Chapter 57
Chapter 57
Snowman
I've known Keaton Samonte for being manipulative. Simula pa lamang ng mga panahong nagtatrabaho ako sa kanya hanggang sa naging boyfriend ko siya.
His every plan is working the way he expects. Ganoon ko siya nakilala at nabibilang lang siguro sa kanyang daliri iyong mga plano niyang hindi nagtagumpay. Siguro dahil alam niya kung paano umatake sa iba't ibang sitwasyong kinahaharap niya.
O tamang sabihin na alam niya kung saan ang kahinaan ko. I love him, I really do. At sa tuwing lumalapit siya sa akin, inaamin ko na nakakalimutan ko na ang lahat ng kasalanan niya.
I just want to lock him in my arms and coat him by my own ice. Uri ng matigas na yelo na walang sinuman o anuman ang makatitibag kundi ako. Gusto ko siyang ilayo roon sa mundong humihila sa kanya papalayo sa akin.
Kaya sa tuwing bumabalik siya sa akin, sa halip na itulak o manumbat sa kanya, ito ang mga braso ko at handa siyang tanggapin muli.
Foolish? I guess I am foolish in terms of love.
I love him so much, and I hate myself for spoiling him too much. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya at paulit-ulit na pagtanggap, alam kong malaki ang posibilidad na mawalan ako ng kapangyarihan sa relasyon namin.
I should stop this. Yes, I should stop this game and face reality. I shouldn't coat our real problem with the mist of silliness. Because at the end of the day, we will still face the problems that we left three years ago. And I should stop denying the fact that I am still afraid of his reasons.
Alam kong kapwa kami takot. He's still afraid of my action after hearing his side, and I am afraid of the realizations that I might hear from him.
We're both afraid of the outcome, and we're purposely diverting it to something that would give us a break. Pero tama na siguro iyong takot, pagpapanggap at pag-iisantabi ng mga problema.
Unti-unti akong gumalaw at hinarap ko si Keaton. We're both lying on the bed sideways.
"Shanti..."
Iginalaw ko ang mga kamay ko at marahan kong hinawakan ang mukha niya. I gently kissed his forehead.
"I love you..." bulong ko sa kanya.
Humalik ako sa tungki ng ilong niya hanggang umabot ako sa kanyang mga labi. It was supposed to be smack, but when his lips moved and responded, my eyes closed slowly, and together we allowed our emotions danced with our own waves.
Nang bumaba ang halik niya sa leeg ko, kusang humaplos iyong mga kamay ko sa kanyang buhok niya. silently watched the ceiling, thinking about what will happen next.
Maybe Keaton noticed the sudden coldness of my reaction. He stopped, and stared down on me. Mariin siyang napapikit at agad umalis sa pagkakadagan sa akin.
Naupo siya sa kama at gumawa ng distansya sa akin. "I'm sorry..."
Nanatili akong nakahiga. Pinili kong tumalikod muli sa kanya at tumitig na lamang doon sa kurtina na kasalukuyang nililipad ng hangin.
"I think we should stop this, Keaton... the stalling..."
He sighed. "Yes... I am sorry."
Bumangon na ako pero nanatili akong nakatalikod sa kanya. Sinubukan kong pagsalikupin iyong magulong kulot kong buhok, pero hindi ko naman iyon nagawa dahil maiksi pa ito.
"Tell me about the fire..."
"Someone tried to kill me, Shanti." Kumuyom iyong mga kamay ko. Pinili kong manatiling nakatalikod at hayaan ang sariling makinig muna.
Keaton's face is a huge distraction.
"And you didn't even inform me? Kahit text man lang o tawag? Can't you imagine how worried I was?"
"S-Shanti..."
Nang maramdaman ko na gumalaw iyong kama ay agad akong naalarma. Tumayo na ako at nagtungo na ako roon sa may bintana. Nang masiguro ko na ang distansya namin ay saka ako humarap sa kanya.
How dare him sleeping next to me just wearing boxers' shorts?!
Mariin akong pumikit. This is serious.
"Please, Keaton, we need to talk. No touching please. Kailangan na natin pag-usapan 'to."
Simpleng malandi siya at marupok lang naman ako, ano ang laban ko? Gusto ko nang may patunguhan ang pag-uusap naming ito.
We shouldn't coat it with anything else. I took a deep breath and met his eyes.
"Alright." Tipid na sagot niya.
Kinuha niya iyong salamin niya na nakapatong doon sa lamesang katabi ng kama, isinuot niya muna iyon bago sumandal sa headrest ng kama.
"Someone tried to kill me. I didn't call and contact you because I wanted you safe." Panimula niya.
"That's it?! That's it?" napahilamos ako sa sarili ko. Wala ba siyang tiwala sa akin? He could have informed me, hindi ba't mas mag-iingat ako at magiging alerto kung may nalalaman ako?
Kumunot ang noo niya. "What do you mean that's it? Ashanti Rose Miral La Rosa, your safety is my sanity."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. "Mapuputol na ang huling pisi ng katinuan ko, kung madadamay ka pa sa mundong sinisimulan ko nang tanggalin sa buhay ko."
"I wanted to marry you that day, Sweetheart. I really do. I was too desperate, hindi na kita gustong pakawalan. Gusto na kitang ikulong sa buhay ko. I don't want to give you any chance to say no. But when an unexpected news came, I suddenly got scared and doubted my decision. Tama ba na binigla kita? Tama ba na alukin kita agad ng kasal gayong magulo pa sa mundong gusto kong wala nang koneksyon sa akin sa sandaling maging asawa na kita?"
Nanatili akong tahimik at hinintay ko pa ang mga sasabihin niya.
"That's why I distanced myself. Malayo sa 'yo, dahil alam ko sa sarili ko na sa sandaling nasa malapit ka, bigla na lamang akong magdedesisyon at pipilitin ka sa mga bagay na ako lang ang higit na makikinabang. I tried to control myself to stop being unfair with you..."
"Keaton..."
"I fell in love with a very selfless woman. A woman who often wear masks to cover her pain, a woman who used to absorb pain and smiles at people in return, a woman who used to spread her arms around wounded hearts..." he softly said.
Tila malulusaw ang puso ko sa mga salitang sinabi niya. I know how people tried to use sweet words, but I could tell when it was genuine. Lalo na kung si Keaton Samonte iyon.
Isinandal na ni Keaton ang ulo niya sa pader at bahagya na siyang nakatingala habang nakatulala roon sa kisame.
"I know it is your profession, but I can feel how you double, no... triple your effort for me. You're a gift, Ashanti... my priceless gift. Hindi ko akalain na makakatanggap ako ng katulad mo sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko. I feel like I didn't deserve you..."
Nanghihinang lumingon sa akin si Keaton, nanatili pa rin siyang nakasandal at bahagya lamang gumalaw ang ulo niya para tanawin akong nananatiling nakatayo at hindi na magawang makapagsalita.
"Look at you, sweetheart. Heavens, I am so lucky to have you."
Napahikbi na ako sa sinabi niya. Mariin kong inilagay ang dalawa kong kamay sa likuran ko at pilit kong pinagsalikop ang mga iyon para lamang pigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit.
Kinagat ko iyong pang-ibabang labi ko.
"But Keaton...Isn't it unfair too? You left me hanging. Kahit kapakanan ko pa ang iniisip mo ng sandaling bigla kang mawala, hindi ba dapat binigyan mo lang ako ng ideya? Let's say you're afraid for my life and your unfairness... but how about my feelings and assumptions for your absence?" katwiran ko. Kahit saan ako lumingon ay pagkukulang at pagkakamali ni Keaton ang nakikita ko.
"I know, I know... sweetheart..."
Keaton moved and sat on the edge of the bed. He offered his hand to me. I shook my head and remained my distance away from him.
"But I would be more selfish if I didn't distance myself, Shanti. Desperado na akong makasal sa 'yo. I even seduced you, na hindi ko na naisip na may mga problema pa akong dapat ayusin. That everything is not all about you and me."
Hindi na napigilan ni Keaton ang kanyang sarili. Tumayo na siya at mabilis siyang nakalapit sa akin.
"K-Keaton, please..." I tried to push him, but that didn't make him move a bit.
Hindi niya naman ako niyakap, hinawakan niya lamang iyong dalawa kong kamay at ramdam ko ang pagsandal ng noo niya sa ibabaw ng ulo ko.
"I'm really sorry for all these years, Ashanti. For all my manipulative decisions, for taking advantage of your big heart, for being unfair, for thinking of myself first before you... for being selfish... for all the pain that I have inflicted on you."
Nang sandaling sabihin na niya iyon, ang lahat ng kinikimkim kong sama ng loob sa kanya, hindi ko na napigilan ang mas lalong pag-iinit ng mga mata ko.
Kumuyom iyong mga kamay kong hawak niya. Pinakawalan niya iyon at hinayaan niya akong simulang hampasin ang dibdib ko.
"Y-yes... that's it! How could you be so unfair! How could you be so selfish all the time! Bakit paulit-ulit na ako na lang ang nagpapasensiya?! Hindi mo ba alam na may puso rin ako? Yes, I am used to absorb people's pain! Pero pati ba naman ang lalaking mahal ko ay iyon pa rin ang ibibigay sa akin?! How dare you hurt me so much, Keaton Samonte!"
Mas lalong bumuhos iyong luha ko. Gusto ko na rin hawakan iyong dibdib ko sa sobrang tindi ng pagkirot noon.
Simula ng dumating si Keaton, hindi ko kailanman inilabas iyong lahat ng nararamdaman ko. I tried my best to cover it with laughter and smile. I did my best to divert my attention, kasi malakas ako... hindi ako mahina. Kakayanin ko naman, kasi nagawa ko na naman iyon noon, kaya ko rin naman siguro ngayon.
But I just realized that we it explodes, it hurts like hell. Dapat hindi kinikimkim at hindi isinasantabi. Now that everything is an open plate. I wanted to spill everything, gusto ko na iyong ilabas lahat at wala nang maiwang sakit sa akin.
"Sorry... I didn't know that in my will to pick up my pieces through you, you've been breaking yourself for me..."
Wala akong tigil sa paghampas sa kanya. "I hate you for hurting me... Keaton."
Hinayaan niya lamang akong hampasin siya ng sunud-sunod habang umiiyak, hanggang sa mapagod ako at kusang sumandal ang noo ko sa dibdib niya.
"I hate you, yet I love you so much..."
Hinawakan niya ang mga balikat ko, marahan siyang yumuko at pinunasan niya iyong mga luha ko.
"Thank you for loving me back, Shanti... no matter how broken I am." Hinawakan niyang muli ang dalawa kong kamay at mariin niya iyong hinalikan sa harapan ko.
Alam kong nag-uumpisa pa lang kami ni Keaton, ang pag-uusap na ito ay wala pa sa kalahati ng lahat ng dapat naming pag-usapan. Pero ramdam na ramdam ko na iyong bigat at sakit.
Kung maaari lang na lampasan na lang namin ito ni Keaton, that we could go straight to our happy ending, pero imposible iyon. In every story there is a process. Hindi basta magsasara ang libro na hindi nabubuklat ang iba pang mga pahina.
"I distanced myself, doubted my decisions, and I was so damn scared that I might overly take advantage of your love ... na baka habang kasal tayo, bigla ka na lang maubos sa akin dahil wala na akong ibang ginawa kundi pilitin kang ibigay sa akin lahat ng gusto ko..."
"Keaton..."
"While I'm away, I tried to clean my past. Pilit ko nang inaalis iyong mga bagay na posibleng maglayo sa ating dalawa. I am really sorry for leaving you without explanations. Ipinapangako kong hinding-hindi ko na iyon uulitin pa, Ashanti."
Muli niyang hinalikan ang mga kamay ko.
"Hindi na kita pipilitin. From now on, I'll always give you a choice. I will let you breathe, hinding-hindi ko na ipaparamdam sa 'yo ang nakakasakal na pagmamahal ko. I'll try my best to be a better man for you..."
Ako na mismo iyong nagpahid ng luha ko. "You are always my choice, Keaton! Always..."
Ngayon naman ay siya ang mariin na napapikit. Humugot siya ng malalim ng paghinga at hindi na niya napigilan kabigin ako at yakapin, kapwa humahaplos iyong mga kamay niya sa buhok ko habang nakatingala siya at nakatitig sa kisame.
"You've been building myself, Shanti, you know that? Just like the snowman."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya, mukhang hindi lang pala ako ang nakatanda ng pangyayaring iyon. It's so odd that a simple snowman making happened in the past had a quite symbolism with us right now.
"It's you who taught me how to build a better snowman. Kung paano buuin ang sarili ko..." aniya.
Ngumiti ako at pinaglaro ang tungki ng aming mga ilong habang nanatiling nakayakap ang kanyang mga braso sa akin.
"And how is that? Suplado mo po noon."
He chuckled. "The snowman should be built with consistent snow. But to make it better, it should be added by an essential. I used a carrot for a nose. Kailangan lagyan ng sustansya..."
"Then?"
Inilaro na rin sa akin ni Keaton ang ilong niya. "It's you..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro