Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Chapter 17


Kapwa nakatitig na sa akin ngayon si Cinderello at Bello. Cinderello na mukhang 'confident' sa isasagot ko at si Bello na biglang naging seryoso. Habang si KC naman ay inosente nang kumakain ng kanyang halo halo.

Gustong gusto ko nang tapunan si Cinderello ng halo halo, ang lakas ng loob niyang maging 'confident' alam niya ba ang isasagot ko? Baka akala niya hindi ko nakakalimutan ang sinabi nitong si Bello? Tinuhog daw niya ang kapatid at pinsan nito.


"My baby? Ofcourse, it will always be Anastacio.." sabay umawang ang bibig nilang dalawa pero mas hindi ko maipinta ang hitsura ni Cinderello na mukhang nabigo yata sa inaasahan niyang maririnig. Sa katunayan ay nawala na siya sa maangas niyang pagkakasandal sa kanyang upuan.

Bakit ko naman siya magiging 'baby' kung naging baby na siya ng pinsan at kapatid ni Bello? Inis na inis ako, hindi ko kayang isipin kung papaano siya magbaby talk sa mga nakaraan niyang babae. Kaya siguro masyado akong nadadala dahil sanay na sanay na siyang maglambing ng ganito sa iba't ibang babae.

Sana mawalan ulit siya ng sapatos!


"Who's Anastacio? Akala ko ba ako lang ang nanliligaw sa'yo Aurelia?" inirapan ko na rin si Bello bago ako tumayo. May dumadating na akong bagong customer, malaki silang mga abala.


"Aurelia.." narinig kong tawag ni Cinderello na muling nagpairap sa akin. Sana mawalan siya ng sapatos.


"Kapag nakatapos ka nang kumain, umalis ka na Bello. May customer pa akong uupo sa pwesto mo. At ikaw Cinderello umuwi ka na, kanina ka pang tapos kumain..." kita ko ang pagkunot ng noo ni Bello nang tawagin kong Cinderello si Rashid.


"Aurelia, ni aaway mo na naman ako.." ako naman ang nangunot ang noo sa narinig ko. Maging si Bello ay umasim ang mukha nang marinig itong sinabi ni Cinderello habang ang batang si KC ay napatigil sa pagsubo.


"What the fvck?" narinig ko ang mura ni Bello.


"Bahala kayo sa mga buhay nyo.." nagdiretso na ako sa may lamesa at nag entertain na ako ng dalawang magtatrabaho na bumili ng halo halo. Hindi din nagtagal ay nagsunod sunod na ang bumibili.

Nahihirapan na akong magkaskas ng yelo, wala naman kasi akong awtomatik dahil wala akong pambili.


"Let me!" halos sabay humawak sa kamay ko ang mga kamay ni Bello at Cinderello. Bakit hindi pa umaalis ang dalawang ito?


"Ako na.." matigas na sabi ko.


"Magtakal ka na lang Aurelia" mabilis na sabi ni Bello.


"Bahala kayo" mas mapapabilis kapag may nagkakaskas na ng yelo para sa akin. Hindi na ako makikipagtalo pa.


"Ako na" seryosong sabi ni Cinderello.


"Ako ang nauna" sagot sa kanya ni Bello.


"Okay, no problem. Ikaw na. I'll just serve it to your customer Aurelia. Kailangan ay mas magandang lalaki ang magdadala ng order.." napapailing na lang ako sa kanilang dalawa.

Hindi ko akalain na magkakaroon pa ako ng dalawang 'boy' sa pagtitinda ko ng halo halo. At masasabi kong napakakisig ni Cinderello para magserve ng halo halo. Mukhang mas mahal pa nga ang suot niyang tshirt sa kikitain ko sa pagtitinda ng halo halo buong araw.

Ang mga kadalagahan kong mga kapitbahay ay biglang nawiling kumain ng halo halo, sa pagkakatanda ko ay hindi sila masyadong nalabas ng bahay.


"Aurelia's halo halo at your service.." nakita ko pa ang pagkindat ni Cinderello sa mga customer ko. Nakakarami na ako ng kinikita.


"Dash!" napalingon na lang kami sa kung sinong tumawag sa pangalan ni Bello.


"Bakit?" tanong nito sa kapwa niya topless na lalaki. Katulad niya rin ito na parang gagaling sa laro ng basketball.


"Kanina ka pa naming hinahanap, magsisimula na ang laro.."


"I can't, hindi na ako sasali. May ginagawa pa ako.." sagot niya. Mabilis kong inagaw sa kanya ang pangkaskas ng yelo. Hindi naman niya ito trabaho.


"Go, hindi ba at may pustahan dyan? Mabuti ka okay lang na may mawaldas na pera sa'yo. What about them? Hindi sila mayaman katulad mo. Go.." pagtataboy ko sa kanya. Naramdaman ko na lang na umakbay sa balikat ko Cinderello na pilit kong tinatanggal.


"Go, go Bello. Ako na bahala dito.." tamad na sabi ni Rashid na may kasama pang pagkumpas ng kanyang kamay.


"Hindi, dito lang ako. Babayaran ko na lang kayo.." sagot ni Bello sa lalaking sumusundo sa kanya.

Lalapit na sana sa amin si Bello nang mabilis akong itinago ni Cinderello sa likuran niya.


"Aurelia is mine. Magbasketball ka na lang, para hindi ka na masaktan dito.." pakinig ko ang pagmumura ni Bello habang ang lalaking sumusundo niya ay mukhang nalilito na sa nangyayari.

Napangiwi na lang ako sa pinagsasabi nitong si Cinderello na mahigpit pa rin ang hawak sa akin. Ano na naman ba ang nangyayari?


"Bello just go, sumali ka na sa kanila. Panindigan mo, makisama ka sa mga tao dito.." napansin ko na hinawakan na siya sa balikat ng sumusundo sa kanya.


"Alright, I'll be back.." tumango na lang ako para walang gulo pero agad lumingon sa akin si Cinderello na may kunot na noo.

Nang makaalis na si Bello ay marahas kong hinila ang kamay ko sa kanya.


"Huwag mo akong hawakan, makasalanang prinsipe ng sapatos.." muli na namang umawang ang bibig niya sa sinabi ko.


"What the hell is that 'prinsipe ng sapatos'?" nakangiwing tanong niya.


"AURELIA! May poging player sa court!" sabay kaming muling napalingon ni Cinderello sa kaibigan kong may napakalakas na boses. Posibleng si Bello ang sinasabi niya. Pero mas lalo yata siyang natulala nang mas malapitan niyang mapagmasdan si Cinderello na nasa harapan niya.


"Bakit ang dami nila ngayon Aurelia?" sinilip niya ako sa likuran ni Cinderello. Pinaggigitnaan namin siyang dalawa.


"Hindi ko din alam.." tamad na sagot ko.


"Kulang ng isang player ang kabilang grupo, naghahanap ako ng isa.."


"Cinderello, sumali ka na lang rin. Ginugulo mo lang ako dito.." walang buhay na sabi ko.


"Kakampi ko si Bello?" tanong niya sa kaibigan ko.


"Sinong Bello?" sa akin nagtatanong si Ana.


"Yong bago sa mata mo.." sagot ko na lang.


"Ah, 'yong gwapo rin. Hindi, magkalaban ang grupo niyo.."


"Good then, kapag nanalo ang grupo namin Aurelia. Tatawagin mo na akong 'baby' okay?" halos ibato ko na ang basahan sa mukha nitong si Cinderello.


"Bakit naman kita tatawaging 'baby'!?" iritadong sabi ko. Kitang kita ko ang pangisi ni Ana sa narinig niya.


"Okay hindi na lang ako sasali, bahala na silang hindi matuloy.." naupo na si Cinderello sa isang sulok. Anong pakialam ko?!


"Aurelia, pumayag ka na. Kailangang matuloy ito, kasi may ilang dumayo pa para mapanuod ang mga laro nila. Sayang naman ang mga pamasahe nila kung hindi matutuloy ang laro, alam mong may mga pustahan din dito. Maging ako may pusta.." pabulong ang ginawa niya sa huli niyang sinabi. Bakit biglang naging nakasalalay sa akin kung matutuloy o hindi ang larong 'yon?

Halos mapapadyak na lang ako bago lumingon kay Cinderello na nakangising hinihintay ang sagot ko.


"Fine! Go there! Sana matalo ang grupo nyo.." mabilis akong kinurot ni Ana.


"Aurelia, sa kanila ako nakapusta. Baliw ka talaga.."


"Saan ang court?" tanong niya sa kaibigan ko.


"Dumiretso ka lang tapos kumanan, kapag maingay na mapapansin mo na agad kung saan. May nakaabang na sa'yo don.." paliwanag ni Ana. Tumango na lang ito at kumindat pa siya sa akin bago ito umalis.

Anong isusuot niyang pang basketball? Pwede ba ang suot niyang 'yon?


"Manuod tayo Aurelia.."


"I can't, may tinda ako.."


"Pabantayan mo na muna kay Mama, besides Aurelia wala ka ng yelo. Ano pa isasama mo sa halo halo mo?" napasapo na lang ako sa aking noo nang tingnan kong wala na nga akong yelo. Damn, bakit kasi ang liit ng yelong binili ko.


"So let's go.." wala na akong pinagpilian. Sinabi ni Ana sa kanyang Mama na si Aling Carmen na bantayan muna ang mga ingredients ko habang wala ako.


"Mabilis lang tayo, okay?"


"Oo naman, mabilis lang 'yon.."

Malakas na ang sigawan nang makapasok kami sa pinagkaitang court ng barangay namin. Masasabi pa ba talaga itong court? Wala naman kasing bubong at mukhang masisirang basketball ring lang naman ang meron dito.

Walang sahig kundi punong puno ng pinong alikabok. Sa halip na mga nakarubber shoes at nakajersey ang mga manlalaro ay mga nakatopless ang mga ito at tapak. Sobrang init din na halos maghalo halo na nakakasunog ng balat. Sobrang dami na rin tao at alam ko ay karamihan ay may kani kanilang pustahan. Sa tagal ko sa barangay na ito hindi ko pa nararanasang manuod ng laro at mukhang hindi ko na gugustuhin pang umulit pa.


"Don't worry Aurelia, I have umbrella.." binuksan ni Ana ang isang malaking payong para sa aming dalawa.

Hinahanap ng mga mata ko kung nasaan si Cinderello, anak mayaman 'yon. Papaano siya makakapagtapak? Baka masunog pa ang maganda niyang kutis dahil sa tindi ng araw.

Kasalukuyan nang dinidiligan ang maalikabok na lupa, paano nga naman makakatakbo ang mga manlalaro kung mainit ang lupa?


Muli kong inabala ang mga mata ko sa paggala sa paligid. Nasaan na ang Cinderello na 'yon? Kahit si Bello ay hindi ko pa makita. Don't tell me may mga coach pa dito?

Napadaing na lang ako sa sakit nang maramdaman kong kinurot ako sa tagiliran ko ni Ana.


"Ana!" iritadong sita ko sa kanya.


"Papalapit na ang papable mo.." nang lumingon ako sa bandang kaliwa ay halos matulala na lang ako sa lalaking naglalakad papunta sa direksyon namin.

Rashid Cinderello Amadeus Villegas topless with deep sunlight. Hindi ko alam kung bakit tumaas ang mga mata ko mula sa maganda niyang katawan papunta sa gumagalaw niyang adams apple hanggang sa kanyang mapupulang labi na may tangay na straw.

I didn't expect that drinking Zesto can be this sexy. Pakiramdam ko ay bigla akong nauhaw. Wala sa sarili kong pinaypaypayan ang aking sarili gamit ang kamay ko. Anong ginagawa nitong si Cinderello? Bakit simpleng pag inom lang niya ng Zesto ay nagmumukha na siyang nagcocommercial?


"Hold this Aurelia, may nakalimutan ako.." agad akong kinabahan sa sinabi ni Ana. No! no!

Ilang beses akong umiling sa kanya pero wala na akong nagawa. Bigla na lang ito nawala sa tabi ko. Napapakagat labi na lang ako habang nararamdaman kong papalapit na nang papalapit sa akin si Cinderello.

Patay malisya ako nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin, tangay pa rin ang kanyang iniinom na Zesto.


"Pasukob Aurelia, ang init pala dito.." reklamo niya. Bahagya siyang yumuko dahil mababa ang pagkakahawak ko ng payong. Dahil mabait naman ako ay tinaasan ko na ang hawak ko sa payong para hindi siya yumuko.


"Baka mangalay ka.." simpleng sabi niya. Napapamura na lang ako, bakit hindi pa nagsisimula ang laban?!


"Nasaan ang yakult mo?" tanong ko na lamang na pilit ginagawang natural ang boses ko.


"Wala silang tinda. Do you want?" inaabot niya sa akin ang zesto na tangay lang naman niya kanina.


"Ayoko.." sagot ko.


"Nauuhaw ka.." mas itinapat niya pa sa labi ko kaya bahagya akong napaatras.


"Ayoko nga sabi.."


"Uuwi na ako, hindi na ako sasali.." seryosong sabi niya. Napatingin na lang ako sa dami ng tao na umaasa sa kani kanilang pustahan. Oh god! Bakit wala na silang ibang reserbang player?! Bakit ang nagkakaproblema dito?

Iritado kong aagawin na sana ang zesto nang iiwas niya ito sa akin.


"Ako ang maghahawak, now drink baby.." inirapan ko muna siya bago ako uminom sa straw niya. God! Masyado na akong naiisahan nitong si Cinderello.


"Wait, huwag mo akong ubusan.." nang bitawan ng labi ko ang straw ay kaswal na kaswal lang naman niyang ibinalik sa labi niya ito. He's too impossible!


"Isa pa Aurelia.."


"Ayoko na Rashid.."


"Come on Aurelia, umaasa na nga lang ako sa indirect kiss..." napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Ano ba talaga ang malaking problema nitong si Cinderello?!


"Rashid!" pakinig ko ang tawag ng mga kagrupo niya.


"Hindi na ako pupunta sa kanila.." nakataas pa ang kilay niya sa akin. Napapakagat labi na lang ako, pinaglalaruan na niya ako.


"Rashid, ni aaway mo lang ako.."


"I am not.." ngising sagot niya habang nilalapit na naman niya sa akin ang zesto niya.


"Rashid!" sigaw ulit ng mga kasama niya. Hinihintay na talaga siya!


"Wait!" sigaw niya pabalik sa mga ito.


"Give me.." mas lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang Zesto habang umiinom ako. Nakailang irap ako habang nakangisi siya sa akin.


"Enough baby.." inubos niya ang natirang Zesto.


"Now go! Matalo ka sana.." ngumuso lang siya sa akin.

Akala ko ay tatakbo na siya papunta sa mga kagrupo niya nang magulat na lang ako nang agawin niya ang payong sa akin at nagawa niyang iharang ito sa harap ng mga matang nanunuod sa amin.

Hindi na ako nakagalaw nang lumapat ang labi niya sa gilid ng aking mga labi. Pakiramdam ko ay may kung anong kuryenteng bigla na lamang tumama sa akin. Why are you always like this Rashid? Ang puso ko, hindi na naman kumakalma.


"Ra...shid!" nanlalaking matang tawag ko sa pangalan niya. Kagat labi siyang nakangisi sa akin.


"Hmm, lasang zesto. Mas masarap pa sa yakult.."



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro