Chapter 40
Chapter 40
A neighbor and a new curtain
I don't know what made us stay with them or accept their invitation. The infamous Troy Ferell and the whole gang in the same place does ring alarm bells. And I am not outdated about the news regarding them.
Hindi ko iilang beses na narinig na sadyang sinuka na talaga sila sa Enamel kaya sa Leviathan na sila nakatira, pero dahil marami pa rin silang koneksyon dito, hindi pa rin sila tumitigil sa paghahasik ng lagim.
They stood in unison together with White Arellano and Triton Montgomery. They let us sat in the middle of the couch. Nang makaupo na kami ay sina White at Triton ang kapwa tumabi sa amin ni Farrah na parehong naniningkit ang mga mata sa mga Ferell.
Sino pa nga ba ang magtutulungan kundi kaming magkaka-bayan lang. Mas mapagkakatiwalaan ko pa naman sina White at Triton kumpara rito sa mga Ferell na parang laging may masamang binabalak.
I might consider myself insane for accepting Troy's invitation having a clear idea about them. But my footsteps never faltered when the little voice I tried to hide for years, suddenly hummed his name.
Lalo na ng makita ko si Aldus na inosenteng ipinakikita ang mga ngiting minsan niyang iniharap sa akin.
How is he? Sa loob ba ng tatlong taon ay nagkakausap pa rin kayo? Did you stay with him, unlike me?
Kahit kay Farrah ay nagtataka na rin ako. She's never been open about her relationship. Pero ang magkaroon siya ng koneksyon sa isang Ferell na hindi niya naman nababanggit?
There's someone else behind Owen Ferell. At alam kong sa mga oras na ito ay may iisa kaming gustong gawin ni Farrah, ang makarinig ng balita mula sa kanila.
Around this table is not all about cups of coffee but a battle of wits. These gentlemen against us with their idea of us being a pawn in their game.
I am not a licensed Psychometrician for nothing, and Farrah isn't a great leader for trickery.
Sabay namin kinuha ni Farrah ang mga tasa namin at tipid kaming humigop ng kape. Triton and White both looked worried, probably thinking about hopeless lambs being lured by cunning lions.
"It's been a while, Ashanti. How are you? I like the hair..." panimula ni Aldus.
"Thank you..." isang kang malaking plastic Aldus Ferell.
"So...?" pagpapatuloy niya.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "I am fine. Ano nga pala ang ginagawa n'yo rito? Parang ang layo ng coffee shop na 'to sa Leviathan." I faked my laughter.
"Nah, nothing much. Just a short talk." Sagot ni Owen.
"Huh? It's rare. Bakit hindi sa mga bar?" sabat ni Farrah.
Sumipol si Owen. "We're allergic to those places. Minsan lang kami nagagawi roon."
Nanatiling tahimik sina Triton at White na kapwa nakikinig lang sa aming usapan, pansin ko na kapwa rin sila balisa na parang nasa ibang lugar din ang kanilang mga isip.
Biglang tumikhim si Troy para kuhanin ang atensyon naming lahat. "So... are you invited too?"
Nagkatinginan kami ni Farrah bago kami sabay na tumango. Troy Ferell prodded his lips and his fingers drummed the table. He's thinking...
Sina Owen at Aldus ay kapwa lumapit kay Troy at bumulong sa kanya, ilang beses siyang tumango bago siya ngumiti sa amin.
"May mga partners na ba kayo?"
My brows arch. It's starting. All I need to know is to analyze the situation by their behavior, words, and actions.
Madali lang mabasa ang posisyon ng mga Ferell at ng dalawang katabi namin ni Farrah. Troy Ferell is their leader, and they're here to help these two. Though I don't have any idea how Triton was involved, I am pretty sure about White Arellano. The party is all about Autumn Olbes, after all.
These idiots are up to something. At kailangan nila ng babaeng mga kasabwat na hindi nila nalalamang ginagamit sila. Too bad, these idiot Troy Ferell picked the wrong girls.
"Never heard about the partner." Sagot ni Farrah.
"Ako rin. Besides, I am not sure kung makakapunta ako."
"Really? How about Tanya and August? Kilala n'yo ba ang dalawang iyon? Hindi pa naman gusto ng dalawang iyon na tinatanggihan. Tanya's my ex, by the way." Sabi ni Troy.
"Come on, Troy! She's not your ex." Iritadong sabi ni Owen.
"She'll kill you if she heard it." Dagdag ni Triton.
Sumulyap si White Arellano sa relo niya. "It's getting late, Nero. Baka hanapin na sila sa kanila."
"We're not yet starting, Arellano." Saway ni Troy.
Ibinaba ni Farrah ang kanyang tasa. "I believed that you invited us for a reason, right?"
"No. This is really a coincidence. But we're actually looking for two Enamel girls."
"For?" tanong ko.
"We need accomplices. We've rarely received an invitation from those girls. You see... hindi naging maganda ang break-up namin ni Tanya..." sunud-sunod ang mura ng mga Ferell sa sinabi ni Troy.
"I'm a suspicious man, you see? Until someone leaked information about the party. Tanya and August are going to trap us in a game. Are you aware of those girls' tricks? In their every party, there's always a game. It's either humiliation or money... once that you'd lose."
Hindi ko masisisi ang dalawang iyon. Hindi na rin labas sa kaalaman ko na naging kapitbahay ni Tanya ang mga Ferell at ilang beses siyang naperwisyo sa mga ito.
"A gamble?" tanong ni Farrah.
Iba talaga ang mayayaman. Bukod sa malaking gastos sa isang malaking welcome party, they are willing to risk money and humiliation for just a night.
"The game is all about?"
"It's a maze hide and seek." Sagot ni Aldus.
"Why are going to attend if you already have the idea about Tanya's trap?" tanong ni Farrah.
"We'll run? No way, miss." Sabi ni Troy.
"Then play fair. There's probably a game mechanics and you will win the game if you have the skills." Katwiran ko.
"We don't play fair, girls." Sagot ni Nero.
Hindi kami nagulat ni Farrah ng marinig iyon sa kanila. Wala ang usapang ito kung marunong maglaro ng malinis ang mga Ferell.
"How sure are you that Farrah and I are willing to cooperate?"
"Don't pressure the girls, Ferells. Kung hindi nila gusto, pauwiin na natin. I am really sorry about this." Naiiling na sabi ni Triton.
"I'll give you an offer that you wouldn't reject. That's it, girls." Muling lumipad ang paningin namin ni Farrah kay Troy Ferell.
"What offer?"
"I heard about your businesses, girls. I could refer you to some of my grandfather's clients..."
Kapwa kami natigilan ni Farrah sa sinabi ni Troy Ferell. My mother's La Rosa Blooms will have its continuous development when we got more clients, even Farrah's sister's business will have a good advantage because of Troy Ferell's offer.
Troy Ferell, the devil and his infamous million-dollar earring. Kumikinang daw iyon kapag nasa kanya na ang alas. At kasalukuyan na iyong kumikinang sa mga mata ko ngayon.
Hayop. He got us.
"Don't worry. They will never know that you helped us."
"And your needed help is?" tanong ni Farrah.
"You'll just join the game. Kung hindi ako nagkakamali, apat pares lang ang matitira. They planned to pair us with..." Troy Ferell rolled his eyes.
"Gays..." sabay na sagot nina White at Triton.
Umasim ang mukha ng mga Ferell.
"So may nakuha na kayong dalawa pa?" tanong ko.
"Yes. Kaya mabuting nakasalubong na namin kayo. It's easy to explain, dahil malapit naman kayo sa dalawa kong pinsan." Sabay tumango sina Aldus at Owen.
Naghintay pa ako ng ilang detalye na sasabihin ni Troy Ferell, pero sinabi niyang hanggang doon na lamang iyon.
"See you, girls..."
Tumango kami ni Farrah sa kanila at kapwa kami ngumisi sa paglabas namin ng coffee shop.
"Sinong niloko nila? Hind nila ako makikitang sasali roon. Mga gago."
"Nakakasilaw talaga iyong hikaw niya, pero kuntento na ako na nagagawa ni Mama na umunlad na walang tulong ng ibang tao. Let's tell Tanya and August about their plans."
Nagtawanan lamang kami ni Farrah hanggang sa magkahiwalay na kami.
***
"Ate Ashanti, kakain na raw!" sigaw sa akin ni Alissa habang marahas na kinakalampag ang pintuan.
"Give five minutes! Kakatapos ko lang maligo!"
"Alright! Bilisan mo, Ate. Gutom na kami."
Sa pagmamadali ko ay hindi agad ako nagbihis at hinayaan ang sarili kong nakatapis. Kinuha ko na ang blower at agad itinapat doon ang kulot kong buhok.
Dahil malapit sa maliit kong lamesa ang saksakan ay roon na ako nagblower. Nakaharap ako sa repleksyon ko sa bintana habang ginagawa iyon. Habang abala ako sa pagblower ng buhok ko, pansin ko na paru-paro roon sa may kurtina.
Napangiti ako. Sabi nila kapag daw may malaking paru-paro sa bahay ay mga namatay raw iyong kamag-anak na dumadalaw.
"Papa..."
Wala ako sa sarili akong napatayo at hindi ko na napansin ang pagsabit ng tuwalya sa upuan dahilan kung bakit natanggal iyon sa pag-abot ko sa paru-paro.
"Oh my goodness!" natatawang sabi ko ng mahubaran ako.
Lumipad na iyong paru-paro habang nakataas ang kanang braso ko. Huli na bago ko maalalang nakahawi pala ang bintana at may kapitbahay na kami!
What the hell!
Hindi tuwalya kundi kurtina ang agad kong hinawakan at hinila ko iyon para matakpan ang bintana ko.
Ilang beses kong minumura ang sarili ko habang binabalot muli ang sarili ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nangangatal ang kamay ko sa paghawak muli sa kurtina.
Dahan-dahan kong hinawi iyon at sumilip para makita kung bukas ang ilaw ng bintana ng kapitbahay namin, napahinga ako nang maluwag ng makitang patay iyon.
Si Alissa rin ang nagsabi sa akin na kagabi lang ay lumipat na raw ang foreigner na mag-asawa. Basta tsismis ay malakas ang sagap ng kapatid ko, lalo na at close sila ng security guard ng subdivision na ito.
Matapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako. Nakailang irap sa akin sina ate dahil sa tagal ko.
"Nakita n'yo na ba ang kapitbahay natin?" tanong ni Mama.
"Gabi na rin silang lumipat. Iyong security guard lang siguro ang nakakita sa kanila."
"Sino ang walang pasok sa inyo bukas?"
Nagkatinginan kaming magkakapatid. Kilala nila kung sino ang libre bukas at ako iyon. Mukhang ako pa yata ang mauutusan ni Mama.
"Si Ashanti..."
"Si Ashanti na lang ang magdadala ng pagkain sa kanila. Dapat ay maging mabait tayo sa magiging kapitbahay natin, para maganda rin ang pakisama sa atin." Tumango kami sa sinabi ni Mama.
Wala namang kaso sa akin iyon.
"Pero paano kung masama ang ugali?" tanong ni Alissa.
"Bigyan natin ng perwisyo..." bulong ko na narinig nilang lahat.
"Ashanti!"
"I am just kidding. Don't worry. Sanay ako sa pakikipag-usap sa mga tao." Sa tuwing sinasabi ko iyon, alam ng mga kapatid ko at ni Mama na seryoso ako.
I was born to live in a beautiful world. A world built with different colors of the human mind.
The next morning came, and I thought it was a normal day.
Sa tuwing matatapos akong mag-jogging ay nagdidilig muna ako ng mga halaman sa maliit naming garden sa harap ng bahay. Para isang basa na, basa na ng pawis at tubig, para liligo na lamang ako.
I was happily watering our flowers in front of our little garden when a car suddenly stopped.
Hindi ko naman sana paapansinin iyon, pero tumigil mismo iyon sa likuran ko. To be specific, in front of our house. Wala sa sarili akong lumingon habang hawak ang hose na may sumisirit na tubig.
Mukhang makikita ko na ang bago naming kapitbahay.
Sa halip na sa kanang pintuan ang nabuksan ay sa kaliwa iyon nabuksan dahilan kung bakit mas makikita ko ng malapitan ang bababa.
At halos matulala ako sa ganda ng babaeng bigla na lang lumabas sa magarang kotse mula sa likuran.
Mexicana... tunay na mexicana.
Wala sa sarili akong napahawak sa peke kong kulot na buhok.
She sweetly smiled at me. "Hi... bagong lipat dito..." hindi niya natapos iyong sasabihin niya nang may pamilyar na boses na nagsalita sa likuran ng babae.
"Honey... you don't need to formally introduce---" muntik ko nang itapat ang hose sa intsik na dumungaw mula sa likuran din ng kotse.
Mga foreigner nga...
"K-Keaton..."
"Miss La Rosa..." nagtungo sa hawak kong hose ang mga mata niya.
Hindi ko na nagawang makapagsalita at hindi ko na rin naintindihan ang mga salitang sinabi ni Keaton sa babae, dahil bigla na lang iyon bumalik sa loob ng kotse at tumango sa akin bilang pagpapaalam.
Bumukas ang gate nila at pumasok na ang sasakyan.
Bago pa ako lubos na mapahiya sa sarili ko ay nagmadali na akong pumasok ng bahay.
Wala na ako nagawa buong maghapon at hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Kasal na si Keaton? Sila iyong sinasabi ni Alissa na mga foreigner na sabi ng security guard?
Hindi ko sinabi sa mga kapatid ko o kay Mama kung sino ang nakita ko. Balak ko na sana na hindi kumain ng hapunan nang kalampagin ako ni Alissa.
Sinabi niya na naroon daw iyong legit na Mexicana, friendly raw at may dalang pagkain para sa amin. Inunahan pa kami.
Nakikipagtawanan iyong legit na Mexicana kina Mama at Ate nang dumating ako sa kusina. Ang dami niyang dalang pagkain, pero hindi man lang ako nagutom tingnan iyon.
"I actually asked him... kung ano pa ang ibibigay. Akala ko ay hindi na siya magsasalita. I am really sorry, hindi naman masama ang ugali niya. Sobrang tahimik lang... at hindi mahilig makihalubilo..." kilala na ba nila Ate kung sino ang tinutukoy ng legit na Mexicana na 'to na magaling magtagalog?
"Shanti, anak! Si Catherine, kapitbahay natin." Ngumiti siya sa akin.
Kinuha niya ang paperbag na nasa tabi niya niya ipinatong niya iyon sa ibabaw ng lamesa.
Hindi ko na sana iyon papansinin nang buklatin iyon ni Mama na nakapagpatulala sa akin.
"Ang gagandang kurtina naman nito!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro