Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 60

Chapter 60

Teabags

Aside from Keaton's characteristics, there were lots of other similarities between Frozen to him. It wasn't just his monsters and demons from himself, the situation left for him, his responsibility for Langston, their parent's death, but also how Keaton tried to set things right.

Itinama nina Keaton at Langston ang lahat ng pagkakamaling ginawa ng mga magulang nila gaya ng ginawa nina Elsa at Anna. It was all started with their grandfather.

Biglang pumasok sa isip ko iyong lolo nina Keaton at Langston.

Ngumuso ako. Tama pa ba 'tong iniisip ko? But no one is too old enough to think about the greatness of Disney stories. I am a huge fan! At tsaka hindi naman masama ikumpara iyon sa lalaking para talagang si Elsa.

But Keaton never mentioned me about his grandfather. Would it be too risky to ask? Hindi naman yata iyon Chinese dahil dito talaga sa Enamel nagmula ang mga Samonte, nagkataon lang na nakabingwit ng intsik na babae iyong Daddy ni Keaton.

Maybe at the right time, I'll have my courage to ask about it, or maybe Keaton would share it with me.

Hindi naman talaga aabot doon ang isip ko kung hindi lang kami nag-usap ni Keaton tungkol sa pagtulong niya kay Don Olbes. I heard a lot of speculations about Don Olbes, sa buong Enamel at hindi maganda ang naririnig ko. But Keaton cleared his name at sinabi niya sa akin ang mga bagay na nagbigay linaw sa akin.

That Don Olbes is a kind of villain with the greatest story you will love. Hindi pa man niya raw iyon buong naririnig, malaki ang paniniwala ni Keaton na isa iyong kwento na hahangaan niya.

Isang uri ng kwento na nais lang ni Don Olbes na marinig ng iilang tenga.

"Do you think I'll hear his story?" tanong ko kay Keaton nang minsan naming pag-usapan iyon.

"Probably not us, sweetheart. Parte lang tayo. It could be another Olbes or Arellano..."

Nakapangalumbaba ako sa harap ng kwarto ng bintana ko habang pinapanuod ang pagbagsak ng mga nyebe. Mag-iisang linggo na ang nakararaan nang lumipad kami rito ng buong pamilya ko sa Canada.

The same place where I first met him during his weakest point. Ilang beses ko pa ngang sinulyapan iyong mismong lugar kung saan kami nag-away ni Keaton.

Akala nga namin ay ibinenta na iyon ni Papa matagal na, kaya malaki ang tuwa namin ng malamang nasa amin pa rin ang pangalan at malaya pa rin kami makakapunta rito.

Hindi natuloy ang pamamanhikan at sinabi namin ni Keaton na ipagpaliban muna iyon. It was hassle, yes, dahil naghahanda na sina Mama at ang mga kapatid ko, pero naintindihan naman nila iyong sitwasyon namin ni Keaton. At tsaka hinayaan ko munang ayusin ni Keaton ang lahat ng kailangang ayusin niya roon sa Pilipinas.

Pero ilang araw lang simula ng makarating kami rito sa Canada ay tumawag si Keaton at sinabi na rito na raw siya mamamanhikan. Gusto ko sanang tumutol sa kanya, lalo na't parang gagastos pa siya ng malaki at sobrang maaabala pa iyong mga kasama niya. Pero hindi ko na iyon itinuloy, mayaman nga pala si Keaton at wala akong pakialam kung maabala iyong mga Ferell.

Biniro ko nga siya na pwede naman na wala ang pamamanhikan pero hindi siya pumayag sa sinabi ko. He's a man of his words. Kaya alam ko na hindi rin siya papayag.

Patuloy ako sa pagtanaw sa labas hanggang dumako ang isip ko roon sa ilang pinag-usapan namin ni Keaton matapos iyong sunog na nangyari sa sabungan.

Ako iyong tao na walang pakialam sa mga balita sa probinsiya ng Enamel, lalo na sa mga nakaraan ng mga naglalakihang pamilya roon. But I couldn't stop the curiosity in me about those powerful Dons.

Sila lang ba talaga? Olbes, Arellano, Ferell na ngayon ay nasa Leviathan na, Almero na hindi masyadong pamilyar sa akin, silang apat lang ba talaga o may mga makakapangyarihan pang lalaki sa kanilang mga kapanahunan na ngayo'y may mga dugong nananalaytay na sa bawat kilalang binata sa Enamel?

Hindi ko lubos maisip na sa liit na probinsiya ng Enamel ay may mga misteryo pa rin palang nakatago roon. Sa likod ng mga kilalang mayayamang pamilya at mga kilalang personalidad sa Enamel ay may mga malalalim na kwento na gugustuhing marinig ng bawat tagaroon.

Alam kong hindi ko na dapat iyon isipin, pero masisisi ko ba ang sarili ko? My future husband was involved.

Katok sa pintuan iyong umagaw sa atensyon ko.

"Come in!"

Sumungaw iyong ulo ni Ate Aliyah sa pintuan. "Yes?" tanong ko na nakataas ang kilay.

Pumasok siya dala iyong isusuot ko mamaya. Ngayong gabi mismo ang sinabi ni Keaton kung kailan sila mamamanhikan kasama ang mga Ferell, sinabi na rin niya na mas mabuti rito sa Canada para wala nang umabala sa amin.

"Look at this! Simple lang pero virgin na virgin ang design!"

I rolled my eyes. "Seriously?!"

Itinapat niya iyon sa kanya. "Siguradong bagay sa 'yo 'to, Shanti. This is the last time that we'll be fixing your outfit, kasi sa sandaling ikasal ka na, hindi na papayag ang asawa mo na maglabas ka ng sobrang balat! Napaka-conservative pa naman ng intsik na iyon!"

Hindi ko alam na sa kabila ng birong iyon na sinabi ni Ate Aliyah, biglang kumirot iyong dibdib ko. I hate to hear the word last, but she was partly right. Not that Keaton liked to control my fashion sense, but of course, he loved to see my exposed skin alone.

Kusa na akong tumayo roon sa kinauupuan ko, lumapit na ako sa kapatid ko at inagaw ko iyong damit na hawak niya. It's a short blue petal floral neck- tie dress.

Itinapat ko rin iyon sa katawan ko at bahagya akong umikot na parang isang batang babae na unang binigyan ng magandang bestida.

"Thank you. It's so beautiful, Ate..."

I saw how Ate Aliyah bit her lower lip. Ganoon din ako, sa isang iglap ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"You deserve this, Shanti. After all your hardship, masayang-masaya kami na ikakasal ka na. Ikaw iyong nagmistulang pag-asa ng pamilya natin ng mga panahong baong-baon tayo, kung wala ka, wala kami rito..."

Umiling ako sa sinabi ni Ate Aliyah. "No. Lahat 'to pinaghirapan natin lahat. Nagtulungan tayong lahat para umasenso at hindi tayo makakarating sa kung anuman ang meron tayo ngayon kung hindi tayo kumilos lahat. Teamwork, Ate..."

"But you lit it first, Ashanti..." tinanggal ni Ate ang luha sa pisngi ko.

"Tama lang sa 'yo kung ano ang ngayong propesyon mo. Dahil alam mo kung paano tumunaw ng tao. You know how to point everyone's weakness and turn it to their strength. You're the best psychologist that a patient could ever have..."

"Ate naman..."

Hindi ko na mapigilan ang luha sa aking mga mata. Sobrang nakakataba ng puso ang marinig iyon mula sa sarili mong kapatid. I've heard a lot of praise from my patient's family and how grateful they were to me when their loved ones had a successful recovery.

Sa kabila ng pagod, sa sandaling makarinig ka ng papuri mula sa pinaghirapan mo, bigla mong nakakalimutan na napagod ka, minsa'y naisip mong sumuko at gusto nang tumakbo. It's hard if you're in world filled with unstable emotions. Dahil sa bawat pintig ng puso ng tao, kaagapay niyon ay emosyon. Kaya malaki ang respeto ko sa mga taong nasa linya ng aking propesyon.

While patients need nourishment, we, doctors sometimes need our own nourishment too. A gentle appreciation would make our hearts healthy.

Pero ano ang pinakamasarap pakinggan? Papuring mula sa 'yong sariling pamilya.

Hinawakan ni Ate Aliyah iyong mga kamay ko.

"I am the proudest Ate. Dahil itong mga kamay na ito, bago niya natulungan ang napakaraming pasyente, kami ang unang natulungan. Keaton Samonte is very lucky to have you, Ashanti. Sabihin mo sa akin kapag sinaktan ka ng intsik na iyon, ibabalik natin siya mag-isa sa Wuhan!"

Napuno ng tawanan ang aking kwarto dahil sa sinabing iyon ni Ate, kapwa na kami nagpupunas ng sarili naming mga luha.

"I will not allow him to hurt me again. I had enough..."

Ngumiti siya. "Good to hear that. Maligo ka na, tatawagan ko na si Alissa at Ariana para ayusan ka."

"Thank you. Pero winter, ah? Ito talaga isusuot ko?"

Umirap sa akin si Ate Aliyah. "Mainit naman dito sa loob ng bahay. And you can always wear a coat! Ano ka ba? Panindigan mo muna ang pagiging Mexicana mo habang hindi ka pa niya natitikman..."

Nag-init ang pisngi ko sa narinig ko. "Ate Aliyah!"

She chuckled. "Namumula, eh? Alam kong gustong-gusto mo nang madiligan! Ilang buwan na lang, Shanti." Napatayo ako sa kama nang kurutin niya na naman ang tagiliran ko.

"Oh gosh! Stop that!"

Tumaas ang kilay niya. "Uhuh?"

Nang maiwan ako sa kwarto hindi mawala ang ngiti ko habang nakatitig doon sa ibinigay na damit ni Ate. Pwede naman akong maging Mexicana araw-araw kahit kasal na kami ni Keaton.

He'll love my curly hair. Besides, medyo mahaba na naman ang buhok ko, iyon din naman ang gusto ni Keaton para raw may mahila siya.

Napasumping ako ng buhok ko habang nakaharap ako sa salamin. Ipinilig ko ang ulo ko at pinili ko nang mag-ayos para sa panliligo.

Si Leiden siguro ang nagbalita kay Autumn Olbes Arellano na ikakasal na kami ni Keaton dahil nagpadala siya sa akin ng mga bulaklak at gatas. Ilalagay ko na sana sa refrigerator ang napakaraming kahon ng gatas nang matigilan ako dahil sa note niya. Sa panliligo pala iyon.

Sa bokabularyo ko ay iniinom lang ang gatas. Iba talaga kapag anak mayaman.

"Congratulations, Miss La Rosa! Make lots of princes. I have princesses. Let's match them. By the way, use the milk and roses for bath. Freshly from healthy cows and petals without caterpillar bites."

Natatawa akong napapailing habang naglalagay ng gatas doon sa bathtub. Sinubukan ko munang tawagan si Keaton pero pinapatay na niya iyon, umiiral na yata ang pamahiin niya bilang intsik.

Nang matapos ako sa paglalagay ng gatas ay ginamit ko na rin iyong bulaklak na ibinigay sa akin ni Autumn.

For a while, I should reward myself a good set of relaxation. Dapat talaga ay binibigyan ko ang sarili ko ng bakasyon, katulad nito.

Nang makapaghubad na ako at nagsimulang tumubog sa tubig, hinayaan ko ang buong katawan kong damhin ang init noon kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.

Habang nagbababad ako, hindi ko maiwasang isipin ang lahat ng pinagdaanan namin ni Keaton.

Our relationship started with hatred. Tamang sabihin na nagsimula lang iyon sa akin, Keaton and I had different goals, but in our midst of fulfilling it, we found ourselves holding each other's hands.

At dumating kami sa punto na may dalawang daan na kailangang tahakin. Paths that we're not allowed to cross together, at sa nakalipas ng taong iyon na makahiwalay kami at kapwa nakatanaw sa magkaiba naming mga pangarap, mas lalo kaming nabuo bilang isang indibidwal na tao.

I just realized that when love is too much, a break is needed. A sudden break to grow. Hindi man iyon aminin sa akin ni Keaton pero alam kong ng mga taong magkahiwalay kami ay nagkaroon siya ng pagkakataong buuin siya. Mas nagliwanag iyong daang tinatahak niya.

Because it was his own monsters at hindi ako ang dapat lumaban doon. He's still a snowman who should be built by snow. Siya pa rin ang bubuo sa sarili niya at ako lamang iyong magpapaganda sa kanya. He was right about me as his nourishment, like a carrot on a snowman.

Kalahating oras lang ako nagbabad, mabilis kong inayos ang aking sarili bago ako lumabas ng kwarto para tulungan sina Mama at ang mga kapatid ko. Hindi na ako nagulat ng makitang ayos na ang lahat.

"Ang ganda ng future bride!"

Suot ko na rin iyong ibinigay sa akin ni Ate Aliyah at nagsuot lamang ako ng coat. Hinala ako ni Alissa at pinaggitnaan nila ako kasama si Mama.

We took selfies.

"Akalain mo iyon? Si Ashanti ang inakala nating lahat na huling mag-aasawa! But look at her now! Kasal na kasal na!" natatawang sabi ni Ate Ariana.

"Ano ba?!"

Nagkakatuwaan na kaming magkakapatid habang hinihintay ang mga mamamanhikan nang biglang tumunog ang doorbell.

"Oh my gosh! They are here!"

Pinagtulakan ako ng mga kapatid ko sa may pintuan. Bigla akong kinabahan na parang iyon ang unang beses na lalabas kaming dalawa ni Keaton. It was when he asked me for our first dinner. Ang unang araw kung kailan nagkaroon ako ng dugong Mexicana.

"Kayo na lang kaya ang magbukas?"

"No way!"

Huminga muna ako ng malalim bago ako nagtungo sa harap ng pintuan. Nangangatal na iyong kamay ko sa sobrang kaba!

Nang unti-unti ko na iyong buksan, inakala kong si Keaton na ang sasalubong sa akin pero napatulala ako sa sumalubong sa akin.

It was Don Ferell wearing an 18th century gentlemen's coat, a tall hat and a cane on his hand.

"Good evening, Mademoiselle. I am Keaton Samonte's guardian."

Napalunok ako. I was expecting a Chinese group, not a French! Kahit si Troy Ferell na siyang nag-iisang kasama ng Don ay ganoon din ang suot. Nasaan ba kami sa inaakasal nila?

Where's Keaton and the others?

"Nasaan po si Keaton?"

"Hindi mo ba kami papasukin muna, hija? Ang lamig na."

Agad kong nilakihan ang pagbubukas ng pintuan. "Come in po!"

"Thank you!"

Nang makapasok sila ni Don Ferell ay tinawag ko na ang atensyon ni Mama para sabihin na narito na ang mga bisita. Pumasok na sa loob si Don Ferell habang si Troy naman ay nanatili sa tabi ko.

He gave me a small paper bag. Hindi ko sana sisilipin iyon pero sinabi niyang buksan ko. It was a tea.

"Pamahiin..." kibit balikat na sabi niya.

"Seriously?"

Hindi na ako sumagot kay Troy at lumabas na ako sa bahay, pinagsalikop ko iyong coat ko dahil sa tindi ng lamig.

"Oh, pag-ibig, Fortune Cookie...Hey hey hey, kung gustong maging maswerte
Huwag mong kalimutang ngumiti. Hey hey hey... ganito ang dance steps, bilisan n'yo baka maghanap na iyong si Ashanti."

Naagaw na ang atensyon ko dahil sa boses ni Aldus na sintonado na nga, mali pa ang lyrics. Kasalukuyan niyang tinuturuan sina Owen at Langston na mukhang nauuto niya habang si Nero naman ay hindi naman gumagalaw.

"Are you sure about this? Wala naman sinabi na ganito si Samonte." Sagot ni Nero.

Nang eksaherada akong tumikhim sa tagiliran nilang apat at lumingon sila nang sabay-sabay, nabuhayan ng loob si Nero, mabilis siyang lumapit sa akin at nag-abot ng panibagong paper bag na may tsaa.

"Where is he?"

Malalaki ang hakbang ko at ako na mismo ang umagaw sa hawak nilang paper bag.

"Nagpa-practice pa kami, Ashanti." Reklamo ni Aldus.

I rolled my eyes. "Whatever!"

"Nasa loob ng bahay si Kuya. Pwede na kayong magkita. The even number is done." Sabi ni Langston.

"Thanks!"

Nagmadali akong tumakbo patungo sa kapitbahay namin, pero natigil din ako nang makita ko ang anino ni Keaton doon mismo sa bintana na siyang ilang beses ko nababato ng snow noong naglalaro ako.

It was his room's window.

Ibinaba ko muna ang hawak kong mga paper bag at sinimulan kong gumawa ng mga bola na gawa sa yelo. Nang masiguro ko na marami na iyon, sinimulan kong batuhin ang bintana ni Keaton.

It took three snowballs for him to notice me, and when he opened the window, another snowball flew straight into his face.

"Opps! Sorry, boss!"

Kapwa nakatuon sa hamba ng bintana iyong mga kamay niya habang nakatungo siya sa akin.

"Miss La Rosa!"

Ngumisi ako sa kanya. "I got the tea bags, sir. Ano po sunod?"

Hindi na sumagot sa akin si Keaton, dahil tumalon na siya mula sa kanyang bintana. It only took a few minutes before he successfully tackled me on the snow.

"Ako..." he said before claiming my lips.

Hinampas ko ang balikat niya. "Keaton!" I said between my laughter.

When he played the tip of his nose on mine, I suddenly forgot the cold and my arms automatically wound on his nape.

"Do you want to build a---"

"Snowman?" pagtutuloy ko sa sasabihin niya.

He slowly leaned on my ears and whispered. "A baby snowman, wife..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro