Chapter 10
Chapter 10
Tumagal siguro ako ng kalahating oras sa loob ng banyo habang pilit pinapakalma ang aking sarili. Nakailang hilamos din ako sa aking mukha at ilang beses ko rin tinapik ang aking mga pisngi na parang matatauhan ako sa ginagawa kong ito.
How could he? Bakit ganito na lang siya kung kumilos? Bakit parang kaya ko pang salubungin ang pagiging evil Cinderello niya kaysa sa pagiging sweet Cinderello?
Hindi lang ito ang unang beses na may lalaking nagpapapansin sa akin. But damn that Cinderello! He has his own ways! Magugulat na lang ako sa bigla niyang mga sasabihin, magugulat na lang ako kapag tinitigan ako ng kanyang singkit na mata. And his gestures? God!
Paano pa kapag nginitian na naman niya ako na hindi na kita ang kanyang mata? And that habit of him! Bakit kailangan niyang pagsabayin ang pagngisi at pagkagat ng labi sa tuwing mang aasar sa akin? Oh god Cinderello!
Muli kong ipinilig ang ulo ko at huminga ako ng malalim. Masyado na akong mahahalata kung mananatili pa ako dito kaya sa kabila nang nagtatatambol kong dibdib ay lakas loob akong lumabas ng banyo. Kinakabahan akong humahakbang papunta sa kusina, kung hindi lamang ganito kalakas ang ulan ay mas pipiliin ko na talagang umuwi.
Nang makarating ako sa kusina ay agad akong sinalubong ng masamang tingin ni Anastacio na nakapangalumbaba na sa lamesa, maging si Enna at Hazelle ay masama na rin ang tingin sa akin na parang may nagawa akong masama. What's wrong with them?
Nakahilera na silang lahat sa lamesa at wala pang nag uumpisang kumain sa kanila kahit nakahain na ang ilang niluto ni Cinderello. Hindi ko maiwasang lalong magutom nang makita ang mga pagkaing niluto niya, hitsura pa lang talagang nakakagutom na.
"What took you so long? We're hungry Aurelia" iritadong sabi sa akin ni Enna.
"Bakit hindi na lang kayo naunang kumain sa akin? You don't need to wait for me.." agad na sagot ko sa kanila.
"Baka pakainin kami ni Rashido" pakinig kong bulong niya.
"Kuya Rashid, can I eat now? Ate Aurelia is here" ngising sabi ni Anastacio.
"Alright, let's eat then" pakinig kong sabi ni Cinderllo. Agad kong napansin na nawala ang upuan ko na siyang katabi ni Anastacio kanina, bakit biglang nawala?
Nasa dulo nakaposisyon si Cinderello, nasa kanan niya si Enna, Hazelle at Anastacio. At ang nag iisang bakanteng upuan na natitira ay nasa kaliwa na malapit sa kanya. Bakit parang nawala ang ibang mga upuan?
"Maupo ka na sa libreng upuan Aurelia, mukhang may nagtago na ng ibang mga upuan.." naiiling na sabi ni Hazelle habang nagsasalok ng kanyang pagkain.
Hindi na ako nagtanong pa at naupo na ako sa libreng upuan.
"Ate Aurelia, I like that o—" unti unting bumaba ang kamay ni Anastacio na itinuturo ang shanghai rolls na malapit sa akin nang parang may nakita siyang kontrabida na nagpatigil sa kanya sa pagsasalita. Pinagtsagaan na lang nitong kumain na ng kanin na kulang na sa ulam.
Mabilis kong nilingon si Cinderello na mabilis ibinalik sa kanyang singkit na mata mula sa kaninang nanlalaking mata. Pinandidilatan na naman niya ang kawawang si Anastacio. Napaka bully!
"Gusto mo ng shanghai Anastacio?" kinuha ko na ang plato na may shanghai. Tatayo na sana para maglagay ng pagkain sa plato ni Anastacio nang marinig kong tumayo na rin si Cinderello.
Sabay sabay tuloy kami nina Enna at Hazelle na napatingin dito.
"Let me, just eat Aurelia.." inagaw niya ang plato na hawak ko at siya ang lumapit kay Anastacio. Halos ilagay na niya lahat ng shanghai sa plato ng inaaping bata na hindi magawang makapagreklamo sa kanya.
"Huwag mong ilagay lahat Cinderello.." saway ko sa kanya. Nagulat na lang ako nang sabay tumawa ang mga katrabaho niya.
"Fuck. Kailan ka pa naging si Cinderello? Rashido?" natatawang sabi ni Enna. Si Hazelle ay napainom ng tubig dahil sa pagtawag ko sa kanilang katrabaho.
"Cap should know this.." naiiling na sabi ni Hazelle.
"Just shut up guys. Kumain na lang kayo.." tamad na sagot sa kanila ni Cinderello.
Nagsimula na rin akong kumain, tatlong putahe ang inihanda ni Cinderello. Shanghai rolls na may sauce, sinigang na salmon at pinakbet. Muntik ko nang makalimutan na marunong nga palang magluto si 'Cinderella' dapat ay hindi na ako nagulat nang nagprisintang magluto itong si Rashid 'Cinderello' Amadeus Villegas.
"Rashid, masarap itong salmon fish mo" komento ni Hazelle.
"Ah, yes.." tamad na sagot niya.
"Kahit itong sauce, malasa. Mas masarap ka magluto ngayon, masyado kang pasikat Rashido.."
"Come on Enna, just eat.." medyo iritado na naman si Cinderello.
"I like your pinakbet. May kakaibang lasa, ano pa ang idinagdag mo dito? You're a great cook Cinderello.." komento ko din. Nakita ko na nagsasalin na nang tubig sa kanyang baso si Cinderello.
"Uwian na, nanalo na ang pinakbet ni Cinderello.." sabay nagtawanan ang kanyang pang asar na mga katrabaho. Bakit parang nagpunta lamang ang mga ito dito para asarin si Cinderello?
"Masyadong naflatter si Cinderello, nauhaw" natatawa pa din sabi ni Hazelle. Padabog na ibinaba ni Cinderello ang kanyang baso at bumaling siya sa mga katrabaho niya.
"Sabi ko nga, aalis na kami.." mabilis nagtayuan si Enna at Hazelle. Aalma pa sana ako nang buhatin din nila si Anastacio kasama ang plato nito.
Nang makaalis na ang mga ito ay bigla na muling nagsalita si Cinderello.
"I can give you my recipe.." napatitig ako sa kanya.
"Thanks.." maiksing sagot ko sa kanya. Ramdam ko na may gusto pa siyang sabihin sa akin pero hindi na niya ito nasabi hanggang sa makatapos akong kumain.
Nang makalabas na kami sa kusina ay napatingin na lang ako sa bintana, tigil na ang malakas na ulan. Mukhang makakauwi na ako. Nagdiretso kami sa sala, tapos na rin kumain si Anastacio at nanunuod na ulit ito ng tv.
"Maiwan ko muna kayo parang nakalimutan kong ipasok ang bike ko sa garahe. Shit" naiiling na sabi ni Cinderello. Tumango lang ang mga katrabaho niya sa kanya. Pero hindi rin nagtagal ay namaalam na rin sa amin si Enna at Hazelle na aakyat na daw sa taas para makapagpahinga.
Nang makaalis na ang mga ito ay nagulat na lang ako nang hilahin ni Anastacio ang damit ko.
"Why Anastacio?" tanong ko sa kanya. Mukha na naman siyang takot na takot. Agad niya akong pinayuko at bumulong siya sa tenga ko.
"Ate Aurelia, malapit sa bintana ng room ko ang bike ni kuya Rashid. Aawayin niya na ulit tayo.." napakagat labi na lang ako sa sinabi ni Anastacio. Lagot na naman kami nito kay Cinderello.
Magsasalita pa sana ako nang sabay kaming napatalon ni Anastacio sa sofa nang marinig namin ang malakas na boses ni Cinderello.
"ANASTACIO!" yumakap na ulit sa akin ang kawawang bata. Iritadong inihagis ni Cinderello ang tatlong sapatos na basang basa at punong puno ng putik. Shit, bakit ko nga ba naisipan na ipatapon ang sapatos niya?
"Let me talk to that kid Aurelia.." malamig na sabi ni Cinderello na nakapamaywang sa amin ni Anastacio.
"No, ako ang may kasalanan. Ako ang nagpatapon sa kanya ng mga sapatos mo.." pangangatwiran ko.
"Huwag mo siyang pagtakpan Aurelia. Kaya nagiging sutil ang batang 'yan.." mariin akong umiling.
"Rashid, kasama ako nang itapon niya ang mga sapatos mo. I did give him the idea, don't worry mukhang tigil na ang pag ulan. Lilimutin na lang namin ni Anastacio.." nakatitig lang si Cinderello ng ilang segundo bago siya iritadong tumalikod sa akin.
"Limutin nyo na bago pa umulan ulit" mabilis naman kaming lumabas ni Anastacio para limutin ang mga sapatos na itinapon namin. May inilabas na hindi kalakihang kahon si Cinderello para paglagyan namin ni Anastacio.
Habang abala kami ni Anastacio sa paglimot ng madaming sapatos ay nagmamasid lamang sa amin ni Cinderello sa hindi kalayuan. Hindi ko maiwasang matawa nang biglang madulas sa putikan si Anastacio.
"Oh my god Anastacio ang dirty mo na!" natatawang sabi ko habang inaabot ang kamay ng bata pero nang pilit ko siyang itinatayo ay nadulas din ako katulad niya. Sa halip na mairita ako ay napatawa na lang ako kasabay ni Anastacio. Damn, paano ako makakauwi sa damit ko?
Nakailang beses pa yata kaming nadulas ni Anastacio bago ko napansin na nagsisimula na rin magpulot si Cinderello ng kanyang sapatos.
"Naglalaro na kayong dalawa.." naiiling na sabi niya.
Nang malimot ni Cinderello ang dalawang sapatos niya at mukhang tatalikod na sana siya nang magkamali siya ng tinapakan dahilan kung bakit natumba din siya katulad namin. Sabay kaming nagtawanan ni Anastacio.
"Oh shit.." malutong na mura niya.
"Nadulas ang prinsipe ng mga sapatos. Tulungan natin siya.." natatawang sabi ko. Hihigitin na sana namin siya ni Anastacio patayo nang kaming dalawa pa ang mahila niya dahil sa bigat niya.
Napaluhod na lang ako habang nanatili siyang tamad na nakaupo sa putikan. Kaunting kaunti na lamang ang distansya ng mga mukha namin sa isa't isa. Shit, ito na naman ang singkit niyang mata.
Umismid siya sa akin at napatili na lang ako nang lagyan niya ng putik ang magkabilang pisngi ko.
"Oh my god!" nasabi ko na lang sa pagkagulat ko. Pero hindi pa man ako nakakalayo kay Cinderello ay ibinawi na ako ni Anastacio. Nilagyan niya rin ng putik sa mukha si Cinderello.
"Damn, stop it Anastacio, stop.." hindi agad makatayo si Cinderello habang habol siya ng kamay ni Anastacio na sobrang daming putik sa kamay. Napahagalpak na lang ako ng pagtawa hanggang sa bumuhos na naman ang ulan. Tuluyan na kaming nabasang tatlo.
Tawa lang ako nang tawa habang hinahabol ni Anastacio na may hawak na malalagkit na putik si Cinderello na mukhang nandidiri na.
"Ayaw ko na Anastacio! That's gross.." hindi siya pinansin ni Anastacio.
"Ayaw ko na sabi Anastacio!" nabingi na yata si Anastacio dahil hindi na niya sinusunod si Cinderello. Habol lang ito nang habol sa kanya.
Agad nagpunta si Cinderello sa likuran ko at halos mapasinghap na lang ako nang maramdaman ko ang mga braso niya pumulupot sa bewang ko. Pakiramdam ko ay nawala ang lamig ng ulang pumapatak sa aking katawan nang marinig ko ang mahinang boses ni Cinderello na parang batang naglalambing.
"Ate Aurelia, ni aaway ako ni Anastacio.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro