Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Chapter 1: Roleplay

My lips kept smiling as Mommy Gothella lovingly combed my long beautiful hair in front of the mirror. It was our favorite bonding together. Nakasanayan na niya iyong gawin sa akin simula nang bata ako. Kaya halos hindi buo ang araw ko kapag hindi niya sinusuklay ang buhok ko.

Mommy Gothella is my father's little sister. Kahit hindi sila tunay na magkapatid dahil anak siya sa pagkadalaga ng pangalawang asawa ni lolo, hindi iyon naging rason para ituri siyang iba ni Papa. I'd witnessed how my father treasured her as a real sister. She's one of my favorite people in the world.

Halos siya na ang tumayong magulang ko simula nang mawala sina Mama at Papa dahil sa isang trahedya. Dati ay Tita pa ang tawag ko sa kanya pero siya na rin ang nagkumbinsi sa akin na tawagin siyang Mommy.

"Tomorrow you'll turn eighteen. Any plans, Lia?"

Nag-init ang pisngi ko. My boyfriend, Fabian, invited me for dinner. Halos mag-iisang taon na kami ni Fabian, dahil wala pa ako sa hustong gulang hindi pumapayag si Mommy Gothella na mag-date kami sa labas. But now that I am turning eighteen . . .

"Lalabas po kami ni Fabian. Date."

"Oh..."

Nahihiya akong tumango. Ramdam ko iyong malakas na pintig ng puso ko dahil sa kaba na hindi ako payagan. Ilang minuto akong nakatitig sa repleksyon ni Mommy Gothella pero wala siyang sinabi para hadlangan kami ni Fabian.

"Pumapayag po kayo?"

"Of course, hija..."

Sa tuwa ko ay napatayo na ako at mariin siyang niyakap. "You are the best, Mommy!"

Ramdam ko ang ilang beses niyang pagtapik sa likuran ko. "Bakit naman hindi ako papayag? Fabian is a patient man. He's good for you."

I kissed Mommy Gothella on her cheek before she tucked me into my bed.

"Sleep tight, Emilia Sophia," bulong niya sa akin bago niya tinapik ang noo ko. I smiled even with my closed eyes. Gusto ko nang sumapit ang bukas.

Nang maramdaman ko na naglakad na papalayo sa kama ko si Mommy Gothella ay nagmulat pa akong muli para habulin siya nang tanaw. Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin kung wala siya. 

Mas hinila ko na ang kumot ko at nakangiti akong muling ipinikit ang aking mga mata.

***

Nang maalimpungatan ako, akala ko ay umaga na pero malaki ang pagkadismaya ko nang malaman na gabi pa rin. Pipilitin ko na sanang makatulog ulit nang mauhaw ako.

Iritable akong bumangon sa kama. Bakit ko ba nakalimutan maglagay ng tubig sa side table ko ngayon?

"Goodness! I just want to sleep! I have a date tomorrow!"

Dahil nanunuyo talaga ang lalamunan ko ay pinili ko nang bumaba. Dahan-dahan ang mga hakbang ko dahil hindi ko na gustong maabala pa sa pagtulog sina Mommy Gothella o kaya ang aming kasambahay dahil dadaanan ko ang kanilang mga kuwarto.

Nang makababa na ako sa hagdan ay nagpatuloy ako sa paghakbang patungo sa kusina, ngunit hindi na natuloy pa ang aking mga paa nang makarinig ako ng mga pamilyar na boses.

"Fabian, saan mo naman siya balak dalhin bukas? Pinaalala ko sa 'yo--"

"Yes. Yes, of course, Gothella. It's always you."

Nanlaki ang mga mata ko at mariin kong tinakpan ang mga labi ko para pigilan ang maaaring gawin kong ingay. Nangatal na ang mga kamay ko at nagsimulang mag-init ang sulok ng aking mga mata dahil sa mga naririnig ko.

Kaunting mga salita lang iyon, ngunit alam ko ang ibig sabihin niyon. Always you?

"Alam mo naman na pinagtitiyagaan ko lang siya dahil sa kayamanang iniwan ni Kuya. Ipagpatuloy mo lang ang pagpapaniwala sa kanya, Fabian. Once that she married you... the money will be yours... sa ating dalawa..." pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking ulo.

Napayakap na lang ako sa aking sarili. Hindi lang matinding sakit at galit kundi pandidiri ang siyang nararamdaman ko sa kanila. How dare them!

Mariin kong kagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong gumawa ng ingay. Lalo na nang may marinig akong hindi dapat mula sa kusina. Are they damn kissing? What the hell?!

Ilang beses pumasok sa isip ko ang pagtatangkang paghalik sa akin ni Fabian na paulit-ulit kong pinauudlot dahil wala pa ako sa tamang edad!

Oh, my goodness!

Dalawang kamay ko na ang nakahawak sa bibig ko upang pigilan ang nalalapit kong pagsusuka mula sa naririnig ko.

"Habang ako ang nangangalaga sa kanya at hindi pa siya umaabot sa edad na dalawampu't isa, nasa akin ang karapatan sa kayamanan ni Kuya. Unless if she got married, na siyang sisiguraduhin natin na ikaw..."

Gusto kong pumasok doon sa kusina at sabuyan ng kumukulong tubig ang mga hayop na iyon. Ngunit pinigilan ko ang sarili ko at pilit na pinakalma ang nararamdaman ko.

Hindi ako dapat magpadala sa emosyon ko sa mga oras na ito. I need to think and fucking move!

Biglang nawala ang uhaw ko at nagmadali na akong bumalik sa kuwarto ko. Hindi ko na kailangang habaan pa ang dapat kong marinig sa kanila. Malinaw na malinaw na pera lang ang habol nila sa akin!

Luhaan akong nag-empake ng mga gamit ko. Dinala ko ang lahat ng alahas na maaaring magamit ni Gothellang impakta at sinigurado na wala akong maiiwan na puwede niyang pakinabangan.

Habang nasa pangangalaga mo pala, huh? What do you think of me? An idiot?! You insolent ugly hag!

I will find a husband! Malaki ang mata ni Fabian? Alright! Hahanap ako ng chinito! Kawalan ang hayop na Fabian iyon? Fucking no! Kanya na! Kanya na! Isaksak niya sa baga niya, mga hayop silang mga mukhang pera!

Naghubad na ako at nagpalit ng damit. I picked black pants, a black shirt, and my black cap. Dahil wala akong itim na rubber shoes, puti na lang ang isinuot ko. I braided my hair first before I put my cap on my head.

Pulang-pula ang mga mata ko nang humarap ako sa salamin.

Itinapon ko muna ang bag ko sa bintana bago ako sumunod. I knew it was too risky, pero sa sobrang sama na ng loob ko at sakit na nararamdaman ko, hindi ko na naramdaman ang kaba at takot nang tumalon ako. Napadaing ako sa sakit nang bumagsak ako sa lupa pero hindi iyon hadlang para damputin ko iyong bag ko at nagsimula na akong tumakbo papalabas ng harap ng mansyon namin.

Buong gabi akong nagbiyahe. Wala akong ibang ginawa kundi sumakay nang sumakay, gusto kong lumayo, gusto kong hindi na ako makita pa ng mga mukhang perang iyon!

Until I found myself in front of a huge arc. Sa tabi ng arko ay may malaking parang billboard na nakalagay ang pagbati ng pangalan ng probinsiya.

"Maligayang Pagdating sa Probinsiya ng Enamel" bati mula kay Governor Arellano.

Napaiyak ako nang makita iyon. Napaiyak dahil sa iba't ibang dahilan, sa gutom, pagod, panloloko, at saan ba ang letcheng Enamel na 'to?!

Kumakain naman ako sa biyahe pero iba pa rin ang luto! Magdidilim na! Kailangan ko nang makahanp ng pinakamalapit na hotel.

Nagpupunas na ako ng luha nang makarinig ako ng busina ng sasakyan sa likuran. Nang lumingon ako ay nakadungaw ang isang lalaki na nakasuot ng itim na salamin.

Ang taas ng araw, huh? Hapon na. Wala sa sarili akong napatingin sa kalangitan. Wala ng araw.

Hindi ko siya kilala kaya hindi ko siya pinansin. Ngunit habang naglalakad ako ay nakasunod ang sasakyan niya sa akin.

"Miss, walang public transportation na nadaan dito ngayon. Saan ka ba sa Enamel? Sabay ka na."

"No. Malapit lang ako."

"Come on, I can give you my driver's license. You can take a picture and send it to someone if something happens. Delikado na rito kapag inabot ka ng dilim."

Lumingon ulit ako sa lalaki. Tinanggal na niya iyong salamin niya at mas napagmasdan ko ang hitsura niya. He's handsome, yes. Lalo na nang ngumiti siya at lumabas ang malalim niyang dimples.

"License," inilahad ko ang kamay ko.

Inabot niya sa akin ang kanyang lisensiya. Sean Owen Ferell. Ilang beses kong sinulyapan ang mukha niya at ang litrato. Mas gwapo siya sa personal.

Mukhang nakita niyang kumunot ang noo ko. "Come on, semi-kalbo ang gupit ko riyan. Kakagaling ko lang sa swimming competition ng-" ibinalik ko na ang lisensiya niya matapos kong kuhanan ng litrato. Hindi ko na siya pinatapos magsalita.

Sumakay na ako sa kanyang sasakyan at naglagay na ako ng seatbelt. Pero alerto pa rin ako, paano kung modus niya palang mag-abang ng babae rito sa Enamel na lugar na 'to?

"Your name?"

"Magnefica..." asa ka naman na sasabihin ko pangalan ko?

"Wow, unique name. So, sino pupuntahan mo rito? Relatives? Hindi ka pamilyar sa akin."

Tumaas ang kilay ko. Gaano ba kaliit ang lugar na 'to para makilala niya ang mga tao rito?

Hindi ako sumagot sa kanya at nanatili akong nakatingin sa labas.

"Or you are looking for someone? I can help you. I have connections here." Umiling ako sa kanya. Dahil kahit ako, hindi ko alam kung paano ako magsisimula.

Malayo na ba talaga ako lugar na ito sa amin? Gusto kong mamatay sa kahahanap ang mukhang perang Gothella na iyon.

"Saan kita ibababa?"

"Here! Dito na lang," agad kong sabi nang may makita akong 7-eleven.

"Alright."

Bago ako bumaba ay may inabot siya sa akin. Nagulat pa nga ako nang makita na calling card iyon.

"Call me if you need help."

"Thank you..."

"No problem."

Akala ko ay iiwanan na niya ako nang may sabihin pa siya sa akin nang nakatalikod na ako sa kanya.

"Ikaw ingat sa intsik dito... sila gusto babae dayuhan... minsan hila-hila... o tabi-tabi... niaano rin..."

Mas lalong kumunot ang noo ko. Bakit biglang napilipit ang dila niya?

"W-What?"

Kumindat siya sa akin. "See you around, Magnefica..."

Ilang araw akong nagpalipat-lipat sa maliliit na hotel dito sa Enamel. Madalas ay sa 7-eleven na ako kumakain. Tahimik lang ako sa isang sulok habang iniisip ang magiging plano ko o kung kanino ako hihingi ng tulong nang biglang may nag-notif sa facebook ko.

Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko nang magpost na si Gothella na nawawala ako. The witch even posted a picture of me with the word missing. What the fucking hell!

Mas nanlaki ang mga mata ko nang may pumasok na lalaki na may dalang papel. It has my damn picture!

"May napadpad raw rito na-" yumuko na ako at pilit itinago ang mukha ko nang dumaan ang dalawang lalaki.

Saan ang Enamel na 'to? Bakit ang bilis makaabot dito ang balita? Or someone just saw me and reported to her that I was here?

Habang itinatago ko ang mukha ko ay agad tumama sa akin iyong pangkulay ng buhok. I grabbed it and went straight to the counter. Pagkatapos bayaran ay nagmadali na akong lumabas.

***

Ipinilig ko ang ulo ko nang saglit bumalik sa isip ko ang lahat ng pinagdaanan ko bago ako mahantong sa ganitong sitwasyon. Ang gusto ko lang naman ay makawala sa bruhang babaeng iyon at ilayo ang pera sa kanya na pinaghirapan ni Papa, pero hindi ko akalain na hahantong ako sa ganito.

Sa ganitong sitwasyon!

How could this idiot be mistaken me for being a fucking robber?! Mukha ba akong magnanakaw?

Mariin akong napapikit sa sarili kong katanungan. But who wouldn't? With my suspisciously outfit, bag filled with jewelries, and someone who had entered a private place. 

Sino ba naman kasi ang mag-iisip na may tao sa lugar na ito? Ang masaklap pa ay hubad!

Ilang beses akong humiling na sana ay panaginip lang ang nangyari, na walang nakahuli sa aking lalaki na walang suot at may hawak na kawali. Sana ay hindi ako hinimatay sa harapan niya. Maybe everything was just my imagination because I was too hungry. 

Ngunit sa pagdilat ko ng aking mga mata siya ang sumalubong sa akin.

The chinito man was smirking at me with a frying pan on his hand while tapping it to his bare shoulder. Buhay na ang ilaw at nag-aalinlangan akong tumingin sa ibaba. Pero hindi ko rin napigilan ang sarili ko, kaya tumingin pa rin ako.

He's already wearing his boxer shorts. There's a frying pan and a rubber band on his wrist.

But what's the worst? Nakatali ang mga kamay at paa ko habang may busal ang bibig ko. Ilang beses akong nagwala at nagsisigaw pero walang nangyari, umiiling-iling lang sa akin ang walang hiyang lalaki!

"Tell me, what do you want from me?"

"Sncksdhsfnsdfdh!" Gago ka pala, e! Nakabusal ang bibig ko, paano kita masasagot?

"And they sent a woman? Akala ba nila basta basta ako maaakit? Maybe you're about to strip your clothes? Make me vulnerable and do more. Nasira lang ang mga plano mo."

Nanlaki ang mata ko. Ang lawak naman ng imahinasyon ng mokong na 'to! Una pinagkamalan niya akong magnanakaw? Ngayon maghuhubad na sa harapan niya? At anong do more? Gago siya!

"Mbwonvkdhusdfs!" sagot ko sa kanya habang nakabusal ako.

Excuse me? Hindi ka naman kagwapuhan! Malaki lang talaga-I mean, sobrang laki ng kaba sa dibdib ko kanina sa kusina!

With the use of his frying pan, he tried to tilt my face from left to right. Sinubukan kong manlaban, ginamit niya iyon para takpan ang ano niya tapos ididikit niya sa mukha ko?!

"Kmwnefcaxxmwxbdw!" umuulan na ng mura sa isipan ko.

Nakanguso na sa akin ang lalaki habang mariin niya akong tinititigan.

"Not my type..."

I sarcastically laughed even with a gag on my mouth. Sa sobrang liit siguro ng mata niya, hindi na siya marunong tumingin ng maganda.

Magsasalita pa sana siya nang biglang mabuksan ang pintuan. I heard another male voice.

"Tangina-" narinig ko ang mura ng lalaking nasa harapan ko.

Isa lang ang ibig sabihin niyon, hindi niya gustong may dumating. This someone might help me!

Agad akong nagwala at nag-ingay sa kabila ng busal sa bibig ko.

"Alright! Alright, I'll call you back. Just-" nabitawan ng panibagong chinito ang kanyang telepono nang makita niya ang sitwasyon ko at ng nakahubad na lalaki.

"Gago ka, Kairo! What the hell are you doing?!"

Nasabunutan ng lalaking may hawak ng kawali ang kanyang sarili. "Let me explain. This is-"

Mas ginalingan ko na ang pag-iyak sa harapan ng bagong dating na lalaki na ngayon ay nagmamadaling tanggalin ang pagkakatali ko.

"No! Nash!" marahas itinulak ng lalaking may pangalang Kairo ang lalaking nagtatanggal ng tali sa kanya.

"Gago ka ba, Kairo?! What the hell is this?! Bakit may nakataling babae?!"

"She's a robber! Nahuli ko!"

"A robber?!" hindi makapaniwalang tumingin sa akin ang lalaking may pangalang Nash.

"Sa gandang iyan? Magnanakaw?!"

Nang muling lalapit sa akin si Nash ay humarang si Kairo sa kanya.

"Alright! Yes, we are having our sex roleplay!"

Halos himatayin ako sa narinig ko. Natigilan si Nash at ilang beses siyang napatingin sa akin at kay Kairo na naka-boxers lang.

"She wanted to play the hostage..."

Marahas akong umiling. "Dseonsknnfwsfslcms!"

Mariin napapikit si Nash. "Oh, damn! Bahala ka na sa buhay mo!" sinubukan ko muling sumigaw at humingi ng tulong kay Nash pero nagmadali na siyang tumalikod at iwan kami ng walang hiyang si Kairo.

Bakit mas naniniwala pa siya sa kasinungalingang iyon ng hayop na lalaking 'to kaysa sa pagnanakaw na ibinibintang sa akin?!

Sinigurado niyang nakasarado na ang pintuan nang maayos bago siya bumalik sa akin.

Ngumisi siya sa akin at muli niyang tinapik ang balikat niya gamit ang kawali.

"Where are we, darling?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro