Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 59

Chapter 59

Melt

I've been asking myself why among the Disney princesses, Elsa was my favorite. Was it because she's the Queen? She's powerful, elegant, and fearless, characters that made her different from the others, or maybe because her story didn't focus on a prince destined to save her.

She's her kingdom's ruler, sought to be obeyed, destined to be on the throne, and someone who couldn't show weakness but a source of strength.

She was pictured to be almost as perfect, but as the story continued to unfold, as Elsa started to pursue her journey, it made me realized that a life's conflict wasn't just all about the enemies, because it will always start with you, to your own monsters.

I don't know if it was because of my intense love for Disney stories that it made me compare with the man I loved. Hindi ko maiwasang isipin si Keaton sa tuwing naalala ko si Elsa. Katulad niya ay hindi rin makikitaan ng kahinaan ang lalaking mahal ko. He's always tough, intimidating, and formidable. Kahit sino ay wala nang mag-iisip na may kahinaan siya.

But as I tried to melt him, after his years of coating it with thick ice just like a snowman, all I wanted was to hug him tight the moment I saw his vulnerability.

Hindi naman pala siya ganoon kalakas, hindi naman pala siya ganoon katatag, nasasaktan din siya, lumuluha at nasusugatan. He's too fragile.

At ilang taon niya iyong dinala ng mag-isa.

Yes, his brother was there beside him. But just like Elsa, he wanted to take care of Anna rather than being taken over by her little sister. Ganoon si Keaton, dahil sa nagdaang mga taon, lahat ng desisyon niya ay tinitimbang niya para kay Langston.

At isa na ngang malaking desisyon ay ang pagsuplong sa sarili nilang mga magulang.

Mariin akong pumikit at hinayaan ko ang sarili kong payapang sumandal sa ilalim ng puno.

If Leviathan was famous for its beach and resorts, the province of Enamel was always proud of our gardens and forests. Lalo na ang kilalang burol na siyang lagi kong pinupuntahan.

A beautiful hill with a mysterious tree on top of it. Maraming nagsabi na sa sobrang tanda na ng punong ito ay nagawa na niyang saksihan ang iba't ibang klase ng pagmamahalan na nabuo rito sa Enamel.

"Pero bago ka nabuo, ano ang kwento mo?"

Wala sa sariling tanong ko. Tumingala ako sa magandang puno na ngayo'y nasisinagan ng araw at tinatangay ng banayad na hangin. Tumama ang ilang sinag sa aking mukha dahil sa paggalaw ng mga sanga. Itinaas ko ang isa kong kamay at hinarangan ko iyon at nang sandaling unti-unti kong paghiwalayin ang mga daliri sumilay ang mga ngiti sa aking mga labi.

The sunlight, morning breeze, rustling leaves, and dancing flower petals will always be my tranquility. No matter how I loved my sister's company, my mother's soothing words, and Keaton's kisses, I will always find time to be alone.

Gusto kong mag-isa, hindi dahil luluha ako at may gustong pagtaguan, kundi dahil gusto kong yakapin ang sarili kong katahimik.

At last... I couldn't hear any painful noise.

Sa bawat galaw ng puno, sa bawat ihip ng hangin at bulong ng mga dahon... dala'y musika.

This tree had witnessed our first heartache. Nasaksihan nito kung paano ko ipinagtabuyan si Keaton at sinisi sa lahat ng nangyari sa akin at sa buong pamilya ko.

"Will you allow me to wash those memories? Hahayaan mo ba akong dalhin dito muli ang prinsipe ko?" saglit akong natawa sa sarili ko dahil sa pakikipag-usap sa puno.

I am a woman of science, but I couldn't help but feel something else when I'm under the shades of this tree, para itong buhay at sadyang nakikinig.

"Ilang prinsipe na ang nasaksihan mo? Si Keaton ba ang pinakamagandang lalaki? Singkit din ba sila at may mamahaling relo?" biro ko.

Nang muling umihip ang hangin, nagawa na nitong tangayin ang kulot kong buhok dahilan kung bakit ako napahawak doon. Pero ang higit na umagaw ng atensyon ko ay ang piraso ng dahon na bumagsak sa ilong ko.

Kinuha ko iyon at muling tumingala sa puno, bahagya kong iwinagayway ang dahon na hawak ko.

"I'll take that as a yes."

Kung sabagay, si Keaton naman talaga ang pinaka-gwapo sa mga taga Enamel. Simpleng pagkrus lang ng braso niya, tapos na ang laban.

Mabilis na akong tumayo at pinagpagan ko na ang sarili ko. Pinagsalikop ko iyong mga kamay ko sa aking likuran habang nakatalikod sa puno at nakatanaw sa malawak na hardin na napupuno ng kulay berde at iba't ibang kulay ng bulaklak.

After melting the ice, what will happen next? Would it be like this? A place filled with greatest sceneries, or would I allow him to build another ice now with me in the inside?

Ibinuka ko ang aking mga braso, ipinikit ang aking mga mata at dinama ang buong paligid. Of course, I'll help him now.

Together, we'll build another kingdom, na hindi lang kanyang mga mata ang nakatanaw kundi pati ang sa akin. At ipinapangako kong sa kanyang bawat desisyon, nasa mga balikat niya ang aking mga kamay para suportahan siya.

Every frozen heart needs a melting touch.

Ngumisi ako at nagsimula nang bumaba sa burol. Ipinapangako sa sarili ko na hinding-hindi ako mapapagod hawakan siya.

I bit my lower lip. Sa iba't ibang parte...

Umuwi na ako sa bahay at sinalubong ako ng mga kapatid ko.

"Where have you been?! Dapat tumulong ka rin dito!"

Kinuha nina Ate Aliyah at Ariana iyong mga braso ko habang dinadala nila ako sa kusina.

"Sabi ko na sa inyo na hindi n'yo na kailangan maghanda. This is just for the formality, hindi ba? Alam n'yo naman na matutuloy ang kasal kahit walang bulungan."

Hinampas ni Mama ang braso ko. "Ano ka ba! Minsan lang ito, Ashanti! Sige na, iharap n'yo na iyan sa lutuin. Marami pa tayong dapat gawin."

I rolled my eyes. "Ang mga Ferell lang naman ang kasama niya sa pamamanhikan."

"Wala ba talaga silang kasamang mga intsik? Baka mapalaban si Mama ng intsikan." Sabi ni Alissa na kumakain na ng ubas.

Ngumiwi ako. Iyong mga Ferell magagaling mag-Chinese talk. Sa tuwing inaasar ako ni Keaton at nagsasalita siya ng ganoon, kinikilig ako at natatawa. Maging si Langston sa tuwing naririnig ko ay natatawa ako, pero kapag sa bibig ng mga Ferell ko naririnig, nag-iinit iyong ulo ko.

"Don't worry, wala raw talagang kasamang iba. Si Don Ferell pala..." ngumuso muna si Mama bago siya napatango.

"Nang nasa pangangalaga pa ng Papa mo si Keaton, madalas ngang dumadalaw si Don Ferell sa kanya kasama ang isang batang Ferell, iyon din ang dahilan kung bakit naging malapit sa amin ang Don, Ashanti."

Tumango ako sa sinabi ni Mama.

Sinabi rin sa akin ni Keaton na bukod nga kay Papa na ilang beses niyang itinulak at ang mga Olbes na siyang malapit sa kanya, ang mga Ferell talaga ang masasabi niyang pamilya.

Niyaya niya raw ang mga Ferell na mabilis naman pumayag, si Aldus lang daw ang nagpumilit na isasama nila si Don Ferell dahil dapat daw ay may magpatanda sa pamamanhikan.

Matapos sa akin aminin ni Keaton ang lahat, hindi kasal ang siyang sunod namin pinag-usapan. He told me that he wanted me to continue with my goals, and he promised not to be demanding and become my distraction. He was true to his words. When I was still taking my master's degree, he seldom contacted me, and the weekend was just our sweetheart day.

Sa katunayan ay nauna pang ikasal sa amin sina Dwight Arellano at Autumn Olbes, their wedding was dubbed as the Enamel's wedding of the year. Kung sabagay, halos silang dalawa naman talaga ang laman ng balita sa loob ng Enamel nitong nakaraang sunud-sunod na taon.

Napailing ako habang naghahalo ng bawang at sibuyas. Kung sabagay, bukod sa mula naman talaga sila sa mga sikat na pamilya, sadyang ma-eskandalo talaga ang dalawang iyon.

I could still remember how they flirted each other in the corridor. Kung saan saan na nakakarating iyong kamay ni Arellano habang pahampas-hampas lang si Autumn na halatanag gusto naman. Akala ko talaga ay hindi na makakapagtapos ng pag-aaral noon si Olbes, but look at her right now? Married and successful with her career.

Ang balita ko pa ay buntis na ulit si Autumn, dahil natatandaan kong sinabi sa akin ni Leiden na muntik pa siyang hindi maging ninong dahil ayaw raw pumayag ni Autumn dahil basher daw si Leiden noon ni Autumn.

"Kung sina Autumn at Dwight Arellano ang wedding of the year last year, mukhang sa inyo naman ni Kuya Keaton ang usapan ngayong taon!" Alissa said excitedly.

I waved the spatula. "I don't need recognition. Ang mahalaga ay ikasal kami ng Kuya Keaton mo."

Umirap lang sa akin si Alissa. "But you deserve it! Kayong dalawa ni Kuya, after all those years... kailangan n'yo talaga ng bonggang kasal."

Hanggang ngayon ay wala pa akong ideya sa gustong kasal ni Keaton, hindi pa rin naman namin talaga iyon pinag-uusapan. Parang itong pamamanhikan talaga ang magiging araw ng pagpaplano namin.

Nagkibit balikat na lang ako at binigyan ng pansin iyong lulutuin ko.

"Tapos magbaby na agad kayo ni Kuya Keaton para may pamangkin na 'ko na sobrang cute."

Tumaas ang kilay ko. "Baby agad?!"

Biglang lumapit sina Ate Aliyah at Ate Ariana sa akin at sabay nilang kinurot ang tagiliran ko.

"Ang arte! Gustong-gusto naman!"

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa ko. "No way. I'm nervous, you know?"

Muli nila akong kinurot. "Sagot namin ang suot mo!"

Nanlaki ang mga mata ko nang sabay kumindat ang mga kapatid ko. "Oh my goodness..."

Sa tuwing dinadamitan ako ng mga kapatid ko, kailanman ay wala iyong idinulot na maganda.

"After ng kasal, saan nga kayo pupunta?"

"Sa Wuhan. He bought a house there. Doon na muna kami ng isang buwan."

Muling tumango sa akin ang mga kapatid ko. Mabuti na lang at natapos na rin iyong virus na siyang halos ilang taon naging problema ng iba't ibang bansa.

Lumipas iyong mga oras na pagluluto at usapan tungkol sa amin ni Keaton ang umikot sa aming magkakapatid kasama si Mama. The kitchen filled with laughter, smiles, jokes and endless teasing with your family is something a future bride would always cherish. Kasi roon ka na nasanay, lumaki at nagkaisip.

Kahit gaano mo kamahal iyong lalaki, may mga bagay ka pa rin na mahirap iwanan sa 'yong pamilya habang hindi pa kayo kasal. Yes, we could always cook together like we used to. Pero hindi na ganoon kadalas o kaya ay araw-araw.

Iyon kasi talaga ang madalas obligasyon ng mga babae. The man will bring you to his home, to your new home, kung saan gagawa kayo ng sarili n'yong pamilya.

Sa pagkakataong iyon, ang ilaw na siyang lagi mong tanaw sa imahe ng iyong minamahal na ina noon ay siyang magiging sarili mong simbolismo. At ipinapangako kong hinding-hindi ako mapapagod magliwanag habang nasa tabi ko siya.

Hinuhubad ko na iyong apron nang marinig kong biglang tumunog ang aking telepono. Nagtungo ako sa may lamesa at kinuha ko iyon.

I saw the familiar name of my co-youth council before. Iyong mga kasama ko sa pagra-rally sa harap ng sabungan na pag-aari ng mga Samonte.

My eyes widened when I saw her message. Nabitawan ko na iyong telepono ko at wala sa sarili na akong tumakbo palabas ng bahay.

Hindi na maganda ang nararamdaman ko sa mga ganoong balita. Pero siniguro na naman sa akin ni Keaton na tapos na, hindi ba? Wala nang banta sa buhay niya ni Langston, pero ano 'to?!

Nagtutuluan na ang mga luha ko habang nangangatal ang kamay ko sa manibela ng aking sasakyan. Narinig ko pang sumigaw sa akin ang mga kapatid ko, pero hindi ko iyon pinansin.

Pinaharurot ko na ang aking sasakyan hanggang sa makarating ako sa harap ng sabungan.

"K-Keaton..."

Marahas kong binuksan ang pintuan ng kotse at nanghihina akong napahakbang patungo sa harap ng nagliliyab na sabungan. Rinig ko na ang malakas na sirena ng bombero at ang ingay ng mga taong nagdadatingan para sumagap ng balita.

Panibagong sunog na naman...

"A-Ano na naman ito? Akala ko ba ay tapos na? Nasaan si Keaton?"

Wala sa sarili na akong humakbang papalapit sa entrance ng sabungan pero marahas akong pinigilan ng mga tao roon.

"Nasa loob pa si Mr. Samonte!" sigaw ng isang bombero.

Marahas akong napalingon sa harap ng sabungan. "N-No! Keaton!"

Ilang beses kong hinampas iyong braso ng mga lalaking pumipigil sa akin pero hindi nila ako hinayaang makawala sa kanila.

"My fucking fiancé is in there! Bitawan n'yo ako!"

Nakailang kurit at sigaw ako sa kanila habang panay ang pagsugpo sa apoy.

"K-Keaton!"

Kasabay ng muli kong pagsigaw ay ang pagbagsak ng malaking parte ng sabungan dahilan kung bakit saglit na nahawi ang apoy.

Halos manlambot ang mga tuhod ko. Muling nagpatakan ang mga luha ko mula sa takot at tuwa.

"Keaton..."

Between the deadly flames, collapsing building, shouting people, the noise of the firetruck, and firefighters with their hose were the Samonte brothers with their powerful stallion horses and equestrian uniform.

How could these brothers mount horses gracefully in the middle of a chaos?

Nagpalakpakan ang mga tao at ang ilang mga bombero dahil natulungan nilang bigyan ng daan ang magkapatid.

Keaton Samonte immediately went down from his white stallion horse and ran into me with his royal blue equestrian uniform.

Mariin ko siyang sinalubong ng yakap.

"It's done, sweetheart. The place that started it all..." napamulat ako kay Keaton at tumango siya dahil alam niyang naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin.

Sinadya nilang sunugin ni Langston ang sabungan.

Kapwa kami lumingon ni Keaton sa sabungan habang nanatilingan nakayakap ang kanyang mga braso sa akin.

"His goal is still unknown, but I am glad that I was picked to be one of his pawns..."

"In the midst of helping him, you'd learn how to melt..."

Keaton kissed my forehead. "I discovered where to melt... Mrs. Samonte..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro