Chapter 14
Chapter 14
Mag iisang linggo na simula nang mapasok ang bahay ko, isang linggo na din muna akong hindi nagpupunta sa bahay ng mga Villegas. Nag message naman ako kay Tita Tremaine na napakadami kong requirements na kailangang ipasa at hindi ko muna masyadong matututukan si Anastacio na isang malaking kasinungalingan. Tapos na ang finals namin at ilang araw na lang ay bakasyon na.
Natanong niya pa sa akin kung may ginawa ba daw sa akin si Cinderello habang wala siya, baka naman daw ito ang totoong dahilan kung bakit bigla na lang ako nawala ng isang linggo na siyang hindi ko naman sinang ayunan.
Totoong magiging abala ako sa ibang bagay kaya pinili ko munang huwag magturo pero may parte din na gusto ko munang dumistansya dahil kay Cinderello. Siya lamang ang nag iisang lalaking napapalapit sa akin ngayon at natatakot ako sa babalang natanggap ko. Should I tell him about this? Baka naman sabihin niyang sinisisi ko siya sa bagay na wala naman siyang alam.
Nakalapit na ako sa barangay at sinabi ko ang nangyari pero wala man lang silang makitang kahit anong ebidensya na pinasok ang bahay ko. Walang nasira o nawala man lang, hindi naman daw ako nasaktan. Posible daw na baka nananaginip lang ako, nagtanong din sila sa kapit bahay ko kung may napansin silang kakaiba ng gabing 'yon pero kahit isa ay walang nakapansin.
Posibleng wala na rin sa Pilipinas ngayon si Cinderello, natatandaan ko pa ang pinag usapan ng mga katrabaho niyang kailangan nilang pumunta sa Europe para sa kanilang trabaho. Kung ganoon ay maaari na pala akong magturo ulit.
Manunuod na lang sana ako ng tv nang marinig kong may kumatok sa pintuan. Isa sa matandang kapit bahay namin na may ari ng ilang pitak na apartment sa hindi nalalayo sa bahay namin.
"Aurelia, hija may papakiusap lamang ako sa'yo saglit.."
"Ano po 'yon?" napansin ko na may hawak na maliit na lata ng pintura, brush at karatula si Aling Berta.
"Sulatan mo naman ito hija ng apartment for rent.." ngumisi na lang ako sa sinabi ni Aling Berta.
"Sige po, hintayin nyo na lang po" kinuha ko na sa kanya ang mga materyales at ipinatong ko na ito sa lamesa.
"Ikaw rin ang huling gumawa ng karatula ko noon, halos mapuno na ang apartment ko. Swerte ka talagang magsulat hija.." bahagya lang akong natawa kay Aling Berta.
"Malay mo binata naman ang bagong tumira sa apartment, ipapakilala kita agad.." natawa na lang ako nang kurutin ni Aling Berta ang tagiliran ko.
"Hindi na po.." naiiling na sabi ko.
"Maiba ako hija, sinong magandang lalaki ang kasama mo noong nakaraang linggo? Akala ko ay artista.." napakagat labi na lang ako sa narinig ko.
"Anak po ng boss ko.."
"Nobyo mo hija?" mariin akong umiling.
"Hindi po, hinatid lang po ako dahil sa damit ko. Nabasa mo kasi ako ng ulan.." tumango na lamang sa akin si Aling Berta. Natapos ko na ang karatula na siyang ikinatuwa niya.
"Salamat Aurelia.."
"Sige po.."
Bumalik ako sa pagkakaupo ko at nanuod na lang ako ng tv. Mamaya ay mamalengke ako. Napagpasyahan kong magtitinda na lamang ako ng halo halo ngayong bakasyon, lalo na at siguradong mabili ito sa panahong ito.
Nang matapos ko ang pinapanuod ko ay lumabas na ako ng bahay at nagulat na lang ako nang makita ko kung sino ang kasama ni Aling Berta na may dalang malaking bag na nasa harap na ng apartment.
Agad akong napansin ni Aling Berta at kumaway ito sa akin.
"Aurelia! Napaka swerte mo talagang bata ka!" dahil sa tawag ni Aling Berta sa akin dahan dahang lumingon sa akin ang lalaki. What is he doing here? Sinusundan niya ba ako?
"Holy fvck.." narinig kong mura niya.
"I'll pay my one year advance.." nakita kong dumukot siya ng malaking halaga sa kanyang wallet na nakapagpalaki sa mata ni Aling Berta.
Pagkabigay niya ng pera kay Aling Berta ay agad niyang ibinaba ang bag niya at nagmadali siyang lumapit sa akin.
"Aurelia.." kailan pa siya natutong lumapit sa akin?
"Bello, what are you doing here?" matabang na tanong ko.
"Hi! I'm Dash Anthony Belo, dating torpe pero hindi na ngayon. Hindi ko kamag anak si Vicky, I don't need Belo essentials. At crush nga pala kita Aurelia.." halos matulala na lang ako sa bigla niyang sinabi.
Bakit parang ang bilis ng pangyayari? Kakasulat ko lang ng 'Aparment fo rent' sa isang iglap bigla na lang may dumating na mangungupahan at sasabihin na crush ako?
"Bello, sinusundan mo ba ako?" kunot noong tanong ko.
"Hijo, ito na ang susi. Mukhang magkakilala pala kayo ni Aurelia.." biglang pagsingit ni Aling Berta. Agad namang kinuha ni Bello ang susi dito.
"Salamat po.." nagpaalam na rin si Aling Berta dahil magwawalis pa daw ito ng harapan ng kanyang bahay.
"I am not, talagang nagkataon lang.." sagot sa akin ni Bello nang makalayo si Aling Berta.
"I was about to decline her place and then she called you. Maganda naman pala dito.." nakangising paliwanag niya sa akin habang sinusundan niya ako ng paglalakad.
"Where are you going?" tanong niya sa akin.
"Are we close Bello?" iritado akong lumingon sa kanya.
"Huwag mo naman akong tarayan Aurelia, hindi na nga ako torpe.." napangiwi na lang ako sa sinabi niya.
"I don't care about that 'torpe' thing. I need distance, mabuti na lang talaga at hindi ko dinadala pauwi ang mga bulaklak mo. God! You're giving me stolen roses.." narinig ko siyang humalakhak sa sinabi ko.
"No, 'yong nakita mo unang beses ko lang ginawa 'yon. Sarado kasi 'yong flower shop na binibilhan ko. Then, huli ko nang nalaman na wala pala tayong pasok ng araw na 'yon. That was epic, by the way bakit ka nasa bahay ng mga Villegas?" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Kilala niya ang mga Villegas.
"I am working for them. Nagtututor ako ng bata.." sagot ko. Bakit kaya sinasagot ko pa rin ang isang ito?
"Are you going to follow me? Hindi mo ba titingnan ang apartment mo?" tanong ko sa kanya. Napansin ko na sinulyapan niya ang eco bag na hawak ko.
"Mamamalengke rin ako, wala akong kakainin. Pwedeng sumabay? Hindi ko kasi alam kung saan dapat pumunta.." muli ko siyang tinitigan. He's lying.
"No, huwag mo akong susundan.." matigas na sagot ko sa kanya at mabilis na akong naglakad. Baka mamaya may pumasok na naman sa bahay ko at makatanggap na naman ako ng message kay Evil Fairy God Mother. Ayaw ko na.
Nang makabalik na ako galing sa palengke ay nagmadali na akong bumalik sa bahay sa takot na baka makasalubong ko si Bello, ang bago kong kapitbahay.
Who would like a real life disney prince if you'll receive a threat from Evil fairy god mother? Naiiling na lang ako sa tumatakbo sa isip ko, masyado akong natrauma sa EFGM na 'yon.
Bakit masyadong nabaliktad ang mala fairy tale na buhay ko?
Inayos ko na ang lahat ng mga ingredients ko sa aking halo halo, sinabi sa akin ni Aling Carmen na mas maganda daw na ngayong araw na ako magsimula dahil may ibinigay na rin siya sa aking pwesto sa harapan mismo ng tindahan niya na siyang pinagpasalamat ko.
Napaparanoid na ako habang nagdadala ng ingredients sa aking pwesto, ilang beses kong pinagdasal na sana ay huwag nang lumabas sa kanyang apartment si Bello baka may EFGM din siya katulad ni Cinderello.
Nang madala ko na ang lahat ay nagsimula na akong mag ayos, tuwang tuwa naman sa akin si Aling Carmen dahil napakasipag ko daw kumpara sa anak niyang si Mae na sobrang tamad, natural lang siguro 'yon dahil may magulang pa siyang aasahan pero ang katulad kong nag iisa, mahirap yatang magtamad tamaran.
Tanaw ko ang highway sa pwesto ko kaya, marami na rin akong napapagbentahan. May mga kapitbahay din akong nabili ng halo halo, huwag lang sanang makarating ito kay Bello baka may EFGM din siya, pasukin na naman ang bahay ko. Oh god! Hindi na matanggal sa utak ko.
Nagbasa na lamang ako ng libro habang naghihintay ng customer pero nawala ang atensyon ko dito nang makita kong may tumigil na dyip. At halos umawang na lang ang bibig ko nang makita ko kung sino ang lalaking nakasabit dito na nakasuot pa ng shades, nagawa pa nitong sumaludo sa lalaking katabi niya na nakasabit rin bago muling umandar ang dyip papaalis.
Agad akong nagpanic, shit! Ano naman ang ginagawa niya dito? Itinaas ko sa mukha ko ang librong hawak ko. Dapat lumayo ka na sa kanya, nagagalit si EFGM sa'yo Aurelia. Nangangatal na ang kamay ko habang tinatakpan ang mukha ako.
"Can I buy some halo halo?" bakit hindi na lang siya sa chowking o Mang Inasal maghalo halo? Sayang ang English niya.
Hindi ko pa rin ibinababa ang librong hawak ko. I can't, I can't look at him right now.
"Wala bang tao?" narinig kong tanong ni Aling Carmen na nasa loob ng tindahan.
"No, she's here po. May tampuhan lang po kami ni Aurelia.." dito ko na naibagsak ang librong hawak ko. Tampuhan? Saan nanggaling 'yon Cinderello?
"Hi, beautiful halo halo vendor.."
"Anong ginagawa mo dito?" mahinang sabi ko sa kanya. Ayokong marinig ni Aling Carmen ang pinag uusapan namin.
"I will buy halo halo. Mainit sa bahay.." air-conditioned ang bahay nila sa pagkakaalala ko.
"Aurelia hija, pakibantay muna ng tindahan narinig ko yatang umiiyak ang apo ko sa bahay.."
"Nice.." narinig kong bulong ni Cinderello. Pabor pa yata sa kanya ang nangyayari.
"Sige po.." sagot ko na lamang. Tumayo na ako at sinimulan ko nang kumuha ng baso.
"Ilang halo halo?" tanong ko sa kanya.
"Bakit mo ako iniiwasan Aurelia?" sagot niya sa tanong ko.
"Ilan?" tanong ko ulit.
"I'll buy it all, just answer me.." seryoso na ang boses niya. Nakatalikod lang ako sa kanya habang pilit kong inaabala ang sarili ko sa pagtatakal ng mga ingredients.
"I am not, naging busy lang ako. Bakit naman kita iiwasan? At kung iwasan man kita, wala naman masama hindi ba? You're just my boss stepson.." halos mabitawan ko ang kutsara nang maramdaman ko ang mga kamay niyang humawak sa lamesa dahilan kung bakit ako nakulong sa kanya.
"What Aurelia? What?" bulong na sabi niya sa akin. He's behind me.
"Ikaw ang may sabi niyan sa akin Rashid, move baka may makakita sa atin.." hindi man lang siya gumagalaw.
"Why are you so cold to me?" tanong niya naman sa akin.
"Ayoko sa'yo Rashid, alam kong pinaglalaruan mo lang ako. I am not pretty, walang rason para magustuhan mo ako.." pakiramdam ko ay bahagyang kumirot ang dibdib ko sa sinabi kong ito.
"What the fvck? Hindi ka pa maganda niyan Aurelia? You're beautiful..at hindi lang 'yon ang nagus---" hindi ko na siya pinatapos dahil humarap na ako sa kanya.
"Hindi tayo pwede Rashid! May nagagalit sa akin! Nagagalit 'yong Evil fairy god mother mo sa akin!" napasapo na lang ako sa bibig ko na may nanlalaking mga mata. What the hell is that Aurelia?!
"What? What Aurelia? What again?" kitang kita ko sa mukha niya na bahagya siyang natatawa. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya. I am not gonna tell it again, no way.
"Evil fairy god mother? Who is that Aurelia?" dito na siya tuluyang natawa. Inalis na niya ang kamay niya sa lamesa at natatawa siyang naupo sa isang upuan na malapit lang sa akin.
"Bakit ayaw mong maniwala? May nagagalit sa akin Rashid" lalong lumakas nag pagtawa niya.
"You're so adorable Aurelia.." eksaherada na lang ako bumuntong hininga at tumalikod na lang ulit ako sa kanya. Kung ayaw niyang maniwala, huwag!
Nagtakal na lang ako nang nagtakal sa halo halo niya. Sino ba 'yong EFGM na 'yon?
Pero sa pagkakataong ito buong laman na ng baso ang natapon ko. Hindi na sa lamesa humawak ang mga kamay ni Cinderello. Dahil ito na naman ang braso niya sa bewang ko, nakayapos na naman mula sa aking likuran si Cinderello.
"Bakit ni aaway ni Evil fairy god mother si Aurelia ko?" malambing na bulong niya sa akin na parang ako naman ang nagsumbong sa kanya. Napakagat labi na lang ako sa ginagawa niyang ito. Oh god Cinderello.
Pilit kong kinalas ang braso niya sa akin at marahas akong humarap sa kanya. Pinahahampas ko ang dibdib niya sa sobrang inis ko.
"Yan na naman ang ni aaway na 'yan Rashid! Ni aaway na naman! Ni aaway na naman! Lagi na lang 'yang ni aaway na 'yan! Ganyan na naman ang tono mo! Stop that baby talk Rashid!" 'yong puso ko nagwawala na naman. His baby talking is my weakness. Can't he stop this endless baby talks?
Narinig ko siyang natatawa habang pinaghahampas ko siya.
Nang tumigil ko sa paghampas sa kanya ay muli siyang bumalik sa malapit na upuan habang pinagmamasdan niya akong nakangisi.
"Naiinis na ako sa'yo Cinderello, lagi ka na lang ni aaway, ni aaway, ni aaway!" kagat labi siyang natatawa sa akin.
"Come here Aurelia.." hindi ako gumalaw pero naabot niya ang kamay ko.
"Ang babaw talaga ng luha mo.." siya mismo ang nagtanggal ng kaunting luha sa sulok ng aking mga mata. He's still sitting. At halos magpantay lang ang paningin namin sa isa't isa. He's tall afterall.
"Pero, inaaway niya talaga ako Rashid. She's real.." marahan niyang isinumping niya ang takas na hibla ng aking buhok na tumatabing sa aking mukha.
"Don't worry, I can kill evil fairy god mother for you. Walang pwedeng umaway sa Aurelia ko.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro