Chapter 51
Chapter 51
Tired
"I want a snowman! I want a snowman! Hindi naman siya mukhang snowman, e!" I started to have my tantrums.
"It's a snowman, can't you see?" He said as the carrot fell on the snow.
I sobbed. Kapwa na kami nakatingin doon sa nalaglag na carrot. "Nalaglag na! Hindi ikaw magaling gumawa, e!"
The tall boy bent and picked up the carrot, and he hastily placed it in the middle of his snowman's face.
I shook my head in front of him. "It's ugly... where is my playmate? Bakit ikaw ang nandito?"
Ilang beses akong lumingon sa paligid para hanapin iyong batang lagi kong kalaro.
"Where is he?" tanong ko ulit.
Napapikit ako nang biglang sinira ng matangkad na lalaki iyong snowman na ginawa niya.
"Ano bang snowman ang gusto mo? Titirisin na kitang bata ka. Ang ingay ingay mo."
Mas lalong bumilis iyong pag-iling ko sa harap ng matangkad na lalaki. "K-Kuya, 'wag mo naman pong tirisin si Shanti... gusto ko lang naman ng snowman."
Tumutulo na iyong luha ko habang inaaway ako ng matangkad na lalaki. He looked so scary, para siyang iyong mga napapanuod ko sa tv na villains.
He's so thin, his hair is a mess, and his small eyes seem so tired. Para siyang hindi na kumakain. Shanti's healthier than him.
Where are his parents? Nipapabayaan na siya.
"Then keep quiet! Can't you see? That is my house." Itinuro niya iyong bahay na malapit sa amin.
"I can hear your noise. Nag-aaral ako. I should talk to your father." Sumilip siya sa likuran ko.
My eyes widened. Mapapagalitan ako ni Papa. "N-No! Kuya... sorry na po..." yumakap ako sa binti niya para pigilan ang paglalakad niya sa bahay.
"Get off me!"
Ilang beses niyang iginalaw ang binti niya para tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanya.
Simula ng dumating kami dito sa malamig na lugar na ito, lagi nang busy si Papa sa kanyang kwarto. Sa tuwing lalapit kami roon ay pinipigilan kami ni Mama.
My Papa will scold me!
"I didn't pay him if this daughter of—"
"Kuya, sorry na po. 'Di na po uulit si Shanti. Don't go to my father..."
Bumagsak ako sa snow nang mas iginalaw niya ang kanyang binti. "Don't call me Kuya, wala akong kapatid na maingay."
Nagkrus iyong mga braso niya at tinanaw niya ako habang nakatindig siya. Hindi man lang ako tinulungan ng salbaheng lalaki at hinayaan niya akong nakalugmok sa malamig na snow.
"When a heard more of your complaints, titirisin na talaga kita. Ayoko ng maingay. Maliwanag?"
I nodded at him. Nagpapahid na ako ng luha sa harapan niya. "Good."
Tinalikuran na niya ako at nagsimula na siyang maglakad pabalik sa bahay nila. My eyes went on the big carrot on the snow. Mabilis akong tumayo at kinuha ko iyon, lakad takbo ako para maabutan si Kuyang matangkad.
"K-Kuya! Wait!"
Kunot na kunot ang noo niya nan ang lumingon pabalik sa akin. I cowered in fear. He's so scary!
Nangangatal ang kamay ko habang inaabot sa kanya iyong carrots. "Sa 'yo na lang, Kuya... this is good for the health."
"Nilaruan mo na iyan, tapos ibibigay mo sa akin?! Leave me alone, brat." Bigla akong itinulak ng lalaki kaya bumagsak na naman ako sa snow.
But this time I didn't cry. Pinilit ko na hindi umiyak kahit iyak na iyak na talaga ako. Nagpatuloy sa paglalakad iyong matangkad na lalaki.
Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya at buong lakas kong ibinato sa kanya iyong carrots.
Tama sa ulo niya.
"Yey!" napapalakpak ako sa tuwa.
Pero nawala rin ang pagkatuwa ko nang unti-unting lumingon sa akin ang matangkad na lalaki.
"You..."
Bago niya pa ako abutan ay mabilis na akong tumakbo pabalik sa bahay. And when I reached the door, I looked back and faced him. I made fun of my face in front of him. I even stuck my tongue out to annoy him.
Ibinagsak niya iyong carrots na hawak niya at malalaki ang hakbang niyang bumalik sa bahay nila.
Kapapasok ko pa lang sa bahay nang marinig ko si Ate Aliyah na isinusumbong ako kay Mama.
"Mama, lumabas na naman si Shanti!"
"Why? It's okay naman. Basta 'wag daw ako lalayo."
Binuhat ako ni Mama at inayos niya ang magulo kong buhok. "Nakipaglaro ka na naman ba sa bago mong kalaro?"
Umiling ako. "He's not around. But I met someone else. He's so tall..." itinaas ko pa ang kamay ko.
Nanlaki ang mata ni Mama. "Shanti, I told you not to talk to strangers! Paano kung dinala ka pala no'n kung saan?"
Sumilip si Mama sa bintana. "No. He's our neighbor."
Napatitig sa akin si Mama. "You mean... the house beside..."
Tumango ako. "He's very tall and thin. Maybe his mother doesn't cook for him..."
"H-He went outside..." bulong ni Mama.
Ibinaba na ako ni Mama. "Aliyah, tulungan mo munang magpalit ng damit si Shanti."
Hinawakan na ni Ate ang kamay ko, nang sinundan ko ng tingin si Mama, nagmamadali siyang magpunta roon sa kwarto ni Papa kapag nagtatrabaho siya.
Ibinalik ko ang atensyon kay Ate Aliyah. "Ate Aliyah, do you want to build a snowman?"
"No."
***
Nakatulala ako sa harap ng picture frame kung saan kumpleto kami noon. It was winter in Canada. When I was still a teenager, it had been a question for me. How could my father afford a good vacation outside of the country? Hindi naman kami mayaman noon at tama lang ang kinikita niya.
Pero ngayong alam ko na may iba pang koneksyon si Papa kay Keaton, unti-unti ko nang napapagtagpi-tagpi ang lahat.
I guess the past that I remembered answered some of my questions. Masyado pa akong bata noon at hindi alam ang nangyayari. Kaya hanggang ngayon ay hindi rin ako makapaniwala na maaalala ko pa iyon. I almost mistook it as a dream.
But when I asked my mother for confirmation, she later confessed that I was right. Keaton was our neighbor, and we were in the same country at that time because of him.
The only thing that I clearly remembered during that winter was our happy moments. Isa na roon ay nang makilala ko si Leiden. Oddly, the Arellanos had the same place and time for their vacation. A coincidence? I guess not.
"Shanti, nakahanda na iyong pagkain." Sumilip mula sa pintuan ang kapatid ko.
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang may mangyaring sunog sa kapitbahay. It was a trending news in the province of Enamel. Pero dahil may kapangyarihan ang mga Samonte, ibang dahilan ang siyang kumalat.
It was just simple negligence and not sabotage.
What happened to Keaton Samonte? I don't fucking know.
When I first opened my eyes after I had my blackout, it was his name that first came out from my lips. Agad ko siyang hinanap at halos mabaliw ako sa kanya sa pag-aalala pero tanging si Langston lang ang naabutan kong nakaupo sa kama ng hospital.
"Where's Keaton?"
He looked at me and his eyes were emotionless. "He's not here."
"Then, where? Tell me..."
"I can't, Ashanti."
Halos mangatal ang buong katawan ko sa sinabi niya, hindi ko na napigilan ang sarili kong sumampa sa kama at mariin kong hinawakan ang mga balikat niya.
"Where the fuck is he?! Tell me..."
"Damn it. He's safe! He just needed to go somewhere."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "At the times like this? Bigla siyang mawawala? Hindi niya ba alam na halos mamatay ako sa pag-aalala sa kanya? Hindi man lang siya tumawag sa akin? Hindi man lang siya nagsabi?"
Napahilamos si Langston sa kanyang sarili. "I know... I know... I am sorry... it just that something happened... we're in the mess again."
Kumunot ang noo ko. "What's going on Langston? Nasaan siya?"
"I'm sorry... I'm sorry..."
Iyon lamang ang paulit-ulit na sinabi sa akin ni Langston dahilan kung bakit umalis na ako sa kwartong iyon ng mas may mabigat na dibdib.
Bumaba na ako at kapwa na kami kumakain. Kung dati ay laging napupuno ng ingay at tawanan ang paligid ng lamesa, ngayon ay pinakikiramdaman nila ako.
Tanging ingay lang ng mga plato, kutsara at tinidor ang namamayani sa amin.
"Shanti, kumain ka ng marami. Kailangan mo iyan..." mahinang sabi ni Mama.
Hindi ako nagsalita pero ang traydor kong luha na ang sumagot sa kanila. Huminga ako ng malalim at mabilis ko iyong pinunasan.
"It's okay..." hinagod ni Ate Ariana ang likuran ko.
Ibinaba ko na ang hawak kong kutsara at tinidor. Hinayaan ko na ang sarili kong umiyak.
"B-Bakit ganoon siya? Binigyan ko na siya ng pangalawang pagkakataon. Nangako na siya sa akin. Sinabi niyang hand ana siyang ibahagi sa akin kung ano siya at ang mundong ginagalawan niya, pero bakit kailangang iwan niya ako sa ere ng ganito? Bakit nakaya niya akong tiisin ng ganito? Hindi niya ba alam kung gaano ako nasasaktan sa ginagawa niya?"
Nasapo na ng mga palad ko ang mukha ko. "This is too much, sobra na siya sa akin..."
Lumapit na rin sa akin si Ate Aliyah at niyakap na niya ako. "Why is it always like this? Nagagawa niya ba ito sa akin dahil alam niyang mahal na mahal ko siya? At isang sabi niya lang sa akin bibigay agad ako?"
Hindi magawang makapagsalita ni Mama o ng mga kapatid ko. Hinayaan lang nila akong patuloy na magsalita at umiyak sa harapan nila.
"Mama, nasasaktan na 'ko... nasasaktan na 'ko sa ginagawa niya. Alam kong sa aming dalawa siya iyong mas kailangan ng tulong sa amin. Pero dapat iniisip niya rin na kung kailangan niya ng tulong mula sa akin, bigyan niya ako ng eksplanasyon..."
Si Mama naman ang humawak sa kamay ko. "Naiintindihan kita, anak. Ganyan din ang naranasanan ko sa Papa mo. He tried to cast me away, para hindi ako madamay at malayo ako sa kung anong kinatatakutan niya... but because I loved him so much... I pushed myself... hindi ko hinayaang maramdaman niyang nag-iisa siya."
"And he accepted you... he told you everything. Si Keaton, kahit sinabi na niya sa akin na hand ana siyang sabihin sa akin ang lahat, alam ko, ramdam ko na nag-aalangan pa rin siya. Hindi ko alam kung may tiwala ba siya sa akin o mahal niya talaga ako..."
"He loves you, anak. Nakikita ko iyon sa kanya, pero tulad nga ng sabi mo. Keaton Samonte is a complicated man. Kahit noong bata siya ay ganyan na rin ang pagkakakilala ko sa kanya."
"Paulit-ulit ko lang po ba iintindihin? Paano naman po ako? He even promised a wedding..." pagak akong tumawa.
Ilang linggo na ang nakalilipas pero kahit ang anino ng groom ay hindi ko makita.
Dahil sobra na ang pagkahiya ko sa mga kapatid ko at kay Mama dahil sa walang tigil kong pag-iyak, si Farrah na ang siyang pinakiusapan ko. Sinamahan niya rin ako sa pagdalaw sa puntod ni Papa.
"Nakabalita ka na ba tungkol sa Papa mo?"
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masabi kay Farrah na nakita ko ang Papa niya rito sa puntod ni Papa.
Umiling siya sa akin. "Do you think he's still alive?"
Napalingon ako sa kanya. "Ikaw?" ibinalik ko sa kanya ang tanong.
"My father is a clever man. Alam kong hanggang ngayon ay buhay pa rin siya at pinasasakit pa rin niya ang ulo ng mga pinagkakautangan niya." She faked her laughter.
"What about you? May narinig ka na bang balita sa kanya?" Hindi man niya pangalanan kung sino ang tinutukoy niya, nakikilala kong si Keaton na iyon.
"Hindi ko na alam, Farrah. Akala ko magtutuloy-tuloy na kami... akala ko magiging masaya na kaming dalawa..."
"Gano'n siguro talaga? Ang hirap magmahal sa mga lalaking may malaking responsibilidad."
Muli akong humarap sa kanya. "Why? This someone of yours... katulad rin ba siya ng lalaking mahal ko? May responsibilidad rin ba siyang nahihirapang iwanan at hindi gustong ibahagi sa 'yo?"
"He needs to pick, Ashanti. Hindi siya maaaring pumili ng dalawa... ako o ang responsibilidad niya..."
Napalunok ako sa sinabi niya. "Nakapili na ba siya?"
Umiling siya. "Pero hindi na niya kailangang sabihin sa akin. Bago ko pa man itanong sa kanya, alam ko na ang isasagot niya. Ang sakit."
"Mukhang ayaw nila sa Mexicana at Haponesa..." biro ko. Nagtawanan kaming dalawa, pero ilang saglit lang iyon dahil unti-unti rin iyong napalitan ng luha.
Kapwa kami nagyakapan dalawa.
"Hintayin mo na lang siya, Shanti. Tell him straight how you feel about this..."
Mas isiniksik ko ang sarili ko sa leeg ni Farrah. "How? Napapagod na 'ko. Nagsasawa na 'ko..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro