Chapter 44
Chapter 44
Exit
I was a fully pledged Mexicana in my past life, rejected a Chinese businessman for being kuripot, and I wasn't marupok even with my naturally curled hair.
Alam ko sa sarili ko na ilang beses na akong niligawan ng mga intsik at napagod na ako sa pagtanggi sa kanila sa nakaraang buhay ko.
It was my past life's fault. Kung hindi siya tumanggi ng tumanggi noong nakaraang buhay ko, sana'y hindi na ako pagod ngayong tumanggi sa isang instik. Ngayo'y ubos na iyong kakayahan kong tumanggi sa isang intsik dahil matagal ko na iyong ginagawa sa nakaraang buhay ko.
Isa lang naman akong Mexicana, bagong kulot, nakakulong sa bisig ng isang intsik na pinaghihinalaang galing sa Wuhan at kasalukuyang nalulusaw sa masikip at madilim na tabi...
Ilang beses akong napailing sa naiisip ko. Hindi ako marupok...
He used the way I hated the most. Maybe everything between him and Autumn was just in the past, but using my emotion and another person to assess me?
He even used his new secretary!
Pilit kong tinatabunan ang isip ko ng mga bagay na ginawa niyang hindi ko nagustuhan simula ng dumating siya rito sa Pilipinas. Hindi ako natutuwa at kailanman ay hindi sasang-ayon sa kanyang mga paraan.
I should let him know how opposed I am on his ways. Pero paano ko iyon gagawin kung may bagong natutunan si Keaton Samonte mula sa Wuhan?
Kailan pa siya naging isang bata na parang ilang taong inapi at kailangang aluin?
Hindi ko siya nagawang sagutin nang sabihin niyang kailangan niya ulit matabihan. Paano ko ba iyon masasagot kung ganoon ang paraan ng pagtatanong niya sa akin? Parang may halo iyong pangungunsensiya at sa sandaling tumanggi ako ay isa na ako sa pinamakasalanang tao sa mundo.
And he keeps calling me Doktora!
I've met Keaton Samonte as a powerful, stiff, intimidating, and formidable man. He was so cold, hard as a rock, and it was just his lips that were soft.
Hindi ko akalaing lalambot at higit na lalambing ang mga salita niya sa akin, na ang tangi ko na lamang nagagawa ay matulala sa maliit na siwang ng tabing pinagtataguan namin at ang kaunting liwanag ng buwan.
Parang gusto ko na siyang aluin... aaluin ko na ang pasyente ko sa tabi...
"Nilalamig na 'ko... binasa pa nila ako, Doktora..." humigpit iyong braso niya sa bewang ko. At sinadya niyang iparamdam sa balat ko iyong panlalamig niya dahil isinuot niya sa damit ko mula sa laylayan niyon iyong pinakamaliit niyang daliri sa kamay.
Still the gentleman Keaton Samonte, hindi inilagay iyong buong kamay.
Ilang beses akong napamura sa isipan ko nang tuluyan nang ipatong ni Samonteng literal na nilalamig iyong mukha niya sa kanang balikat ko. Nakayakap ang isa niyang braso habang ang isa'y nakayakap sa pagitan ng aking dibdib at leeg.
He was lazily playing the tips of my curly hair with his fingertips.
Wala na siya sa likuran ko kundi nasa tagiliran ko habang iyong mga binti niya ay nakakrus na at kapwa nakulong sa akin.
Hindi ako magalaw sa ganoong posisyon namin. Para si Keaton isang batang lalaki na binigyan ng laruan at ayaw nang magpahiram pa.
"K-Keaton..."
Ramdam na ramdam ko iyong maiinit niyang paghinga sa leeg ko. "Doktora, will you allow me to play with your hair?"
Hindi ba at iyan na ang ginagawa mong intsik ka?!
Hindi ako makalingon sa kanya.
"Nilalamig ako, Shanti..."
Gusto ko na ulit siyang sikuhin pero paano ko iyon gagawin sa isang pasyente?
"Kailan mo ako tatabihan? Nahihirapan na 'ko, Doktora..."
Nahihirapan na rin ako! Anong hangin ang nilanghap nitong si Keaton sa Wuhan at bakit ganito na siya magsalita na parang aping-api?
"K-Keaton, hindi mo ako madadala sa ganito mo. Hindi ko makakalimutan ang paraan mo! Alam mong ayaw ko ng ganoong paraan! You even used your own secretary! May pa-honey ka pa! Nagdala ka pa ng tunay na Mexicana!"
Ako ang biktima rito at hindi siya! Bakit kung magsalita siya ay ako ang masama sa aming dalawa?
"Her name is Honey, and she isn't a Mexican. She isn't my type, Shanti... your hair is curlier, you are prettier... and..."
Lumingon na ako sa kanya dahilan kung bakit naglapat na naman ang tungki ng mga ilong namin.
"W-What?"
Narinig ko naman iyong sinabi niya pero pilit kong pinakikita sa kanya na hindi ako naapektuhan.
Pinaglaro niyang muli iyong mga ilong namin. But this time, Keaton Samonte closed his eyes as mind got wider.
Sa mga napapanuod ko, kapag nasa madilim na lugar na iyong mga bida at nasa isang sulok na silang dalawa, matinding halikan at hubaran na ang nangyayari.
But Keaton Samonte's way is too different! Isang hinliliit niya lang iyong nasa loob ng damit ko na nahihiya pang humawak sa balat ko, nayakap lang ang bisig at binti, naglalaro lang sa dulo ng aking buhok at tanging tungki lang ng ilong ang ginagamit sa akin.
Pero sobrang nakakapanghina...
"At hindi siya Mexicanang nabibingi... iyon ang gustong-gustong ko, Doktora..."
Pakiramdam ko ay mauubos na iyong hangin sa buong katawan ko. Hindi ko na napigilang mag-angat ng mga kamay at takpan ko na iyong mukha ko mula sa kanya.
"S-Stop it, Samonte! Tigilan mo na iyan! A-Akala mo ay madadala mo ako sa mga paganyan mong hayop na intsik kang galing Wuhan! Bitawan mo 'ko! Pakawalan mo 'ko!"
He chuckled. Kapwa na nakayakap sa bewang ko iyong mga braso niya at mas kinabig niya ako papalapit sa kanya. Nanatili akong nakatakip sa mukha ko at sa tuwing nararamdaman ko ang panghinga niya sa likuran ng kamay ko ay nag-iiwas ako.
Pero maglaro niya iyong sinusundan!
"I'll pursue you again, Shanti... alam kong ipagtutulakan mo ako at hindi agad matatanggap. But I am ready to do everything to win you back... hanggang sa hindi ka na mawala sa tabi ko..."
Hindi na ako nagsalita.
Halos paduguin ko na ang sarili kong mga labi nang maramdaman ko ang mainit na labi ni Keaton Samonte sa likuran ng kamay kong nagtatago sa mukha ko.
And when he finally blew his whisper, I almost took forgot how to breathe properly.
"Magtatabi ulit tayo... tabing-tabi... Doktora..."
Nakawala lamang ako kay Keaton nang humiwalay siya sa akin. Sinabi niya na mauuna na siya sa akin dahil totoong nilalamig na siya.
Itinuro niya pa sa akin ang tamang daan para hindi na ako makasalubong ng pwedeng bumasa sa akin.
"I'll see you outside, Shanti."
Umirap ako sa kanya at hindi ako sumagot. Tumaas ang sulok ng labi niya sa ginawa kong iyon.
I used to see him as formal and stiff. But after our encounter a while ago, I never expected that I'd see him sexy and playful like this.
Ano ang ginawa ng Wuhan dito kay Keaton Samonte?
"Gusto ko iyan... mga doktorang umiirap... at kulot..."
Nang makarinig na naman ako ng ingay mula sa mga lamok na nagsisimula na naman akong kagatin, hindi ko napigilan ang sarili kong pumatay niyon at ilang hampas sa braso, binti at leeg ang ginawa ko sa sarili ko.
"Letche!"
Habang si Keaton Samonte ay prenteng nakakrus ang braso at hubad na hubad ang dibdib. Bakit hindi man lang kumagat sa kanya itong napakaraming lamok?
"Hindi ko gusto ang mga pasyenteng galing sa Wuhan. Go on, Samonte..."
"You do?"
"J-Just go! Umuna ka na!"
"Alright."
Tinalikuran na niya ako habang puro mura ako sa mga lamok na gustong-gusto ang dugo ko.
"Ano ba ang problema ng mga lamok na 'to?!"
"Ganyan ang mga gustong-gusto kong Mexicana... iyong kinagat ng lamok..."
Nag-angat ako ng tingin kay Samonte na naglalakad pa rin naman papalayo sa akin.
"I said stop it, Samonte!"
"I missed you... so much... heal me, please... You are my only cure, Sweetheart..."
Natigil ako sa pagpatay ng lamok at napatuwid ako ng pagkakatayo habang nakatitig sa likuran niya. Nakapamulsa siya at tanging kalahati na lang ng katawan niya ang nakikita ko.
Hindi na niya hinintay ang sagot ko dahil nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa maiwan ako roon mag-isa.
Akala ko sa sandaling maiwan ako roon mag-isa ay makakagalaw na ako agad. Pero mas natigilan ako sa mga sinabi ni Keaton Samonte.
Bago kami magkita, sinabi ko sa sarili ko na hindi ko gagawing madali sa kanya ang lahat. Yes, I was the one who pushed him away when he was ready to explain, it was me who pushed him when he needed me the most, kung tutuusin ay mas marami akong ginawang pagkakamali sa kanya dahil ang tanging hindi niya lamang ginawa noon sa akin ay ang pagsasabi ng maaga ng lahat ng mga dahilan niya.
Should I make things more complicated when he's now ready to tell me everything and start a new?
Inaamin kong nasaktan ako sa lahat ng ginawa niya at paraan niya para makuha ako. Pero ang lahat ng ginawa niyang iyon ay walang kakayahang burahin iyong nararamdaman ko sa kanya?
I loved him so much...
Nagtuloy na ako sa paglalakad habang ang isip ko ay umiikot kay Keaton Samonte. Natigil lamang iyon nang tumama ang mukha ko sa isang matigas na bagay. Muntik na akong matumba kung wala lamang humawak sa kamay ko.
"Ashanti!"
"L-Leiden!"
"I've been looking for you! Akala ko ay isa ka na sa babaeng naitapon sa pool. Hindi ka ba nababasa?"
Hindi katulad ng mga Ferell at ni Keaton, nakadamit pa rin si Leiden, iyon nga lang ay basang-basa na rin siya ng tubig.
"Nakasagot ka?"
"Saan?"
Hindi na siya nakasagot nang kapwa kami nakarinig ng boses. Hinawakan na niya ang kamay ko at nagmadali na kaming tumakbo dalawa.
"Ang galing mo sigurong magtago..." natatawang sabi niya habang sabay kaming tumatakbo.
"S-Siguro..."
Wala akong ideya kung paano ko sasabihin kay Leiden ang paraan kung paano ako nasa loob pa rin ng larong ito at hindi pa naihahagis sa pool.
Keaton secured me inside his territory. Paano ako mahahanap ng mga committee na iyon?
Dahil mapamaraan si Leiden, hindi na kami naabutan ng mga nanghahabol sa mga players. Kapwa pa kami napasigaw sa tuwa nang makakita na kami ng liwanag sa unahan.
"Shit! Mananalo pa yata tayo, Leiden!"
Bago kami tuluyang makalabas sa maze ay agad akong binuhat ni Leiden, hindi ko na nagawang makaangal at napatawa na lamang ako kasabay nang pagsalubong sa amin ng mga taong naghihintay sa mga pares na makakalabas sa maze.
"Congratulations, Ashanti and Leiden! Fourth pair survivors!"
Kapwa kami nadismaya ni Leiden nang malaman na pang-apat pa kami. Naglakbay iyong mga mata ko sa mga pares na nauna sa amin. Wala pa roon ang mga Ferell maging si Keaton.
Napasulyap ako sa daang nilabasan namin ni Leiden, nasaan na kaya ang mga iyon?
Natutuwang kami hinila nina August at Antonia sa mga committee nila na magpapaliwanag ng premyo namin. Wala naman talaga akong pakialam sa inihanda nilang iyon at gusto ko na lamang matapos ang laro, pero matapos iyong paghihirap ko, gusto ko na biglang kunin iyon.
"You can pick your prize!"
Nakanguso nang nakatingin si Leiden sa listahan. "What do you want here, Ashanti?"
"How about a date? This one-day trip. Is it okay? Malapit lang."
Napatango ako sa sinabi niya. Sikat sa Enamel ang Montenegro Resort ng Leviathan, pero may isang resort na rin ang pinag-uusapan sa Dumary. Katulad ng Leviathan ay kalapit probinsiya rin iyon dito.
"Sure. Hindi pa ako nakakapunta riyan..."
"Alright. We'll pick this one." Sabi ni Leiden.
Nang sabay kaming nag-angat ng tingin ni Leiden, nag-uusap na sina August at Tanya sa mahina nilang boses, para nga silang napatalon nang makita nilang nasa kanila na ang atensyon namin.
Tanya awkwardly smiled. Lumapit siya sa amin at sinilip niya ang itinuturo ni Leiden.
"Ano ang napili n'yo?"
"This..."
"Good choice." Humarap siya sa mga committee. "Kindly explain them the whole details."
"Thank you, Tanya."
Kumindat siya sa akin. "It's part of the game."
Tinalikuran na niya kami at lumapit na siya kay August. "Hindi pa ba time? Baka makalabas pa ang mga Ferell? Let's give them something that would give them a lesson—"
Hindi ko na narinig ang sinabi ni Tanya dahil nagtawanan na silang dalawa.
Umiinom na kami ng kape ni Leiden at katulad ng iba ay nakabantay na kami sa exit ng maze.
Nagka-count down na iyong mga tao at nagbubunyi na ang dalawang babae, nang sunud-sunod nang lumabas sa exit ang mga Ferell na may kani-kanilang ka-partner na babae.
Laglag ang mga balikat nina August at Tanya. Pero ang higit na nakapagpakunot ng noo ko ay hindi ang mga babaeng nakuha nila, kundi ang mga damit nina Aldus at Troy na suot nila.
Parehong-pareho iyon sa suot nila bago magsimula ang laro. Hindi ba iyon nasunog?
"Shit!"
Hindi ko na napigilan iyong mura ko nang makitang lumabas si Nero Ferell na may nakasampay na puting tela sa kanyang balikat at si Owen na may hawak na timba, gaya ng hawak ng inakala kong nanghahabol sa akin.
Nagtatakang napatitig sa akin si Leiden. Kaya pala hindi hubad si Leiden! Walang ganoon!
Aldus, Troy and the fake committee, Nero gave me the wrong direction! Sa lugar kung nasaan si Keaton at hahabol si Owen para ma-corner ako!
Lumabas na rin si Keaton Samonte, nakapamulsa at bihis na bihis na parang hindi nilamig kanina.
Nangangatal iyong kamay ko na may hawak ng tasa ng kape.
I was fucking set-up!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro