Chapter 50
Chapter 50
Sunrise
Seeing Langston's dim expression and Keaton's trembling hands, I knew at that moment that the person who just arrived wasn't just an employee or someone who they should take easy on.
There was only one time that I'd witnessed how conflicted these brothers were. It was the day when my father died.
Sino ang taong ito at bakit ganito na lang ang dala niyang kaba sa magkapatid na Samonte?
And for Pete's sake, it's just almost 5 AM!
Langston took his breath, and he gentle massage his right temple, as his other hand went into his waist. "I know... I heard the news. But I am so sorry... this is really urgent, Kuya."
Sa akin na mismo tumingin si Langston. Wala na ako sa sariling napatango. I already promised myself that I'd bravely face Keaton's secrets, and I will stick to him no matter what happens.
Isa na ang pagkakataong ito.
"S-Shanti..."
Lumingon akong muli kay Keaton. I forced a smile at him. "It's okay."
He nodded. Lumapit na siya sa akin at humalik siya sa noo ko. "I'll be right back."
"Keep safe."
Muli siyang tumango, ramdam ko iyong pisil niya sa kamay ko bago niya ako iwan at sumama kay Langston.
Kapwa nagtataka sina Mama at ang mga kapatid ko ng pumasok ako sa bahay.
"What happened?"
"Business."
Hinintay ko na magdagdag ng tanong ang mga kapatid ko na siyang inaasahan ko na, pero hindi iyon ang ginawa nila at nanatili na lamang silang tahimik.
Naupo ako sa sofa at napatulala na lamang ako roon. Biglang pumasok sa isip ko iyong mga nangyari sa amin sa nakalipas ang tatlong taon.
I could still remember some scenes which gave me ideas that my mother had an idea about Keaton's real business. Ganoon din sina Ate Aliyah at Ate Ariana noon, na katulad ko ay agad nilang nagawang pagbintangan si Keaton sa pagkamatay ni Papa.
Nagpaalam si Alissa na matutulog na lang ulit dahilan kung bakit kami na lang apat nila Mama ang natira.
All those years, we never had a conversation about our father's death. It was like a silent agreement between us. All we had to do was to strive hard and become successful.
Pero hindi habang panahon ay maisasantabi namin ang bagay na iyon. We all knew that our father was involved with something illegal that caused his early death. It wasn't clear about Keaton's connection, but shouldn't I hear another side of the story?
Siguro naman ay handa na si Mama at katulad ko ay hindi na rin napupuno ng poot at galit ang emosyon ng mga kapatid ko.
Last three years ago, I blamed Keaton's love for me. My sisters blamed me, and my mother blamed herself.
Now that we're all healed, and had years to breathe freely away from pain, maybe this is really the right time to face those doors that we refused to open last three years ago.
Hindi na ako nagulat nang sabay hawakan nina Ate Aliyah at Ate Ariana ang mga kamay ko. They witnessed how I fell in love with Keaton, how I fought the urge to fall for him, and how I tried to sabotage him before. Nakita rin nila kung ilang beses akong lumuha sa kanya at kung ilang beses kong tinawag ang kanyang pangalan sa loob ng tatlong taong iyon.
"A-Are you sure about this?" Ate Aliyah forced her smile.
I knew that their reaction a while ago was genuine. They were both happy that I got my man back after all those years, but I knew that there's a little voice screaming at the back of their minds who wanted to stop me for a moment.
"Yes..."
Lumapit na rin sa amin si Mama. Katulad ko, alam kong naiisip na rin nila na ito na iyong tamang panahon.
"I know this could be considered an overdue explanation... Shanti..." tumango ako sa mga kapatid ko at pinisil ko ang kanilang mga kamay.
"I am sorry for blaming you or him. We made things more complicated before, Shanti. Ariana and I tend to jump into the conclusion. Sa kaunting narinig namin mula sa usapan nila Mama at Papa noon, nakagawa kami agad ng konklusyon."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean, Ate?"
"We heard some of their conversations..."
Sumulyap ako kay Mama, hinahayaan niya lang muna ang mga kapatid ko ang magpaliwanag.
"We all knew that we had a bad history in this province, but little by little with our efforts and dreams, those images are fading away. At nagpapasalamat ako sa 'yo dahil ikaw ang nagsimula noon."
"Ano ang narinig n'yo sa usapan nila Mama at Papa? May koneksyon ba ito sa tingin ng mga tao sa atin noon?"
Tumango ang mga kapatid ko sa tanong ko.
"We're aware about our debts and it wasn't our parent's idea, Shanti. Aliyah and I insisted to help by means of..." hindi magawang ituloy ni Ate Aliyah ang sasabihin niya pero hindi man niya tapusin, naiintindihan ko na ang nais niyang iparating.
Our image in Enamel was a nightmare before.
Buong akala ko noon ay si Mama ang siyang may gustong lumapit kami sa mga mayayamang lalaki. I thought she's been competing with her relatives.
"But I thought Mom has been..." umiling sina Ate Aliyah at Ate Ariana sa akin.
"Every mother is willing to cover up everything for her children, for them to don't look bad. Sa mata ng mga tao, sa mata mo at sa mga mata ng mga mapanghusga, si Mama iyong ganid sa pera at desperadang magkaroon ng mga mamanuganging mayayaman. She accepted all of those to cover us... kahit ilang beses niya na kaming pinatitigil ni Aliyah makipag relasyon sa mayayamang lalaki... kami ang nagdesisyon niyon... hindi kami pinipilit ng mga magulang natin, Shanti..."
Bigla nang tumulo ang mga luha ko. All those years, inakala kong pagiging maganda at mayaman lang ang nasa isip ng mga kapatid ko, that they wanted to climb on top of society. Pero ang nais lang pala nila ay tumulong. Ano ang ginawa ko ng mga panahong iyon? I almost believed that I am the righteous La Rosa of all, na ako lang ang dumadaan sa tamang daan at ako lamang ang may pangarap at paninindigan para sa pamilya.
But little did I know, my sisters that I believed knew nothing but make-up were crawling their best to save our family.
"Then tell me who... kanino tayo nagkaroon ng malaking pagkakautang?"
"It's true that we had a huge debt, at ang malaki niyon ay sa mga Samonte." Ngayon naman ay si Mama na ang nagsalita.
"We had an idea about the debts, Shanti. Pero hindi namin alam ni Aliyah na sa mga Samonte iyon ng una. Kaya ng malaman namin iyon, niyakap na namin iyong paraan na..."
"Paraan?"
"At first, we were glad that you caught Langston's interest."
Kaya pala kahit kailan ay hindi naging maganda ang tingin ng mga kapatid ko kay Leiden. It was always that Samonte's that they wanted to target.
"I thought everything would be fine after you got his interest, but something happened, right?"
Napairap ako. "He broke up with me."
"So, we came up with another plans." Hindi man nila sabihin iyon, nalalaman ko na ang susunod nilang sasabihin.
"You tried to pushed me to Keaton..." tumawa ako ng pagak.
My sisters knew me too well! Dahil alam nilang hindi ako tutulad sa kanila sa paraan ng pagtulong kay Mama at Papa, gumawa sila ng paraan para ako na mismo ang lumapit sa mga Samonte sa sarili kong dahilan.
I was motivated before to put Keaton Samonte down. At iyon ang ginamit ng mga kapatid ko para sumunod ako sa mga plano nila!
"You convinced our father about my secretarial position, right?" tumango si Ate Aliyah.
Sinabi rin nila sa akin na sila ang nagpakaat sa iba pang mga kabataan noon ng tungkol sa pagtutol sa sabungan ng mga Samonte. They used a reverse psychology!
Buong akala ko ay hindi nila gusto ang mga ginagawa kong pagsalungat at pagkuha sa atensyon ng mga Samonte, pero iyon naman pala ang totoong gusto nila!
"Y-You deceived me..."
Biglang bumalik sa nakaraan ang ilang pagkikita namin ni Keaton sa hindi magandang tagpo. I wouldn't forget that rally.
The rally that started it all.
"Ano ang naging kasiguraduhan n'yo na mawawala ang utang natin sa mga Samonte sa sandaling mapalapit ako?" tanong ko.
"That is..." hindi natuloy ni Ate Aliyah ang sasabihin niya nang magsalita si Mama.
"What is that debt all about? Bakit ngayon lang ulit naungkat? Bayad na ba tayo? Nabayaran na ba ng tuluyan ang mga Samonte at ang iba? Bakit wala man lang akong nalalaman dito?" sunud-sunod na tanong ko.
"Iyan ang katanungang hanggang ngayon ay hinihintay pa rin namin sagutin ni Mama, Shanti. Pero sinabi niyang gusto niyang sagutin ito sa harapan mo." Ani ni Ate Ariana.
Ngayon naman ay si Mama ang huminga ng malalim. "Please don't think about the other debts, we're free now. Wala nang pinagkakautangan ang pamilya natin."
"Others..." ulit ko.
Sinalubong ko ang mga mata ni Mama. "Pero meron pa rin iba... sa mga Samonte ito, 'di ba? I saw the fear in your eyes before, Mama. Kayo ni Papa nang sandaling sunduin ako ni Keaton noon at piliting magpakasal sa kanya. I never liked that scene, at hanggang ngayon ay nahihirapan akong balikan iyon. I love Keaton, but I will never like his way of speaking with you that day. Pero may rason ba para maging ganoon ang pakikitungo niya sa inyo?"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I love my parents and Keaton, pero hindi ko na gusto muling makita ang ganoong pangyayari. Alam kong kahit may matinding rason si Keaton para magalit sa magulang ko, hindi pa rin tama ang paraan ng pagsasalita niya noon.
But I am now willing to hear the both sides. This is all about our debts. Dahil gustong makatulong ng mga kapatid ko sa mga magulang ko, inisip nilang tungkol lang ito sa pera.
They were right about them jumping into the conclusion. Pero alam kong ngayon na mas naliwanagan na sila, katulad ko ay nagkakaroon na rin sila ng ideya na hindi lang ito tungkol sa pera.
"It's not about the money, but it's all about life..."
Humugot ako ng malalim na paghinga. Maging ang mga kapatid ko ay nakatitig na rin kay Mama.
"The Samonte's never insisted a payment. Not until they came back."
"May koneksyon ba ito sa alitan sa pagitan ng mga Arellano at Olbes? Do we have any connection with them?"
Alam kong matagal ng maayos ang hidwaan sa pagitan ng dalawang pamilya at hindi na iyon katulad ng dati na laging kalat sa buong Enamel ang kanilang mga engkwentro, pero hindi maalis sa isip ko na posibleng may koneksyon din si Papa sa kanila.
Bumitaw na ako sa pagkakahawak sa mga kapatid ko at pinagdaop ko ang sarili kong mga kamay. Namamawis na iyon dahil sa tindi ng kaba ko.
I should prepare myself.
"I want to tell you everything I know, Shanti. Pero ipinangako ko sa Papa mo na mas ibibigay ko ang pagkakataon kay Keaton ang buong pagpapaliwanag nito. Afterall, this is all about their long-time agreement."
"Long time agreement?"
Mas lalo na akong naguguluhan sa kanila.
"Matagal nang magkakilala ang Papa mo at si Keaton, Shanti. Kilala na namin siya simula pagkabata niya..."
"O-Of course, kilala ang mga Samonte sa probinsiyang ito. Kahit sino ang magkakakilala sa magkapatid na iyon." Sagot ni Ate Aliyah.
Umiling si Mama sa sinabi niya. "Something deeper, anak..."
"So you've met Keaton's parents?"
"Ang Papa mo..."
Napasinghap na ako at tinakpan na ng palad ko iyong mga bibig ko. Sariwa pa sa akin ang impormasyong ibinigay sa akin ni Aldus noon.
Does it mean that Keaton and Papa are really involved with illegal matters and it is still operating right now?
Pilit kong kinapa ang sarili ko. Totoo ba na kakayanin ko ang katotohanan? If my conclusions were true, at katulad ni Papa ay sangkot pa rin si Keaton sa illegal na gawain. What will be our life together?
Hindi ko yata kakayanin na sa tuwing aalis siya ay mangangamba ako na baka hindi siya bumalik, na sa tuwing may maririnig akong tunog mula sa mga sasakyan ng pulis ay agad pipintig ng malakas ang dibdib ko.
But I promised him that I'd love him no matter what I'd discover.
"But to tell you honestly, your father wants him for you, Shanti... kahit ilang beses akong tumutol sa kanya."
Buong akala ko ay si Mama pa ang lubos na magtutulak sa akin kay Keaton.
Hindi na humaba ang usapan namin nila Mama nang sabay-sabay kaming mapatayo dahil s amalakas na ingay sa labas.
A loud siren was hovering all over the whole subdivision. Naalarma ako nang makitang sobrang liwanag na sa bintana pero hindi pa tuluyang nagpapakita ang araw.
"K-Keaton!"
Napasigaw na ako at nagmadaling tumakbo sa labas ng bahay, agad humabol sa akin ang mga kapatid ko.
"S-Shanti! No!"
Nakaapak na ako at patuloy ako sa pagtakbo patungo sa malaking bahay na nilalamon na ng malaking apoy.
Ilang mga kalalakihan ang mabilis humarang sa akin para pigilan ang pagpasok ko. "K-Keaton!" muling sigaw ko habang lumuluha.
Isang malakas na pagsabog ang halos nagpayuko sa lahat ng mga taong nanunuod at mga bombero. Ilang beses pa iyong nasundan.
"H-He's not there! He's not there, umalis na siya. Wala iyong sasakyan niya!"
Pero kusang bumigay ang tuhod ko nang sumigaw iyong isang bombero.
"Back-up! May mga tao sa loob!"
"This isn't the sunrise you've promised, Keaton..." bulong ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro