Chapter 45
Chapter 45
Quarantine
It wasn't just Tanya and August who were boiling from anger. It wasn't just them who wanted to boil those Ferells alive, including that Chinese from Wuhan.
Halos ibato ko na sa direksyon nila iyong tasa ng kape na hawak ko. How did they trick me like that?
Parang biglang naunat lahat iyong bagong kulot kong buhok.
At first, I was too confident that I would know if someone from them was lying or acting. I was well informed about their ways and how they moved in their wicked ways. Just like what happened a while ago, I could identify when Aldus tends to exaggerate his actions.
Buong akala ko ay kalkulado ko na ang paraan ang pagkilos nila. Masyado akong naging kampante na wala silang gagawin laban sa akin dahil buong akala ko ay naririto sila laban kay Tanya.
But I was wrong, Ferells were here with their other business. Hindi man inamin sa akin ni Leiden ang itinanong ko sa kanya, alam kong may kinalaman iyon kina White Arellano at Autumn Olbes. Simula kanina ay hindi ko na nakita ang anino ng dalawang iyon.
I am aware of their connection with some of the famous bachelors here in Enamel. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit matindi ang galit nina August at Tanya sa mga Ferell.
Mga pakialamero!
Paniwalang-paniwala ako na hindi sila makasagot doon sa tanong! Putlang-putla sila at nanlalamig, sino ang hindi maniniwala roon? Isa pa, mas maniniwala naman ako na hindi sila nakakasagot.
Napailing ako sa tindi ng pagkainis. I was tricked!
Nagpatulungan ako ng mga kamoteng iyon at ng intsik na galing Wuhan.
"Natutuwid na ang buhok ko! Natutuwid na!" hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin iyon.
"Huh? Washable ba iyang pagkakulot mo?" inosenteng tanong ni Leiden.
Napangiwi ako. "N-No... bigla akong nagutom. Let's go..."
Nagsimula na akong tumalikod at sumunod na rin sa akin si Leiden. Hindi ko na gusto pa na makarinig ng kayabangan mula sa mga Ferell, dahil nakita ko lang naman si Troy Ferell na inagaw iyong mikropono kay Tanya.
"It was fun! Sobra kaming na-pressure ng mga pinsan ko! Akala namin ay hindi na kami makakalabas. Too bad... sinuwerte yata kami. So, the dare is too impossible..."
"Troy, 'di na kailangan ng speech."
Narinig ko ang pag-iingay ng mikropono sa biglang pag-agaw ni Tanya.
"But if you're too desperate to date me, it's okay, Tanya. Hindi mo na ako kailangang pilitin matalo sa mga larong ganito. Just tell me. May pinagsamahan naman tayo... j-just please move on."
"Tang ina mo, Troy Ferell! Someone, please remove this idiot in front of me!"
Troy chuckled. "Wait! Pikon! Ako na muna mag-dj dito!"
"W-What? No!"
Pero hindi na nakaangal pa si Tanya nang mas lumakas ang sigawan. Bakit mukhang dj yata sa nakaraang buhay iyang mga letcheng Ferell na iyan?
Maging si Leiden na naiiling at natatawa habang naririnig ang pagtatalo nina Tanya at Troy.
"Bakit hindi na lang kaya ligawan ni Ferell iyang si Tanya?" rinig kong sabi ng isang lalaki na kasabay rin namin ni Leiden sa pagkuha ng pagkain.
Saglit na natawa si Leiden. "Impossible."
Naupo na kami habang nagkakagulo pa rin sa speaker.
"Bakit nga hindi, Leiden? Hindi ba't diyan naman talaga nagsisimula?"
"Huh? Hindi rin. Dapat pala matagal na? Hindi na talaga sila magkasundong dalawa kahit noong dito pa nakatira ang mga Ferell. Besides, Tanya's too in love with someone else. Ganoon din yata si Troy. Sa pagkakaalala ko ay si Owen pa ang nanligaw diyan kay Tanya."
Napanguso ako. "Ay, talo-talo? Naririnig ko iyong mga sinasabi ni Troy. Lagi niyang sinasabi na bet siya ni Tanya."
Nasamid si Leiden. "No way."
Tumaas ang kilay ko at umiling lang sa akin si Leiden. "I am not too close with them, pero dahil kay White mas nakilala ko sila. It's impossible for them to have that problem. Basta... they are good guys, Ashanti. Good friends too, and too bad as enemies."
Napatango ako sa huling sinabi niya.
Akala ko ay magtatagal sa mikropo iyong si Troy, nag-anunsyo siya na kailangan niya raw ng water break kaya si Aldus na naman ang dj. Hindi ko pa nakakalimutan ang lahat ng lumalabas doon sa bibig niya nang huling beses ko siyang narinig mag-dj.
It was a disaster!
"L-Leiden, I need to go somewhere..."
"Hmm? Do you want me to—" umiling ako.
Gusto kong magpunta roon sa lugar na hindi ko maririnig iyong mga Ferell. Nasaan na ba talaga iyong si Farrah? Natapos na iyong laro ay hindi ko pa rin siya nakikita!
Nagtataka man ay tumango na lamang sa akin si Leiden. Lakad takbo na ako papalayo sa lamesa namin at nang sandaling lumingon ako pabalik sa kanya, pansin ko na may lumapit na ilang babae sa lamesa namin.
He turned to look at me. I nodded at him. I even waved my hand to tell him that it was okay. Kahit malayo siya ay nakita kong nagkibit balikat siya, umakbay rin siya sa mga babae at mukhang hihilahin na siya sa dance floor.
Nagsisimula na akong mag-dial sa aking telepono nang biglang may bumangga sa aking unahan.
"Ouch!"
"A-Ashanti!"
"Farrah! Saan ka ba nagpunta?"
Hindi niya agad ako sinagot, sa halip ay lumingon siya sa likuran niya na parang may tinatakbuhan siya.
"Something's wrong?"
"We need the crowd, Ashanti."
"Huh?"
Hinawakan na niya ang kamay ko at marahas niya akong hinila roon sa dagat ng mga tao na kasalukuyang nagkakagulo sa dance floor.
"F-Farrah! Wait!"
"Please, Ashanti... just for a moment."
Nagtataka man ay hinayaan ko na siyang hilahin ako. Doon pa talaga kami tumigil sa gitna na halos naghalo na ang amoy at pawis ng mga tao. Ramdam ko na naman ang pinauulan nilang alak.
Eksaktong walang Ferell ang nakaupo roon sa stage para magpaulan ng kabulastugan.
"What is wrong with you, Farrah?"
Hindi na niya ako sinagot. Sa halip ay walang kurap niyang tinatanggap iyong mga baso ng alak na may iba't ibang kulay sa tuwing may nag-aalok sa kanya.
Nagtatalon-talon na rin siya habang nakataas ang kamay. Sa sobrang dami ng mga taong nagsasayaw, ilang beses na kaming nababangga ni Farrah.
Akala ko ay wala pa siyang inom kanina nang dalhin niya ako rito, pero nagkamali ako. Bakit hindi ko agad siya naamoy?
"F-Farrah! Stop it! Baka hindi ka na makauwi niyan!"
Ilang beses kong pinigilan si Farrah sa pagtanggap niya ng iba't ibang alak na inaabot sa kanya. I even tried to drink four to five glasses of colored drinks just to stop her, but I just realized that it was a bad move.
Bakit hindi ko na lang iyon itinapon at ininom ko pa?
Ngayon ay hindi lang si Farrah ang parang tutumba anumang oras, maging ako ay umiikot na rin ang paniningin!
Minsan ay napapatalon na rin ako, napapataas ng kamay, napapasabay sa pagkanta at napapataas ang kamay.
Shit! Matataas ang tolerance ng mga Mexicana sa alak!
"Give me that!" sabi ko sa lalaking may hawak ng kulay asul na alak at mabilis ko iyong ininom. Eksaktong ganoon din ang ginawa ni Farrah.
We toast our glasses and giggled together. Sabay naming itinaas ni Farrah ang mga kamay namin at nakisigaw sa music.
Hindi naman kami masyadong lasing, mas lasing yata itong mga taong nasa paligid namin.
"Ashanti, ngayon ko lang napansin na mukha kang Mexicana! A-Are you a Mexican?"
I laughed. Nahampas ko iyong balikat ni Farrah. "Ano ka ba!? Huwag mong masyadong lakasan! I've been hiding it! Hindi talaga ako totoong La Rosa! Mexicana talaga ako!"
Nanlaki ang mga mata ni Farrah. "Really? I knew it! I have a Mexican friend!"
"Ikaw rin, Farrah! You looked haponesa!"
She blushed at hinampas niya rin ako sa aking balikat. "Do not tell to anyone! Inililihim ko rin ito sa buong Enamel!"
Napasinghap ako sa sinabi niya at natakpan ko ang bibig ko. Gulat na gulat ako, hindi ko akalain na may kaibigan akong haponesa!
"Oh my goodness! That's why you don't look like a Filipina!"
Naghawak kamay na kami ni Farrah at kapwa na kami nakangiti sa isa't isa, ngayon ko masasabing mas nakilala na namin ang isa't isa.
"Kaya pala ang gaan ng loob ko sa 'yo, Farrah! Pareho tayong half-breed!"
"Yes, me too!"
Basang-basa na kaming dalawa ng pawis. Nakikipagtulakaran na rin naman kami ni Farrah, minsan ay may nararamdaman kaming lumalapit sa amin, pero hindi rin naman nagtatagal ay bigla ang mga iyong nawawala.
Nagkikibit balikat na lamang kami.
We were both in the middle of dancing and jumping with the crowd when I heard the familiar voice of the dj.
"Boo!" sigaw ko habang may hawak ng bote ng alak.
I made my thumbs down to bash Aldus Ferell on stage, but his fans were too much. Wala man lang makarinig sa akin kung paano ko murahin iyong si Aldus Ferell.
Nagpunta pa siya sa pinaka-unahan ng stage habang kapwa nakabuka iyong mga braso niya na para siyang sikat na performer. Hindi ba't magdj lang siya? Para siyang mag-audition sa PGT, ah?
Ilang bes pa siyang umikot doon sa stage na sobrang straight ng braso, nakataas noo, stomach-in at chest out.
"Ladies and gentlemen! DJ Aldus is back!"
Sigawan na naman iyong mga tao, lalo na ang mga kababaihan. Kami lang yata ni Farrah ang walang pake sa kanya.
Natuloy kami sa pagsasaway dalawa. Isang Mexicana at Haponesa!
"Galing kumbento iyan! Pero DJ na ngayon! Oh yeah!" sigaw ni Troy na nasa baba na ng stage. May hawak na rin siyang alak.
Akala ko ay makikita ko na rin sa kumpulan iyong ibang Ferell at maging iyong intsik na galing Wuhan, pero ano nga ba ang aasahan ko sa kanya? Hindi naman iyon mahilig sa mga ganito.
Siguro ay umuwi na iyon sa kanila.
Naupo na si Aldus doon sa pwesto niya kanina at nagpatugtog na siya. Mabuti naman at wala siyang kabulastugan na pinagsasabi ngayon dahil panay pagpapatugtog lamang siya.
Tuloy-tuloy na sana akong matutuwa sa mga Ferell dahil mukhang nagapagod na sila sa mga kalokohan nila, nang may panibago na manang Ferell na sumampa sa stage.
Kung paano umikot sa stage si Aldus kanina, ay ganoon din ang ginawa ni Owen. Nakabuka rin iyong braso, taas noo, stomach in at chest out. Iyon nga lang, may mic stand ng nakahanda sa unahan. Kakanta nga talaga!
"Ladies and gentlemen! Owen Ferell!" anunsyo ni Aldus na naghe-headbang doon sa tagiliran.
"Good evening, Araneta!" sigaw ni Owen na lalong nagpagulo sa buong dance floor.
Tang ina, anong Araneta?!
"Pinsan ko iyan! Dating audio porn star iyan, singer na ngayon! Love you, Owen!" sigaw ni Troy na nakatoka yatang maging supporter ngayong gabi.
Muntik na kaming madagaanan ng mga tao ni Farrah dahil sa matinding tulakan. Sa malayo ay nagwawala na si Tanya at kasalukuyan nang pinipigilan ni August na hindi sugurin sa stage ang mga Ferell.
Bakit nga ba parang hindi na sila bisita sa nangyayari?
Akala ko ay mananatili kaming makakasabay ni Farrah, pero nang may dumating na babae sa stage at sumabit sa braso ni Owen, hindi na namin kinaya ni Farrah ang lakas ng mga tao.
Inasahan ko nang masasaktan kami ni Farrah sa mangyayaring pagbasak namin, pero kapwa kami natigil. Both of our bodies were slightly bent us someone's strong arms held our waists.
Kapwa kami napahawak ni Farrah sa braso ni Nero Ferell na ngayo'y naka-suporta sa amin, marahan niya kaming inalalayan hanggang sa masiguro niyang makakatayo na kami ng maayos.
Sisigawan ko na sana siya dahil sa ginawa niyang pagpapanggap kaninan nang bigla niya kaming tinalikuran ni Farrah na parang walang nangyayari.
Namulsa siya at ilang beses nagpalinga-linga na parang may hinahanap.
Our bodies on fire, with full of desire
If you feel what I feel, throw your hands up higher
And to all the ladies around the world
Go ahead and muévete, muévete, muévete
Unang kumanta iyong babaeng ka-duet ni Owen, nakailang ikot iyong mata ko nang makita iyong galaw ng kamay ni Owen sa likuran ng babae.
Sumasaway pa nga silang dalawa roon sa taas. It was too sexy! Nakailang kagat pa ng labi si Owen Ferell dahilan kung bakit mas lalong nabaliw ang mga babae rito sa dance floor.
Hindi ko na sana sila papanuorin nang wala sa sarili akong mapatingin ulit sa stage nang umalingawngaw iyong malamig na boses ni Owen Ferell.
He's fucking singing a Mexican song!
It started when I looked in her eyes
I got close and I'm like "Bailemos", eh
La noche está para un reggaetón lento
De esos que no se bailan hace tiempo
Yo sólo la miré y me gustó
Me pegué y la invité: "Bailemos, eh?"
So now we dancing un Reggaeton Lento
Just get a little closer, baby let go
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang marinig ang ibang lengguwaheng iyon.
Lalo na nang nakita kong itinaas na ni Troy Ferell iyong kamay niya. Mas hinapit ni Owen iyong bewang ng babae patungo sa kanya, hinawakan ni Aldus Ferell ang mikropono.
"I think... we should..." hahawakan ko na sana iyong kamay ni Farrah nang mapalingon ako sa likuran ko.
It was Nero Ferell with his bored look. Pero ang higit kong napansin sa kanya ay iyong hawak niyang panyo at paulit-ulit niya iyong pinaiikot sa ere na parang kumukuha siya ng atensyon.
"Quaran...gatin... kaga...tin! Quarantine! May nakapasok!" ano ang sinisigaw ng gagong si Troy na iyon?
Umalingawngaw na naman ang makasalang boses ni Aldus Ferell.
"Boom, boom! Oh yeah! The DJ's on the mic again! Mexicana... Haponesa... lashing na... Intsik... Arabo...'lam na..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro