Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter 13


Hindi ako makahanap ng sagot sa mga sinabi niya sa akin. Did he just confess? Seryoso ba itong si Cinderello sa sinasabi niya? O masyadong naapektuhan ng yakult na ininom niya ang kanyang utak? Ilan na ba ang nainom niya? Bakit ganito na lang ang lumalabas na salita mula sa kanya?

Dinaig niya pa si Anastacio kung maglambing, anong 'baby' 'baby' na pinagsasabi niyang ito? Para siyang isang munting batang laging pinagkakaitan ng atensyon.


Nakatitig lang siya sa akin habang ako ay nakatulala sa kanya. Halos sa pintuan na ng kotse ako mapansandal. What is wrong with him? Why so sudden?

Bakit parang kaswal na kaswal lamang siya sa mga sinabi niya? Masyado na ba siyang sanay sa mga ganitong salitaan dahil sa dami ng babaeng sinabihan niya ng ganito? Hindi ba nagwawala ang dibdib niya habang sinasabi niya ito sa akin? Why is it so unfair? My heart is beating so fast Cinderello.

At hindi ko alam kung dapat ba kitang pagkatiwalaan o hindi.


"Rashid, you can't be serious. Anong mga sinasabi mo? Halos tatlong buwan pa lamang tayong magkakakilala, you can't just say that. Ayoko ng biro mo.." pilit kong inilihis ang mga mata ko sa kanya. Yes, he must be kidding or damn playing with me.

Narinig ko siyang sumipol bago niya muling binuhay ang makina ng sasakyan.


"I can wait Aurelia, I won't force you to believe me. Kahit ako hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.." pinili kong hindi lumingon sa kanya dahil sa sinabi niya.


"Where is your place?" tanong niya sa akin.


"Diretso ka lang, kapag nakita mo 'yong malaking sari sari store ni Aling Carmen dito mo na ako ibaba.." hindi na siya sumagot sa akin at pinagpatuloy na rin niya ang pagmamaneho.

Sa pagkakataong ito ay hindi na siya masyadong mabilis magpatakbo ng sasakyan, mukhang humupa na ang galit niya kay Bello.


Nang makarating kami sa tapat ng sari sari store ni Aling Carmen na may kalapitan sa highway ay agad na akong bumaba mula sa kotse niya. Akala ko ay aalis na siya agad pero nagulat na lang ako nang bumaba rin siya.


"Where are you going?" kunot noong tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin at namulsa.


"I want to see your house. I should explain to your parents, baka magtaka sila sa suot mo Aurelia.." sagot niya sa akin na mabilis kong tinutulan. Wala na siyang kailangan pang pagpaliwanagan dahil nag iisa na lamang ako.


"No need Cinderello, okay lang. Besides, maliit lang ang bahay. You won't like it.." lalong lumapad ang ngisi niya sa akin na lalong napasingit sa kanyang mata.


"It's not the house that I like.." sinabi niya ito na may pagkibit balikat. Anong ibig sabihin niya dito? Talaga ba na seryoso siya sa mga sinasabi niya?


"Shall we go?" nakita ko pang inhagis niya ang susi niya na mabilis niya rin naman sinalo. Mas nauna pa siyang maglakad sa akin na parang alam niya kung saan nakatayo ang aking bahay.

Sinundan ko na lang siya sa paglalakad, dahil may mga kapitbahay naman kami na hindi nalalayo sa aming bahay ay halos pagtinginan nila si Cinderello. Kahit minsan ay hindi ako nagsama ng lalaki sa bahay. Siguradong magiging malaking usapan ito kapag nagkataon. Isama pa ang suot ko ngayon.

Agad umangat ang kamay ko at bahagya kong hinila ang damit ni Cinderello.


"Cinderello, you can't go. Nag iisa lang ako sa bahay.." mahinang sabi ko sa kanya. Hindi ko masalubong ang mga mata niya. I don't want to talk about this matter. I am still sensitive talking about me, being alone.


"What do you mean?" tanong niya sa akin. Napasulyap siya sa mga kapitbahay namin na nakatingin na sa aming dalawa.


"I don't have parents or siblings Cinderello. I am living alone and it won't be nice if yo—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang marinig ko ang malutong niyang mura.


"Oh fuck, I am sorry Aurelia. I'll just go.." marahan akong tumango sa sinabi niya. Akala ko ay tuluyan na siyang aalis nang muli na naman lumukso ang pasaway kong puso nang lumapat sa kanang pisngi ko ang labi niya.


"Don't be late, kailangan ni Anastacio ng tutor niya.." bakit pakiramdam ko ay sobrang bilis kumilos nitong si Cinderello?

Nayapos niya na ako ng walang kahirap hirap, ilang beses na siyang nakabulong sa magkabila kong tenga, he did kiss my hand and cheeks effortless. At ngayon naman ay marahan niyang hinawakan ang dulo ng ilang hibla ng buhok ko.


"Bye, bye Aurelia..." huling sabi niya bago niya ako iniwang tulala dahil sa sunod sunod niyang ginawa sa akin.

Bakit parang napakabilis ng pangyayari? He can't just tell me that he likes me for no reason. What if I am just a flavour? What if this is just his habit?


Magsisimula na sana akong maglakad pabalik sa bahay nang dambahan ako ng kung sino sa aking likuran.


"What is that? Who's that hottie?" tanong ni Mae na siyang kaibigan at kapitbahay ko.


"Anak ng boss ko?" nakangiwing sagot ko. Kung maririnig ito ni Cinderello siguradong ipagdidiinan na naman niya ang 'stepson'


"Hinatid ka ng anak ng boss mo? Wearing like that?" nakataas na kilay na sabi niya sa akin. Para akong natauhan at nagmadali na akong humakbang para makauwi. Nakasunod naman sa akin ang tsismosa kong kaibigan na mukhang hindi pa nasisiyahan sa isinagot ko sa kanya.


"Nabasa ako ng ulan kaya pinahiram niya ako ng damit..." paliwanag ko sa kanya. Pumasok muna ako sa kwarto ko at sinimulan ko nang magbihis.


"Walang damit ang boss mong babae? Sa anak pa talaga nanghiram?" malisyosang sabi niya sa akin.


"Wala si Tita Tremaine sa bahay.." sagot ko na lang.


"Then tell me about the kiss, ikaw Aurelia ha? Kaya pala ayaw mong pansinin ang mga nanliligaw sa'yo sa school may mas hot ka pa lang boylet, ipakilala mo naman ako sa mga kapatid niya.." lumabas na ako ng kwarto ko at humarap ako sa kaibigan ko.


"It was nothing Mae, sigurado akong natural na niya itong ginagawa sa mga babae. It was just a simple goodbye.." depensa ko sa kanya.


"So it's okay with you if he'll kiss me on cheeks?" napatitig na lang ako sa kanya.


"Mae, akala ko ba ay may boyfriend ka na?" nakita kong tumaas ang kilay niya sa akin.


"Sus! Ikaw talaga Aurelia. Grab him, masayang magkaroon ng boyfriend na mayaman.." dito na ako napairap sa kanya.


"I am not after the money Mae. Kung magkakaboyfriend ako, ibig sabihin mahal ko ang lalaki. Gusto ko katulad ni tatay, huwag nga lamang sabungero at lasenggo" sabay kaming nagtawanan ni Mae sa sinabi ko.


"Oh well, ikaw ang bahala. Besides, bata ka pa naman.." mas matanda kasi siya sa akin ng dalawang taon pero pareho na kaming third year college.


"But how about the guy with the roses? Hindi ba at sabi mo sa akin ay may lalaking nagbibigay sa'yo ng bulaklak araw araw? Hindi pa rin ba siya natigil?" tanong niya sa akin.


"I met him today, nasa harap siya ng bahay ng mga Villegas.." napaawang na lang ang bibig niya sa sinabi ko.


"He's a stalker!" umiling ako sa sinabi niya. Hindi ito pumasok sa isip ko dahil kita ko ang gulat sa mukha ni Bello nang makita ako. Wala siyang alam na nagtatrabaho ako sa bahay na kinukuhanan niya ng bulaklak.


"I don't think so, halos magtatakbo nga siya kapag nagkakalapit kami sa campus. Talagang nagbibigay lang siya ng roses sa akin.." napangiwi na lang ako nang maalala kong pinipitas niya lamang pala ito kung saan.


"Then tell me, sinong mas gwapo sa dalawa? What is the rose guy like? Pansin ko may pagka chinito itong kasama mo kanina Aurelia.." napaisip na lang ako sa tanong ni Mae. Kung gwapo din naman ang pag uusapan talagang hindi papahuli si Cinderello pero nang makita ko ng mas malapitan si Bello masasabi ko na gwapo din siya at hindi maiiwanan ni Cinderello.


"He's cute too, parang may kahawig siyang artista.." mahinang sagot ko.


"Oh my god! Ikaw na talaga Aurelia, dalhin mo din dito minsan. We need to compare them.." muli akong napangiwi sa sinabi niya.


"Compare? Bakit naman?" napairap na lang ako sa kanya.


"Stop being innocent Aurelia, ang magandang bulaklak na katulad mo ay lapitin ng mga paru paro. Hindi ba mas magandang pumili ng mas magandang kalidad na paruparo?" naningkit ang mata ko sa sinabi niya.


"It's already late Mae, umuwi ka na. I need rest too, marami pa tayong gagawin bukas.." ngumisi lang ito sa akin bago siya lumabas ng bahay.

Napabuntong hininga na lamang ako at pinili kong tumitig sa litrato namin ni tatay.


"Tatay sa tingin mo mabait si Rashid? Baka naman paiyakin niya lamang ako.." napakagat labi na lang ako sa sinabi ko. Siguradong hindi matutuwa si tatay kapag nalaman niyang nalalapit ako sa isang lalaki, he won't like Cinderello dahil masama ang ugali nito sa mga bata.


Nang makakain na ako at makaligo ay pumasok na ako sa kwarto. Nagbasa muna ako saglit hanggang sa matuyo ang buhok ko.


--


"Aurelia, anak.." lumapad ang ngiti ko sa mga labi nang makita kong hawak ni tatay ang nawawala kong sapatos.


"Tatay paano mo nakuha sa magnanakaw ang sapatos ko?" hindi siya sumagot sa akin at lumuhod siya para isuot ito. Nakasuot ko ng napakagandang asul na saya na halos hindi ko na mabuhat sa sobrang bigat.


"Tatay, akala ko talaga hindi na mapapabalik ang sapatos ko. Buti na lang nakuha mo na. I love you tatay.." nang muli kong itungo ang paningin ko kay tatay ay halos manlaki ang mata ko nang makita kong hindi siya ang nakaluhod sa akin kundi ang lalaking nakamaskara nagnakaw ng sapatos ko.

Muli na lamang akong bumagsak sa matigas na sahig dahil sa pag agaw niya ng sapatos. Pinilit ko siyang abutin pero unti unti nang nawawala ang imahe ng lalaking tumatakbo tangay ang mga sapatos ko.


Sigaw ako nang sigaw sa kanya pero hindi man lang siya lumilingon pabalik. Anong kailangan niya sa sapatos ko? Bakit ang ako pa? Why my shoes? Why?


Agad akong napabangon sa kama habang hinihingal ako sa mabigat kong paghinga. What was that dream all about?


Hihiga na sana ako nang makarinig ako ng kalampag mula sa kusina. Mabilis kong inabot ang malaking bat na nasa ilalim ng aking kama. Nanlaki ang mata ko nang mapansin ko na nabuhay ang ilaw sa labas, narinig ko pa ang pagsarado ng pintuan na parang hindi man lang kinakabahan ang pumasok sa bahay.

Akala ko ay may magagawa ako sa ganitong oras pero nanatili lamang ako sa aking kama habang nangangatal na hawak ang aking bat. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha, anong kailangan nila sa bahay ko?

I have no possessions at all.


Kahit narinig ko ang mga hakbang nila papalayo sa bahay ay hindi na ako dinalaw muli ng antok hanggang umaga.


Isa lang ang nakita kong kakaiba sa loob ng bahay kinaumagahan. Isang sulat na nakapatong sa lamesa.


LEAVE HIM ALONE! – E.FGM


Nangatal ang kamay ko habang hawak ito. Who is E.FGM? Sinong him? Bakit kailangan niya pang pasukin ang bahay ko? Napakagat labi na lang ako dahil iisa lang ang lalaking kilala kong napapalapit sa akin ngayon.

Is it Cinderello? And who is this E.FGM? Evil Fairy God Mother?


Napasubsob na lamang ako sa lamesa at hindi na napigilan ang ilang luha mula sa aking mga mata. I am so scared.


Oh god, what kind of fairy tale I have?



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro