Chapter 58
Chapter 58
Pawns
I didn't know that we would have an early confession. Literal na maaga. Pero magagawa pa ba namin matulog muli ni Keaton? This is the right time to settle everything.
Kapwa kami nakaupo sa kama at nakasandal sa headrest. I was just waiting for him to continue.
"By the way, are you sure about the Wuhan, Keaton? Makakapasok ba tayo roon?"
Minasahe ni Keaton ang kanyang noo. "About that... the yacht is still in the Enamel coast. Umiikot lang tayo."
"What?"
"Are you disappointed?"
"Of course not!"
"We just picked a place where you and Langton's girl can't run."
"Napakagaling n'yo naman po!"
"Thank you." He casually said as if he didn't understand my sarcasm.
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ng ilang minuto bago ako huminga ng malalim at muling humarap sa kanya.
"Keaton..."
Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang huminga ng malalim.
"Aldus mentioned to me that he shared some part of my past during our break-up." Tumango ako.
"Yes. It's true. The Samontes were involved with illegal businesses. My parents together with our family in China..."
Kumunot ang noo ko. "You told me that..."
Umiling sa akin si Keaton. "We still have our relatives in China, but Langston and I never acknowledge them."
"Then what made you decide? Sinabi sa akin ni Aldus noon na sa murang edad mo ay pinili mong gawin iyong bagay na magtutulak sa mga magulang mo para maku—"
"I was convinced by your father."
Nanlaki ang mata ko. "M-My father?"
"Your father was my Dad's right hand, Shanti. Siya iyong ilang taong pinagkakatiwalaan ni Daddy."
Nakatulala na ako kay Keaton. Akala ko noon pa man ay babago pa lang nakilala ni Papa ang mga Samonte, pero matagal na pala.
"Right hand..."
"But little did my father knows, his right hand was an actual asset, a spy assigned to keep an eye on his business."
"What?" halos hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. My Papa was a spy? How the hell did it happen?
"It took years before your father actually gained my Dad's trust. I've witnessed his struggles."
"Y-Years of spying?"
"Yes. Because it's not just my father, there are lots of connected syndicate with us. At sa mga Samonte ang napili niyang lagyan ng butas." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"H-How did he convince you? They were your parents, Keaton. Hindi ba naging mahirap sa 'yo na isuplong sila? May ginawa ba sila sa 'yo ng mga panahong nabubuhay pa sila? Do you have any hatred from them?"
Dahil kahit baliktarin ang mundo, maging masama man ang iyong mga magulang, may laging parte sa puso mo na handa silang panigan sa kahit anong oras.
Umiling siya sa akin. "I loved my parents. Pero hindi ko ginusto ang ginagawa nila. Human trafficking, aggravated assault, fraud, drug manufacturing, theft..." napahilamos sa kanyang sarili si Keaton.
"Hindi iyon ang mundong gusto ko, Shanti. I wanted to live normal... hindi na kailangang marangya kung may mga taong naaabuso. Langston's too young to be exposed to that world... na mas lalong nagtulak sa akin na gawin ang tama."
"Keaton..."
"Napansin iyon ng Papa mo, Shanti. He noticed how opposed I was with my parent's business. Dahilan kung bakit lumapit siya sa akin at mas kinumbinsi ako." Hinawakang muli ni Keaton ang kamay ko na tila kumukuha siya sa akin ng lakas.
Ramdam na ramdam ko iyong mas lalong pagbigat ng tensyon sa loob ng kwarto.
"I wanted to stop my parents. Iyon lang... hindi ko hiniling na mamatay sila. I wanted to save them from hell, pero iyong mga sindikatong konektado sa amin ang siya nang sumabotahe ng barkong sinasakyan nila. Nakarating sa kanila ang posibilidad na maisiwalat ang lahat ng ilegal na gawain ng mga Samonte na siyang magiging dahilan ng pagkahuli sa kanila. They saved themselves by killing my parents."
Nagsisimula nang mangatal ang mga kamay ni Keaton.
"That was the beginning... nagsimula na akong mawala sa katinuan ko. And I blamed your father for that. Kung hindi niya ako kinumbinsi, siguro buhay pa ang mga magulang namin ni Langston... I know I was too irrational during that time, pero gusto kong may sisihin, Shanti. Gusto kong may sumbatan."
Hindi ko na magawang makapagsalita. Hindi ko akalain na ganito nga kalalim ang naging koneksyon ni Papa sa mga Samonte, lalo na ang uri ng trabahong mayroon siya na ngayo'y sinasabi sa akin ni Keaton.
Ito ba ang ibig sabihin ni Mama? Na sinubukan din ni Papa lumayo sa kanya dahil sa mundong ginagalawan niya? Biglang sumagi sa isip ko ang mukha ng Papa ni Farrah, may ipinahiwatig din siya sa aking ganito.
"But your father never left our side, Shanti, and you mother supported him. Hindi ko man aminin, pero sila iyong tumayong magulang sa amin ni Langston, bago ko pinagpasyahang mangibang bansa. I used the money left, kahit labag sa loob ko. But before we left the country, I cursed your father in front of his face... sinumpa ko sa kanyang babawi ako, babawi ako sa kasalanang ginagawa niya sa akin. Aagawan ko rin siya ng taong minamahal..."
That explains everything. Ang takot sa mga mata nina Mama at Papa nang biglang dumating si Keaton para kunin ako sa bahay.
"In the end... my parents gave me to you, Keaton. Kahit labag sa loob ko iyon, itinulak nila ako sa 'yo na wala man lang paliwanag."
"Not because they are afraid of me, but because they are afraid of my mind that might kill myself. At alam ng mga magulang mo na ikaw na iyong sagot ko... that it was not all about that bullshit childish curse... dahil sa loob ng napakaraming taon... naghangad ulit ako... may ginusto akong kuhanin at angkinin. Ikaw iyon, Ashanti..."
Sumisikip na iyong dibdib ko sa mga naririnig ko.
"Then tell me... why are you still involved? Ano itong may muntik nang pumatay sa 'yo? What happened after the ship sank?"
"Marami ang nahuli, Shanti. Pero may ilan pa rin na hanggang ngayon ay malaya pa rin..."
Napasinghap ako sa sinabi niya.
"You've been curious about the cockpit arena? Ang lugar kung saan mo unang kinuha iyong higit kong atensyon. It's a place for a trap. Hindi lang iyon basta sabungan, Shanti. It's place where the authorities could start tracing the syndicate's track."
Umawang ang bibig ko. "You mean..."
"Yes. I've been helping someone to deal with the illegal activities. Siya mismo ang gumagawa ng butas at ako lamang ang tumutulong sa kanya. He's too good that he made my name too clean, na hindi man lang nadawit ang pangalan ko sa kabila ng kaalamang sa akin nakapangalan ang sabungan."
"N-No way..."
Halos hindi makapaniwalang sabi ko.
"I've been helping the late ex-governor Olbes."
I folded my legs and hid my face on my knees. Kaya pala malaki ang koneksyon ni Keaton sa mga Olbes simula umpisa.
"I was tied with their family, not because of Autumn, but my oath to finish what I'd started years ago. Katulad ko ay may iisa kaming panata ng dating gobernador."
"Oh my god..." nasapo ko na lamang ang bibig ko.
Hindi lingid sa kaalaman ko ang pinakamalaking eskandalo sa pagitan ng mga Olbes at Arellano. Kaya ba may alam si Leiden tungkol kay Keaton?
Everything makes sense. From my parent's connection with Keaton's family, his past, his reasons and all the behaviors of people around us.
"Because of Don Olbes' help, I tracked down the other tied syndicates who sabotage my parents. Lahat sila ay isa-isa nang nahuhuli."
Habang nagtatagal ang usapan namin ni Keaton, unti-unting nagliliwanag ang lahat. I had a hint about his connections with the Olbes, pero hindi ko akalain na ganito kalalim.
Who would expect? Kahit sila ni Papa na akala ko noon ay simpleng boss at empleyado lang ay may ganoon palang nakaraan.
It's really true, we couldn't just tell the story by just looking at the front picture. Dahil sa bawat istory, may kanyang-kanyang bersyon ng anggulo.
Gusto kong tawanan iyong rason ko ng mga panahong gustong-gusto kong ipatumba iyong sabungan niya. Hindi ko alam kung huli na bang makaramdam ako ng hiya sa kanya. My reason was too petty compared to him.
I laughed sarcastically. "I am such an idiot. Pinagtatawanan mo siguro ako noon, Keaton."
Gusto kong sampalin ang sarili ko. Iyong mga panahon na akala ko iyong pinaglalaban ko lang ang tama at ang paninindigan ko ang dapat siyang manalo, may iba na palang pinaglalaban si Keaton.
I just realized how different our world.
"No. I never laughed at you, Shanti. I even admired you. I can understand your advocate that time, but I have a bigger reason."
Kaya pala kahit ramdam kong mahal na mahal niya na ako at kaya na niyang ibigay sa akin ang lahat, hindi niya pa rin ako mapagbigyang ipasara ang sabungang iyon. Dahil nandoon ang simula ng pinaglalaban niya.
Kinagat ko muli ang labi ko.
"H-How about my father?"
Muling sumandal si Keaton at ilang segundo siyang tumitig sa kisame.
"I told him to stop helping me. Ilang beses ko nang sinabi na hindi ko kailangan ang tulong niya. But your father keeps insisting, Shanti... I'm sorry..."
Kilala ko si Papa, if he did those efforts for the Samonte brothers for years, isa lang ang ibig sabihin niyon, itinuri niyang mga anak ang magkapatid.
Si Keaton na rin ang nagsabi ng mga salitawang nabitawan niya noon. Alam kong dadalhin iyon ni Papa kahit ilang taon na ang lumipas. And he would do everything to help Keaton.
Gusto kong sisihin si Keaton gaya ng pagsisi ko sa kanya noon, pero tama pa bang sisihin ko siya gayong alam ko ng konektado si Papa sa ibang trabaho?
It wasn't just his vow to help Keaton and cope up with his guilt, but the job itself that he'd successfully hidden from us for years.
"Keaton, tell me... saan nagtatrabaho si Papa?"
"I swear to God, Shanti. I don't have any idea." Lumaglag ang mga balikat ko.
"So... these enemies... they are still lurking around." Mahinang sabi ko.
Lumingon ako kay Keaton. "Yes."
Umupo muli ako ng tuwid. Nanlalamig na ang mga kamay ko. Nagsisimula na akong matakot. Hindi ko gustong dumating sa punto na magsimula na rin akong matakot para sa buhay ni Keaton.
"Keaton, you can ask more help... natatakot ako."
He gently cupped my face. "I am here to protect you, Shanti." Umiling ako sa sinabi niya.
"No. I am afraid for your life."
"Don't be..." humalik siya sa noo ko.
"May mga tao nang handang humarap sa kanila."
Nang marinig ko iyon ay agad ko siyang itinulak at nagsalubong ang mga kilay ko. "This could be the same people from my father's work. Y-you are lying to me, Keaton! Paano mo nalaman na may mga tao nang humaharap sa kanila? Goodness! Please be honest with me this time... please do tell me all." Nahihirapang sabi ko.
"Hey..." nang hawakan niya ang mga braso ko ay marahas ko na iyong sinalag. Nahuhuli ko siya sa pagsisinungaling niya sa akin.
This is a serious problem! Hindi ko na gustong mangapa pa sa mga nangyayari.
"Hey... Shanti... listen please. I am not aware of them, but someone told me that they are moving."
"What? Hindi kita maintindihan, Keaton."
"This group is about to finish what we've started. Nangako ang grupong ito kay Don Olbes na tatapusin ang kanyang nasimulan. Sila na rin ang humahabol sa mga taong nagtangkang pumatay sa akin at kay Langston."
Mariin akong pumikit at umiling sa kanya. "How did you fucking know!?" napataas na ang boses ko. Sinasabi niya sa akin na wala siyang nalalaman tungkol sa grupong posibleng kasama si Papa, pero paano niya nasasabi ang mga kaalaman ito sa akin?
"Someone who had a conversation with Don Olbes before he died."
"And this one is connected with this group?"
"Yes."
"Paano mo mapagkakatiwalaan ang taong ito, Keaton? Ano ang kasiguraduhan mo na nakausap nga niya si Don Olbes? You can't just--" pinutol niya iyong dapat ay sasabihin ko.
"I am sure of it. At alam kong hindi niya magagawang magsinungaling tungkol doon..."
"Then, who?"
"Dwight Arellano. We are Don Olbes' pawns before he died fulfilling his last mission in Enamel."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro