Chapter 16
Nagkunwari na lamang akong nagbabasa ng libro habang paminsan minsan akong sumusulyap kay Cinderello na kumakain ng halo halo. Pinili kong umupo na sa may kalayuan sa kanya dahil alam ko sa sarili kong walang magandang mangyayari kung hahayaan kong abot kamay niya ako.
Ilang beses pa niyang sinabi sa akin na kung pwedeng subuan ko na lang daw siya, punasan ko daw ang gilid ng labi niya at maraming beses niya rin akong gustong subuan. Oh my god, para siyang kuting na gusto laging hinahaplos ng amo.
Ano na lang ang iisipin ng mga dadating na customer kapag nakita nila ang ginagawa namin ni Cinderello? Oh god, he almost kissed me. Mali, nahalikan niya na pala ako. Ang lakas ng loob niyang manghalik at mangyakap ng babae sa harap ng isang tindahan.
Kung titingnan parang napaka inosente niyang lalaki ngayon, cool at talagang titilian ng mga babae. Hinding hindi maiisip ng kahit sino na ang gwapong chinitong kumakain ng halo halo ngayon ay mahilig mag baby talk at gusto laging ni bi-baby. Napapakagat labi na lang ako sa likod ng librong hawak ko.
Nahuhulog na yata ako.
Hindi ko na mainitindihan ang librong binabasa ko dahil hindi ko mapigilang hindi sumulyap ng sumulyap sa kanya. Nang lumipad ang paningin niya sa akin ay mabilis kong itinaas ang librong hawak ko. Alam kong nahuli niya akong sumusulyap sa kanya. Narinig ko lang naman siyang sumipol.
Nagtataka na talaga ako kung bakit wala nang dumating na customer, mukhang malulugi pa yata ako sa unang araw ko ng pagtitinda. Simula nang dumating itong si Cinderello, hindi na nasundan pa ang aking mga customer. Kahit si Aling Carmen ay hindi na bumalik sa tindahan, walang nabili at wala man lang nadaan.
Solo namin ni Cinderello ang isa't isa.
"Aurelia.." hindi ko tinatanggal ang libro ko.
"Aurelia, let's talk. I won't flirt with you, I promise.." dahan dahan kong ibinaba ang libro ko.
"No touch?" paninigurado ko.
"I can't promise that.." ngising sagot niya sa akin. Pansin kong ubos na ang halo halo niya.
"Dito na lang ako Cinderello, nakakarami ka na.." pasimple ko siyang inirapan na siyang ikinatawa niya.
"Alright, no touch for 15 minutes.." napanganga na lang ako sa sinabi niya.
"Bakit may oras pa? Hindi ba pwedeng itigil mo muna ang kamay mo Rashid, you're so touchy.." muli na naman siyang tumawa sa sinabi ko. Baka mamaya yapusin niya na naman ako bigla. Ayaw ko na, masyado na siyang nakakatunaw.
"I am not touchy yet Aurelia. Iba 'yon.." ngising sagot niya sa akin. Hindi pa siya touchy sa pinaggagagawa niya sa akin?
"I'll stay here, makikinig ako sa sasabihin mo.." madiing sabi ko.
"Alright, should I go there?" agad akong naalarma lalo na nang marinig kong nabuksan ang pintuan ng tindahan. Bumalik na si Aling Carmen, baka marinig niya ang magiging usapan namin ni Cinderello.
"Ako na!" tumayo na ako at nagsimula na akong lumapit sa hindi kalakihang lamesa kung saan naghihintay si Cinderello na nakangising nakapangalumbaba sa akin. Naupo na rin ako sa upuang kaharap niya.
"What is it? Hindi ka pa ba uuwi?" nakakain na siya ng halo halo.
"About that E---" hindi na natuloy ni Cinderello ang sasabihin niya nang sabay kaming napalingon sa bagong dating kong customer.
My new neighbour, Bello exposing his six pack abs with sweat all over his body. May hawak siyang bola ng basketball, mukhang kakagaling lang niya sa malapit na court.
"Pretty Aurelia! Pabili naman ako ng halo ha—" ang malapad niyang ngiti na dapat bubungad sa akin ay unti unting nawala nang mapansin niya si Cinderello na katabi ko lang naman.
"Mainit na ang ulo ko.." matabang na sabi ni Cinderello.
"Anong ginawa mo dito?" hindi siya sinagot ni Cinderello sa halip ay nakatitig lang ito sa akin na may matang nagtatanong.
"Aurelia, pinagtataksilan mo na agad ako.." ngusong sabi ni Cinderello. Pero mabilis nabago ang ekspresyon niya nang lumapit pa mismo sa amin si Bello.
"Day off mo ngayon, hindi ba Aurelia? Bakit sinusundan ka pa rin niya dito? Sobra na naman yata, hindi na ito oras ng trabaho niya. Besides, ikaw ba ang tinuturuan niya?" matigas na sabi ni Bello na nasa tagiliran ko na. Napansin ko na nangunot ang noo ni Cinderello dahil sa dami ng nalalaman ni Bello.
Damn, mahirap pa man din kapag uminit ang ulo nitong si Cinderello. Tumayo na ito sa kanyang maangas na paraan.
"I am her suitor, what's your damn problem kid?" malamig na sabi ni Cinderello. Kid? Mukhang magkasing edad lang naman sila ni Bello. Lakas maka 'kid' ni Cinderello.
"Kid?" natatawang sabi ni Bello.
Mas lumapit pa ito kay Cinderello at mukhang nagsusukatan na sila ng tingin, halos magkasing tangkad din silang dalawa. Pero ngayong nakita ko na rin ang katawan ni Bello, masasabi kong higit pa rin lamang ang katawan ni Cinderello. Nagpakalunod yata sa gym si Cinderello kaya sobrang ganda ng katawan.
"Yes, you're just a kid. Know your superior.." maawtoridad na sabi ni Cinderello.
"Bakit ilang taon ka na ba Villegas? Huwag mo akong minamaliit.." iritadong sabi ni Bello.
"Oh, mukhang sikat din pala ako sa mga lalaki. Posibleng isa ka sa mga umiidolo sa akin. I am 21, by the way.." sarkastikong humalakhak si Bello sa sagot ni Cinderello.
"Nagkakalokohan ba tayo? isang taon lang ang tanda mo sa akin lolo. Paanong hindi kita makikilala? Nilandi mo lang naman ang pinsan at kapatid ko! Tinuhog mo! " marahas siyang itinulak ni Bello na bahagyang nakapagpaatras sa kanya na may nanlalaking mata. Agad siyang lumingon sa akin pero mabilis kong inilihis ang mga mata ko. Malandi!
Bigla na naman yatang tumaas ang presyon ng dugo ko sa huling sinabi ni Bello. Bakit umabot sa Beauty and the beast ang kalandian nitong si Cinderello?
"Huwag kayong gagawa ng gulo sa harap ng tindahan ni Aling Carmen, lumipat kayong dalawa ng lugar" malamig na sabi ko.
"No, it was not like that Aurelia. He's lying.." nagpapanic na sabi ni Cinderello sa akin habang naglalakad na ako papalapit sa upuan ko kanina. Ramdam kong hinabol niya ako hanggang sa hulihin niya ang kamay ko.
Kita kong nakasilip na si Aling Carmen mula sa tindahan. Pilit kong kinalas ang kamay niya sa akin pero hindi ko matanggal.
"Why are you explaining? Ano mo ba ako? Bitawan mo ako Rashid.." nakalapit na sabi amin si Bello at siya ang nagtanggal ng kamay ni Cinderello sa akin.
"Leave her alone.." matigas na sabi nito.
"Shut the fvck up, you dumb shit liar" hinawakan ni Cinderello ang isa kong kamay. Nahihiya na ako sa sitwasyon naming tatlo.
"Bitawan nyo akong dalawa.." seryosong sabi ko.
"Bitawan mo daw.." mabilis na sabi ni Bello.
"I can kill you.." sagot sa kanya ni Cinderello.
"What's going on here?" sabay sabay kaming napalingon lahat sa maliit na boses ng batang babae. Ang matalino kong kapitbahay na kung magsalita ay parang matanda na.
May tangay itong lollipop habang pinagmamasdan ang drama naming tatlo. Tinanggal niya ang lollipop sa bibig niya at magkasunod niyang itinuro si Cinderello at Bello gamit ito.
"Who are there goons Aurelia? I will buy halo halo.." hindi ko maiwasang hindi mapangisi sa sinabi ng batang babae.
"Goons, how I hate kids.." pakinig kong bulong ni Cinderello.
"I am your neighbor baby girl.." mabilis na sagot ni Bello.
"I am not a baby anymore. Dalaga na ako.." tumaas ang kilay ko at nakangisi akong lumingon kay Cinderello.
"Mabuti pa ang bata, hindi na baby.." marahas kong hinila sa kanila ang mga kamay ko.
"Entertain my customer. Baka matuwa pa ako sa inyong dalawa" tinalikuran ko na silang tatlo pero rinig kong nag aagawan na sila sa atensyon ng batang babae.
Mabilis akong nagtakal sa dalawang baso para kay Bello at sa batang babae. Nakikinig rin ako sa usapan nila, nagpakilalang kapitbahay si Bello habang tipid lang nagpakilala si Cinderello. Madaldal at mataray ang batang 'yon kaya alam kong mahihirapan silang hulihin ang loob nito.
Nang matapos na ako ay bumalik na ako sa lamesa, nasa magkabila niya si Cinderello at Bello. Naupo na rin ako sa harapan ng bata.
"So your name is KC.." tumango ito sa sinabi ni Cinderello.
"Here's your halo halo KC.." inabot ko na ito sa kanya.
"Si Kuya Bello na ang magkacrash ng ice.." inagaw ni Bello ang baso ni KC.
"Oh, one point for Bello.." pang aasar ko kay Cinderello. Akala niya makakalimutan ko ang narinig ko? Malandi siya. Baka nagpa baby na siya sa maraming babae.
"Aurelia, I told you he's lying.." bulong niya sa akin na inirapan ko lamang.
"KC, who do you think is nicer? This guy on your right or on your left?" mabilis nitong itinuro si Bello.
"Oh well, 2 points for me.." may kasama pang kibit balikat si Bello. Inabot na nito ang halo halo kay KC.
Napansin ko na tumaas ang kilay ni Cinderello.
"KC, who's more handsome?" sabay yatang ngumiti nang napakatamis si Bello at Cinderello sa harap ng bata.
Hindi ko mapigilang hindi mapatawa. Ilang beses nagpabalik balik ang mga mata nito kay Cinderello at Bello na pagod na yata sa pagngiti. Kahit ako ay hinihintay ang sagot ni KC.
"Him.." itinuro niya si Cinderello. Ngiting tagumpay siya ngayon at eksaherado pa itong tumikhim.
"Ganito talaga ang mga bata, sila ang nagsasabi ng totoo. Thank you KC, you're such a nice girl.." hanggang tenga yata ang ngiti ni Cinderello. Napapairap na lang ako.
"Kanino ang mas magandang eyes KC?" tanong ko ulit dito. Mabilis niyang itinuro si Bello.
"His eyes are too small.." komento nito kay Cinderello na nakapagpatawa sa akin.
"Chinito ang tawag dito KC, it's not small.." pagdadahilan niya. Hindi naaappreciate ng mga bata ang mga chinito.
"Uhuh? 3 is to 1 na Villegas.." naiiling na sabi ni Bello. Sineseryoso na yata nilang dalawa.
"Alright, who's the cuter KC?" tanong ni Cinderello. Pumangalumbaba pa ito sa harap ng bata. Ganoon din si Bello, anong malaking problema ng dalawang lalaking ito? Masyado nilang sineseryoso.
"You!" itinuro nito si Cinderello.
"Simpleng bagay.." mayabang na sabi niya nang umalis ito sa pangangalumbaba.
"Who is better for Ate Aurelia?" tanong ni Bello.
Pakiramdam ko ay naging tensyonado ang dalawang Disney prince sa magiging sagot ni KC dahil nakatitig lang ang dalawang ito sa kanya. Napapakagat labi na lang ako, sineseryoso talaga nilang dalawa. Ang sarap nilang pag umpugin.
"That's you!" itinuro niya si Bello na lumapad ang ngisi.
"Good girl KC, ililibre kita lagi ng halo halo.." natutuwang sabi ni Bello habang kunot na kunot ang noo ni Cinderello.
Sumandal na ito sa kanyang upuan at nagawa pa nitong mag cross legs. Habang mariing nakatitig kay Bello na malapad ang ngisi.
"Why are we asking the little girl? It's not about her.." lumingon sa akin si Cinderello at sa pagkakataong ito hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang akong kinabahan. Ito na naman po si Rashid Cinderello Amadeus Villegas.
"Why don't you tell them? Who is your baby Ate Aurelia?"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro