Prologue
Prologue
I harshly slumped my missing poster on my table. My eyes burned with so much hatred as I scanned every detail of my image. Even the note made my blood boil.
Kaninong pera ang gamit niya sa pabuya?! It's fucking mine!
I Iritatingly brushed my fingers through my hair as I paced inside my filthy hideout with one of my hands on my waist. Then I started biting my fingernails due to agitation.
I have to do something!
"How dare you, Mommy Gothella! You insolent witch! Gold digger! Hayop!"
I balled my fist tightly. I knew that she wouldn't give up.
I am a treasure box.
She would do everything to hold me and have the huge fortune. Sisikmurain niyang makita araw-araw ang mukha ko at pilit na itatago ang inggit niya sa katawan para lang sa pera.
As much as I wanted to see her suffer and succumb to her own insecurities as I played dress-up and pretty in front of her hideous face, I couldn't just let her do her plans.
Pero masisisi ko ba siya sa inggit niya? Of course, I am beautiful and young with a good body. Ano lang naman ang magpapasaya sa kanya? My father's money na puwede niyang gamitin para ipagpilitan ang gusto niyang ganda.
My inheritance that she took an interest in!
I tried to glance at my poster again. I immediately closed my eyes impatiently. I took a deep breath, trying to calm myself. The poster had my name and my face.
Emilia Sophia Sarmiento - Missing
She mentioned her contact information and the reward for the good Samaritan who would send her beloved niece home.
Habang tumatagal ang titig ko sa poster ay lalong nag-iinit ang ulo ko.
I shook my head. Gaano kahaba ang inggit nito sa akin? Kasing haba ba ng buhok ko na malapit nang umabot sa baywang ko? Because Gothella just picked my worst picture! Ang dami kong pamatay na picture sa Facebook, kinuha niya iyong sabog na ang make-up ko, magulo ang buhok at mukhang parang naka-drugs ako.
What the hell?!
"At hindi ka talaga kumuha man lang ng maganda? Inggitera ka talaga!"
Tumalikod na ako at hindi ko na tiningnan pa ang poster. Kinuha ko na sa kama ang binili ko sa 7- Eleven bago ako nagmadaling pumunta sa banyo.
I rinsed my hair. I need to hide it because it's my distinguishing feature. Dahil hindi ko nais guputin ang buhok ko, isa lang ang naisip ko. I need a new hair color.
Pinagtiyagaan kong kulayan mag-isa ang buhok ko ng ilang oras doon sa banyo. My long black shiny hair just turned into golden locks. I blow-dried it and combed it immediately.
Taas noo akong humarap sa salamin habang nakapamaywang. I'd been hearing a lot of compliments since I turned in my teenage years. Many says that I looked Elle Fanning, a famous Hollywood actress, lalo na nga raw kung magpapakulay ako ng buhok. I turned my face from left to right, trying to find the resemblance of her. Pero hindi ko talaga makita. Siguro dahil hindi talaga ako marunong tumingin ng magkamukha.
I braided my hair. I used black pants, a black shirt, white shoes, and a black cap. Sinipat ko ang relo ko, madilim na sa labas. Gusto ko sanang manatili sa loob ng hotel pero alam ko na mas mabuting hindi ako manatili sa iisang lugar na mas matagal. Lalo na't desperada na talaga iyong si Gothella.
Mas ibinaba ko ang cap ko at lumabas na ako ng kuwarto. Hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin ako kung saan ba itong Enamel na ito. This province is never familiar with me!
Dahil gabi na, wala na masyadong tricycle. Hindi ko naman gusto na mas umagaw ng atensyon habang nakatayo lamang sa waiting shed, kaya pinili ko nang maglakad. Pero nanatili akong alerto kung may biglang lumapit sa akin.
I continued walking down the streets until I reached a certain gate. Old gate and there's a signage. For sale.
Muntik na akong mapatalon sa tuwa. Ibig sabihin ay walang tao!
Magkasunod kong hinila ang sakbatan ng bag ko, mas isinintas ko ang sapatos ko at ilang beses akong nag-inat. Medyo mataas ang bakod, pero dahil hindi na iyon maayos, may mga matatapakan na akong mga nasirang bato.
Sinimulan ko nang umakyat. It took just a few minutes before I heard a thud on the ground, my bag before I safely landed on my feet.
"Well... that's Lia for you everyone!" sabi ko habang tinatapik sa isa't isa ang dalawang kamay ko.
Isinakbat ko na muli ang bag ko.
May patalon-talon pa ako habang patungo sa front door ng malaking mansyon. I just needed a place to sleep. This is not a crime. Lalo na't wala naman akong balak nakawin, marami akong pera.
Akala ko ay mahihirapan pa akong buksan ang malaking pintuan pero nang itulak ko iyon at mabuksan, halos mapatalon na naman ako sa tuwa.
"Goodness! Thank you!"
Pagpasok ko sa loob ng mansYon, sinalubong ako ng mga kagamitang may balot ng puting tela. Kung sa ibang pagkakataon ay matatakot ako, ito iyong kadalasang nakikita sa horror movies. But I'd seen enough scary things in life. Isa na doon ay tiyahin na mukhang pera.
So, chill na lang.
Dapat ay sa kuwarto na ako didiretso pero kumalam na ang sikmura ko. I suddenly wanted to eat. May dala naman akong tinapay at cup noddles. Siguro naman ay may kutsara at tinidor dito?
Ilang minuto bago ako makarating sa kusina sa laki ng mansyon. Yes, I have my own mansion but the design of this is quite unusual.
Nang makarating ako sa loob ng kusina, mga nakabalot din ang mga gamit. Mabilis akong nakakuha ng kutsara at tinidor. Since I am a girl scout, I brought a small thermos with me.
Pasipol-sipol pa ako habang nagsasalin nang mainit na tubig sa cup noodles. I even danced happily like a happy kid while waiting for it to cook. Tinanggal ko muna ang cap ko at doon ko na rin napansin na napigtas na iyong panali ng buhok ko kaya tinanggal ko na rin ang pagkakatirintas ng buhok ko.
Wala akong tigil sa pagsipol at sayaw nang may marinig akong hindi tama. My lips stayed prodded as my head slowly turned to the unusual noise.
Holy shit!
His mouth hung open with his eyes slowly getting wide. Ang nakanguso kong labi ay kusa rin umawang nang mas makita ko ang kabuuan ng lalaki.
Halos himatayin ako sa realisasyon. Ganoon pala ang hitsura no'n?! Ang laki... ang laki ng kaba sa dibdib ko.
The chinito man is fucking naked!
"Oh, my goodness!" usal ko.
Ilang beses akong napatingin sa mukha niya at doon sa baba. "No!"
Napatalon na talaga ako at awtomatiko kong tinakpan ang mga mata ko, pero bago ko pa man gawin iyon at makatakbo, nakita ko kung paano rin siya natauhan at naalalang wala siyang saplot sa katawan.
Agad niyang kinuha ang pinakamalapit na naabot ng kamay niya. A frying pan covered by a white cloth, he pulled it right away and covered his spatula.
"Oh, fuck shit! Who the hell are you!? Robber!"
I dashed. I took my opened bag, but it was a wrong move, with all my jewelries that suddenly splattered on the ground. Now he'd literally think that I am a fucking robber!
Sa buong buhay ko ay iyon ang masasabi kong pinakamabilis kong takbo, pero nang sandaling abot kamay ko na ang pintuan, paghila sa mahaba kong buhok ang siyang pumigil sa akin.
"Gotcha. Where do you think you're going Rapunzel?" napahawak ako sa ulo ko dahil sa ginawa niyang paghila sa buhok ko.
"Bitawan mo ang buhok ko! Gago ka! Manyak!"
"Stop struggling, makakatikim ka sa akin... masasaktan ka..." bulong niya sa tenga ko na nakapagpataas ng balahibo ko.
Mas hinila niya pa ang buhok ko dahilan kung bakit bahagya na akong mapatingala habang nananatili siya sa likuran ko.
Inangat niya malapit sa mukha ko iyong frying pan habang nananatili siyang nasa likuran ko.
"Ihahampas ko 'to sa 'yo, isang maling galaw," matigas na sabi niya.
I couldn't picture our scene right now, a naked man with a frying pan on his hand while pulling my hair.
Mariin akong pumikit. No way! I should get away from here!
Naiyak na ako. "I just came here to sleep. Kahit tingnan mo ang mga gamit ko wala akong kinuha rito . . ."
"You're a robber. Puro alahas ang nasa bag mo at saan ka pa nakapagnakaw? Maling bahay ang gusto mong pagnakawan."
Marahas akong umiling. "No... that's mine... hindi po ako magnanakaw..."
I was in the middle of explaining when I suddenly felt strange. Biglang umikot ang paningin ko at hindi ko na marinig ang sinasabi ng lalaking nasa likuran ko.
I am so tired, hungry, stressed, and totally beat up.
Ang sarili ko na inakala kong kaya ko pa, bumigay na at piniling bumagsak sa isang komplikadong sitwasyon. The only thing I remembered was the sound of the frying pan on the floor, his arms around me, and his voice trying to wake me up.
That was when I met a Prince...
A prince who pulled my golden hair, not clad with a sword but a threatening frying pan, and made me realize that it's not just the hair that gets tangled, sometimes it's the heart...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro