Chapter 41
Chapter 41
Covers
My initial plan was to pretend a good neighbor, a fake Mexicana with a friendly attitude. Dapat nga ay bebeso pa ako sa kanya na parang magkaibigan na ilang taon lang hindi nagkita.
Sino pa ba ang magiging magkaibigan na magkakapitbahay kundi mga kapwa Mexicana lamang? Iyon nga lamang... siya ay legit at ako?
Napangiwi ako sa iniisip ko.
Sigurado naman ako na Mexicana ako noong nakaraang buhay ko at nagkaroon ako ng manliligaw na intsik, hindi ko lang iyon sinagot dahil kuripot.
Hindi ako nahirapan kumbinsihin ang sarili kong bumaba at harapin ang bisita, dahil hindi naman malaking bagay iyong halos pareho naming kulay at tangkad, iyon nga lang tunay ang kulot niyang buhok.
It was really fine. Hindi ko naman talaga iyon masyadong pinaka-iisip. Pero nang sandaling tumama ang mga mata ko sa sinabi ni Mama, hindi ko alam kung paano ko papangalanan ang nararamdaman ko.
Honey na ang tawagan nila, may sarili na silang bahay at sila iyong sinasabi ng security guard na bagong kasal na foreigners. Pero bakit may kurtina?
Nakita niya baa ko kagabi o nagkataon lang? At kung nakita niya, bakit kailangan niyang ipaalam sa akin? He could pretend.
What the fuck is going on?
"What's with the curtains? Mama, hindi ba parang nakakahiya naman sa kanila? Marami pa tayong kurtina."
"No! It's okay. Kung hindi n'yo tatanggapin baka ipatapon niya 'yan sa akin." Ilang beses umiling sa akin iyong legit na Mexicana.
"Your foods are enough. Hindi mo na kailangang magbigay ng kurtina." Pansin ko na kapwa na nakakunot ang noo ng mga kapatid ko.
"Ano ka ba, Ashanti anak? It's okay. Narinig mo rin naman ang sinabi niya, hindi ba?"
It's rare to receive curtains from your newly moved neighbor. Madalas talaga ay pagkain, bulaklak o kaya ay mga pananim. Pero kurtina? Makakapal na kurtina?
Niloloko ba kami ng legit na Mexicanang 'to?
Ano kaya ang magiging reaksyon ng pamilya ko sa sandaling malaman nila na si Keaton Samonte ang kasama ng legit na mexicanang 'to?
Until now I wasn't really convinced if they were married. Dahil bukod sa hindi ko man lang iyon nabalitaan, sa kabila ng kilalang pangalan ng mga Samonte sa Enamel ay wala rin akong nakikitang wedding ring sa daliri ng legit na Mexicana.
She's probably...
Bumuntong hininga ako at hindi na nakipagtalo. "Alright. Medyo nabaguhan lang siguro ako... it's rare to receive a curtain..."
Saglit na natawa iyong legit na Mexicana. "Sorry if it feels weird. Lalo kasing iinit ang ulo ng boss ko kapag hindi ko nailabas ang kurtinang iyan..."
Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong juice nang marinig ko ang salitang boss.
"Huh? Boss?"
Kahit ang mga kapatid ko at si Mama ay nagulat din nang marinig iyon.
Muli siyang natawa. "Ano ba? Para kayong iyong security guard nitong isang araw. I am just a secretary..."
"B-But... tinawag ka niyang..."
"Oh! Nagulat din ako nang tawagin ako ni boss sa unang pangalan ko. I am Honey Catherine."
Siguro ay nagtataka na ang mga kapatid ko sa nagiging reaksyon ko, pero wala na akong pakialam doon. Hindi ko maiwasang mapangisi, wala sa sarili kong pinaglaruan ng ilang daliri ko ang dulo ng kulot kong buhok.
Honey pala... pero gusto akong kurtinahan. Siguraduhin niyang hindi galing China itong ibinibigay niya sa akin.
Uminit ang ulo ko nang una kong makita ang kurtina, pero nang marinig ko ang totoong pangalan ng legit na Mexicana, wala na akong pake kahit legit pa siya.
"Thank you, Miss Catherine..."
"No problem."
"Uwian ka pala or diyan ka rin natutulog?"
"Oh, no! Susunduin din ako ng fiancé ko."
Ngumuso ako at tumango sa kanya. Gusto ko sanang may sabihin para sa boss niya, pero baka makahalata ang mga kapatid ko kaya nanahimik na lang ako.
Hindi ko na ulit nakasalubong iyong bagong sekretarya at maging ang amo niya, pero nakikita kong pumapasok sa gate iyong sasakyan niya.
Ilang araw na simula nang tinanggap ko iyong kurtina pero hindi ko naman ginagamit. Bakit ko naman gagamitin?
Mas binilisan ko ang pagjo-jogging ko nang malapit na ako sa block namin. Magtutuloy na sana ako sa pagpasok sa sarili naming gate nang maramdaman kong parang may nanunuod sa akin.
Natigil ako at tumingin ako sa paligid, hanggang sa wala sa sarili akong napatingin sa itaas, ang bintana na katapat ng sa kwarto ko. Nahuli ng mga mata ko ang biglang pagbaba ng kurtina roon.
Naningkit ang mga mata ko. Sa halip na umalis sa posisyon ko ay nanatili ako roon at hinintay na sumilip ulit ang tao sa likuran ng kurtina.
Pinagkrus ko ang mga braso ko at taas noo akong nakatitig doon. At wala pa ngang ilang minuto ay nahawi na iyon.
Our eyes met.
Tumaas ang kilay ko at tipid akong ngumisi. Si Keaton Samonte ang pinakama-pride na taong nakilala ko, kaya para mapagtakpan ang pagtatago niya sa kurtina ay patay malisya siyang lumabas sa terrace ng kwarto niya.
I thought it was always my turn, na magagawa ko siyang mapahiya dahil ilang beses ko na siyang nahuhuli. Pero may paraan si Keaton Samonte para laging isalba ang kanyang sarili. Hanggang sa ako na iyong mapahiya...
The scene was like a royal entrance. Bigla kong naalala si Elsa na kumakanta ng let it go nang buksan niya iyong bintana. But Keaton's way is so dangerous to stare...
Ilang beses akong napamura nang makita ko ang suot niya. Mr. Keaton Tirzo Uy Samonte with his smart eyeglasses, disheveled hair, a book on his right hand, while wearing a fucking blue robe with a knot which about to lose. Tinamad pa yata siyang ibuhol iyon?
A Chinese (hopefully COVID-19 free) freshly from bath.
Nagtuloy siya sa paglalakad hanggang sa umabot siya sa balustre ng terrace niya. He lazily leaned both of his arms on it, and casually looked down on me. Dahil hindi nga nakabuhol ng maayos iyong suot niya, kitang-kita ko ang matitipuno niyang dibdib.
D-Did he fucking work-out o hindi ko lang iyon nakita noon?
"No work?"
"Huh?"
Hinintay ko siyang magsalita ulit pero binuklat na niya ang librong hawak niya. "How are you?" he asked.
"H-Huh?"
Tumayo na siya ng diretso at isinara ang libro gamit ang isang kamay, nagkrus ang mga braso niya habang nakatingin pa rin sa akin.
Agad akong tumikhim at mabilis akong ngumiti sa kanya. Ashanti, calm yourself.
"I'm good. You?"
"Good too."
Dahil ramdam ko na ang nagsisimulang pagka-awkward namin sa isa't isa, nagpaalam na ako.
"I should go. It's good to see you again, Mr. Samonte."
"You too, Ms. La Rosa or Dra. La Rosa?"
Natigilan ako sa paglalakad nang marinig iyon mula sa kanya. Ilang beses ko nang narinig mula sa kanya ang iba't iba niyang pagtawag sa akin noon. Pero ngayong tinawag niya ako sa bagong tawag sa akin ng mga tao, ramdam ko iyong biglang pag-iinit ng dibdib ko.
"N-Not yet..."
Ngumiti ako sa kanya. Tumalikod na ulit ako pero ramdam ko na nandoon pa rin siya at pinagmamasdan ako.
"By the way, thank you for the curtains..."
Hindi ko na siya nilingon para makita ang reaksyon niya, pero alam ko na narinig niya ako.
I had an urge to turn back when I heard his sarcastic laugh.
"Use it. Hindi iyon ang inilalagay sa tabi, La Rosa."
Akala ko ay mauuna pa akong makapasok sa kanya pero rinig ko na ang pagpasok niya sa kwarto niya at ang malakas na pagbagsak ng pintuan.
My encounter with Keaton Samonte never pushed me to use his curtains. Ilang beses ko na rin siyang nakikita sa tuwing wala akong pasok at habang tumatagal ay mas kumukunot ang noo niya sa tuwing nagtatama ang mga mata namin.
Typical Keaton Samonte, laging mainit ang ulo sa akin.
Nakakapagtaka nga na parang ako pa lang ang nakakaalam na isang Samonte ang kapitbahay namin.
"Really? Maybe he's trying to win you back." Sabi sa akin ni Farrah.
"Hmm... I don't know. He can just approach me, 'di ba?"
"Maybe he's hesitant. Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na ikaw ang nagtulak sa kanya. Tatanggapin mo naman kung gusto niyang makipagbalikan?"
"Lolokohin ko ang sarili ko Farrah kapag sinabi kong hindi. I still love him, but before that he should be ready for my questions. I gave him time, we gave each other time to heal... walang mangyayaring maganda sa amin kung hindi namin aayusin iyong naiwan namin."
Tumango sa akin si Farrah.
"Kung ganoon ay wala pala kayong masyadong problema dalawa. All you need to do is to talk..."
"I hope so... I will not initiate our conversation, Farrah. Hihintayin ko siyang lumapit sa akin."
"You should..."
***
Tonight's the most awaited event. Hindi namin inagahan ni Farrah ang pagpunta dahil wala naman kaming masyadong kilala roon.
Dahil kapwa kami naging abala nitong nakaraang araw, hindi na namin nagawang sabihin kina Tanya at August ang balak ng mga Ferell. Naghiwalay muna kami ni Farraha para hanapin ang magkaibigan at balaan sila sa plano ng mga pasaway na taga Leviathan na iyon.
Nagsisimula nang dumami ang mga tao at hindi na ako magtataka kung bigla akong matumba dahil sa halo-halong pabangong naamoy ko, idagdag pa ang alak, patay buhay na ilaw at malakas na music.
Akala ko ay makakalampas ako sa kumpulan ng mga tao na walang magiging problema ng may tumawag sa pangalan ko.
"Ashanti Rose La Rosa!"
Muntik nang mabuo ang pangalan ko sa pagtawag niya sa akin. "Kairo..."
Ini-straight niya muna ng inom iyong nasa baso bago niya iyon inilagay ng walang kahirap-hirap sa dumaang waiter.
"Very unexpected! Sino kasama mo?"
"Farrah."
"Oh, the most popular Youth Council President in Enamel's history. Where is she?" nanghaba ang leeg niya.
"Kairo, nakita mo ba sina Tanya at August?"
"Mamaya pa siguro sila. You know... siguradong kasama sila ng star ng gabi."
Tumango ako. Magpapaalam na sana ako nang bigla niyang hawakan ang balikat ko. "Have you met Leiden? You know... umuwi na rin—"
"Come on, Kairo! I am planning to surprise her."
Natigilan ako nang marinig ang pamilyar niyang boses mula sa likuran ko.
"Hey, how are you, darling snowflakes?" he whispered.
Hindi ko nagawang umalis sa posisyon ko nang maramdaman ko siya sa likuran ko. Leiden playfully tilted his head and leaned down on my ear.
"L-Leiden..."
Sasalubingin ko na sana ang mga mata niya nang biglang may malamig na bagay na lumapat sa kaliwang pisngi ko.
It was his glass filled with ice. Nawalan ako ng balanse at tuluyan na akong napasandal sa dibdib niya, napahawak na ako sa pisngi ko na nilapatan ng yelo. "Ang lamig, Leiden..."
He chuckled. "Malamig ba?"
Naningkit na ang mga mata ko at hinampas ko ang braso niya. "Leiden! Ang daming alam!"
"I got to go, guys. Happy reunion!"
Naghe-headbang pa si Kairo nang talikuran niya kami. "He's already drunk..."
"Yeah. Let him be, malaki na siya. What do you want? Ikukuha kita."
"Nah. Magba-bike pa ako."
"Seriously? You still have your bike?"
I rolled my eyes. "Malapit lang naman ang bahay ko rito. Should I use my car?"
Sumipol siya sa sinabi ko. "Let's talk about Dra. La Rosa and her success..."
"Bakit ganyan na ang mga tawag n'yo sa akin? Kanino mo narinig?"
Ngumuso siya, bago niya ako inakbayan. "Then tell me... why are you here? Inuman ang lugar na 'to."
"I'm with Farrah. Uuwi rin naman kami agad. Kailangan lang namin magpakita kina Tanya at August."
"Hmm..."
I was expecting an awkward reunion between us. Hindi naging maganda ang paghihiwalay namin ni Leiden at hindi kami nagkaroon ng pag-uusap sa loob ng tatlong taon, pero dahil likas na marunong magdala ng sitwasyon si Leiden at sa magaan niyang ugali, hindi naging mahirap sa amin dalawa ang kumilos at mag-usap ng parang sa dati.
And I am happy for that, unlike my situation with Keaton.
Natatakot ako na baka sa isang maling desisyon o kilos ay may biglang mangyari na hindi ko gugustuhin.
"He's here, you know..."
Hindi niya man sabihin ang pangalan ay kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya. This is Autumn's welcome party after all.
"Have you met him?"
"Uhm... yes..."
Naagaw ang atensyon naming dalawa ni Leiden nang marinig namin ang pamilyar na boses ni Autumn Olbes, agad iyong makikilala dahil sa arte ng pagsasalita niya na nakilala noon pa man nang nangangampanya pa ang pamilya niya sa tuwing darating ang eleksyon.
"Gosh, paano ba 'to?"
Hinanap ng mga mata ko kung saan ang pinanggalingan ng boses niya at lumipad ang mga mata ko sa stage.
"Pull it."
My footsteps faltered when I heard his familiar voice. Naroon silang dalawa sa stage at kasalukuyang natatabunan ng makapal na tela. Rinig ang sunud-sunod na sigawan ng mga tao sa pangalan nila.
"Ang dilim! Nasaan ang dulo, Keaton!?" tumatawang sabi ni Autumn.
"I can't move, bumigat ka yata?" nawiwiling tanong niya. Kailanman ay hindi ko narinig ang tonong iyon mula sa kanya.
"W-What?! Keaton naman..."
Bago pa man hawiin nina Keaton at Autumn ang makapal na tela mula sa stage at tuluyan akong mabingi sa sigawan ng mga tao sa posible nilang relasyon, kinabig na ako ni Leiden sa kanyang dibdib at tinakpan niya ang mga tenga ko.
Nangangatal kong hinawakan ang mga kamay ni Leiden at halos magmakaawa ako na may luha sa aking mga mata. "H-Huwag mo munang tatanggalin... huwag muna... Leiden..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro