Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 52

Chapter 52

Steal

Isang linggo na naman ang lumipas, pero kahit ang anino ni Keaton Samonte ay hindi man lang nagparamdam.

Nakakahiya naman doon sa iPhone niya. May pa-iPhone pa siya, wala naman yatang load o baka hindi maka-connect sa wifi. Nakakahiya naman sa mamahalin niyang relo na isang malaking bahay na rito sa Pilipinas, hindi man lang niya napansin na hindi lang oras ang lumipas simula ng sinabi niyang babalik siya.

Bakit ba hindi na ako nasanay? Simula ng isilang ako rito sa mundo ay scammer na iyong karamihan sa intsik na nakikilala ko.

Akala niya siguro ay madali na lang makababalik sa akin dahil gustong-guto ko siya?

Ano ang tingin niya sa akin marupok? My ideal type of man is Mexican! He's not even a Mexican, he's Chinese. Iyong parang si Sergio sa Marimar!

Nagayuma lang yata ako ng intsik na iyon at kung anong insenso ang pinasinghot sa akin ng mga panahong nagtatrabaho ako bilang sekretarya niya.

"Right! Hindi ako marupok at nagayuma ako! Pahihrapan ko siya sa sandaling bumalik siya sa akin. Gago!"

I harshly closed the car's door. 

I faced the entrance of Montenegro Hotel and Resort. My sisters told me that I should unwind and think of something else.

Mas mabuti na rin siguro ito. Kahit ng mga panahong hindi pa kami nagkikita ng scammer na iyon, matagal-tagal na rin simula ng hindi ako nakapagpahinga.

Since I had already booked a reservation, and I have a friend inside the management, I wasn't surprised about the welcome.

"Ashanti, welcome..." bati sa akin ni Patrick.

He's the son of this famous resort. I couldn't help but admire him. Simula ng bata ay siya ay iminulat na siya sa mundo ng pagnenegosyo, sa bawat pagpunta ko rito ay lagi ko siyang nakikita. Parang dito na nga siya lumaki.

Oddly, I've seen him so small before, but right now, he's taller than me.

"Hi, Patrick!"

Simula rin ng mas tumangkad na siya sa akin, hindi na siya tumatawag sa akin ng ate. Well, boys.

He walked towards me with a smile on his face, his right hand quickly reached my waist as he gently leaned on me to bent a kiss on my cheeks.

"It's been a while, how are you?"

I rolled my eyes. "Nandito lang ako last few months ago."

"You do?" Nagkunwari pa siyang nagulat.

"It feels like a long time..."

Hinampas ko ang balikat niya. "Stop flirting with me, Patrick!"

He chuckled. "So, ikaw lang talaga?"

"Yes."

"May I?" hindi na ako nakapagprotesta nang agawin niya ang malaking bag ko. Tumawag siya ng crew at pinadala na iyon sa kwarto ko.

Habang naglalakad kami patungo sa receptionist table, pansin ko na may lalaki rin na nandoon pero wala sa babaeng nagsasalita sa harapan niya ang atensyon, kundi sa amin ni Patrick.

Both of his arms were leaning on the table, but his whole attention was on us. His brows were arched. Patrick stopped his stories when he noticed that I was not listening and staring with someone else.

"Damn it. I forgot about him." Bulong niya.

Nagtuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na nga kami sa harap ng receptionist.

"I'm sorry, Ashanti. I wanted to accommodate you personally, but I have urgent matters to attend to..."

Itinuro niya ang lalaking nasa harap namin. "Kanina ka pa, Gio?"

"Hindi naman."

Muling sumulyap sa akin ang lalaking may pangalang Gio. Nasisiguro ko na mga kasing edad rin siya ni Patrick, pero mukhang suplado!

He lazily straightened his body, and he offered his hand on me. "Gio. So, you're Patrick's new—I mean girlfriend?"

Tinanggap ko iyong kamay niya. Sasagot na sana ako nang si Patrick na ang nagsalita. "She's just a friend."

Tumaas muli ang kilay niya. Binawi ko na ang kamay ko. "Go on, Patrick. It's okay."

"Magtatagal ka naman dito, hindi ba?"

Tumango ako sa sa kanya. "But please... don't bother yourself. I know that your crews will give me the best accommodation."

"But I insist. I'll be right back before you—"

Bago pa man matapos ni Patrick ang sasabihin niya ay panibagong lalaki na naman ang lumapit sa receptionist table. Wearing his most innocent smile and black sunglasses on his eyes.

"What's up, little boys?" tanong ni Aldus kina Patrick at Gio.

Sabay umasim ang mukha ng dalawang lalaki sa pagdating ni Aldus, kahit ako ay sumama na ang pakiramdam. Ano na naman ang ginagawa ng alagad ng intsik na iyon dito?

"Fuck off." Iritadong sagot ni Gio.

Hindi na siya sinagot ni Aldus sa halip ay lumampas ang tingin niya sa akin. He exaggeratedly removed his sunglasses, blinked his eyes a lot of times, and tried to make his face surprised.

Gulat na gulat si Aldus Ferell. "Such a coincidence, Ashanti!"

Nakakrus na iyong mga braso ko at tamad akong lumingon sa kanya.

"Tang ina mo."

His mouth hung open.

Umirap ako at tinalikuran siya. Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Patrick at nang hindi na niya iyon mapigilan bigla na lang siyang sumigaw.

"I love you, Ate Shanti!"

Kumindat ako kay Patrick bago ako sumunod sa crew na maghahatid sa akin sa room. Nang makarating na ako sa loob, hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong tumawa.

Aldus Ferell's expression was too epic!

Ano na naman kaya ang inutos sa kanya ng magaling na intsik na iyon at may nakabuntot na naman sa aking alipores niya?

Gusto ko sanang kasama sina Mama, ang mga kapatid ko o kaya ay si Farrah pero kapwa mga abala ang mga iyon, kaya wala akong mapagpilian kundi magbakasyon mag-isa.

Humiga muna ako sa kama at tumalala ng ilang minuto roon. Would this vacation effective? I knew that I'd enjoy my stay here, but at the end of the day, there's no way that I would never think of him.

Binuksan ko ang phone ko at nagtingin ako ng message o tawag. Wala pa rin akong natatanggap. But what caught my attention was this another name. Leiden Arellano.

Yes, I've been unfair to him. Wala kaming matinong pag-uusap. Yes, I never gave him false hope. Umpisa pa lang ay hindi na ako nagpaligaw sa kanya at nilinaw ko sa kanyang hanggang magkaibigan lang kami, but was it enough?

Dumapa na ako sa kama at nakatitig na ako sa number niya. Should I call him?

We never had a proper conversation about what really happened last three years ago. Unlike Keaton, Leiden is a very care free person, iyong mga problema niya madali niyang nadadala at hindi niya hinahayaang kainin siya. Katulad ng naging problema sa pagitan namin. I was expecting that we'd be awkward with each other, after that unexplainable kiss and confession, but Leiden made it too simple for us. Sinalubong niya ako at hinarap na parang walang naging problema sa pagitan namin.

Binasa ko ang message niya. It was all about the prize in Tanya's game. Tumaas ang sulok ng labi ko nang makita kung ano iyong premyo, mukhang libre na naman ang magiging bakasyon ko.

It's a package deal vacation in Montengero Resort!

Humiga na muli ako at tinawagan ko na si Leiden. I think this is the good time for us to settle everything. Yes, it's great that Leiden has that kind of attitude, na kaya niyang isantabi ang problema at magpatuloy na parang walang nangyari, pero darating pa rin ang punto na kailangan iyong pag-usapan.

The hell with Aldus Ferell and his business with me! Kung anuman ang makita niya at sabihin sa amo niyang intsik, wala na akong pake!

"Hey, Ashanti..."

"Leiden, I am sorry kung ngayon lang ako nakatawag."

"It's alright. I heard the news."

Bumuntong hininga ako. "Let's not talk about it. So, nabasa ko na ang message mo. Sayang naman kung hindi nga natin gagamitin. Let's go?"

"Right now?"

"Are you busy? It's okay naman na—"

"No. I am free. Susunduin ba kita?"

"Huwag na. Nandito na ako. Gamitin na lang natin, sayang."

"You should have told me earlier, para masundo kita. Alright, I'll be there."

"Ngayon ko lang din nabasa iyong about sa premyo."

He chuckled. "Those girls are generous, right?"

"Yes. Ingat ka, Leiden."

"Sure."

Nang matapos ang tawag ay nagmadali na akong bumangon. Binuksan ko na ang bag ko at hinanap ang pwede kong masuot.

I almost curse when I saw my dresses. Si Alissa nga pala ang pumili ng mga damit ko!

"Alissa! You—" halos sabunutan ko ang kulot kong buhok ng makita na sobrang iksi at nipis ng mga iyon.

May labas ang balikat, likuran at hita. Of course, this is a beach resort dapat ay ganito ang mga suot pero hindi naman sobrang exposed ang mga damit na ginagamit ko.

Sinubukan kong tawagan ang kapatid ko, pero sinadya niya yata iyong patayin para hindi siya makarinig ng mura sa akin.

Hinanap ko sa bag ko ang rash guard. Pwede na iyon, pero mas lalong nag-init ang ulo ko ng makitang iba't ibang kulay ng bikini nang naroon.

"Letche!"

Napaupo na ulit ako sa kama. Kung bumili na lang kaya ako sa labas? Sinipat ko ang relo ko, sabi ni Leiden ay mabilis lang daw siya.

But how should I wear those? May bantay akong nakapaligid sa labas.

Nanlaki ang mga mata ko sa iniisip ko. "W-What? Bakit naman ako worried?!"

Marahas akong tumayo at pinagdadampot ko iyong pamatay na summer dress ko.

"Isusuot ko 'to!"

Taas noo akong humarap sa salamin at itinapat iyon sa katawan ko. "I am not bothered about his alipores."

Nagpalit na ako ng damit. I picked a red floral sexy strap V neck and backless. Kung dati ay nagsusuot pa ako ng cycling shorts kapag nagsusuot ako ng ganoon ka-iksi, hinayaan ko na lang na bikini na lamang ngayon.

"I am a liberated Mexicana! Yes! At hindi ako natatakot sa mga intsik! Yes!" sabi ko sa sarili ko.

Dahil tamad akong magsuklay, hinayaan ko na lamang na magulo ang buhok ko. Kung sa iba ay messy look na raw iyon, sa akin ay tinatamad look.

I applied lotion, used my small rattan bag and summer hat.

Bubuksan ko na ang pintuan nang mag-ring iyong phone ko.

"Hey, Leiden!"

"Hey, saan kita tatagpuin? Isang araw ka lang ba rito? The package says---"

"Three days. It depends, baka busy ka na bukas?"

"Nah, it's okay. I actually need a vacation too. So, where are you?"

"Lalabas na ako sa hotel. Saan ka na?"

"Parking. Did you have your lunch?"

"Not yet..."

"Then let's take our lunch first."

"Alright. Sa lobby na lang tayo magkita, Leiden."

"Sure."

Nang inilagay ko na sa bag ko ang phone at sinimulan ko nang i-lock iyong kwarto ko, ramdam ko na may taong nasa likuran ko.

Agad akong lumingon sa kanya. Hindi na ako nagulat na sa katapat ko siyang kwarto.

"You are meeting with someone else?"

Ilang beses pinasadahan ng kanyang mga mata ang kabuuan ko. "Akala ko may laro ka?"

Muli kong pinagkrus ang braso ko. "Mukhang nagkamali ang source mo ngayon, Ferell."

Eksaherada akong umikot sa harapan niya. "Can't you see? I have a date."

Ginaya ko iyong lagi niyang ginagawang ekspresyon sa tuwing nagkakasalubong kami ng hindi sinasadya.

"Oh my gosh! I slipped my damn tongue!" tinakpan ko iyong bibig ko habang nanlalaki ang mga mata ko sa harap ni Aldus Ferell na nakangiwi na ngayon.

Siguro ay nakikita na niya kung gaano ka-obvious ng salitang 'such a coincidence' sa tuwing sinasabi niya iyon sa akin.

Ilang beses akong umiling sa kanya na kunwari ay takot na takot.

"Ako 'wag mo sumbong sa intsik... please... ako 'di naman magpapahalik at hawak kapag wala nakatingin."

"What the—"

I sarcastically laughed in front of him. Ibinalik ko ang pagkakrus ng mga braso ko.

"See you, Aldus..."

Tinapik ko ng ilang beses ang ang pisngi niya bago ko siya tinalikuran ng ngiting tagumpay.

"Ashanti, you're such a witch! Pare-pareho kayong mga morena!"

Tipid akong lumingon sa kanya. "Pikon ka ngayon." Kumindat ako sa kanya bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

Isinuot ko na rin ang dala kong shades sa loob ng elevator. Nag-message sa akin si Leiden na naroon na raw siya.

Tipid akong humarap sa repleksyon ko at isinumping ko ang takas na hibla ng buhok sa mukha ko.

Nakakapagsuot lang ako ng ganito sa tuwing kasama ko ang mga kapatid ko at pilit pa iyon. It's been a while when I put a little effort to make myself pretty and sexier.

When the elevator dinged, my eyes automatically locked on him. He's charmingly smiling in front of the receptionist.

Leiden Arellano casually wearing a navy blue sando showing his firm muscles, khaki shorts, aviator and an expensive wristwatch.

Shit!

When he turned his attention on me, my footsteps faltered. His smiles widened.

Nakatitig lang ako sa kanya habang papalapit siya sa akin dala iyong isang tangkay na rosas.

"Hey..." he said.

"Hey..."

"You're so pretty, Ashanti. I wish I can steal you... too impossible, right?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro