Chapter 15
Gusto kong murahin ang sarili ko, kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na dapat ay dumistansya ako sa lalaking nakatitig sa akin ngayon, kahit ilang beses kong sabihin na imposible siyang magkagusto sa akin pilit pa rin akong umaasa na sana totoo na lang.
Sana totoo ang fairy tale na ang isang mahirap na babaeng katulad ko ay mapapaibig ang isang prinsipeng katulad niya. Natatakot ako na baka pinaglalaruan niya lang ako, natatakot akong tuluyang mahulog sa kanya, natatakot ako na kapag nagsawa siya sa akin ay basta niya na lamang ako iwan. Bagay na alam kong napakadali lang gawin para sa kanya. Anong mapapanghawakan ko na totoo ang pinakikita niya sa aking ito? Bakit isang simpleng tutor ng bata ang pinag aaksayahan niya ng panahon? He can always find another girl, prettier, richer and a better catch than me.
"Cinderello, why are you this sweet?" pilit kong tinatanggal ang mga braso niyang nakapulupot sa akin pero mas humigpit ito at mas inilapit niya pa ako sa kanya.
"Can't you tell Aurelia? Matagal na akong nagpapansin sa'yo..." halos bulong niyang sabi sa akin. Bakit hindi na lang siya magsalita ng maayos? Bakit lagi niyang pinalalambing ang boses niya? Bakit laging may tonong parang batang laging nagtatampo?
Sinong matinong babae ang makakapag isip ng tama sa mga ginawa nitong si Cinderello? And he is damn pouting!
"I know you are just playing with me Rashid.." masyado akong nadala nang punasan niya ang luha ko. Gusto ko nagsusumbong din ako sa kanya, gusto ko inaalo niya rin ako. Oh god! Kailangan mong pakalmahin ang sarili mo Aurelia.
"Who's playing Aurelia? Who?" nagulat na lang ako nang kabigin niya ako dahilan kung bakit ako napaupo sa kandungan niya.
Hindi ako makagalaw sa kandungan niya habang magkatitig kami sa isa't isa. Why are you doing this to me Cinderello? Ito na naman ang puso ko, nagwawala na naman ng dahil sa'yo.
"Look at my eyes, look at me baby. Mukha ba akong naglalaro? Umamin na ako sa'yo Aurelia. Ilang pitsel na nang yakult ang ininom ko pero hindi na ako makaahon. I am already drowned by you Aurelia.." mas lalo kong naramdaman ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa akin. I can even see the mixture of sincerity, tender and admiration on his eyes.
Pero bakit nadamay ang yakult Cinderello?
"Tapos na ang laban Aurelia, talo na ako. All I can do right now is to chase after you.." halos magkagulo na ang buong sistema ko sa sunod sunod niyang pinagsasabi. Bakit ganito ka na naman Cinderello?
"Wala akong natatandaan na may inamin ka sa akin Cinderello.." inilihis ko ang mga mata ko sa kanya. I can't just assume, kailan? Sa kotse? Sa kwarto ni Anastacio? Sa hagdanan? Lagi siyang nagbababy talk sa akin at hindi ko na alam dito kung alin ba ang dapat kong pilit pakatandaan dahil sa tuwing inaalala ko ang mga sinasabi niya sa bawat araw na nagkikita kami, siguradong mawawala na ako sa katinuan.
"Aurelia, kinalimutan mo na? That was inside the car, when I was applying to be your baby. Ako naman ang una hindi ba? Pangalawa lang si Anastacio.." pakiramdam ko ay sumabog na ang dibdib ko lalo na nang marahan niyang amuyin ang buhok. Hindi ko na kaya pa Cinderello.
Marahas akong tumayo at sa pagkakataong ito ay nakawala na ako sa kanya. Nakaapat na hakbang ako paatras mula sa kanya habang may nanlalaking mga mata. What is he talking about? Bakit ganyan siya? Gusto ko nang magpapadyak sa mga nangyayari.
"Tama na Cinderello, bigyan mo ako ng distansya. Hindi ko na kaya, naiinis na ako sa'yo. Nakakakilig ka na! Nakakakilig ka na! Tama na, I can't handle this anymore.." hawak ko na ang magkabilang pisngi ko na sobrang init. Sigurado akong pulang pula na rin ako.
Bakit parang hindi man lang siya nahihirapang pagwalain ang puso ko? He's too effortless, uupo lang siya, ngingisi at magbaby talk. Wala na, kagulo na ang sistema ko.
Sa halip na pagkatuwaan niya ang sinabi ko sa kanya ay ngumisi lang siya sa akin na halos hindi na makita ang kanyang singkit na mata.
"Alright, my Aurelia can rest for 10 seconds.." what?
"Ten.."
"Nine.."
"Eight" wait? Why is he counting?
"Seven.."
"Six.."
"Bakit ka nagbibilang?"
"Five.."
"Four.." nagsimula na siyang tumayo.
"Don't move Rashid! Dyan ka lang sabi!" nagpapanic na sabi ko.
"Three.." hakbang pa rin siya nang hakbang. Nakakainis na siya!
"Two.." tatakbo na sana ako nang hapitin niya ang bewang ko. Sanay na sanay na siya sa ganitong gawain.
"One.."
"Natatandaan mo na Aurelia?" pilit man akong magpapalag ay wala akong nagawa. Sa halip na magsalita ay pinili ko na lamang itaas baba ang aking ulo bilang pagsagot sa kanya.
"Good" pakiramdam ko ay nagtaasan ang mga balahahibo ko sa katawan nang mapansin ko ang singkit niyang mga matang nakatitig na sa mga labi ko. No! He can't just kiss me in front of sari sari store!
Hindi ko alam kung anong nakakahiyang bagay na sumanib sa akin dahil kusang umangat ang kanang kamay ko para takpan ang sarili kong labi. Nakita ko siyang unti unting ngumisi sa ginawa ko.
"Sayang.." nagkagat labi pa ang magaling na si Cinderello.
Umangat ang kamay niya at inihawak niya ito sa kamay kong nakahara sa labi ko.
"Rashid!" pag alma ko sa gagawin niya. Akala ko ay tatanggalin niya ang kamay ko pero hinayaan niya itong nakaharang sa mga labi ko. At halos kapusin ako ng hininga nang bumaba ang mga labi niya sa kamay kong nakatakip sa mga labi.
Hindi ko alam kung bakit parang bigla na lamang kaming nawala sa harap ng tindahan, pakiramdam ko ay nasa gitna na kami ng isang malaparaisong hardin na may iba't ibang klase ng bulaklak.
I can even see Rashid Amadeus Villegas wearing a prince outfit with a crown on his head. A prince is kissing me. Tanging nangangatal kong kamay lamang ang nakapagitan sa aming mga labi. At ang lalong nakapagpatulala sa akin ay ang ilang segundong pagpikit ng kanyang mga mata.
Sinong magsasabing tanging halik lang sa mga labi ang kayang magpalipad sa isipan ng tao? This simple kiss can make every girl's mind be blown away.
Nang humiwalay siya sa akin ay kagat labi siyang nakangisi sa akin.
"That was my first kiss Aurelia, you corrupted me baby.." first kiss? Sinong maniniwala sa kanya?
Nanatiling nakaharang ang kamay ko sa mga labi ko habang nakatulala pa rin ako kanya. Hanggang saan pa? Ano pa ang pwedeng gawin at ipakita nitong si Cinderello sa akin?
Bumalik na siya sa upuan niya habang nakatitig pa rin ako sa kanyang may nakatakip na kamay sa aking mga labi. Saang planeta nanggaling itong si Cinderello? Anong kinakain nitong si Cinderello? Bakit lagi siyang ganito katamis?
"Aurelia stop staring, iba akong kiligin. I told you nangangagat ako, stop being adorable like that. Just make some halo halo for me.." iniwas na niya ang tingin niya sa akin. Kinikilig ba siya?
Hindi ko alam kung may isang minuto yata akong nakadistansya sa kanya habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa mga labi ko.
Nang mapakalma ko ang aking sarili ay humarap na lang akong muli sa lamesa pero alam kong nakatitig siya sa akin. Gusto ko nang magtaka kung bakit bigla akong nawalan ng customer at naging si Cinderello na lamang.
"Kinikilig din ba kayong mga lalaki?" shit! Bakit ba hindi na lang ako manatiling tahimik?
"I am.." mabilis na sagot niya.
"Papaan---" hindi ko na itinuloy ang tanong ko.
"I told you nangangagat ako Aurelia, stop asking. A kiss is enough for today, please stop being irresistible.." hindi na lamang ako sumagot sa kanya.
Nilagyan ko na ng yelo ang halo halo niya at nilagyan ko na rin ng maraming gatas.
"Here.." binigyan ko na rin siya ng kutsara at tissue.
"Can you feed me Aurelia?" napaawang na lang ang bibig ko nang mas pasingkitin niya pa ang mga mata niya.
"Utang na loob Cinderello, kumain ka na lang. Hindi ka mabubusog sa baby talk na 'yan.." kinuha ko na ang librong hawak ko kanina at umupo na rin ako na hindi kalapitan sa kanya.
Bubulong bulong siya na pakinig ko naman habang hinahalo niya ang binigay ko sa kanya.
"Bakit si Anastacio? Nisusubuan?" napapairap na lang ako. Gusto ko nang takpan ang tenga ko. Narinig ko pa siyang magmura nang muntik nang matapon ang halo halo niya.
Padabog akong tumayo at ibinaba ko na ang librong hawak ko.
"Ako na!" inagaw ko sa kanya ang hawak niyang baso at ako ang naghalo nito. Hindi ba siya marunong magcrash ng ice ng halo halo? Literal niya kasing hinahalo, matatapon nga.
"Ganito kasi, kumain ka na ba ng halo halo Cinderello? Pati pagkaskas, hindi mo alam.." hindi siya sumagot sa akin pero nang sulyapan ko siya ay nakangisi lang naman siya. He's damn pretending.
Nang macrash ko na ang yelo ay saka ko na hinalo ito. Inabot ko na ito sa kanya.
"Eat.."
"Tikman mo muna Aurelia, baka maraming asukal. Hindi ako pwede sa sobrang tamis.." niloloko na ako nitong si Cinderello. Inubos na nga niya yata ang asukal sa bahay nila.
"May diabetes ka ba Cinderello?" ngisi lang ang isinagot niya sa akin. Dahil ayaw ko nang humaba pa ang usapan ay tinikman ko na ang halo halo. Walang lasa, nakalimutan ko yatang lagyan ng asukal.
Inabot ko pa rin kay Cinderello.
"Here, tama lang.." tinanggap naman niya at hinintay kong sumubo siya. Hanggang sa magsunod sunod ito, bakit hindi siya nagrereklamo?
"Rashid! Bakit tuloy ka pa rin sa pagkain? May lasa?"
"Yes, it's sweet.." napairap na lang ako sa kanya. Inagaw ko ang baso at nilagyan ko ng asukal.
"Nakakainis ka na talaga Cinderello!" inabot kong muli ang baso sa kanya.
"It's because you made it for me. Anong karapatan kong magreklamo?" napakagat labi na lang ako sa sinabi niya.
"Magreklamo ka dahil sisingilin kita dyan Cinderello..." akala ko panalo na ako sa sinabi ko pero mukhang nagkamali ako. Halos sabunutan ko na lang ang sarili ko sa narinig kong sagot niya.
"I thought it's free since I am your baby.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro