Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7

Employment 

Gusto kong tirisin ng buhay ang pahamak na batang iyon. Siya na nga ang tinulungan ko para kunin ang kanyang lobo, ako pa ang nagmukhang kontrabida.

And Keaton Samonte didn't even help me! Sadyang hinayaan niya akong magmukhang masama!

"It's fine." He stiffly said, bago siya umalis at sundan ng kapatid niyang baliw.

Kaya hindi tuloy ako makakain ng maayos. The Arellano girls were staring daggers at me na parang isa akong manlolokong girlfriend sa pinsan nilang si Leiden.

"Kung naglaro talaga ako ng buong quarter, baka tambak pa ang mga iyon." Troy Ferell blurted out.

Hindi ko mapigilan ang pagngiwi ko. Seryoso ba talaga siya? Baka kung hinayaan siyang maglaro ng mga kagrupo niya ay hindi na sila manalo.

Umiiling na lamang ang mga kasamahan niya, lalo na si Triton na mukhang nagsasawa nang makarinig ng yabang ng kaibigan niya. Minsan ay gusto ko na rin silang dalawang pag-umpugin, alam mo iyong laging inis ang mukha ni Triton kay Troy? Pero lagi naman silang magkasama. Magkaakbay pa, they're weird.

"Nag-init talaga ulo ko kanina, buti pinalabas n'yo sa court 'to." Siniko ni Triton si Troy.

Buong green team ay sumama, akala ko ay si Troy talaga ang manlilibre pero sa huli ay si Triton na ang naglabas ng kanyang wallet.

They also invited the blue team, hindi naman kasi sila magkakaaway dahil sa court lang naman sila magkakalaban. But the Samonte brothers declined the invitation because they already had their schedule after the game, gano'n din daw si Ahmed habang ang tatlong natitirang Ferell ay hindi na sumama dahil naba-badtrip daw sila sa mukha ni Troy. Si Nash lang ang sumama na ngayon ay kausap ni Leiden.

Dinala kami ni Triton sa kilalang kainan sa Enamel, sikat ang lutong bahay rito at madalas ay dinadayo talaga ng mga taga-malayo. It's a restaurant na pang-masa.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Troy." Tipid na sabi ni Nash.

"Still awesome?"

"Awesome, huh?" natatawang sabi ni Belo.

"Nero's always complaining about you kapag nando'n siya sa mansion." Sabi naman ni Gilbert.

"Oo nga pala, kumusta na si White?" tanong ni Troy. "Hindi naman kasi nagku-kwento si Nero."

"Worst." Sagot ni Leiden.

"I was about to ask the same question." Kibit balikat na sabi ni Kairo.

"Anyway! Ano ang gusto n'yo? Mag-order na kayo ng lahat ng gusto n'yo. I got discount here, sa amin kasi sila kumukuha ng tubig."

Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Triton na puro business ang utak. May lumapit na sa aming waitress at isa-isa na kaming nagbigay sa kanya ng order.

Kung kanina iyong mga lalaki ang nangunguna sa usapan, ngayon ay namuno na ang dalawang babaeng Arellano, kami lang kasing tatlo ang kasamang babae. Nagsisi talaga akong sumama ako.

"So... what happened? Ano iyong sinambot kanina?" tanong ni Sherill Arellano, narinig kong iyon ang tawag sa kanya ng mga pinsan niya.

"Narinig n'yo iyong sabi ng bata." Si Leiden ang sumagot.

"Ex mo pala si Langston?" si Melody Arellano naman ang nagsalita.

Seriously? Bakit kung magtanong sila sa akin ay may ginagawa akong kasalanan?

"Y-yes..."

"Melody, Sherill." Seryosong tinawag ni Leiden ang pangalan ng mga pinsan niya dahilan kung bakit hindi na nasundan pa ang mga tanong nila.

Tahimik na ako sa buong oras na kumakain kami, kung saan-saan na nakarating ang usapan nila at maging si Sherill at Melody ay nakakasabay na rin. Ilang beses akong isinasali ni Leiden pero agad din akong nawawala sa usapan.

Nagyaya lang lumabas ng eatery si Triton nang sabihin niyang may mga kakain pa at wala na ang mga iyong uupuan.

Unang nagpaalam si Gilbert Arellano, sumama na sa kanya si Sherill at Melody na naniningkit pa rin ang mga mata sa akin. Nagpaalam na rin si Nash at sinabing hindi na sasabay sa kapatid niya, sunod na humiwalay sa amin si Triton at Troy na nagawa pang kumindat sa akin.

"Sometimes I want to strangle his neck." Bulong ni Leiden.

Ako, si Leiden at Kairo na lang ang natitira. Nagyaya si Leiden na maglakad na lang muna raw kami sa plaza.

"Am I not third wheeling?"

"No." Halos sabay kaming sumagot ni Leiden.

"Sarap pa rin talaga rito sa Pilipinas. Akala ko ay malaking adjustment pa ang gagawin namin ni Nash."

"Hindi na kayo babalik sa ibang bansa? I mean, are you going to stay here for good?" si Leiden.

"Yeah."

"That's good, then."

"Ikaw, Leiden? Where are you going to work? Dito sa Enamel o sa Manila?"

"For now, dito muna ako sa Enamel. Alam n'yo naman na may problema pa sa—"

"Hey, you don't need to mention it." Tipid na ngumiti si Leiden.

"Ikaw, Ashanti? Ano ang plano mo pagka-graduate? You could model, you know."

"Huh? Niloloko mo ba ako, Kairo? Model? Tatawanan ka ng mga kapatid ko."

"I'm serious! Right, Leiden?"

Leiden prodded his lips. Hindi siya nakatingin sa akin at diretso lang ang mga mata niya sa daan.

"Uhm...yeah."

"See? Napipilitan nga lang si Leiden, e. There's no way na mag-model ako, baka mga kapatid ko pa." I waved my hand in dismissal.

"You mean, the La Rosa beauty queens? No offense, Ashanti. Pero iyong beauty kasi ng mga kapatid mo ay nakakasawa kapag tinitigan ng matagal. Yes, they're pretty, no doubt. Basta kapag tumitig ka sa kanila ng matagal, bigla mo gusto maghanap ng iba." Ngumiwi ako sa mahabang sinabi ni Kairo.

"Baka ikaw lang ang ganyan? 'Di ka makuntento sa pagtingin ng isang maganda, gusto mo marami."

He laughed before jabbing Leiden's ribs through his elbow. "Leiden, help me. Ang hirap i-compliment ni Ashanti."

"Ashanti's pretty but I don't recommend modelling."

"See?" sabi ko kay Kairo.

"You're lying, Leiden."

Akala ko ay may sasabihin pa si Leiden pero inakbayan na niya si Kairo. "I think we need to do something else, hiwalay na kami, Ashanti. See you tomorrow?"

"O-okay..." I looked at them awkwardly.

Tinalikuran na nila akong dalawa, nagkibit-balikat ako bago tumalikod din at maglakad papalayo sa dalawa. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay narinig kong tinawag ako ni Leiden.

"Ashanti!"

I thought he forgot something, but just like what he'd done at the court. He playfully held a ball, but this time it wasn't a ball from basketball.

It was a volleyball, na alam niyang masasambot ko. Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang mga kamay ko. I just found myself doing my ball toss before I made an imaginary spike to return his gesture.

Nagulat din si Leiden sa ginawa ko kaya hindi niya iyon nasagot. In the end he almost lost his balance, not because my ball hit him but his friend Kairo kicked his legs.

"Aw, tinamaan ng bola."

Sabay kaming natawa ni Kairo. Pinagtaasan ko ng kilay si Leiden, at bago ako tumalikod muli sa kanila pinaalala ko ang score namin.

"All one, Arellano."

**

"Any news?" salubong sa akin ng isa sa kasamahan ko na anti-Samonte nang magkita-kita na naman kami.

I planned not to meet them for a week, pero hindi yata kaya ng konsensiya ko. Ako ang pinakainaasahan ng lahat para maipasara ang sabungan ng mga Samonte, pero ito at wala pa rin akong nagagawa.

Paano ba ako makakalapit sa kanila? Sa tuwing nagkukrus ang landas namin ni Keaton Samonte ay mas lalong nadadagdagan ang galit niya sa akin.

Well, the feeling is mutual!

"I tried to convince my father, sabi niya ay susubukan niya raw akong ipasok sa hacienda ng mga Samonte ngayong bakasyon. I might see something there..." pagsisinungaling ko.

Hindi ko gustong mawalan ng pag-asa ang mga kasamahan ko. Ilang taon na rin kaming pinepeste ng sabungan ng mga Samonte, ngayon pa ba kami susuko na nagtutulong-tulong na kami?

"How about your record? Hindi ba iyon makikita ng mga Samonte? Sa tingin mo ay hindi ka pa nila namumukhaan?"

"My father is close with Keaton Samonte." I lied again, hindi ko alam kung hanggang saan ang samahan nila ni Papa.

But as what I've observed, Keaton trusted my father enough to give him the power to run his whole cockpit business.

My initial plan was to befriend Kairo or Nash De Mesa para sila na ang tumulong sa akin na makapasok sa mga Samonte, but after what happened...

Kairo's too close with Leiden, sa totoo lang ay hindi ko na gusto na nalalaman pa ni Leiden ang mga kilos ko laban sa mga Samonte. He once told me that I was just motivated to wreck them because of Langston's idiocy, pero higit doon ang dahilan ko.

Leiden would try to help me, at ayokong mangyari iyon. May problema na nga siya sa mga Olbes, tapos madadagdagan pa sa mga Samonte kung magtatangka siyang tulungan ako? Ayokong mangyari iyon. Though, Samontes loudly announced their support to Olbes family during the last election, hindi naman nagkaroon ng sobrang laking issue sa pagitan ng pamilya nila.

Kaya wala akong ibang pagpipilian kundi humingi ng tulong kay Papa. How could I convince him, anyway?

"They will sense trouble."

"J-just trust me." I said, very unsure.

Hindi ko na pinahaba pa ang naging meeting namin sa takot na may itanong pa sila sa akin at wala na akong maisip na kasinungalingan pa.

Habang pauwi na ako sa bahay, nag-iisip na ako ng pwedeng sabihin kay Papa. Dapat ay kaming dalawa lang ang magkausap, dahil sa sandaling marinig na naman ng mga kapatid ko ang sasabihin ko, siguradong kung anu-ano na naman ang maririnig ko.

Tamang-tama na kakapasok lang ni Papa sa kwarto nila ni Mama, I knocked twice. Kunot na agad ang noo ni Papa nang makita niya na ako ang kumatok.

"What is it again, my dearest daughter?"

"Pa, na-realize ko na sobrang mali pala talaga iyong ginawa ko sa mga Samonte." I tried to make my act more realistic. Kunwari ay halos hindi ako makatingin sa kanyang mga mata.

I made me look so uneasy, fragile and about to breakdown. Na parang sising-sisi talaga sa kanyang mga nagawa. Kahit sa totoo ay hindi ako magdadalawang-isip na magwelga ulit sa harap ng sabungan ng mga Samonte.

"Good, akala ko ay paiiralin mo na naman ang katigasan ng ulo mo. I told you that their family's now helping us, I need to return the favor."

"Pa, pwede kaya akong makabawi sa kanila? K-kasi baka dahil sa akin magdalawang-isip sa'yo si Keaton Samonte. I made a bad impression, nasaktan pa siya... do you think it's better if I do something for them? Nahihiya na kasi ako sa mga nagawa ko." Pasulyap-sulyap ako kay Papa.

Naniningkit ang mga mata niya sa akin habang mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Of course, maghihinala pa rin siya sa mga sinasabi ko.

"At ano itong sinasabi mong pagbawi?"

"I could work for them? Tutal naman ay malapit na rin ang summer, I could repent for my childish sins."

"And you're not planning of doing something crazy again?"

Marahas akong umiling sa kanya. "Of course not, Papa!"

"Kung hindi mo naman gusto ang ideya ko, Papa, hindi ko naman ipipilit. I just tried to—"

"I'll try, gusto ko rin na matuto ka sa mga ginawa mo. You're not a child anymore, Ashanti. Dapat ay alam mo na kung ano ang tama at hindi, you should act as a lady, katulad ng mga kapatid mo."

A lady, huh?

"Opo..."

"Sasabihan kita kapag pumayag si Keaton. Just don't disappoint me this time, okay?"

I nodded at him.

**

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Papa, pumayag daw si Keaton Samonte. He asked for my resume, and today's my interview!

Unang araw lang ng bakasyon ay pinatawag na agad ako. I don't know what kind of work is waiting for me, but I dressed corporately. Kasi iyon ang sabi sa akin ng pamilya ko na may iba't-ibang kumento sa posible kong trabaho.

Sa hacienda kaya nila ako magta-trabaho? Please, huwag sa sabungan.

Maaga pa ako ng kalahating oras ng makarating sa mansion ng mga Samonte. Sinabi ni Papa sa akin na may malaking opisina raw dito si Keaton Samonte at dito niya raw isinasagawa ang pag-interview kung kailangan na talaga.

Wala ba siyang HR? Bakit siya ang kailangan mag-interview sa akin?

Ang katulong ang sumalubong sa akin, akala ko ay siya na rin ang magdadala sa akin sa opisina nang humarang sa amin si Langston. Pinilit ko ang sarili kong huwag umirap sa kanya.

"Hi, Ashanti," tumingin siya sa katulong. "Ako na Manang ang maghahatid sa kanya."

Tumango si Manang at iniwan kaming dalawa. "I heard you're planning to reconcile with my—"

"Yes." I smiled at him, forcefully.

He nodded enthusiastically. "That's nice."

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makapasok na kami ng magarang masyon nila. Hindi ito ang unang beses na nakapasok ako sa loob ng mansyon ng mga Samonte, pero hanggang ngayon ay humahanga pa rin ako.

Nanatili akong nakasunod kay Langston, hindi ko kasi siya sinasabayan maglakad, naiinis lang ako. Akala ko ay magsisimula na kaming umakyat sa mahaba at elegante nilang hagdan, pero nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin.

Not like his usual self, Langston's face right now was too different. Not the light hearted, the innocent, the smiling idiot, and any other annoying expression I'd used to admire.

"Ashanti, about our relationship... I just want to tell you that--" he was cut off.

Kapwa kami napatingin sa itaas, sa pinanggalingan ng boses, sa dulo ng mahaba at magarang hagdanan.

And there...with his icy cold face, Keaton Samonte. Wearing his blue long sleeves, black slacks, and smart eyeglass.

"I don't tolerate flirtation under my employment, La Rosa."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro