Chapter 9
Chapter 9
Meetings
Amusing, huh?
Maniniwala na sana ako sa kanya, pero hindi ko pa nakakalimutan ang mga salitaan ng kapatid niyang si Langston.
Those sweet words that made me believe that he was really my prince.
Mga paandar nitong magkapatid na ito, ang sarap talaga nilang pag-untugin.
I faked my laughter. "Ikaw naman, boss... ano naman ang amusing sa akin bukod sa pagiging gang leader?" I said trying to add humor.
His lips curved. It should be sir not boss, but I'd already decided to call him that.
Ang boss kong lamig.
Hindi siya sumagot sa akin at hinintay niya na akong matapos kumain. Nang makabalik kami sa kanilang mansyon, sumalubong sa amin si Langston.
"Overtime for the first day?" he asked his brother after glancing at me.
"You may go, Ms La Rosa."
"Oh, thanks, boss."
"I will expect you tomorrow."
I smiled at them. "Sure."
At tumalikod akong umiirap sa kanilang dalawa.
***
The first few weeks of being Keaton Samote's secretary was really a living hell. His non-stop meetings all day was draining my whole system, his consistent icy face, and his few words were all killing me.
Idagdag pa na hindi yata siya nagugutom, kaya natuto na akong magdala ng biscuit sa bag ko na siyang kinakain ko kapag nauuna ako sa kotse niya habang may kausap pa siyang mga businessman.
I glanced outside his car's window, may kausap pa rin siyang lalaki kaya inabala ko muna ang sarili ko sa phone ko. I got a message from Leiden and Farrah, our youth council president. According to her message, we will be having a meeting for a certain fund raising, and our attendance is a must. Lalo na't summer naman daw at walang mga pasok.
Hindi muna ako nagreply kay Farrah, I tried to file for a leave once, pero hindi ako pinayagan ng boss kong lamig. Isa pa, he had a connection with my father, kahit magsinungaling ako sa kanya na nagkasakit ako kahit hindi naman pala, ako lang ang mapapahamak. Siya lang naman ang kinakampihan ng sarili kong ama.
Nang buksan ko naman ng message ni Leiden, ako na ang nahiyang mag-reply sa kanya, ilang beses na niya akong niyayang lumabas pero masyado puno ang schedule ni Samonteng lamig kaya hindi ko mapagbigyan si Leiden.
He did even tell me that his invitation was a friendly date, kung naiilang na raw ako sa kanya. Yes, I was annoyed with Leiden before, but after being with him for quite some time, hindi naman pala siya kamoteng hilaw.
He's cool. Isama pa ang bestfriend niyang si Kairo na parang corny ang mga jokes.
Sumakay na ang boss kong si Samonteng lamig habang may kausap sa kanyang telepono, pinatakbo na ni Kuyang driver ang sasakyan, hapon na at wala na akong natatandaang susunod na meeting, nakahinga na ako ng maluwag.
Sa wakas makakauwi na ako.
Hinihintay ko na lamang matapos ang pakikipag-usap ni Samonte sa telepono para sabihin na ibaba na lang ako sa may 7 -eleven nang unahan niya ako.
"By the way, Miss La Rosa, I need your presence tonight. We have an immediate meeting and—" umawang ang bibig ko sa sinabi niya.
Sobra na! Puro overtime na ako! Kulang na ako sa tulog at kain! Isusumbong ko na ang intsik na 'to sa DOLE!
"But boss---" he held his hand on air before he went back on his call.
My shoulders dropped. Bakit hindi ko magawang makatanggi sa kanya? Dahil pagagalitan ako ni Papa at mangangatwiran na naman siya na wala naman daw akong ginagawa sa bahay.
Nanlulumo akong bumaba sa sasakyan nang makarating kami sa mansyon nila, as usual, sumasalubong sa amin ang kapatid niyang si Langston or si Kalas (turnilyong kalas).
Minsan napapaisip ako kung paano nga ba ako nahulog sa kanya. Langston Samonte seemed so unreal, siya iyong tipo na parang naka-default o naka-program na. Well, pareho naman sila ni Keaton, iyong isa hindi ngumingiti habang ito namang isa laging nakangiti.
"Overtime?"
Tumango ako sa kanya. Sinabayan niya akong maglakad habang nauna na sa amin si Keaton na mga salitang konektado lang sa negosyo ang kayang sabihin.
"Ba't ganyan ang kapatid mo? Hindi ba iyan nagugutom?" ngiwing tanong ko, ramdam ko ang pagkalam ng sikmura ko.
"Just remind him."
"Really?"
How could I possibly do that? Pwede lang akong magsalita kapag tinanong niya.
"I'll tell the maids to prepare the dinner." Langston winked at me.
"Wow, thanks!"
"Of course, everything for my ex." I rolled my eyes.
Habang tumatagal nagsisimula na rin mawala ang pagka-bitter ko kay Langston, lalo na sa tuwing may nababalitaan akong may inalok na naman siya ng kasal at mahal na mahal niya raw, then it would end as a fake news. I just realized na marami naman pala kaming naloko. I'll just cheer for them if they will plan something against Langston.
Sumunod na ako sa opisina ni Samonteng lamig, nakaupo na siya sa lamesa niya habang nakaharap sa kanyang laptop. Naupo naman ako sa aking laging pwesto, I opened my notebook, hold my pen and ready myself to jut something down if he suddenly showered his non-stop business words. Sa katunayan, ilang beses niya pa akong pinagalitan sa tuwing kulang iyong mga nasusulat ko.
Sumandal na ako sa aking upuan habang pinagmamasdan si Samonteng lamig, at wala sa sarili kong pinaglaruan ang di-pindot kong ballpen.
Bakit wala yata siyang eyebags? May skin routine ba siya? Iyong mata niya sobrang naniningkit habang may binabasa sa kanyang laptop. Gusto ko nang palakpakan ang sarili ko, hindi ko akalain na sa kabila ng mala-yelong mukha ng boss ko, nakatagal ako ng isang Linggo.
I continued clicking my ballpen's tip on the lower part of my lips, when I suddenly got his attention. I immediately averted my eyes away from him, and pretended to stare at my notepad.
"Miss La Rosa, stop that."
I shakily answered his gaze, "W-what, boss?"
"Stop. That."
"Nagbabasa lang po ako ng notes."
"Not that. Your ballpen, stop that." Itinigil ko ang paglalaro sa ballpen ko.
"This?" tipid kong iniharap sa kanya ang hawak kong ballpen.
"Yes. It's noisy, I can't concentrate."
Tumango na lamang ako, kalahating oras din ang hinintay ko bago magsimula ang video conference. Nasa tabi niya ako habang nakikinig ng kanilang usapan at isinusulat ang naririnig kong importante, nang matapos ang meeting kulang na lang ay tumalon ako sa tuwa.
The door opened, Langston's bright smile greeted us with awesome news, handa na raw ang pagkain sa baba. Sino ba naman ako para magpakipot pa? Gutom na talaga ako. So I embraced the awkward scene for the foods.
Nasa puno ng lamesa si Keaton habang magkaharapan naman kami ni Langston.
"How's being my brother's secretary so far?"
Gusto kong ibato kay Langston ang plato, sa dami ng pwedeng itanong iyon pa. Should I say enjoyable? Baka mabulunan ako sa kinakain ko.
"Good."
"Hmm... really?" Langston asked in humor.
"Are you expecting something else, Langston?" sabat ni Keaton Samonte.
"Nothing, brother."
The dinner lasted with Langston's questions. Tipid lang naman ang sagot namin ng kapatid niya, siguro dahil wala sa amin ang gusto pang pag-usapan ang trabaho.
"Kuya, ihahatid ko na si Ashanti. Gabi na." Paalam ni Langston kay Keaton na paakyat na sa hagdan.
"Mang Rolly, will drive her home. We need to talk, Langston."
"Oh, okay."
**
Akala ko ay maganda na ang magiging umaga ko, pero nang magmulat ako sa salubungin ng mukha ng mga kapatid kong sobrang gaganda, nasira ang umaga ko.
"What?" agad kong sabi pag-upo ko sa kama.
"If you failed your attempt to the young Samonte, make it sure this time."
"Seriously? Ano na naman ba kayo? Nagta-trabaho ako ng marangal. At wala akong interes sa Samonteng lamig na iyon."
Bigla na lang dumamba sa akin ang mga kapatid ko at halos sabay-sabay nilang niyugyog ang balikat ko na parang isang malaking kasalanan ang mga sinabi ko.
"Ashanti, ang tagal mong walang bisa sa ating magkakapatid. You should prove yourself now. Tinutuka ka na, tinutuka ka na ng mga Samonte."
Biglang umikot ang paningin ko nang marinig ang mga salitang iyon.
"Ano ako palay?! Palay?! Bakit ako tutukain!?"
Suminghap si Ate Aliyah at marahas niyang tinakpan ang bibig ni Ate Ariana na parang may mga salita silang hindi dapat sinabi sa akin.
Naningkit ang mga mata ko at dahan-dahan ko silang pinasadahan ng masamang titig.
"May hindi ba ako nalalaman dito?"
Agad silang umiling sa akin. Hindi na natuloy ang kung anumang sasabihin nila dahil nagmadali na silang lumabas ng kwarto ko.
"Seriously? Agang-aga."
Huli ako ng limang minuto nang makarating ako sa mansyon ng mga Samonte, naka-krus na naman ang mga braso ng boss kong lamig habang tinatapik-tapik ng isang daliri niya ang kanyang braso.
"Boss—" he cut me off.
"I'll deduct it to your salary. I told you, I am not tolerating tardiness."
"I'm sor—" pumasok na siya sa sasakyan at malakas niyang ibinagsak. Gusto ko tuloy biglang pasabugin ang kotse niya.
It was the start of my hellish day, dahil nagsunod-sunod na ang pagkakamali ko na mas nagpainit ng ulo ni Keaton Samonte.
"Miss La Rosa!" sigaw niya sa akin nang pumasok kami sa isang conference room na walang tao. It was late when I realized that I'd sent wrong emails, mali ang schedule na naibigay ko sa mga ka-meeting niya dapat.
"S-sorry, I didn't---"
I thought he's going to hit me, but as I opened eyes to see what happened, I just found myself locked against his arms and the cold wall behind me.
"Is this the sabotage? So you're still up to your damn childish act?" mariin akong umiling sa kanya.
"No... boss..."
Nawala na iyon sa isip ko. I already agreed with his terms, I should convince him. Ilang beses ko man naisip na pasabugin siya kasama ng kotse niya, hindi na sumagi sa isip ko na magsabutahe sa trabaho.
"Should I report everything to your father?"
He knew my weakness, my father. I shouldn't let him down, I shouldn't let my group down, nangako ako sa kanila. I will kill that insanely business in good way.
Walang sabotahe na magaganap, ginagawa ko ang lahat ng kaya ko sa trabaho, nagkataon lang na sobrang pagod na 'ko dahil sa schedule niya na pang-pinetensya!
"This is not a sabotage, Mr Samonte... it was just a human error, unintentional error." My eyes started to plead on him.
Gusto kong maniwala siya sa akin, gusto kong may magandang mangyari itong lahat ng paghihirap ko, kung tatanggalin niya ako agad, mauuwi sa wala ang lahat ng pagtitiyaga ko sa mala-yelo niyang ugali.
"J-just deduct it to my salary... po..."
"Deduction, eh?"
I slowly nodded at him. The distance between us was not helping! Bakit ganito siya kalapit sa akin?
"It's not enough."
Suminghap ako sa sinabi niya. Para akong nanigas na yelo sa harapan niya at nangangatal kong niyakap ang sarili ko. Nagsimulang kumunot ang noo niya sa akin.
"Boss... hindi po ako palay... wag po..."
Napaatras si Keaton Samonte mula sa akin at nagkaroon kami ng malawak na distansya.
"La Rosa! Y-you!"
Napapikit na ako habang hinihintay ang kasunod niyang sasabihin, pero ang tanging narinig ko ay ang malakas na pagbagsak ng pinto.
Nag-alangan pa akong nagmulat, wala na nga ang si Samonteng lamig at hindi niya sinabing tanggal na ako.
Ano ba ang ibig niyang sabihin? Hindi ba't siya mismo ang nagsabi noon sa akin? Would he change the meaning of his words?
Naghihintay na ang kotse niyang gusto kong pasabugin, sasakay na sana ako sa likuran nang hindi ko iyon mabuksan. Ilang beses ko pang kinatok ang bintana, hindi man lang natinag ang boss ko.
Mga ilang minuto akong katok nang katok bago nabuksan ang unahan, doon pala ako pinauupo sa tabi ng driver.
Hanggang sa matapos ang buong araw, hindi iilang beses na tinawag ni Keaton Samonte ang pangalan ko na parang laging nagtitimpi.
Sasabak na naman sana siya sa isang meeting nang naglakas loob na ako. I shouldn't tolerate this hunger strike forever, kung hindi man siya ang mamatay, mauuna na ako.
I should remind him to eat, tulad ng sabi ng kapatid niya.
"Boss..."
Nawala ang maaliwalas niyang mukha sa kausap niya nang lumingon siya sa akin. Saglit tumaas ang kilay niya.
Paano ko ba sasabihin?
Naiwan na si Keaton ng dalawang kausap niya na abala pa rin sa pag-uusap habang patuloy sa paglalakad.
"Yes, Miss La Rosa? Interruption again?"
But Keaton Samonte misread my uneasiness, ilang beses siyang sumulyap sa likuran ng dalawang lalaking kausap niya kanina.
Samonteng lamig thought that I was about to spill something confidential. Patay na naman.
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila niya ako sa may gilid na walang makakarinig sa amin.
"Whisper it to me."
Gusto ko nang ngumiwi at sabihing hindi iyon, shit. Bakit ba puro business ang nasa utak nito?
Bahala na. I immediately tiptoed, placed my right hand on his shoulder and my other hand near his ear to cover.
"Boss... kain ka muna kaya?"
He immediately straightened his body, placed his hands on his waist, and looked at me incredulously.
"Seriously! La Rosa!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro