Chapter 3
Chapter 3: Traitor
"W-what?"
I heard his words clearly, yet I couldn't understand. Sa katunayan ay patuloy iyong nagpapaulit-ulit sa utak ko, pero ang hindi ko maintindihan ay ang biglang pagpilipit ng dila niya gaya ng sa lalaking naka-shades na nakilala ko.
"What is wrong with you? Ano ang mapapala mo sa akin?"
He shrugged his shoulders again, "I told you. I am bored."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Bored? You are willing to risk your free life by marrying someone you don't even love just because you're damn bored? Are you insane?"
He chuckled. "I am just kidding. Good night, Miss Sarmiento. Again, please lock the door. Hindi ko na gustong may biglang papasok sa mansyon ko."
Hindi na nasundan pa ang usapan namin dahil umakyat na siya sa hagdan at iniwan niya na ako mag-isa roon na hindi man lang lumilingon muli sa akin.
Napatulala na lang ako sa dinaanan niyang hagdan. Ganoon na lang?
After all those chaotic happenings between us? Didn't he just tie me because he assumed that I was stealing something in this huge house? Is he really normal? Hindi ba dapat ay palayasin na niya ako rito?
Tumingin ako sa pinto. Should I just go? Hindi ba't iyon naman dapat ang gagawin ko ngayong nalaman ko na may tao pala rito? To spend the night inside the house of a total stranger is pure stupidity. Ano ang panghahawakan ko na wala siyang gagawing masama sa akin sa sandaling nakatulog na ako? What if he locked me inside the room I picked? There were lots of possibilities.
I shook my head and started walking towards the door, but when I was halfway there, I stopped.
I cupped my face frustratingly. Ngunit hindi ba at higit na delikado kung lalabas pa ako at magpapalaboy-laboy sa labas sa ganitong oras? Lalo na at dayuhan lamang ako sa probinsiyang ito.
Labag man sa kalooban ko ay pumili na ako ng kuwarto sa ibaba. Pero bago ako pumasok doon ay dumaan muna ako sa kusina para kumuha ng bagay na puwedeng maging proteksyon ko. I looked for a knife, but I didn't find any. Isang bagay lang ang pinagpilian ko, iyon ay ang kawali na siyang hawak niya kanina.
Saglit ko iyong tinitigan nang nakangawi. Should I wash it first?
Umiling na lang akong muli bago pumili ng kuwarto. Ang mahalaga ay may gamit ako na maaaring panlaban sa kanya.
Kahit alam ko na may susi naman siya, ini-lock ko pa rin ang pinto. Nang makakita ako ng lamesa ay itinulak ko pa iyon sa harap ng pinto para kung sakaling pumasok siya nang natutulog ako ay marinig ko ang ingay ng lamesa.
My hands were at my waist and I looked proudly at the table. "Okay na siguro 'to!"
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tumalon na ako sa kama upang magpahinga. At nang sandaling lumapat na ang likuran ko roon, mas naramdaman ko ang aking matinding pagod. Sobrang parusa itong nangyayari sa akin dahil lamang sa kasakiman ng Gothellang iyon!
Habang nag-iisip ako ng mga bagay na dapat kong gawin sa pagsapit ng umaga, hindi ko namalayan ang tuluyang pagbagsak ng talukap ng aking mga mata.
***
My initial plan was to wake up early at dawn and leave this mansion without my traces. Lalo na't hindi ko na gustong magkaroon pa kami ng engkwentro ng lalaking iyon, pero talagang bumigay na ang katawan ko sa sobrang pagod. Kaya marahas na akong napabalikwas sa kama nang nagising ako kinabukasan.
Halos sabunutan ko na rin ang sarili ko sa tindi nang pagkainis. Mabilis kong hinanap iyong bag ko at ang mga gamit ko para ayusin ang aking sarili. I sighed in relief when I found a bathroom inside the room. Bago ako tuluyang maghubad ay ilang beses pa akong lumingon sa paligid para makita kung may mga nakatagong camera.
I should be more careful. Lalo na sa katulad ng lalaking iyon na sa dis oras ng gabi hubad na hubad? Ano ang ginagawa niya nang gabing iyon? And even his words? Role play, huh?
Nagmadali na akong maligo sa takot na baka bigla siyang pumasok sa kuwarto.
After I fixed everything from head to toe, I went out of the bathroom. I immediately looked for a window, but to my disappointment, the house design didn't cater to someone who wanted to sneak. Kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang lumabas at harapin na naman ang lalaking iyon.
Inayos ko ang itim na cap na suot ko, huminga ako nang malalim at buong loob kong binuksan ang pinto. Gumala ang mga mata ko—wala siya.
Mariin kong hinawakan ang sakbat kong bag bago bumilis ang aking mga hakbang patungo sa main door ng mansyon. Ang bilis ng pintig puso ko habang abot-kamay ko na ang pinto. Ganoon ang naramdaman ko nang habulin niya ako kagabi, pero nasisigurado kong sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako mapipigilan.
Halos mapatalon ako sa tuwa nang mabuksan ko na ang pinto. Walang lingon-lingon at halos lakad-takbo na ako para makalabas na ako ng lugar na iyon.
Nag-alangan pa ako kung aakyat ba akong muli sa bakod pero pansin ko na bahagya nang bukas ang malaking gate nila.
Hindi ba't nakasarado iyon?
I shook my head. Hindi ko na dapat iyon isipin pa. Siguro ay may lumabas na?
Nakalabas na ako ng gate at unti-unti ko na iyong isasara nang matigilan ako, at unti-unting lumingon.
"See you around, Lia!" sigaw niya kahit malayo na ako sa mansyon.
He even dared to casually wave at me as if we were friends. I smirked and continued walking, ignoring him.
Naghanap na ako ng panibagong hotel na puwede kong tigilan, pero sa halip na plano laban kay Gothella ang tumakbo sa isip ko nang sandaling mapag-isa ako, hindi na mawala sa isip ko ang nakakasar na mukha ng lalaking iyon.
Mabuti na lang talaga at nakaalis na ako roon! Dapat pala talaga ay pinaniwalaan ko ang sinabi ng lalaking nagpasakay sa akin nang makita kong chinito ang may-ari ng mansyon.
Like who would ask you for a marriage just because he was bored?
Hindi rin ako nagtagal sa hotel dahil pinasya ko nang lumabas ng probinsiyang iyon ng araw na iyon, lalo na nang makarinig ako ng masamang balita.
"Yes. Governor Arellano just announced it. Kailangan daw talaga ng lock down dito sa Enamel. The lockdown will start tonight, exactly at 7 pm. Wala nang maaaring pumasok o lumabas sa Enamel dahil nagkaroon daw ng dalawang case ng monkeypox dito."
Mariin akong napapikit at napamura sa narinig ko. Isa lang ang ibig sabihin niyon, kailangan ko nang umalis sa Enamel sa lalong madaling panahon!
Puro kamalasan na ang naranasan ko nang pumasok ako sa probinsiyang 'to! Akala ko ay nakatakas na ako kay Gothella pero nagawa niyang ipangalat ang mukha ko, napadpad sa balwarte ng nakakatakot na chinitong iyon at ngayon ay maiipit sa kumakalat na epidemya!
Nang nagpunta ako sa pila ng tricycle, iilan na lang ang nakapila at karamihan sa kanila ay tumanggi nang dalhin ako sa hangganan ng kanilang probinsiya. Kaya wala akong pinagpilian kundi bumalik sa hotel.
"Maybe tomorrow, Lia," bulong ko sa sarili ko.
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Inihanda ang sarili para makipag-usap doon sa mga bantay sa hangganan ng Enamel at sabihin na hindi naman talaga ako tagarito.
Wala ng mga nakapilang sasakyan kaya labag man sa loob ko ay nagsimula na akong maglakad. Mabuti na lamang ay natatandaan ko ang daan. Buo na ang loob ko na mabibilad ako sa araw at posibleng may tumigil na mga barangay tanod para pagsabihan ako nang sa ikalawang pagkakataon ay nakita ko ang pamilyar na kotse.
Kung noong una'y wala akong balak pansinin siya ngayon ay ikinaway ko pa ang kamay ko para makuha ang atensyon niya. This time he was not just wearing his shades, but also a surgical mask.
"Buti na lang!" usal ko nang tumigil ang sasakyan niya, lumapit na ako agad sa kanya at ngumiti ako nang matamis.
"Hi! Ako iyong tinulungan mo. Lalabas ka ba ng probinsiya? Puwede ba akong sumabay? Please? I can pay."
"Oh, Magnefica..." napangiwi ako sa sinabi niya.
"Yes! That's me."
"Magpapahatid ka sa labas? You're not informed? Naka-lockdown na ang Enamel."
"Dayuhan lang ako rito. Kailangan kong lumabas ng probinsiyang 'to. Please... help me again."
Ngumuso siya, "Alright."
"Thank you!"
Nagmadali na akong pumasok sa kotse niya. I fasted my seatbelt immediately and smiled at him widely.
"Akala ko talaga hindi kita mapagkakatiwalaan! Thank you so much, Sean! I'll forever remember this."
Napakamot siya sa kanyang ulo. "It's okay. It's a shame not to lend a hand to helpless girls."
Mas lumawak ang ngiti ko sa kanya. "Mabuti at hindi ka mapagsamantala. I should have listened to your warning. I encountered a man and he fits the description! Small predatory eyes with wicked grin. He's weird. Dapat ay nag-ingat talaga ako."
"Hmm? Who? I mean... where?"
"You know the mansion near the Lotus Hotel? Iyong for sale? May nakatira pala roon na intsik!"
"Oh..." he shook his head disappointingly. He's really aware!
"I am glad that you're safe. Mapuputi, mestiza, tisay... you name it. Gustong-gusto ng mga singkit ang ganyan. You fit the description. Parang Amerikana," mas lalo siyang napailing.
"Thank you for warning me."
Tumango siya. "No problem. Medyo nasasanay na rin ako, kapag may aksidente akong nakikitang dayuhan dito, kung maaari ay binabalaan ko na. I don't make friends with Chinese people here in Enamel. Bukod sa mga scammer sila, mapagsamantala... ni aano nila iyong mga babae..."
Kumunot ang noo ko. "Ano ang niaano?"
Lumingon siya sa akin. "Ni aano habang hila ang buhok sa..."
He was cut off when his phone rang. He answered it quickly. It wasn't in a loudspeaker but all he did was laugh.
"Alright. Thank me later."
Nakarating na kami sa hangganan ng Enamel, tulad nga ng inaasahan hindi kami makadaan. Maging si Sean ay hindi rin makalampas, pero kinausap niya ang isa sa mga lalaki roon at lumayo sila sa amin.
Lumapit sa akin si Sean. "Magnefica, I should go first... are you sure? Hindi mo sila mapipilit. Babalik na lang ako."
"Okay lang ako. Maraming salamat talaga."
He smiled at me.
Nang makaalis na siya dala iyong maganda niyang sasakyan, sinubukan ko ulit kausapin ang mga tagabantay. Sinabi nila na bumalik na raw ako dahil hindi talaga maaaring lumabas.
"Hindi nga po ako tagarito!"
"Hija, hindi talaga puwede. Kapag nagpumilit ka, dadalhin ka na sa barangay." Habang nakikipagdiskusyon ako sa babae, may napansin akong isa sa mga nakauniporme ng barangay na may hawak na pamilyar na poster.
Naalarma na ako. Shit!
"S-Sige na po..."
Nakalapit na ang may hawak ng poster sa isa pa sa kasamahan nila at bumulong iyon, ipinakita niya na rin ang poster.
Kung tumakbo na lang kaya ako?
"Konsehala, parang siya iyong—" natigil ang sasabihin ng lalaki nang kapwa kami maagaw ang atensyon dahil sa panibagong sasakyan na dumating.
Agad bumaba mula sa driver's seat ang lalaking sabi ko sa sarili ko ay hindi ko gugustuhin pa na makita.
"Mr. De Mesa..."
Pinaglalaro niya iyong susi sa daliri niya habang naglalakad patungo sa amin at ang isang kamay niya naman ay nakapamulsa.
"Konsehala, parang siya iyong nasa pos—" agad akong kinabig ni Kairo at tumama ang ilong ko sa dibdib niya.
I wanted to complain, but I needed to hide my face.
"Sorry about my fiancé... we had a little fight. Uuwi na po kami." Gusto ko siyang sikmuraan ulit.
"Darling, 'di ba at sinabi ko sa iyong locked down? Ikaw bawal labas, ako galit."
"W-What—"
"We need to go."
Itinalikod niya ako sa mga tao para hindi na ako makilala.
Marahas ko siyang itinulak. "Why did you follow me? Leave me alone! Sino ang may sabi sa 'yo na sundan moa ko?"
"A friend? Siya sabi akin siya kita tisay... siya turo akin palit gasolina..."
Ngumiwi ako. "May problema ba dila ng mga lalaki rito sa probinsiyang 'to?!"
Hindi siya sumagot sa akin, sa halip ay bahagya niya inangat ang kanyang kamay, sinundan ko ang tingin ang mga mata niya at napamura na ako nang makita ang pamilyar na sasakyan ni Sean.
Bumusina pa siya at pinailaw ang unahan ng kanyang sasakyan. "Traydor..." usal ko.
Basta na lang lumampas ang kanyang sasakyan at hindi man lang siya hinarang ng mga bantay. "What the hell..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro