Chapter 6
Chapter 6
Green or Blue
"Put me down, Samonte!"
Madali siyang kausap dahil bigla niya akong binitawan sa lupa. What the hell?
Sabay-sabay napangiwi ang mga batang nakapalibot sa amin nang makita nila ang pagbagsak ko. Of course! Masakit iyon.
"S-seriously?!"
Hindi na ako pinansin ni Samonte, lumapit siya sa batang umiiyak kanina at inabot niya ang lobo na akala ko ay hawak ko pa. He snatched it from me!
"T-thank you po, Kuya!" masiglang sabi sa kanya ng bata na parang nakalimutan na ang ginawa ko.
Excuse me? Ako iyong umakyat sa puno at kumuha!
"No problem." He said proudly.
My eyes widened in front of him. Ang kapag ng mukha niya! "T-teka, ako ang—"
Hindi na ako hinintay ng mga bata sa sasabihin ko dahil nagtakbuhan na sila papalayo sa amin ni Samonte.
Nanatili siyang nakatayo at nakapamulsa habang habol ang tanaw niya sa mga bata.
"Y-you!"
He lazily turned his gaze on me. Inilabas niya ang kanang kamay niya mula sa kanyang bulsa at tipid niyang itinuro ang kanyang sarili.
"Me?"
Pakiramdam ko ay lalong uminit ang ulo ko sa galawan niyang nakakaasar. Iyon bang parang tamad na tamad siyang makipag-usap sa tao? Halos sabunutan ko na ang sarili ko.
I had this urge to beat him! Sabunutan o kaya sipain sa tuhod. Isa siyang malaking pang-asar!
Marahas akong tumayo at taas noo kong sinalubong ang kanyang malamig na mga mata. Ganito ba lagi ang mata nito?
His eyes were always impassive. Expressionless, dull... ano pa ba? Parang laging ang layo ng nararating at kung may marating man siguro sa lugar na malamig, sobrang lamig.
Hindi na ako nagsalita pa sa kanya, nagsimula na akong maglakad para lampasan siya. Kahit masakit ang pagkakabagsak ko ginawa ko ang lahat para makapaglakad ako nang maayos.
When I was about to reach the gym, I heard another Samonte's voice.
"Kuya, wait!"
Nagpatuloy na akong pumasok at hindi pinansin ang magkapatid. Eksaktong pagpasok ko palabas si Leiden.
"There you are! Akala ko ay tinakbuhan mo na 'ko." I rolled my eyes.
"Where's my water?"
Napamura ako sa aking isipan, nakalimutan ko na. Nang makita ni Leiden na wala akong masabi ngumisi lang siya sa akin.
"It's okay."
Dinala ako ni Leiden sa bleachers na puro mga pinsan niyang babae ang nando'n. They smiled at me, kaya ngumiti rin ako sa kanila. Kilala ang mga babaeng Arellano sa pagiging bitchesa nila, kaya sinubukan kong makisama sa kanila.
I was not trained to fight in a usual female fight. Iyong burn, toasted, apply cold water to the burned area na lagi kong naririnig sa kaartehan ng mga kapatid ko.
Basta nagpanting ang tenga ko, paduduguin ko ang nguso niya. Reckless girl...
Ngumuso ako sa sinabi ni Samonte, a lot of people would say that I was the reckless La Rosa of all, but remove the word girl.
"Ang gusto talaga ni Leiden sa babae iyong mga athletic type, noh?" rinig kong sabi ng isa sa pinsan niya. Nagpa-plantsa pa yata siya ng buhok manunuod lang ng basketball.
"Yeah, I noticed. Ano'ng sports mo?" tanong ng ikalawang Arellano.
Kung hindi ako nagkakamali ay sikat ang dalawang ito sa campus, iyon nga lang hindi ako mahilig kumilala ng tao.
"I'm a cyclist, and few ball games. Hindi lang basketball." Sagot ko.
"Halata naman sa katawan mo. Ang tangkad mo rin." Kumento ng nagpa-plantsa ng buhok.
I awkwardly smiled. Sa aming magkakapatid ako iyong pinakamatangkad (5'9 ½), pinakamaitim(morena nga), payat at oo na maliit ang dibdib ko. Isa na akong kawayan! Oo na!
I was not really a fan of physical appearance chitchat kaartehan. Nakaka-bitter, oo na! These ladies could freely act as a princess, syempre hindi sila matatangkad, they're cute and well... they're all so ladylike.
Kapag umakto ako ng gano'n baka biglang tumindig ang balahibo ng kaharap ko. Sila na ang mga babaeng babae!
"So... kayo na ba ni Leiden?"
Agad akong umiling sa dalawang babae. "N-no... we're just friends."
They both giggled, cute way. Iyong namumula ang pisngi? Asar.
Sa court na ako nagbigay ng atensyon, dahil malapit sa entrance iyong pwesto namin madaling marinig iyong usapan ng mga pumapasok.
"Your arms are trembling, what happened? Makakalaro ka ba?" My brows automatically knitted. Kilala ko ang boses na iyon, si Langston.
Nakumpirma nga iyon nang makita ko ang magkapatid na Samonte. Nakapamulsa iyong panganay habang si Langston naman ay kinakausap siya.
I was about to disregard them when Langston's words daunted on me. Hinanap ng aking mata ang likuran ni Samonte, hindi ko man makita ang literal na pangangatal ng braso niya dahil sa layo ng distansya namin, ang marinig iyon mula kay Langston ay kumpirmasyon na ako ang dahilan kung bakit nagkaproblema ang braso ng kapatid niya.
Did I tell him to help me? Kasalanan niya naman, e!
Nagsimula nang maglabasan ang mga maglalaro. Nagsigawan na rin ang mga manunuod, sino ba naman ang hindi masisiyahan? Iyong sikat na sikat na mga lalaki rito sa Enamel nasa iisang lugar, isama pa nila iyong mga Ferell.
Belo, Triton, Ahmed, Kairo, Nash, Langston, Keaton, Leiden, Gilbert, Troy, Nero, Owen at Aldus. Kung tutuusin kulang pa sila, wala pa ang mga Olbes at si Villegas.
"Ang pogi n'yo po!" sigaw ng isang babae.
Hindi na ako nagulat nang makarinig ako ng pustahan sa likuran, iyong mga dakilang tambay ng mga Enamel. I suddenly had an urge to place my bet.
Ang unang grupo ang first five ay sina Ahmed, Langston, Keaton, Nash at Owen.
Ikalawang grupo naman ay sina, Belo, Kairo, Leiden, Troy at Triton.
Bangko muna sina Nero, Gilbert at Aldus.
Mas lalong nagkagulo ang buong court nang humilera na ang mga players. Halos mahilo ako sa tindi ng sigawan ng mga babae. Match ang laban.
Sa unang grupo ang kilala kong magaling talaga ay si Nash at Owen, minsan ay napanuod ko na rin si Ahmed, hindi rin naman siya basta player. Hindi ko lang alam iyong dalawang Samonte, baka puro yabang lang.
Sumulyap muli ako sa braso ni Keaton, umirap ako. Bahala siya. Kasalanan niya.
Habang sa ikalawang grupo naman, magaling talaga si Belo at Kairo. Simula elementary ay kilala na sila sa basketball, magaling din daw si Leiden dahil varsity rin sa university niya sa Manila, saglit akong sumulyap sa dalawang maputi ng pangalawang grupo. Si Troy at Triton, puro pa-gwapo lang siguro ang dalawang 'to.
Jump ball. Dalawang pinakamatangkad ng grupo ang nagpantay sa isa't-isa. Si Leiden at Keaton. Nang sandaling pumito na ang referee, madaling nakuha ni Leiden ang bola at ipinasa niya iyon sa point guard nila na si Kairo. His teammates were heavily guarded, akala ko ay si Kairo na mismo ang magda-drive ng bola papasok pero nang makita niya na libre si Troy ay ipinasa niya na rito.
It was a clear shot, seriously, pero nagyabang pa iyong Ferell dahil ang humarang sa kanya ay iyong pinsan niyang si Owen. Troy tried to exhibition to annoy his cousin, pero sa huli naagaw ni Owen at naipasa kay Langston.
Langston passed it to Ahmed then to Keaton. Wala nang nakaagaw pa kay Keaton, that why the blue team got the first score.
Sigawan muli ang mga tao na parang hindi lang iyon basta basketball game, live ba kami sa tv? May mga dalang tambol pa iyong iba.
Galit na galit si Triton kay Troy na tawa lang nang tawa, until his teammates raised a substitution. Ibinangko na nila si Troy at pinalitan siya ni Gilbert Arellano.
"Ang gwapo talaga niyang si Troy, noh? Kahit sobrang yabang." Rinig kong sabi ng isang Arellano.
"Sayang nga lang, iyong si Nero ang laging nasa atin. Suplado naman masyado."
Mas naging mainit ang laban nang sumunod na oras, halos hindi na malaman kung sino talaga ang mananalo dahil hindi man lang naglalayo ang score ng dalawang grupo.
Leiden's group were wearing green jersey. May few minutes break kaya nasa mga bench silang lahat para uminom ng tubig. Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang magtama ang mga mata namin ni Leiden habang umiinom siya ng tubig.
He smiled at me. But what made me blush (kung namumula talaga ang mga morenang katulad ko) was his cute gesture. He imaginary dribbled a ball, and he confidently threw the ball to me. Like I was some sort of a ring or something—
I don't know how to possibly act with his well... pero bago pa man ako mapahiya agad nakaharang ang isa sa pinsang babae ni Leiden at umakto iyon na parang siya ang sumambot ng bola para sa akin.
"I got the ball for her, cousin! She's not into basketball daw kasi." Ibinigay sa akin ng babaeng nagpa-plansta ng buhok ang bola ni Leiden na gawa sa hangin.
Nagsimulang asarin ng lahat ng players ng green team si Leiden sa ibaba dahil sa ginawa niyang iyon sa akin.
"Ang dami talagang alam ni Leiden..." I said in whisper.
Nang tumingin ako sa blue team, may ilan sa kanila ang naagaw ang atensyon, sino ba naman ang hindi? Sobrang ingay talaga ng green team dahil nando'n si Troy Ferell. Isa pa puro silent type iyong nasa blue team si Langston at Owen lang ang kilala kong mahilig magsalita sa kanila.
Nang magtuloy ulit ang laban, umabot ng walong puntos ang lamang ng blue team at ilang minuto na lang ang natitira. Ilang beses pa akong nakarinig sa unahan na hindi na raw iyon mahahabol ng green team.
Humataw sa huling minuto ang grupo nila Leiden. Napatayo na ang mga Arellano sa tabi ko habang walang tigil sa pagcheer sa mga pinsan nila. Lamang na ng dalawang puntos sila Leiden pero ang bola ay nasa blue team.
Ilang segundo na lang ang natitira, at na kay Keaton ang bola. Everyone was expecting a three-point shot from him dahil nakaposisyon na siya roon. I saw triumph from his teammates' faces. Simula nang nagsimula silang maglaro hindi pa pumapalya ng pagtira si Keaton.
Nakita ko rin kung paano pinilit ng grupo ni Leiden na pigilan si Keaton sa gagawin niya.
At sa isang iglap biglang natahimik ang buong court, hindi ko na napansin na napatayo na rin ako.
Until I heard a long whistle from the referee. Bumagsak si Leiden at Keaton, hindi niya nagawang ihagis ang bola.
"Intentional foul!"
"Madaya!" sigaw ng mga cheerers ng blue team.
Itinaas ni Leiden ang kanyang kamay nang tawagin ang kanyang numero. Sinubukan ilahad ng ilang green team ang kanilang kamay para alalayan si Keaton pero hindi niya iyon tinanggap.
"It's part of the game, duh? Strategy." Rinig kong sabi ng pinsan ni Leiden.
Hindi ako masyadong pamilyar sa basketball rules kaya wala akong mabigay na kumento.
"Kapag hinayaan niyang ma-shoot iyon ni Keaton at wala nang oras matatalo sila. Pero kung i-foul iyon ni Leiden, Keaton's will have two free throws, magtatabla ang score nila. Tuloy ang laban, ma-e-extend ng ilang minuto."
Nagpatuloy ako sa panunuod ng laban, akala ko ay magagawang i-shoot ni Keaton ang bola katulad ng inaasahan ng lahat. Pero sa dalawang free throw ay walang nang pumasok.
Langston called for a substitution, akala ko ay magkakagulo pa dahil parang ayaw lumabas ni Keaton but Aldus tapped his shoulder, he whispered something before Keaton nodded.
I saw how a medic tried to approach Keaton Samonte pero tiningnan niya lang iyon, napaatras ang taong nagmamagandang loob sa kanya at hindi na sinubukang lumapit sa kanya.
Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na wala akong kasalanan, na hindi ako ang rason kung bakit gano'n ang nangyari sa kanya. It was his fault, masakit na ang braso niya ay nagpilit pa rin siyang maglaro.
I tried to enjoy the whole game, pero kahit anong gawin ko ay parang nakokonsensiya ako. Shit!
Leiden's group won the game. Troy Ferell even announced that his cousin's will treat everyone for the celebration, akala ko ay siya ang manlilibre dahil siya lang ang kakampi ng nanalo.
"Sama ka." Umakbay sa akin si Leiden na pawis na pawis. "Pinanuod mo 'ko?"
I nodded. "Ang galing."
"Ang tangkad ng girlfriend mo, Leiden." Ngumiti sa akin si Troy Ferell. Iyong nakakatunaw ng babae. Sorry, sira na ang image niya sa akin. Puro siya yabang.
"Hi, I'm Troy Ferell. You're so pretty naman." Tumaas ang kilay ni Triton na nakaakbay sa kanya.
"He said the same words to Euphie. Hi, Ashanti, nakapag-deliver na 'ko ng tubig sa inyo, 'di ba?" tumango ako.
"The sporty Ashanti. Kayo pala ni Leiden?" sabat ni Belo.
"Aw, manliligaw pa lang siya." Sabi ni Kairo sa isang tabi.
"Hey, stop pestering her." Hinila na ako ni Leiden para maunang maglakad mula sa kagrupo niya.
Natigil kami sa paglabas nang makarinig kami ng pag-iyak. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan pero bakit parang pamilyar ang pag-iyak?
Nawala ang tawanan sa grupo nila Leiden at kapwa kami napalingon sa batang umiiyak.
To my surprise, it was the same girl with her Queen Elsa balloon. Nasa harap siya ng grupo nila Keaton.
"I'm sorry, Kuya. If 'di mo sinambot si Ate na kumuha ng balloon ko, hindi mag-hurt ang arms mo. Dapat panalo kayo, e."
"Sinambot?" tanong ni Langston.
Gusto kong tumakbo nang lumingon sa akin ang batang babae. Mabilis niya akong itinuro na parang isa akong kriminal.
"Si Ate! Siya! Sinambot siya ni kuya, tapos she'll cheer to another group. Ang bad niya."
Nagsimulang magtawanan ang mga nasa likuran ko, si Leiden lang ang hindi nagsasalita. Langston was also speechless, while his other teammates were wearing an intrigue look.
But the tension was quickly diverted by this witty Ferell, and his absolutely save by the bell words.
"Nagkakasambutan na po! Nagkakasambutan na. Akala ko ay bola lang ang sinasambot?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro