Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54

Chapter 54

Party

In Leviathan, the Ferells are known famous about their wicked ways. Na kahit ilang taon na silang hindi nakatigil dito sa Enamel ay umaabot pa rin dito ang mga balita tungkol sa kanila. Sa totoo lang ay nakakasawa na rin sila, pero mukhang wala rin namang magagawa ang mga katulad ko dahil extended home naman talaga ng mga Ferell na iyon ang Enamel.

I was hoping that someone might ban them away from our province. Pero paano naman mangyayari iyon? Malakas ang kapit nila sa mga Arellano at sa mga malalaking pamilya rito.

But in Enamel, we have our own version of trending boys. At iyon ay ang magpipinsang mga Arellano. Well, marami rin naman talagang kilala lalo na kung gwapo, galing sa malaking angkan at mayayaman. Ang pamilya ng mga Villegas, Belo, Al-Muzaini, Montgomery, De Mesa, Samonte, Olbes at Ferry.

But White, Leiden and Gilbert Arellano are always on the top list. Syempre, hindi pa rin naman mawawala sa tatlong iyon ang paghahari-harian, of course, pamilya lang naman nila ang nagpapatakbo ng buong Enamel.

It's just that these past few years, their troubles and ruckus had been toned down, especially White Arellano, hindi iilang beses na nababalitaan ko ang mga problema niya sa buong Enamel noon, pero ngayon ay halos wala na akong nababalitaan sa kanya. Ganoon siguro talaga ang panahon.

As time goes by, people mature. Except those gang, hindi ko sinasabi na taga-Leviathan silang mga gago silang pakialamero.

Nagsalubong pa ang mga mata namin ni Aldus, siya na ang unang nag-iwas sa akin sa takot na makatanggap na naman siya ng dirty finger. Wala sa sarili siyang uminom ng tubig habang walang tigil sa pagsulyap sa telepono niya.

Ikaw tawag agad iyo amo?

My grin couldn't leave my face. Parang ang sarap sa pakiramdam na ako naman ang makakabawi rito sa kulto ng intsik na iyon.

Hindi ko pa nakakalimutan ang ilang beses na panloloko nila sa aking mga hinayupak sila, nasaan na iyong tatlo? Magtulong-tulong pa sila.

I always knew how to cover myself and make a composed mien, dahil iyon ang pinag-aralan ko at iyon ang mundong ginagalawan ko. Pero pagdating talaga kay Keaton at dito sa mga alipores niya, nawawala iyong ilang taon kong pinag-aralan.

Kung sabagay, they don't need my professionalism.

But I knew that they need a psychologist, and I could say that I am the perfect one to deal with them. Because in just one glance at them, I can already diagnose the problem. Kalas.

Katulad ni Langston ay may nakakalas din dito lagi sa mga Ferell, lalo na itong gagong Aldus na 'to at ang hinayupak niyang coincidence!

Umirap ulit ako kay Aldus kahit hindi na siya nakatingin sa akin at humarap muli ako kay Leiden.

Mabuti na lang at mukhang hindi pa masyadong nabibilog ng mga Ferell iyong utak nitong si Leiden, pero natatakot ako nab aka malapit na, si Leiden na mismo ang nagsasabi na madalas na siyang sumama sa mga kultong hilaw na iyon.

"Are you game, Ashanti?"

I blinked a lot of times. Sobrang layo na pala talaga ng naabot ng iniisip ko.

"Of course. Paano ba?"

Ngumisi si Leiden. "We need to make it more realistic. We need a bit of advice first. My cousin knows someone good with teasing."

"Huh?"

Leiden dialed his phone, and he called someone. Nanatili akong nakatitig sa kanya habang hinihintay ang boses ng nasa kabilang linya.

"Leiden, what?"

"White, I need your help a bit. May ginagawa ka ba?"

"Wala. What is it?"

"Just wanna ask something, can you give me some way of your girl's teasing way?"

"Autumn's maarte way? Huh? Why?"

"My friend here needs an advice. Hindi ko naman matatanong si Autumn, right? And we're not close." Kung hindi ako nagkakamali ay nasa ibang bansa pa rin si Autumn.

"How are you sure that I'll share it to you? Sino bang friend iyan?"

"White. This is Ashanti, please?"

Natigilan lang ng ilang minuto si White Arellano bago siya saglit na natawa.

"Basta dapat lagi kang napipilitan... gano'n iyon. Dapat pinipilit ka sa maraming bagay. Artehan mo... putok ugat sa noo niyang si Samonte. By the way, how are you, cousin? Are you alright? Defeated, eh? Just accept Ferell's offer, she's---" hindi na tinapos ni Leiden ang tawag niya kay White at pinatay na niya iyon.

"So, that's it? Artehan at pipilitin lang kita?"

Natulala akong saglit kay Leiden habang nakangisi siya sa akin. "Paanong pipilitin at aartehan?"

Naalarma ako nang nag-angat ng kamay si Leiden. "Aldus! I didn't know that you're here!"

Tumayo na si Leiden mula sa pwesto namin at nagtungo siya roon sa pwesto nila Aldus na parang ngayon niya lang napansin na naroon ang kamoteng iyon.

Gusto kong palakpakan si Leiden, magaling din palang umarte itong Arellano na 'to.

Bago pa ako tawagin ni Leiden at yayain na sumalo sa lamesa nila Aldus, tumawag na ako ng waiter.

"Yes, Ma'am?"

"Give me your hardest drinks. Iyong tatalab talaga sa mga Mexicana? Mayroon ba kayo no'n?"

"Mexicana po, Ma'am?" napalingon sa ibang direksyon iyong waiter na parang naghahanap ng Mexicana.

Ilang beses kong hinawi iyong kulot kong buhok at inayos iyong dress ko. Bulag ba 'to?

Tumikhim ako. "Mexican drink po, Ma'am?" ulit niya.

"Yes, for me..." itinaas ko iyong noo ko.

Saglit na umawang ang labi ng waiter. "Ay, Mexicana nga..." bulong niya bago nagmadaling tumango sa akin.

"Right away, Ma'am! Akala ko po ay Pinay kayo! Ang galing n'yo pong magtagalog!"

Tipid akong ngumiti. "Gracias..." isinumping ko ang kulot kong buhok.

Sumulyap ako sa lamesa nila Leiden, nag-uusap pa rin sila ni Aldus. Hindi naman ako pinaghintay ng matagal ng waiter dahil agad siyang nakabalik sa lamesa ko. Binigyan niya ako ng mataas na baso na puno ng colored drink.

"Hardest po 'yan, Ma'am. Mas lalo pong tutuwid ang tagalog n'yo!"

"Gracias..." ulit ko na may kasamang pagkindat sa kanya. Hindi na ako nagsalita pa, lalo na at ilan lang ang nalalaman kong salitang pang-Mexicana.

"Nagbabakasyon po kayo rito?"

I blinked again. Tumikhim ako bago ako muling ngumiti sa kanya. "Yes. I just came here yesterday." I said in my most slang way.

Sabi ko na nga ba, hindi ako nagkakamali. Mexicana talaga ang nakaraang buhay ko. Hindi ko mapigilan ang ngisi ko habang sinisimsim iyong alak.

"Ah, sige po. It's more fun the Phili--"

Magiging maayos na sana ang pagiging Mexicana ko kung hindi lang biglang bumalik si Leiden.

"Ashanti, let's go. Mukhang mapapalaban ka roon sa kasama ni Aldus, lumaki pala sa Mexico! Sabi ko iyong Mexicana na ka-date ko taga Enamel lang, pero maganda naman ang pagkakakulot ng buhok."

Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong alak sa biglang pagpasok nitong si Arellanong hilaw. Gago naman, e!

I awkwardly smiled at the waiter. Tumayo na ako at sinalubong si Leiden habang hawak pa rin iyong baso. Pumulupot na ang braso niya sa bewang ko bago siya tipid na sumulyap sa waiter at sa akin.

"Do you need anything else?"

"Hmm... Nada..."

Kumunot ang noo niya. "What?"

Hinampas ko na ang balikat niya at bumulong ako sa kanya. "You blew up my cover."

"Huh?"

"Nevermind."

Nakarating na kami sa lamesa at dahil mukhang nasanay na rin ako sa galawan nitong si Aldus Ferell, agad nang lumawak ang ngiti ko ng magsalubong ang mga mata namin.

Plastikan gaming kami nitong gagong 'to.

"Oh, Aldus, akala ko ay kahawig mo lang ang nakita kong pumasok dito. Ikaw pala talaga iyan."

He sarcastically laughed. "Have a seat."

Pinaghila muna ako ni Leiden ng upuan bago siya naupo at tumabi sa akin. Siya mismo ang humawak sa kamay ko at hinayaan niya iyong nakapatong sa lamesa.

"It's odd to see you here, Leiden. I thought you're already dating someone else."

Leiden chucked. "Kanino mo naman narinig iyon?"

Uminom ulit ng tubig si Aldus at sumulyap siya roon sa magkahawak naming kamay ni Leiden.

"By the way, let me introduce you my date, Alejandra."

"Hi!"

Tinanggal ni Leiden ang pagkakahawak sa kamay ko at humalik siya sa kamay ng babae bilang pagbati.

"Such a beautiful lady."

"Gracias..."

Muntik ko nang gayanin iyong pagsasalita niya, mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko.

"Hi, Alejandra. I'm Ashanti..."

"Hey, Ashanti. I love your hair!"

"Oh, thank you..."

"So, ilang araw ka rito, Aldus? Pansin ko na napapadalas ka rito sa Enamel."

"Depende."

"Depende saan?" tanong ko.

Biglang humilig sa akin si Leiden at nagsimula siyang bumulong sa akin. "Let's start..."

Eksaherada akong gumalaw sa upuan ako. "Mamaya na, Leiden!"

Hinampas ko iyong balikat niya na kunwari ay natatawa.

"Sorry, I couldn't help it. Where are we again?" tanong ni Leiden.

Hindi na maipinta iyong mukha ni Aldus habang nanatiling nakangiti sa amin iyong babaeng kasama niya na walang kaalam-alam.

"A-Are you two dating?"

Aldus' fingers were drumming on the table. Para na nga iyong nangangating hawakan iyong telepono niya.

"Yes." Sagot ko.

"T-That fast?!"

"No. We're just getting to know each other, right?" sabi ni Leiden.

Biglang nag-init iyong pisngi ko nang akala ko ay kakagat sa akin si Leiden, pero sa hangin lang naman tumama iyong labi niya.

Shit.

Nakita ko na iyon! I saw it somewhere! Pilit kong inalala kung saan ko ba nakikita ang ganoong galawan, hanggang sa maalala ko na.

It was White's moves when he's flirting with Autumn Olbes. Lagi ko iyong nakikita sa tuwing hantaran silang naglalandian sa corridor.

Nagsimula nang maging balisa si Aldus at nakakailang sulyap na talaga siya sa telepono niya. Nakahilig na sa kanya ang babaeng kasama niya na mukhang kinikilig habang pinapanuod kami ni Leiden.

"I like the foods here. Let's have a delivery mamaya sa room para may makain tayo bukod--" sadyang binitin iyon ni Leiden.

Itinaas na ni Aldus ang kamay niya at tumawag siya ng waiter.

"Why don't you eat more? My treat. Kahit 'di na kayo magpa-deliver."

"Yes, sir?" tanong ng waiter na kausap ko kanina. Halos hindi na ako makatingin sa direksyon niya.

Maayos na sana ang gracias ko kanina, kung hindi lang sinabi nitong si Leiden na taga Enamel ako.

"Give us your best seller."

"Right away, sir."

Nang maiwan kami pansin ko ang paghinga ni Aldus ng malalim. "So, after this do you plans? Hindi lang ito ang bago rito. Narinig ko ay may bagong bukas na bar din dito. Wanna join? It's my treat."

"Ashanti?"

Bigla akong natigilan ng tanungin ako ni Leiden. Paano ko ba iyon sasagutin? Ang sabi ni White, dapat ay lagi akong napipilitan.

Paanong napipilitan ba?

"Nakakahiya naman kung ililibre niya tayo..."

"Oh come on, it's okay."

"Sige na, we'll be quick..." naglaro ang ilang daliri ni Leiden doon sa balikat ko at sa strap ng summer dress ko.

Pansin ko na nagpapahid na ng pawis iyong si Aldus Ferell. Of course, he'll do something to prevent our way to a private room.

Alam kong kaunting-kaunti na lang ay hahawak na siya sa telepono at magsusumbong doon sa intsik.

Marahas kong hinampas iyong braso ni Leiden. "Leiden, behave..."

Tumawa na iyong babae. "It's alright. Most of the time they can't resist to play with our straps, it's really adorable and cute, right?"

Humawak pa iyong babae sa dibdib ni Aldus na nakailang beses ng uminom ng tubig.

"Adorable... cute..." wala sa sariling ulit ni Aldus na nakatingin na talaga sa kanyang telepono.

Nang umakbay muli sa akin si Leiden at mukhang may ibubulong na naman, bigla ng tumayo si Aldus at hawak na niya ang telepono niya.

"Oh shit, man! I forgot to call one of our investors. Excuse me, I'll be right back." Nagmadaling tumalikod na sa amin si Aldus. Nakakagat labi na ako habang pinapanuod siyang balisa palabas ng restaurant.

"It's fake, right?"

"Huh?"

Nabaling ang atensyon ko kay Alejandra. "What?"

"I mean, you two. You are not lovers."

I was about to defend our cover-up when the woman waved her hand. "It's okay. Seems like you've been waiting him to call, right?"

Sumulyap ako sa glass wall. Nakapaywang na ang isang kamay ni Aldus habang may kausap sa telepono, may paghawak pa siya sa balikat na parang ikinukwento na niya iyong nakikita niya sa amin ni Leiden.

Uminom muna si Leiden ng alak bago siya sumulyap kay Aldus.

"I think I'll be answering a punch sooner or later..." natatawang sabi niya.

"Hmm... this sounds interesting. I assumed Aldus is calling another guy that would—" itinuro niya si Leiden.

Leiden nodded.

"He's my run away fiancé."

"Oh, you're trying to make him jealous."

I awkwardly scratched my face. "Sort of..."

"This is nice, can I join? I promise, I will not tell it to Aldus..." biglang hinawakan ni Alejandra iyong kamay ko.

"Let's go..."

"Where are we going?"

"Bikini Party."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro