Chapter 42
Chapter 42
Maze
Leiden kept his hands on my ears as my tears pour on his shirt, but no matter how he tried to block the noise with Keaton and Autumn's name chanted by the crowd, it still penetrates deep and straight into my fragile heart.
Tatlong taon ko itong pinangalagaan at inakalang magagawang pakalmahin sa sandaling muli kaming magkita.
Akala ko ay ang una na naming pagkikita ang siyang magiging pinakamahirap na sitwasyon na mararanasan ko sa pagitan ni Keaton. But I didn't expect that I'd still experience this.
Hindi iilang beses na pinagselosan ko si Autumn noon. Napakarami ng rason para pagselosan siya, akala ko noon ay mawawala na rin ito at lilipas pero ang makitang magkasama sila ni Keaton ngayon, bigla akong nawalan ng gana.
Hindi ko alam kung saan na ako magsisimula o kung may dapat pa ba akong simulan? Babalikan ba talaga ako o nag-iilusyon lamang ako?
I weakly shook my head. "N-Naririnig ko pa rin, Leiden... naririnig ko pa rin..."
Bakit hindi ko naisip na narito si Keaton at isa siya sa gustong sumalubong sa pagbabalik ni Autum?
I don't know if he'd heard my voice. Dahil maging ako ay hindi ko alam kong malakas ba iyon o mahina. Gusto ko na lang tumakbo at lumayo sa lugar na iyon, pero natatakot ako na sa sandaling humiwalay ako sa dibdib ni Leiden at tanggalin niya ang mga kamay niya ay mas maglinaw sa akin ang mga salitang isinisigaw ng lahat.
Paglilinaw na wala na akong dapat asahan, na hindi na kami para sa isa't isa, hanggang nakaraan na lang kami at sila talaga ni Autumn ang para sa isa't isa.
"Tell me what to do, Ashanti... should I carry you? Itatakbo kita... tell me..." I firmly closed my eyes and tried to focus on Leiden.
Tinanggal ko iyong kamay ko sa kamay niya at kapwa iyon kumuyom. Marahan ko iyong ipinatong sa dibdib niya habang nanatiling nakasandal ang aking noo.
"T-Tell me how to move on. Tell me how to be like him... umasa lang yata ako, Leiden..."
This time, it was his chuckle that overwhelmed my ears. "How can I possibly tell you how? Kung ako ay hindi rin magawa iyon..."
I thought Leiden's voice, hands, and chest would protect me from another pain, but when the place got sputtered by a cold and colored liquid, I accidentally pulled back away from him.
My mind was screaming of escape, my heart was whispering of surrender, and my knees were trembling.
My mind was screaming of escape, my heart was whispering of surrender, and my knees were trembling as my eyes witnessed and hear their voices together while happily performing on stage with a famous seductive song.
When Autumn sat on his lap and tried to kiss him, one of my hands automatically went to Leiden's shirt. Mariin iyong hinila ng ilang daliri ko habang hindi ko maalis ang mga mata ko sa unahan.
"Umasa nga lang pala talaga ako..."
Nang pababa na ang mukha ni Autumn sa kanya, ramdam ko ang biglang paghawak sa akin ni Leiden na parang hihilahin niya akong muli, pero sa sandaling iyon iba ang humarang sa aking mga mata.
It was a tall cake.
Dahan-dahang sumilip sa akin ang lalaking may hawak nito at tipid siyang ngumiti sa akin. Pamilyar siya at sigurado akong nakita ko na siya noon, pero hindi ko matandaan kung saan.
"Sorry... hindi ko makita ang daan."
"I-It's okay..."
Tumango rin ang lalaki kay Leiden bago siya magpaalam at maglakad na ulit dala iyong mataas na cake.
"He's not familiar. Taga Enamel ba iyon?"
"Nakita ko na siya. Hindi ko lang matandaan."
Kumunot ang noo ni Leiden at sinundan ng tingin ang lalaki. "Ang dami ng bago rito sa Enamel..."
Nang sumulyap ako sa stage ay wala na roon sina Keaton at Autumn. Pero agad ko rin nakita si Autumn sa isang lamesa na kasama ang mga Ferell at pati na rin ang mga kaibigan niya.
"Gusto mo bang umuwi na, Ashanti? Ihahatid na kita."
"Tempting. But I need to look for Farrah. Sabay na raw kami uuwi."
"Alright. Should we look for her?"
Dapat ay nasa malapit siya nina August at Tanya dahil sila naman ang hinahanap namin, pero bakit hindi ko makita ang kaibigan ko?
"Kumain ka na ba, Ashanti? Ano gusto mo?"
Umiling ako sa kanya. "Busog pa ako..."
"Seriously? Ano ba talaga ang dahilan ng pagpunta mo rito?" natatawang sabi niya.
"May kailangan nga lang kaming sabihin ni Farrah kina August at Tanya."
"Hindi pwede sa ibang araw?"
"No."
"Is it controversial?"
Nanliit ang mga mata ko sa kanya. "Chismoso..."
He chuckled. "I am just curious. You and Farrah came all the way here."
Leiden tried to make our conversation casual, na parang hindi niya ako nakitang umiyak at halos magmakaawa sa kanya kanina. He knew how to lighten the mood around him, isang bagay na hinahangaan ko sa kanya.
Napapayag niya rin akong kumain at nakapag-usap kami ng tungkol sa iba't ibang bagay habang lumilingon kami sa mga napapadaan, kung si Farrah ba iyon.
"How about your sports? Still into volleyball?"
Naputol ang pag-uusap namin ni Leiden nang biglang namatay iyong ilaw. Hinawakan niya ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa habang kapwa namin pinakinggan ang pagkakagulo ng buong paligid.
Ilang minutong nawalan ng ilaw at tanging ingay lang ng mga tao ang narinig namin at nang sandaling mabuhay iyon, hindi ko alam kung bakit sa direksyon ng mga nakahilerang cake nagtungo ang mga mata ko.
Together with that familiar guy who's still hiding behind the tallest cake was Keaton Samonte and his eyes darting on our direction. Walang tigil sa paglalagay ng cake iyong lalaking katabi ni Keaton sa hawak niyang plato habang panay ang linga sa paligid.
Hindi ko na pinatagal pa ang mga mata ko sa kanilang direksyon, lalo na ng makita ko si Aldus na papalapit sa kanila. Nang sumulyap ako kina August at Tanya, kapwa pa rin sila mga abala.
"Leiden, are you familiar with their game?"
"Game?"
"May nakapagsabi sa akin na mahilig daw magpalaro sina August at Tanya sa tuwing—"
"I've attended a few parties organized by them. Hindi nawawala ang mga kakaiba nilang palaro. Do you want to join? They are generous about the price. Sali tayo. What do you think is their game this time?"
Pansin ko na papalapit na sa direksyon namin si Aldus. May hawak siyang maliliit na plato na may nakalagay na maliliit na cake na ipinamimigay niya sa nadadaanan niya.
Nang sumulyap ako sa paligid ay may mga babaeng ganoon din ang ginagawa. Sinisimulan na ba nila ang laro?
"Arellano? Aasa sa premyo?" natatawang tanong ko.
"Come on, it's good to claim a price. Lalo na kung pinaghirapan mo."
"Nakasali ka na rin sa laro nila?"
"Isang beses lang. It was fun."
"Hmm..."
Nasa kalagitnaa na kami ng pag-uusap ni Leiden nang may tumikhim sa tapat ng lamesa namin.
Aldus Ferell with plates on his hands. "Forgive my intrusion, guests, ss one of the committees..."
Isang malaking kasinungalingan. Hindi siya pipiliin nina August at Tanya, siguradong inagawan niya ng mga plato ang isa sa mga babaeng namimigay para magkaroon siya ng dahilan para makalapit sa akin.
He's here to assure my entry to the game.
"We'll join." Mabilis na sabi ni Leiden.
Wala na sana akong balak sumali sa larong iyon at hayaan ang mga Ferell sa problema nila, pero ngayong kasama ko naman si Leiden, posible na siya ang maka-partner ko.
Kinuha na ni Leiden iyong dalawang plato na may cake.
"Just like the same mechanics. You'll open the cake and read the instruction inside."
Kapwa kami tumango ni Leiden. Tatalikuran na sana kami ni Aldus nang biglang nagsalita si Leiden.
"By the way, Ferell..."
"Yes?"
"Thank you for helping White."
"Don't thank me. Si Nero ang tumutulong sa kanya."
Nagkibit balikat lamang si Leiden. Nang maiwan kami nagtataka akong lumingon sa kanya.
"Thanks for?"
Umiling siya sa akin. "Only for gentlemen, Ashanti..."
"Oh..."
"Don't think too much. It's nothing."
Binuksan na namin iyong cake at binasa namin ang nakasulat sa maliit na papel. Hindi na ako nagulat sa larong nakalagay dahil sinabi na iyon sa amin ng mga Ferell.
"Hide and seek?"
Pumunta na sa unahan si Tanya at nagsimula na siyang magpaliwanag. Pili lamang ang makakasali sa laro at iyon ay iyong nakatanggap ng cake na may lamang note sa loob.
Hindi na ako nagtaka nang makita na mayroon iyong apat na Ferell. Gusto ko pa ngang pumalaklak ng makitang parang gulat na gulat sila.
Siguro naman ay kahit hindi ko na sabihin kay Tanya ang plano ng mga Ferell. All I need to do is not cooperate with them.
After Tanya's explanation, the game got clearer. The game has a time limit. It's fine to enter the maze alone, but in the end, you need to find a partner to come outside. It should be your opposite sex. The maze is consisting of challenging obstacles and tricky notes to make it difficult for the players to finish the game.
"Madali lang pala..." ilang beses tumango si Leiden.
"I made sure that the cakes were equally distributed, so don't worry about finding no partner."
"I have a question, Tanya..." may nagtaas ng kamay.
"Is this simply a race? Unahan kung sino ang unang makakalabas at iyong mahuhuli ang talo? I think it's a bit boring..."
Saglit na tumawa si Tanya. "Of course, our game has its twists! Your goal is not just come outside, but to survive inside! Pwede kayong matalo sa dalawang paraan, iyon ay kapag may nauna sa inyong makalabas at ang pangalawa..."
Biglang natahimik ang lahat habang hinihintay ang sasabihin ni Tanya.
"Well, it's a surprise! Just good luck!"
Sunod na ipinaliwanag ni Tanya ang magiging premyo na siyang mas lalong nagpalakas ng sigawan ng lahat, pero mas lalong lumakas ng sabihin nila ang gagawin ng mga taluhan.
It was a dare from the hosts. At walang karapatan ang mga talunan na tumanggi sa kanila.
Hinanap ng mga mata ko si Farrah pero hindi ko pa rin siya makita.
"I'll see you inside, Ashanti." Kumindat sa akin si Leiden.
Bawat note na nakuha namin sa cake, may nakalagay roon kung saang parte ng maze magsisimula. If you already have your partner, you should double your effort, find each other, survive and leave the maze together.
Pumunta na ako sa papasukan ko. Nanatili akong nakatayo roon habang hinihintay ang sasabihin ni Tanya. Hindi rin nagtagal ay pumunta na rin sa katabing daan si Aldus.
"Oh, such a coincidence!"
Umirap ako sa kanya at hindi siya pinansin, pero paglingon ko sa kaliwa, isa na namang Ferell.
Magsasalita na sana si Troy nang unahan ko siya. "Find another partner. May kasama na ako."
Sabay silang sumipol dalawa. Nagkaroon yata ng himala dahil hindi na ako kinausap ng dalawang Ferell.
Maiksing pinakilala rin ni Tanya ang mga players. At hindi maipagkakailang maraming nakakakilala sa mga Ferell, dahil sobrang lakas ng sigawan kapag sila iyong nagsasalita sa mikropono. Si Troy lang ang hindi niya nilapitan, na nakailang bulong dahil sa hindi pa rin daw makapagmove-on sa kanya si Tanya kaya nagpapansin pa rin sa kanya sa mga palarong ganito.
Nakailang ngiwi ako hanggang sa marinig ko ulit ang boses ni Tanya, may isa raw nagback-out kaya kasalukuyan siya ngayon nagtatawag ng isa pang lalaki na sasali. Hindi ko na sana iyon papansinin nang mapatili si Tanya sa mikropono.
"Oh my goodness! May import tayo galing China! Keaton Samonte! I want you call me, Senyorita... Oh la la la..."
Keaton chuckled on the microphone. "I think you're drunk, Tanya..."
"Come on, just introduce yourself! Hindi ka naman galing Wuhan, 'di ba? Nakapag 15 days quarantine ka na ba?"
"I just want to try this game."
"August, give him his cake!"
Lumingon ako sa stage at pinanuod ko iyong pagslice ni Keaton sa cake. He timidly pulled the note and read the instruction on the microphone.
"Entrance C."
Tumingin ako sa dadaanan ko. It's B. Si Troy iyong C. May error?
"C ka, Troy... pareho kayo ni Keaton?" tanong ni Aldus.
"Oo nga..." sagot ni Troy na nakatingala sa letter C na nadikit sa papasukan niya.
"Sigurado ka ba C ka?" tanong ni Aldus.
Dumagundong na ang dibdib ko dahil sa pag-uusap ng magpinsang hilaw.
"Oh shit. O pala ito... may icing pa pala ng cake. Saan ang O?"
May itinuro si Aldus. "Sabi na. Mali talaga posisyon mo, pinsan."
"My bad..."
Umalingawngaw ang boses ni Tanya. "Troy! Bakit galaw ka pa ng galaw sa pwesto mo?!"
"Sa O ako, Tanya. Lilipat lang ako. Nagpapapansin ka na naman sa akin..."
Buti na lang at hindi siya nabato ng mikropono. Ibinalik na lang ni Tanya ang atensyon niya kay Keaton na ang mga mata ay wala na roon sa hawak niyang note kundi sa akin.
"So... ano ang advantage mo sa ibang players, Keaton? Bukod sa marunong ka kumanta ng Senyorita? Which way do you think will lead you outside?"
He playfully folded the small paper using his fingers while looking straight into the Entrance B...
"Itatabi ko... I mean... dadaan na lang ako sa tabi."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro