi niya.
"Two!" muling bilang ni Anastacio.
"Maririnig ka ni Anastacio.." bulungan na lang kami na lang isa't isa.
"Aurelia, baby..." 'yan na naman ang 'baby' niya.
"Three!"
"Nurse..nurse Aurelia.." palambing na nang palambing ang boses niya na halos magpatindig ng balahibo ko. Napapairap na lang ako sa nangyayari. I should slap him dahil ninakawan niya ako ng halik. Pero ano itong ginagawa ko? I am damn flirting with him with an innocent kid beside me!
"Four!"
"Rashid, I said enough.." umiling lang siya sa akin. Umangat ang isa niyang kamay sa aking mukha at dahan dahang lumapat ang ilang daliri nito papalapit sa aking mga mata para unti unti itong pumikit.
"Five!"
"Ten seconds left.." ito na lang ang huli niyang ibinulong sa akin bago niya muling angkinin ang aking mga labi.
Tulad nang nangyari kanina, I never tried kissing him back. Sa halip ay pinakiramdaman ko na lang ang paraan ng kanyang paghalik.
He's so gentle. Bawat galaw ng mga labi niya ay parang sinusuyo ako, ang paraan ng paghalik niya ay parang naglalambing lamang. Not too intense, not rough and not even harsh gaya ng mga napapanuod kong halikan sa mga palabas. He is kissing me lightly. Magaang halik na kasalukuyang tumutunaw sa aking puso.
"Fifteen!" nang marinig namin ang huling bilang ni Anastacio ay mabilis siyang nagtuwid ng pagkakatayo.
Para na akong natauhan at halos magmadali akong magpunta sa pinakadulo ng mahabang upuan para lamang dumistansya ka sa kanya. We kissed twice! O
"Bulag na ako, labo na ng mata ko.." napangisi na lang ako kay Anastacio na mukhang madiin pa yatang nahawakan ni Cinderello sa kanyang mata.
"Here's your price, good boy Anastacio!" nang silipin ko sila ni Anastacio ay kasalukuyan nang ginugulo ni Cinderello ang buhok nito.
"What about Ate Aurelia? You won't give her kisses too?" halos magkulay kamatis na naman ang mukha ko sa tanong ni Anastacio. Binigyan lang naman ni Cinderello si Anastacio ng apat na chocolate kisses. Saan nanggaling ang mga chocolate na 'yan? Bakit parang laging may chocolate na dala itong si Cinderello?
Kagat labing lumingon sa akin si Cinderello habang nakahawak siya sa sandalan ng upuan namin ni Anastacio.
"Nurse tutor, do you want kisses? I still have some.." ngising tanong niya sa akin. Nag iwas na lang ako ng tingin sa kanila ni Anastacio.
Anong ginagawa mo sa akin Rashid? Mababaliw na yata ako.
"She's so red! Ate Aurelia, do you have fever?" ramdam ko na lumapit sa akin si Anastacio pero mukhang ito na naman si Rashid. Ayoko na.
Mabilis niyang nahawakan ang magkabilang pisngi ko at bahagya niya akong pinatingala at pinaglapat niya ang mga noo namin sa isa't isa. We're in opposite position.
"Anastacio, may fever nga si nurse tutor. Should I carry her to your bed? Aalagaan natin siya, we are now her doctors" lalo yata akong lalagnatin kung si Rashid ang magiging doktor ko. Kung ano anong sakit na lang siguro ang biglang tutubo sa akin.
Pinaghahampas ko na ang mga kamay ni Rashid na nakahawak sa akin. At marahas na akong tumayo.
"Tama na Rashid! Lumabas ka na" pinagtutulakan ko na si Rashid Cinderello sobrang landi Amadeus Villegas.
Tawa na lang siya nang tawa habang pinagtutulakan ko siya palabas.
"Turuan mo nang maayos si Anastacio nurse ko. Ihahatid kita pauwi.." nagawa pa niyang kumindat sa akin bago ko tuluyang nasarado ang pintuan.
Halos napansandal na lang ako sa likuran ng pintuan at unti unti na lang nanghina ang mga tuhod ko.
What the hell is wrong with that real life prince? Halos sabunutan ko na lang ang sarili ko at napasubsob na lang ako sa aking mga tuhod.
One of these days, hindi na ako magtataka kung bigla na lang sasabog itong dibdib ko dahil sa lakas ng pagkabog ng puso ko sa tuwing lalapit, magsasalita at hahawakan niya ako. His every act is so heart melting.
"Ate Aurelia?" natauhan ako nang tawagan ako ni Anastacio. Kaya pinilit ko na lamang ang sarili kong alisin sa isipan ko si Cinderello kahit bawat segundo ay lumalabas ang imahe niyang nakapikit habang magkapat ang aming mga labi.
Ilang beses ko pang nahuhuli ang sarili kong nakahawak sa aking mga labi. Rashid was not my first kiss at pinaghihinayangan ko ito. I've been kissed before at halos isumpa ko ang araw na 'yon. Hinding hindi ko mapapatawad ang lalaking nagnakaw ng sapatos ko at nagnakaw ng unang halik ko.
Nang gabing 'yon tatlong mahahalagang bagay ang nawala sa akin, my first kiss, my shoes and my beloved father at kahit kailan hinding hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon. I will definitely hate him for life, hinding hindi ko siya mapapatawad.
Agad kong ipinilig ang sarili ko. Hindi ko na dapat inaalala pa ang kamuhi muhing lalaking 'yon. If I could just saw his face back then, makikilala ko ang lalaking isusumpa ko. Oh god, stop it Aurelia. Masisira lang ang araw mo.
Dahil ayoko munang lumabas ng kwarto ni Anastacio ay mas pinatagal ko ang pagtuturo sa kanya at umabot kami ng tatlong oras na halos antukin na si Anastacio sa pinapagawa ko.
"Ate Aurelia, I am so hungry and sleepy.." naawa naman ako kay Anastacio dahil sa sinabi niya.
"Alright, I think we're done for today. Nice job Anastacio.." hinalikan ko siya sa kanyang noo.
Hawak kamay kami ni Anastacio pabalas ng kwarto at nang makarating kami sa sala ay prenteng naghihintay na sa amin si Cinderello na tamad na naglilipat ng channel habang umiinom na naman ng yakult.
"Parang ang tagal nyo yata.." nakanguso sabi niya. Lumabas ng kusina si Tita Tremaine na mukhang nagbake na naman ng cookies, don't tell me kanina pa siyang nagluluto?
"Magmeryenda ka muna bago ka umuwi Aurelia. Ihahatid ka din naman ni Rashid pauwi.." hindi na ako nakapagsalita sa sinabi ni Tita Tremaine. Sabay na kaming pumunta ni Anastacio sa kusina at malaki ang pasasalamat ko at hindi na sumunod si Rashid, abala sa pag inom ng yakult.
Habang kumakain kami ni Anastacio ay bigla na lang nagtanong si Tita Tremaine na ikinabigla ko.
"Nililigawan ka ba ni Rashid hija?" halos masamid ako sa tanong ni Tita.
"Ano po, ano...ano po. Hindi ko po alam.." nahihiyang sabi ko. Natawa lang sa akin si Tita Tremaine sa sinabi ko.
"Napapansin ko ang ilang pagbabago ni Rashid simula nang dumating ka dito hija. Salamat kung anuman ang ginawa mo Aurelia, malaking tulong na 'yon para maiwasan ang madalas na pagtatalo dito sa bahay.." ngiting sabi sa akin ni Tita Tremaine.
Ano ba ang ginawa ko kay Rashid? Pilit kong inalala ang mga unang araw na nagkakilala kami. At napakagat labi na lang ako nang matandaan kong sinampal ko nga pala si Cinderello ng sobrang lakas nang awayin niya si Anastacio, sabay pa kaming umiyak noon ni Anastacio.
"Wala naman po akong masyadong gina—" hindi na natuloy ang sasabihin ko nang marinig ko ang boses ni Cinderello.
"Let's go Aurelia.." nagpaalam na ako kay Tita Tremaine at Anastacio bago ako sumunod kay Cinderello.
Nauna na akong maglakad kay Cinderello, ayokong sumabay sa kanya. Ramdam ko na binilisan niya rin maglakad para maabutan ako kaya halos lakad takbo ako, masyado na naman kaming malayo sa kusina para makita ni Tita.
"Baby.." lalo kong binilisan ang paglalakad. Nagmadali na rin ako sa pagsasapatos para hindi niya ako maabot pero napasinghap na lang ako nang hapitin niya ang bewang ko mula sa likuran.
At nanlaki na naman ang mga mata ko nang nagsimula na namang bumaba ang mukha niya sa akin. Halos iiwas ko ang mukha ko sa kanya sa pag aakalang hahalikan niya akong muli pero nang maramdaman kong wala naman siyang balak halikan ako ay dahan dahan ko siyang sinulyapan.
Damn, I can see a piece of chocolate on his mouth.
"Release me Rashid.." umiling lang siya sa akin at pilit niyang ibinibigay sa akin ang maliit na chocolate na tangay niya.
Kinakabahan na ako, baka makita kami ni Tita Tremaine sa mga pinaggagawa nitong si Rashid.
"Rashid naman.." mahinang sabi ko. Kahit may tangay siyang chocolate ay kitang kita pa rin ang pagngisi niya. Alam kong hindi niya ako bibitawan kapag hindi ko kinuha ang chocolate.
Kaya sa nagwawala kong dibdib at unti unti kong inalapit ang mga labi ko para kuhanin sa kanya ang chocolate. Sinadya pa niyang saglit na maglapat ang aming mga labi. Damn Cinderello!
"Is it sweet?" ngising tanong niya sa akin. Binitawan na niya ako.
"Yes, it is sweet.." sagot ko na lang sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin nang malapad.
Nauna na siyang maglakad sa akin. Pero agad din siyang nagsalita na hindi na nag abala pang lumingon sa akin pabalik.
"But your lips are the sweetest baby.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro