Chapter 56
Chapter 56
Dream
The yacht continued to surge the ocean waves. The strong wind blew our curly hair, and our hands clasped together tightened as the Chinese brothers' eyes flickered, from coldness to fire.
I couldn't even move a bit. It was like the Samontes had cast a spell that made us stop and freeze, like a frightened prey in front of the predator.
I gulped twice. My heartbeats were rapidly drumming on my ribcage. I shouldn't feel like this, right? I shouldn't feel nervous as hell.
I am still mad at him. It should be him that would feel intimidated.
I tried to glance back, but the only thing I could see were lights that were getting smaller as the yacht continued to sail.
No escape.
Even Alejandra was quite abducted.
I thought the Samontes were about to attack us, but they remained composed standing next on the railing. Langton's now busy speaking in his woki-toki. But Keaton's eyes never cease to leave me.
After Langston's call with the captain, his attention immediately went on us. He grinned. His famous evil grin, while Keaton Samonte stayed being impassive.
"My..." he rubbed his palms together.
My brows narrowed when Langston licked his lips as his eyes wandered on Alejandra's body. He's like a scammer Chinese who was about to buy his favorite food.
"What do we have here, Keaton? Fresh deliveries. Hindi na ibinalot na nagdeliver...pero pwede na..." Langston chuckled.
Nanatili lang tahimik si Keaton, nakakrus na iyong mga braso niya. "Gago." Matigas na sabi ni Alejandra kay Langston.
"Darling... lessen the curse. Kami intsik ayaw mura, kami nanghihila..."
Pansin ko na may tumawag sa telepono ni Keaton, nakapamulsa ang isa niyang kamay ng sagutin iyon.
I don't know if he did it on purpose, but the call was on a loudspeaker.
"Well? Seems like I successfully had a good job."
Bumitaw na ang kamay ko kay Alejandra at kumuyom iyon habang mariin ang tingin ko roon sa telepono ni Keaton.
"Ipapa-good job kita, Aldus Ferell! Huwag na huwag ka magpapakita sa akin sa Enamel! Gago ka!"
Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. "Enjoy, Samontes! Hindi naman sila masyadong lasing...pero konting inom pa, 'lam na."
"'Till next time, Ferell!" sigaw ni Langston.
"Just call me."
Pinatay na ni Keaton ang tawag at ibinalik na niya sa bulsa.
"Langston, let's eat."
Nanlaki ang mga mata namin ni Alejandra nang sabay nang humakbang papalapit sa amin ang magkapatid na Samonte.
"T-This is ra—"
Pero biglang lumampas sa amin si Langston. "Darling, wala pa tayo sa Wuhan. Excited much, e? Keaton, what's our dinner?"
Katulad ni Langston ay lumampas din sa akin si Keaton. "Check the fridge."
Naiwan kami roon sa labas ni Alejandra na tulala. Mga gagong Samonte!
Ilang minuto kaming nagmatigas ni Alejandra at nanatili kaming nasa labas kahit nangangatog na kami sa lamig, pero hindi rin nagtagal ay nagyaya na ako sa loob.
"Tang ina, sobrang lamig na talaga."
Papasok na sana kami sa loob nang makasalubong namin si Langston na may sulong na cart na may nakalagay na pagkain.
"Let's eat." Anyaya sa amin ni Keaton.
Hindi sana ako papayag pero rinig kong ini-lock ni Keaton iyong pintuan para makapasok kami. Shit.
Kaya wala kaming pinagpilian kundi sumalo sa magkapatid na intsik. Sabay pa nila kaming pinaghila ng upuan. Akala ko ay magiging maayos iyon pero napatingin ako kay Alejandra na hindi na napigilan ang paghampas sa braso kay Langston.
I heard it!
Alam ko iyong biglang hinila ang strap ng bra mo at tumama ulit sa likuran mo?
"Oh my god! I am sorry, darling..."
Nakakunot ang noo ni Langston habang nakatitig sa kanang palad niya. "Dumulas yata ang kamay ko?"
Narinig kong bumuntong hininga si Keaton sa likuran ko. Halos hindi na maipinta iyong mukha ni Alejandra nang makaupo na ang magkapatid.
Alam kong katulad ko ay busog pa rin si Alejandra pero pinilit namin kumain para mabaling ang atensyon namin mula sa lamig. Nakailang sulyap na ako kay Alejandra na nasa unahan ko, katulad ko ay maputla na rin ang labi niya. Habang ang magkapatid na Samonte naman ay kaswal na nag-uusap lamang.
"I don't think so... how about our clients in middle east?"
"I'll take note of that." Sagot ni Keaton.
Nag-uusap na silang dalawa sa Negosyo habang lamig na lamig na kami ni Alejandra.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumingon na ako kay Keaton habang nangangatal na ang katawan ko sa lamig.
"K-Keaton... ang lamig na..."
"Langston..." nagmamakaawa na rin si Alejandra.
Tipid lang lumingon sa amin ang magkapatid at sabay ang mga iyong uminom ng wine.
"The melon orange bikini suits you well, Shanti. It's okay." Sarkastikong sagot niya sa akin. Aba't hayop na intsik!
"Ang sexy n'yo nga, walang lamig lamig." Langston chuckled.
Ibinalik nila ni Keaton ang usapan sa negosyo hanggang sa umabot pa iyon sa basketball at sa kung anu-ano habang nagyeyelo na sa lamig iyong hubad naming katawan ni Alejandra.
Hinihipan ko na iyong dalawa kong kamay habang walang pake sa amin ang mga Samonte.
"Mga gago." Bulong ko.
Kung kanina ay halos sasabog na ang puso ko sa kaba dahil sa muli naming pagkikita ni Keaton, ngayon naman ay parang sasabog na iyon sa galit at sama ng loob.
How dare he punish me like this? Siya ang may kasalanan, pero bakit parang ako?
Nang marinig kong umiyak na si Alejandra, natigil na sa pagsasalita si Langston.
"Hey..."
"Don't fucking touch me, buksan mo iyong pinto! Gago kayong magkapatid!"
Muling natawa si Langston. "Nilalamig na talaga. We should go first." Dahil sobrang tagal na namin sa lamig ni Alejandra, hindi na niya nagawang makapalag ng buhati siya ni Langston.
"Ikaw bikini pa po?" Langston playfully asked.
"Putang ina mo."
"Sweet." Tipid na sabi ni Langston.
Naiwan kami ni Keaton Samonte, hindi na ako nakatingin sa kanya habang nakayakap ako sa sarili ko.
"Stop this fucking yacht! Uuwi na 'ko!"
Hindi siya nagsalita.
"Keaton! Uuwi na 'ko! Ibalik mo 'to sa pangpang! Dadalhin mo 'ko sa Wuhan? Para ano?"
"I'm sorry... I left without—"
"Stop it! Ayoko na! Sawang-sawa na ako! Akala ko ay nagbago ka na!" tumayo na ako at mariin kong sinalubong ang mga mata niya.
"I am here to reconcile. I just needed more time to prepare—"
"Prepare what?!"
Tumayo na rin siya at mabilis siyang nakalapit sa akin. He gently cupped my cold cheeks. Itinulak ko ang dibdib niya pero agad namang nakahawak sa bewang ko ang mga braso niya.
"Let's go inside."
Marahas kong tinanggal iyong mga braso niya sa akin bago ko siya tinalikuran at nagmadali akong pumasok sa loob.
"Oh gosh!" sambit ko nang sandaling madama ko na iyong init ng heater.
"Huwag ka ng uulit. If you want to feel cold, just tell me right away. I can make you cold."
"What?" iritado akong lumingon sa kanya.
"Ice cubes. Mouth. Work out before we reach Wuhan. The second door is my cabin. You can put your dress on, Shanti."
Nakaupo na sa sofa si Keaton habang nakakrus na naman iyong mga binti niya. Umirap ako sa kanya at pumasok na ako sa sinabi niya, agad ko iyong ini-lock. Napansin ko agad iyong isang malaking paper bag, naroon nga ang mga damit na kasya sa akin.
Damn prepared!
Buong akala ko ay naisahan na namin si Aldus Ferell, hayop na iyon, may mas igagaling pa pala sa pag-arte!
Nang matapos na akong magbihis, ramdam ko pa rin iyong panlalamig ko. Ikaw ba naman ang ibabad sa hangin sa gitna ng gabi?
Nang lumabas na ako, naroon pa rin si Keaton at prenteng nakaupo. Akala niya siguro ay magiging marupok ako sa kanya?
Sinuswerte ka namang gagong intsik ka.
Naupo ako sa katabing sofa at nagkunwari na nanunuod rin ng tv. Bigla siyang tumayo, pa-simple kong sinundan kung saan siya papunta, tumaas ang kilay ko, marunong palang magtimpla ng kape 'tong intsik na 'to.
Nang pabalik na siya, sa tv ko ulit ibinalik ang atensyon ko. Ipinatong niya sa center table sa harapan ko iyong tinimpla niyang kape.
"Ayoko."
"Hot chocolate?"
I waved my hand. "Hindi mo 'ko masusuyo, Keaton." Hindi na ako ang marupok na nakilala mo. Kapag ang Mexicana, sobrang nalamigan, mahirap na kaming lambingin.
At lalong hinding-hindi kami magpapahawak ni dulo ng daliri namin kapag sobra kaming pinahanginan at nalamigan. Ganoon talaga ang mga Mexicana noong kanilang nakaraang buhay.
Hindi kami marupok at basta na lang bumibigay. Mataas ang aming paninindigan Yes, I am confident. Hanggang sa pinakadulo ng kulot kong buhok.
"Oh my goodness! Urgh, ahh...Langston, hugutin mo muna! Ah... wait! Hugutin mo muna sabi e!" malakas na sigaw ni Alejandra mula sa unang kwarto.
Nanlalaki ang mga mata kong lumingon sa nakasaradong pintuan. What the fucking fuck is that?
Biglang nag-init iyong pisngi ko at wala sa sarili kong kinuha iyong kape na ibinigay sa akin ni Keaton at ininom iyon.
I could see in my peripherical vision how Keaton Samonte impatiently scratched his left eyebrow.
Iyong panlalamig ko kanina bigla na lang naglaho dahil pinapaypayan ko na gamit ng dalawa kong kamay ang sarili ko.
"See? Maiinitan ka rin..."
Nanlaki ang mga mata ko kay Keaton Samonte. "Excuse me? Mr. Samonte, hindi ako nag-iinit, baka ikaw lang! Stop it! Kung anu-ano iyang iniisip mo. Baka ina-unplug lang iyong tv kaya huhugutin."
"Miss La Rosa, what I mean was the coffee."
Umawang ang bibig ko at saglit akong natigilan. Sumulyap ako sa tasa ng kape na malapit ko nang maubos. "Ah, yes..."
Tipid na tumaas ang kilay ni Keaton. "It's the only coffee that I can offer, it has a high caffeine content. Baka hindi ka agad makatulog."
"It's okay."
"If you can't sleep, I'll join you."
"No, thanks. And please, ibalik n'yo na kami ni Alejandra. This is kidnapping. This is against our will. Pinipilit n'yo kami..."
"Oh my god! Ahh... Langston..."
Pansin ko na nagpipigil ng ngisi si Keaton Samonte. Mariin akong napapapikit. Can't they keep it down?!
"Kidnapping and against your will, alright. I'll take note of that. What else?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at marahas kong itinuro iyong pintuan nila Langston.
"Hindi ba iyan sound proof?!"
Keaton chuckled. "You will not hear them if you're inside my room. Hindi rin nakasarado ng maayos, I guess."
"I... I should sleep. Saan ka?"
Muling tumaas ang kilay ni Keaton. "Langston is sharing his room with his guest. I should probably use the against the will--"
"Sa sofa na lang ako!"
Tumaas ang sulok ng labi ni Keaton. "Alright."
Malalaki ang hakbang ni Keaton at siya na mismo iyong nabukas ng pintuan. Agad kong hinanap iyong sofa at naupo ako roon.
"Keaton, pahiram ng kumot at unan."
"This is kidnapping, right? Kidnappers are not gentle. If you want my pillow and blanket, share my bed." Nanlaki ang mga mata ko nang maghubad si Keaton.
"I'll just take my shower."
Nang tumalikod siya ay ginaya ko iyong sinabi niya ng walang tunog. Share my bed, huh? Ano ang tingin mo sa akin, marupok?
Habang naliligo siya ay kinuha ko na ang isang unan sa kama niya, inilagay ko iyon sa sofa at nahiga na ako. Sa sobrang pagod ko na rin siguro, agad bumigat iyong talukap ng mga mata ko at mabilis akong tinangay sa aking pagkakatulog.
I wanted to protest when I felt how Keaton Samonte's arms brought me on his bed, but my tiredness overwhelmed me.
A gentle kiss on my head made me fell deeper into my sleep. "Good night, sweetheart..."
***
I thought it was just a dream, a part of my censored fantasy and adventure. Well, I am just an Eve, born with curiosity. Isa rin Mexicana na sana ay kasama nga sa mga babaeng may paninindigan.
But couldn't I just pretend for a while? Mamayang umaga na lang ako magagalit sa kanya... bati muna kami ngayong alas tres ng madaling araw.
Pwede naman siguro iyon.
Bukod sa may paninindigan, marunong din magpatawad ang mga Mexicana at hindi na iyon maaalis sa akin.
My body was facing sideways. I could hear the sea breeze as it lingers on the curtains, the clock was ticking, and my strap was slipping.
Nakakuyom na ang mga kamay ko sa ilalim ng aking unan. I could feel Keaton's arms tightly hugging me and his legs wrapped on mine.
His lips were smoothly gracing my shoulders as one of his hands started to wander on my stomach.
Para akong kakapusin ng hininga sa ginagawa niya at natatakot akong sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ay malaman niyang gising na ako.
"Sweetheart..."
I bit my lower lip. No. Huwag kang bibigay. Just feel him but no response. Let him suffer!
Hinayaan ko siyang papakin ang balikat ko habang pinaninindigan kong tulog ako, pero nang sandaling kumagat siya sa puno ng tenga ko napamulat na ako.
Mabuti na lang at nakatalikod ako sa kanya.
He chuckled. Mas isiniksik niya ang kanyang sarili sa akin.
"Iyan ang mga gusto ko... Mexicana na bingi... at nagkukunwaring tulog..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro