Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Prologue

My prince held my hand with the sweetest smile on his face. Who would thought that after a terrible fall in my life, someone would be there to catch me?

I knew that moment, when he extended his warm hand on me... natagpuan ko na ang prinsipeng hinihintay ko.

He's like a sun that could always produce warm and heat, kanyang mga ngiti at matang nagniningning na siyang hinihiling ng mga katulad kong naghihintay ng isang prinsipe.

"Ashanti Rose La Rosa, you're the prettiest." I smiled at him.

May mukha na akong ihaharap sa mga kapatid kong babae. They've been bullying me for having no boyfriend, sa aming limang magkakapatid ay sa akin lang walang pumipilang manliligaw, I was dubbed as the ugliest La Rosa. But when I met Langston Samonte, he made me feel that I was the prettiest.

Hinalikan niya ang likuran ng kamay ko. I blushed, he's also a gentleman. Sa ilang buwan naming relasyon ay ni minsan ay hindi siya nagbigay sa akin ng motibong nais niya humigit sa kamay ang maabot ng kanyang mga labi.

Halos tumirik ang mga mata ng mga kapatid ko sa akin sa tuwing inihahatid ako ni Lants sa bahay dala ang mamahaling sasakyan niya. Kung dati ay halos insultuhin nila ako dahil wala man lang magkamali sa aking mayaman, kilala at magandang lalaki para ligawan ako ngayon ay halos mamatay sila sa inggit.

I was my mom's least favorite before, pero ngayong mas malaking isda ang dinadala ko sa bahay bigla ako nitong naging paborito. My mom's clan was known for women with great beauty, na nakakapag-asawa ng mayayaman at kilalang lalaki sa alta Sociedad. Because she got pregnant by my father who was just still a student before, nawala na ang pangarap ni Mama na makapangasawa ng mayaman at kilalang lalaki, kaya sa amin siya bumabawi.

My sisters and I were exposed with that mind set, be beautiful, find a suitable husband and soar high. Ano na nga lang ang magagawa namin sa sandaling lahat kami ay may kilalang lalaking manliligaw? Anak lang naman kami ng magandang si Alaska Miral La Rosa, ang kilalang modelo ng kanyang kapanahunan.

"Lants, hijo!" natutuwang sabi ni Mama. She kissed me on cheeks and even Lants. Ngumiti naman si Lants sa kanya.

"Tita, ipagpapaalam ko lang si Ashanti bukas."

"Oo naman! Saan ba kayo pupunta ng anak ko?"

"Sa mansyon po."

Namilog ang mata ni Mama at nagtaasan ang kilay ng mga kapatid ko sa likuran.

"W-why naman hijo?"

Napakamot sa kanyang ulo si Lants.

"I know it's a bit awkward po, I want to invite her sisters too. To assure you po na hindi ako gagawa—" naputol na ang sasabihin ni Lants.

"Of course, Lants! We'll join you! Papayag na si Mama." Sabat ni Ate Aliyah.

I want to roll my eyes, ayoko silang kasama.

"Sure, why not, hijo? Ano ba ang meron?"

"It's a simple dinner. I'll just introduce Ashanti to my brother, he's been curious about her." Nag-init ang pisngi ko lalo na nang sumulyap sa akin si Lants at mas lumawak ang ngiti niya.

Lants told me that his brother was just his only family. At gusto niya na akong makilala nito.

Ngayon taon lang bumalik sa Pilipinas ang mga Samonte, nakakarinig na rin naman ako ng balita sa kanila lalo na sa kapatid niya na hinahangaan ng nakararami dahil sa sipag at galing nito sa murang edad. Kung ganito na kabait si Lants, sigurado akong hindi ko na kailangang kabahan sa kuya niya.

"Is he single?" tanong ni Ate Ariana. Ang landi!

"Oh sorry, he's Autumn Stassi Olbes' boyfriend."

"Oh," sabay-sabay na sabi ng mga kapatid ko. Olbes does ring a bell, isang malaking pamilya sa probinsiya ng Enamel, wala silang laban.

Nagpaalam na si Lants sa akin at kay Mama, sinabi niyang may susundo na sa aming magkakapatid bukas. He'll just wait in their mansion.

I was excited when Lants' driver arrived at our doorsteps. My mom dressed me so well that I could surpass my sisters' beauty ten times. Hinawi ko ang buhok ko sa kanilang harapan nang pagbuksan ako ng driver ng pintuan, nakakrus ang aking mga hita nang hinihintay ko na silang makasunod sa akin.

"Hanggang ngayon nag-iisip pa rin ako kung paano ka nakabingwit ng isang Samonte." Sabi ni Ate Aliyah, ang pinaka-inggetera kong kapatid.

"Hindi ko rin alam, I was the ugliest before. Sobrang gwapo ng boyfriend ko, bakit kaya?"

Asar na asar sila sa akin hanggang sa makarating kami sa mansyon ng mga Samonte.

And there, Langston Tirzo Uy Samonte was waiting for me with his bright smile like a sun!

"Ashanti!"

"Lants..."

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay bago niya binigyan ng pansin ang mga kapatid ko.

"You may enter, I'll just talk to your sister." Nagawa niya pang kumindat sa kanila.

"Come here..." hawak niya ang kamay ko at sinimulan niya akong hilahin hanggang sa makarating kami sa garden nila.

"W-why are we here, Lants?"

Biglang humarap sa akin si Lants at dalawang kamay ko muli ang hinawakan niya, nag-init ang pisngi ko nang kapwa niya ito halikan habang ang mga mata'y nasa akin lang.

"You're the prettiest girl I've ever met, Ashanti... marry me..." natulala ako sa sinabi niya.

What the hell? Marry him, agad? 'Di pa ako nakakatapos sa pag-aaral. Could we just at least compromise for a while?

But when I looked into his eyes, my heart could melt in an instant. Kung titigan ako ni Lants ay parang nag-iisa akong babaeng nakikita niya sa mundong ito. He's staring at me with so much love...

"Y-yes..."

Lumawak ang ngiti niya sa akin. I expected our first real kiss but Lants gave me his kiss on my forehead. Damn, I am engaged with a true gentleman.

"Come here, my brother will be glad to meet you."

Lakad takbo kami ni Lants sa loob ng kanilang mansyon na magkahawak ang mga kamay. I couldn't help but to blush when people stared at us.

"Lants... kinakabahan ako..."

Hindi agad kami nakalapit ni Lants sa kuya niya nang makita niyang may kausap itong mga businessman.

I expected a matured version of Langston, but he's quite the opposite. If my fiancé, Lants was a sun, his brother was a moon. He's too stiff, cold and too serious!

Kahit napapalibutan siya ng higit na matatandang negosyante, hindi ito nagawang paliitin ang kanyang presensiya, he could even overpower them.

The only similarities of the two brothers were their Chinese eyes. But the other features were really opposite!

Bigla akong ginapangan ng kaba.

Habang nakikipag-usap siya at may hawak ng baso ng wine, pansin ko na nakasuot siya ng gloves. What was that for?

"M-mabait ba talaga siya, Lants?"

"Of course. Don't worry, everything will be fine."

Hindi rin nagtagal ay natapos na ang pakikipag-usap nito sa mga negosyante. Agad akong hinila ni Lants patungo sa kanya, and I awkwardly smiled at him.

What was his name again?

"Kuya, meet my fiancé, Ashanti Rose La Rosa." His eyebrows automatically crossed.

"What again, Langston?" he asked in his coldest voice.

"My fiancé." Humalik pa si Lants sa kamay ko sa harapan ng kuya niya niya na mukhang namumutla na.

"Fiancé?" he repeated the word like it was some kind of insult for him.

Ipinakita ni Lants ang kamay ko na may engagement ring. I tried to compose myself and greeted him.

"K-kuya..." I uttered nervously.

Humugot siya ng marahas na paghinga at mariin siyang tumitig sa kapatid niya na nakangiti pa rin. Couldn't he just read the situation? Ayaw sa akin ng kuya niya.

"Langston! You can't marry a woman you just met!"

That was when I've met a prince... a prince like a block of ice, a snowman with a frozen heart.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro