Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

Chapter 43

Patient and Doctor

The electric music, disco lights, and the liquors pouring like rain made the whole place wilder.

Sa sobrang dami nilang pera ay ipinanliligo na nila ang alak.

"Good luck to us!" sabi agad ni Aldus nang makarating na si Keaton sa posisyon ni Troy kanina.

Keaton Samonte joining in this weird game is very unusual for him. I've been inside his world, and known him better, but to see him entered a silly game without any assurance of a win-win situation...

I couldn't help but think deeply.

What is his big reason for joining this game?

I tried my best not to look on his side. I should focus myself on this game, and not to someone else. I should remember what I'd witnessed a while ago.

Dapat ay hindi na ako umasa pa. Ako ang pumili nito at matagal nang tapos kung anuman ang mayroon sa amin. He's here because of Autumn.

At kung anuman ang sinabi niya kanina kay Tanya, siguradong hindi iyon para sa akin o kung para sa akin man, malaki ang posibilidad na sinusubukan niya lamang tingnan ang reaksyon ko. Maybe he wanted to assess how regretful I was after all of the decisions I'd made between us.

Bagay na hindi ko dapat isisi sa kanya. I should stop expecting that something might happen between us again. Hindi na ako dapat umasa pa, para hindi na ako masaktan sa anumang posibleng mangyari.

Diretso lang ang tingin ko sa unahan habang si Aldus ay pilit na kinakausap si Keaton at kung anu-ano ang tinatanong na wala namang kwenta.

Kaya kapwa sila nakatingin sa posisyon ko dahil nasa gitna nila ako.

"Nice song, man! Proud instructor here."

"Shut up, Aldus."

"Bakit ka nga pala sumali rito, Keaton? This isn't you! This is so unexpected!" Aldus said exaggeratedly.

Gusto ko nang takpan ang tenga ko sa usapan nila ni Aldus Ferell. He's a poor liar.

Kung sa paraan ng pag-arte at pagsasalita, kahit sino ang makakakita sa kanya ay talagang maniniwala na gulat na gulat siya. Maging iyong pagiging kasali nila sa larong ito ay parang hindi sila prepared, pero dahil nabalaan na ako sa modus nilang magpipinsan, hindi nila ako maloloko.

Hindi sumagot sa kanya si Keaton, sa halip ay tipid na siyang lumilingon kay Aldus bago tumitingin sa unahan. Ginawa nila akong hangin sa pagitan nilang dalawa.

"Pero mas proud ako sa itatabi, Samonte... paano ba iyon?"

Kumuyom na ang mga kamao ko sa pinagsasabi nitong si Aldus. Napalingon na ako sa stage at tiningnan ko na si Tanya. Hindi niya pa rin ibinabaril ang hawak niya na hudyat na pwede na kaming pumasok.

"Look straight, Ferell. The game will soon start..."

"Come on, I am just trying to ask some tips, Samonte. Alam mo naman na inosente pa rin ako sa mga bagay na iyan..."

Nang marinig ko iyon, napalingon na talaga ako kay Aldus. Hindi na mawala iyong ngiwi ko sa kanya at sa kasinungalingan niya.

"Are you drunk, Ferell?" sabat ko.

Ngumisi siya sa akin. "Hindi pa..."

Sinilip niya ulit si Keaton. "Tang ina mo, Keaton! Magsalita ka rin!"

"Huh?"

Hindi man lang lumingon si Keaton kay Aldus, nanatili siyang parang poste sa posisyon niya habang nakakrus ang mga braso.

Hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin ako kung paano tumagal ang friendship nilang dalawa.

"Pero bati na kayo ni Ashanti? Hindi ko sinasabing ang ganda ng pagkakakulot ng buhok niya... iyong gustong-gustong anuhin ng mga intsik na galing Wuhan..."

"W-What is fucking wrong with you, Ferell?!" sita ko sa kanya.

"Bakit? Hindi ba't magkapitbahay kayo? Magkagalit pa rin?"

"Fuck off, Ferell!"

He chuckled. "Huwag pikon, Ashanti. Nagbibiro lang ako..." ngumuso pa siya sa akin habang itinuturo ang lalaking nasa likuran ko.

"Kunwari bingi..." Aldus Ferell mouthed.

Akala ko ay hindi pa rin siya papansinin ni Samonte pero natigilan ako ng sumagot siya. "What do you mean, anuhin? I am not from Wuhan. Gago."

"N-Niaano..." natatawang sabi ni Aldus.

Iyong dalawa kong kamao gusto nang lumipad sa mismong mukha ni Aldus Ferell.

Magpapaulan pa sana ako ng mura nang muli ng nagsalita si Tanya.

"Ladies and gentlemen! Let's play Tanya & August's hide and seek with a twist!" Tanya's loud overwhelmed us.

Nawala na ang atensyon namin kay Aldus at kapwa na tumingin sa harap ng maze ang mga tao.

"Tang ina, ang daming tabi rito. Alam na this, Samonte! Rock and roll!"

"Shut up, Ferell."

Nauna na akong pumasok sa maze at hindi ko na pinakinggan pa iyong usapan ng magkaibigan.

I should focus on the maze and its obstacle, on how to find my partner, Leiden, and on how to leave this place unscratched.

Nang mga unang sampung minuto ay may mga players na nakakasalubong pa ako, sumunod ay nakakarinig na rin ako ng mga sigawan at takbuhan na parang may naghahabulan, biglang mamamatay iyong ilaw, may bubuhos na malamig na tubig at lalakas ang music.

Wala akong ibang nagawa kundi magulat.

"L-Leiden..."

Habang patuloy ako sa paglalakad, sinimulan ko na rin tawagin ang pangalan niya. Sinabi sa amin ni Tanya na hindi lang ito basta maze dahil may iba't iba kaming pagdadaanan.

Bigla na akong kinabahan lalo na ng mas dumalas iyong pagpatay ng ilaw at ilang sigaw ng mga babae.

"L-Leiden... where are you?"

Mas bumagal na iyong mga hakbang ko. Pinili ko na hindi na lamang lumiko at diretsong daan ang tahakin ko, pero unti-unti akong nagsisi sa ginawa kong iyon.

Lalo na ng makita ko kung sino ang kasalukuyang nasa harap ng puting lamesa na may kausap na nakamaskarang babae.

Aldus and Troy Ferell were both shirtless. Yakap na nila ang kanilang sarili dahil sa tindi ng lamig.

"Bakit hindi na tumama ang sagot mo, Troy? Mauubos ang damit natin, gago ka!"

"Periodic table of elements? Third year highschool pa natin iyon pinag-aralan! Matatandaan ko ba iyon?!"

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Binasa ko iyong obstacle note na nakapatong lamesa, kailangan ko lang bumunot doon sa fish bowl ng tanong, sa sandaling sagutin ko iyon ng tama ay bibigyan ako ng mas madaling direksyon ng committee na nakasuot ng malaking puting kumot, pero sa sandaling magkamali ako ng sagot kailangan ko ilagay roon sa may nagliliyab na apoy sa maliit na drum ang isa sa damit ko.

Eksaherada kong hinawi ang nagtatalong Ferell at bumunot ako sa fish bowl.

"Such a coincidence, Ferells..."

"A-Ashanti!"

Kapwa na nangangatal iyong labi ng dalawa at maputla na ang mga mukha. Tang ina n'yo!

Nang buksan ko iyong papel, agad akong napangisi dahil alam ko ang sagot. Alam kong kapwa nakasilip doon ang mga nilalamig na Ferell.

"Ashanti, baka naman..."

Pinagtaasan ko lang sila ng kilay. Humarap ako roon sa committee na nasa harap at sinabi ko sa kanya ang sagot.

"Fibonacci Sequence."

"Huh?"

"Of course, 'di n'yo iyon alam." Tumango sa akin iyong committee at may inabot siyang papel sa akin.

"What the hell?! Ano ba iyong tanong na iyon?" sunud-sunod ang himutok ng dalawa.

"Adios, Ferells!"

Sinunod ko iyong binigay na instruction doon sa note. Sana lang ay nagagawa rin sumagot ni Leiden sa mga nadadaanan niya dahil imposible na magkita kami kung isa rin siya sa nahuhubaran ngayon.

Hindi na ako nakadaan pa ng lamesa na may committee, pero iyong naging problema ko ay ang malalaking lamok na halos hindi maubos sa pagkagat sa akin.

"Tigilan n'yo na ang kakakagat sa akin!"

Iritado akong sumusunod sa malalaking lamok habang pilit iyong pinapatay. Tatlo na iyong napatay ko na may dugo na talaga, ang dami ng nakuha sa akin!

"Fuck off! Fuck off!"

Marahas na maglalapat na sana ang dalawa kong kamay nang may biglang sumulpot sa harapan ko.

His movement was so swift and too silent. Hindi niya nga rin ako napansin dahil ang atensyon niya ay sa daang dinadaan niya na parang may tinatakasan siya.

Nakuha ko lang ang atensyon niya ng mapatay ko ang lamok. Magkadikit na ang mga kamay ko na nakataas habang unti-unti siyang lumilingon sa akin.

Hindi ko inaasahan na makikita ko siyang wala na rin damit pang-itaas katulad ng mga Ferell. Pero kaiba sa mga Ferell, basang-basa ang katawan ni Keaton Samonte na may halong kulay asul na pintura.

Mariing nakakrus ang mga braso niya. Ito yata ang unang beses kong makita na nilalamig ang isang Keaton Samonte.

Nanatiling nakataas ang mga kamay kong may patay na lamok habang kapwa kami nagulat sa isa't isa.

Unti-unti niyang tinanggal iyong pagkakakrus ng braso niya at napapitlag na lang ako nang maramdaman ko iyong malamig na daliri niya sa ilang parte ng leeg ko at maging sa collar bone ko.

"M-May kagat---"

Mabilis kong tinabig ang kamay niya sa akin. "P-Pakagat?! Ano ang karapatan mong kumagat—"

Tipid siyang ngumiti at binalik niya ang mga braso niya sa pagkakakrus.

Yumuko siya at bumulong sa akin. "Definitely my type... mga Mexicanang bagong kulot at bingi..."

Napahugot ako ng paghinga sa sinabi niya.

Nilampasan na niya ako at nagsimula na siyang maglakad papalayo sa akin. Nanatili akong nakatitig sa likuran niya habang nakakunot ang noo ko sa kanya.

"Hindi ka ba susunod sa akin? Babasain ka nila ng tubig na may yelo kapag diyan ka dumaan."

"A-Are you flirting with me, Samonte?"

"What do you think?"

"Hindi ako sasabay sa 'yo. May sarili akong daan."

"Tss..."

Akala ko ay makakalayo na ako sa kanya, pero nang kapwa kami nakarinig ng ingay, mas narinig ko iyong mga yabag ni Keaton pabalik sa akin.

Mabilis niyang hinablot iyong braso ko at agad niya akong itinulak sa pinakamalapit na tagong tabi.

"S-Samonte—"

"Tatabi tayo! Mababasa ka pa..." bulong niya.

Hinampas ko iyong dibdib niya at sinimulan kong gumawa ng ingay, pero tinakpan ng kamay niya ang bibig ko.

Dinala niya ako sa pinakamalapit, makipot at madilim na tabi. Sa sobrang liit ay kailangan pa namin umupo para tuluyan kaming matakpan ng anino. Dahil hindi ako sumusunod sa gusto niya, agad niyang binago iyong posisyon namin.

Nasa likuran ko na siya habang nakagapos iyong isang braso niya sa akin at nakatakip ang isang kamay sa bibig ko. Unti-unti niya akong napaupo kung saan kapwa na kami hindi makita.

Our position was so nostalgic. Lagi niya akong pinauupo sa pagitan ng mga hita niya habang nakapulupot iyong mga braso niya sa akin.

Near the beach, under a beautiful tree, on the sands...

Nanatili kami sa ganoong posisyon habang pinapanuod na namin ang unang babaeng biktima ng mga committee nina August at Antonia. Hindi lang pagbabasa ng nagyeyelong tubig ang ginagawa, binubuhat din ang babae na walang ibang ginawa kundi sumigaw hanggang sa makarinig ako ng anunsyo na may inihagis na raw muli sa swimming pool.

"See?"

"Someone will carry you that way... hahawakan ka sa hita... sa bewang... sa likuran..." bulong niya sa akin.

Nang masiguro niya na wala na ang posibleng makakarinig sa amin ay pinakawalan na niya ang bibig ko.

"W-Why do you care? A-Ano ba kita? You should not join here. Dapat naroon ka kay Autumn..."

Bigla kong naramdaman iyong noo niya sa balikat ko at ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"I was just trying to make you jealous... I just want to know if..."

"Fuck you! Bitawan mo 'ko, Keaton! Ganoon na lang iyon? Paglalaruan mo ang nararamdaman ko para masiguro mo ang sarili mo? Ganoon? Why are you so selfish?!"

Biglang tumulo ang luha ko. "Y-You kissed her... you performed with her... you flirted her in front of the crowd... pinili mo pang saktan ako para malaman ang nararamdaman ko. Why are you still like that?"

"We did not kiss, I swear... kita iyon ng lahat ng taong naririto..."

Marahas ko siyang siniko. "Bitawan mo 'ko! I never liked your ways of getting me, Keaton!"

"I'm sorry if I always lose my composure when it comes to you... na biglang nawawala ang lahat ng plano ko sa tuwing malapit ka na. Biglang nabablangko iyong utak ko sa tuwing ikaw na ang naiisip ko. Gusto ko na lang hilahin ka ng hilahin papalapit sa akin... na wala ka ng ibang kayang kakapitan kundi ako... I thought I would be able to control this... Ashanti... lalong lumala... so help me, sweetheart..."

Mas lalong humigpit iyong mga braso niya sa akin at mas isiniksik niya ang sarili niya sa leeg ko.

"It's wrong to run away from me. It's wrong to have your distance... mas matinding gamutan ito, Shanti... heal me... do something about me..."

"K-Keaton..."

"You should not deny a patient, Dra. La Rosa..." mas lalong lumambot iyong boses ni Keaton. Ang kaninang nanlalamig at nanginginig niyang katawan ay bigla na lang umiinit.

"Welcome me home... kakauwi ko lang..." mas lalong lumambing ang boses niya sa akin.

"K-Keaton, stop it..."

"You're so warm..." nakalmot ko iyong braso niya nang humalik siya sa leeg ko.

"K-Keaton..."

Bawat bulong niya sa akin ay parang sasabog iyong puso ko. Keaton knew how to hit my weakest point. Alam niya iyong mga salitang makapagpapanalo sa kanya.

Nakagat ko na ang pag-ibabang labi nang tanggalin niya ang kanyang mga braso sa akin. Naramdaman kong naglaro ang mga daliri niya sa dulo ng kulot kong buhok at nang unti-unti niyang iyong hilahin dahilan kung bakit ako napatingala sa kanya, mariing nagtama ang aming mga mata.

He tenderly played the tip of his nose against mine when his hands cupped on my face. I could feel his warm and heavy breathing.

"Doktora... tabihan mo na ulit ako..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro