Chapter 4
Chapter 4
Palay
I heaved a deep sigh while looking at myself in front of the mirror. I opened my small jewelry box, and picked my blue ponytail.
"You can do it, Asanti." I told to myself as my hands started to bun my hair.
The most awaited day of my social community life has arrived. I shouldn't let my months of preparation get wasted for nothing, my family might be against this but that didn't stop me from fighting.
Sino pa ang magsisimula ng pagbabago kundi kaming mga kabataan na may mata sa kinabukasan ng bayan? This might sound a political campaign or something that I used to hear from cringy advertisements, but my intention was sincere.
Gambling is illegal. And it should be stopped.
Isa pa, hindi ko yata kayang sikmurain na nabubuhay kami ng pamilya ko sa katas ng negosyong sugal ang namamayani.
My father's job was good before, he could provide us our needs, and I was already satisfied. Iyon naman kasi ang mahalaga, ang mabili ang lahat ng pangangailangan. We could survive with that. But now's different, even if we had the luxury of claiming our wants because of his new job (Samonte's Cockpit Business) was that something we could be proud of?
"Ashanti, anong work ng Dad mo?"
"Oh, he's a manager."
"Finance Manager? Sales and Marketing Manager? Operation's Manager?"
"Ah... eh... Cockpit Manager..."
Nasabunutan ko ang sarili ko nang pumasok sa isip ko ang posibleng mga tanong na makakasalubong ko. Until now I couldn't accept that my father just tossed his good position as an Operation Manager to be a Samonte's pet.
Hindi ko alam kung ano ang mismong trabaho ng Papa sa sabungang iyon, pero ang sabungan ay sabungan, kailanman ay hindi gaganda ang imahe nito sa akin.
Dahil sa mundo ng sugal, mas lamang ang talo sa panalo. Their business is evil, and it should be stopped.
Itinuloy ko ang pagtatali ko ng buhok, and when I was already satisfied, I glanced at myself for the final check and left my room confidently.
My family was against with this program, and I was really surprised (super). I rolled my eyes when my sisters smirked at me in unison. I swung the door open, and I was greeted by a well... handsome face... nito ko lang napansin.
"Arellano..."
Sumipol siya nang pasadahan niya ng titig ang aking kabuuan. "I thought you're going to wear a battle armor or something..."
I was wearing a simple black pants and white shirt with a print, be happy. While he's wearing a white polo shirt and a khaki pants, pinapaikot-ikot niya sa kanyang daliri ang susi ng kanyang kotse.
He told me that he'd drive me in front of Samonte's evil site, pero hindi na raw siya lalabas, maghihintay na lang daw siya sa kotse hanggang sa matapos ang pangwewelga namin. He's just a driver.
What happened after his confession? Nothing.
I thought everything would turn awkward, pero si Leiden ang tipo ng tao na magaling magdala ng sitwasyon o tamang sabihin na magbasa ng emosyon ng ibang tao. He acted as if nothing had happened, still the annoying Arellano with his signature grin.
Gusto ko rin naman magtanong pa sa kanya, but I brushed the thought of the snowman, the winter, the snow... the Christmas. I was looking forward to crash the Samonte brothers into pieces.
"I don't need an armor, I am already clad with sensible words." He prodded his lips.
"Hmm..."
"Let's go."
Nilampasan ko si Leiden na agad sumabay sa akin sa paglalakad.
"You know, one of my cousins was Langstons—" hindi ko pinatapos si Leiden at tumitig ako sa kanya.
"I know. Even Autumn Olbes."
Leiden laughed. "He's crazy."
Nagpunta muna kami sa lugar kung saan matitipon ang mga kagaya kong perwisyo ang tingin sa sabungan ng mga Samonte. I got almost thirty members, na may iba't-ibang hinaing.
I couldn't help but to be overwhelmed, their efforts, visions and beliefs... iisa talaga ang ipinaglalaban namin at higit naming naiintindihan ang bawat isa. Kung ganito na karami ang mga kabataan na gustong tumulong sa akin sa loob ng Enamel, ano pang klaseng tulong ang matatanggap ko kung sa mga karatig-probinsiya ako nanghikayat?
The banners were ready, the megaphones, the flags and other materials that would visualize our cause.
"Seems like they're all energetic." Leiden said as his eyes traveled around the ladies packing up our things.
I bit my lower lip. I couldn't suppressed my happiness, kasi nakikita ko sa mga mata nila, sa bawat patak ng pawis, sa kanilang magulong buhok, sa mga kamay nilang may mga pintura ang determinasyon.
Hindi lang ako... marami kaming kabataan...
"I am so happy, Leiden..." I wiped my tears.
When I glanced at him, he quickly moved his gazed away from me. Pero alam kong nakita niyang napaiyak ako.
"You are so pure..."
"But someone says that everything I'd prepared was part of my revenge, what again? Pure?"
He shrugged his shoulders. "Partly pure, I guess?"
Kinuha ko ang isang malaking flag na may malaking stick na hawakan, bago kami tuluyang umalis sa hide out, nagmadali akong tumuntong sa isang maliit na lamesa at itinaas ang watawat ng aming samahan.
"Ano ang dapat iparasa?!"
Isa-isang nakuha ang atensyon ng mga kabataang kasamahan ko, kinuha rin nila ang kanilang mga ginawang mga karton, watawat at mga banner.
"Sabungan! Sabungan! Sabungan ng mga Samonte!"
Para akong mas nabuhayan habang naririnig na hindi lang ako ang taong gustong pabagsakin ang mga Samonte, napakarami namin at alam kong may magagawa kami.
Ilang beses pa akong nagsisigaw bago ko ipasya na magsimula na kaming bumiyahe patungo sa sabungan ng mga Samonte. Siniguro kong sarado ang sabungan para walang ibang tao ang aabala sa amin, sa sandaling pumutok na ang balitang may nagwewelga, ang dalawang Samonte mismo ang sasalubong sa amin.
Kahit mainit ang panahon, walang makakapigil sa amin. Ilang sasakyan ang nakaparada ngayon sa harap ng sabungan ng mga Samonte, nagbabaan na kami na puro mga kababaihan.
"Ashanti, I'll wait you here. Good luck. Buti walang sabungan ang pamilya namin." He chuckled.
I smiled. "Thank you, Leiden."
"Anytime." He winked at me.
Gumawa na kami ng posisyon at inihanda ko na ang malaking megaphone, bilang lider kailangan ay buo ang loob ko. Hindi masasayang sa wala ang araw na ito at wala nang haligi ng tahanan ang mabibiktima ng ganitong uri ng bisyo.
We're here to fight for righteousness!
I stood proudly on a high rock, positioned my megaphone in front of my mouth and fiercely stared at the entrance of Samonte's devilish site.
"Ano ang dapat ipasara!?" I shouted at the top of my lungs.
My colleagues answered in unison with the same intense as mine. "Sabungan! Sabungan ng mga Samonte!"
"Sino ang nagbibigay ng bisyo sa ating mga ama!?"
"Samonte! Samonte! Samonte!"
"Ano ang nawawasak dahil sa bisyo?!" habang tumatagal ay mas lumalakas ang boses ko dahil sa matinding galit.
"Pamilya! Pamilya! Pamilya!"
"Sinong ang nagwawasak ng ating pamilya?!"
"Samonte! Samonte! Samonte!"
"Sino ang nagbibigay ng bisyo sa ating ama?! Sino ang naninira ng pamilya?! Sino ang humihila sa ating pamilya pababa! Sino ang mga abusado!?"
"Samonte! Samonte! Ang mga walang hiyang Samonte!"
Hindi ko maiwasang humanga sa mga kasamahan ko dahil hindi man lang sila magpakita ng pagod sa kalahating oras naming pagsigaw, alam kong sa mga oras na ito ay nakarating na sa mga Samonte ang nangyayari sa harapan ng sabungan nila at anumang oras ay darating na sila.
Walang nagpatinag sa amin hanggang mag-isang oras na kami at wala pa rin bakas ng Samonte ang nagpapakita sa harapan namin.
We continued to shout and curse the Samontes' kahit abutin kami ng gabi rito ay hindi kami mapapagod na iparating sa kanila ang perwisyong dala ng negosyo nila sa napakaraming pamilya sa Enamel.
"Dapat ay hindi na hinahayaang---" natigil ang isisigaw ko nang may dalawang malaking kabayo ang siyang umagaw sa atensyon ng lahat.
Two powerful stallions were gracefully running towards our commotion with a great speed, at habang mas lumalapit ang mga iyon sa amin mas naaninag ko ang nakasakay roon.
The Samonte brothers wearing their equestrian uniform. I heard gasps from the crowd, katulad namin ay kapwa pawisan din ang magkapatid na Samonte na mukhang nang sandaling malaman na may nagwewelga sa sabungan nila ay nakalimutan nang sumakay ng kotse.
Langston's uniform was slightly crumpled, tanggal na rin ang ilang butones at hindi na niya suot ang itim niyang sombrero. While his brother, Keaton, even with sweat all over his face, he's still riding the horse in his regal way. Walang gusot na uniporme, tanggal na butones at magulong buhok.
Ipinilig ko ang ulo ko habang pinagmamasdan ang magkapatid. Hindi ito ang oras para humanga sa magkapatid na naka-uniporme pa ng sobrang kapal, ang init na nga ng panahon.
Sabay iginala ng magkapatid ang kanilang mga mata sa lahat ng kababaihan na ngayon ay parang natigilan sa presensiya nilang dalawa. Muntik na akong madulas sa batong tinutuntungan ko nang tumama sa akin ang mata ni Keaton Samonte.
Mas lalong kumunot ang noo niya sa akin.
"I will call the police." He said calmly. Wow.
My grip tightened around the wooden stick. "Ano ang dapat ipasara!?"
Nabuhayan ang mga kasamahan ko sa aking pagsigaw, dahilan kung bakit mas itinaas nila ang kanilang mga dalang watawat, banner at karton na may mga nakasulat.
"Samonte! Samonte! Samonte!"
"Ano ang dapat ipasara?!"
"Samonte! Samonte! Samonte!"
Langston smiled awkwardly while still browsing my fiercely ladies, baka naghahanap na naman siya ng pakakasalan.
Subukan niyang mag-alok ng kasal sa mga babaeng kasama ko, siguradong itutusok sa kanya ng mga iyon ang mga stick ng kanilang mga watawat.
"Do you know business?" tanong ni Keaton sa amin.
Ang lakas ng loob niyang bumaba sa kanyang kabayo. He's still wearing his black gloves while looking at us as if we're so idiot for him. He crossed his arms in front of us, and his fingers were flinching. He's irritated.
"Do you know gambling?" sagot ko sa kanya.
Sasagot pa sana ako nang manlaki ang mata ko sa isang babaeng biglang sumigaw na punong-puno ng galit.
"Mapang-abuso!"
But what made me caught off guard was her next action. Huli na bago ako nakasigaw at pigilan siya. Nabato na niya si Keaton Samonte, humiling ako na sana ay hindi siya tamaan dahil wala sa plano ko ang manakit ng tao. But everything went so fast...
Akala ko ay nagawang makailag ni Samonte, pero nagawa siyang madaplisan sa gilid ng noo niya. He didn't fall down or something, pero nakita kong hawak na niya ang noo niya na nagdurugo.
"K-kuya!"
Langston ran towards his brother. Natulala na ako sa nangyayari lalo na nang may sirenang umalingawngaw, inakala kong mga pulis iyon pero isang truck ng bombero.
Huli na bago ako nakakilos, binomba kaming lahat ng malakas na tubig. Some of the girls didn't want to retreat, pero ako na ang nagsabi na tumakbo na sila dahil anumang oras ay may darating ng mga pulis.
This wasn't part of the plan, walang sakitan... walang ganito...
"Ashanti, let's go..." akma na akong hihilahin ng mga kasamahan ko nang itaas ni Keaton Samonte ang kanyang kamay, natigil sa pagbomba ng tubig ang mga bombero.
"Ashanti!"
Naalarma ang mga kasamahan ko at mabilis silang tumakbo sa likuran ko para ilayo sa papalapit na Samonte sa akin, pero napako na ang mga paa ko sa lupa at sa malamig na mga mata ni Keaton Samonte.
I heard a gasp from Langston, ngayon niya lang ako napansin.
Alerto rin ang mga bombero na nakaagapay sa kanilang amo. As a leader, I shouldn't let them witness how scared I was. Shit.
Ilang beses na akong tinitigan ng mapanghusgang mata ni Keaton Samonte, he looked at me before as a gold digger cockroach, a foolish girl, an idiot, a low class and any other insults, na hindi ko akalain na matatanggap ko.
Hindi niya na kailangang isalita pa ang mga iyon dahil nagsisigaw na ang mga salitang iyon sa kanyang mga mata sa tuwing nagku-krus ang aming mga landas.
But today, his eyes were intense...not to degrade me but to pulverize me. He's too angry.... Na parang may lumalabas nang umuusok na yelo sa kanyang mga mata.
Tumigil siya sa harapan ko, namulsa at hindi alintana ang nagdurugo niyang noo.
"So... you're the leader..."
I gulped. "I am."
"La Rosa."
"S-samonte."
"Kuya..." tawag ni Langston sa kanya.
Hinawakan na rin ng mga kasamahan ko ang aking braso. I was afraid, yes. Pero hindi ako aatras, sinimulan ko na ito.
"Mayaman ka na, gumawa ka ng negosyo na hindi nakakaagrabyado ng tao."
His lips curved. "Did I force them? Sapilitan ba ang pagpunta ng mga ama n'yo sa sabungan ko?"
He asked proudly. Walang nakasagot sa amin, pero hindi niya ba inisip na kung walang sabungan, walang matutukso?
Isa siyang malaking tukso.
"How about your dad?"
Umawang ang bibig ko. My father wasn't forced, and he accepted wholeheartedly that insolent job.
Keaton Samonte's right fingers were drumming on his left arm as he waited for my answer.
I started to panic, I need to answer him. Hindi ako pwedeng mawalan ng salita sa harapan ng mga kasamahan ko at lalo na sa mala-yelo niyang mukha.
Unang pumasok sa isip ko ang salitang manok. After all it was the reason why we're all here.
"P-palay..." pilit kong inalala ang nabasa kong kasabihan hanggang sa maalala ko na.
Pansin ko ang pagkunot ng noo ni Samonte nang sabihin ko ang salitang palay.
"P-palay na ang lumalapit sa manok! Bakit hindi pa tutukain?! Of course, your business tempted our fathers!"
Napuno ng katahimikan ang buong kapaligiran, umawang ang bibig ng tatlong bumbero sa likuran, nakagat ni Langston ang pang-ibaba niyang labi at narinig ko ang ilang tikhim ng mga kasamahan kong babae.
"Ah... eh, Ashanti..." I heard someone from the back.
Tapos noo kong hinarap si Keaton, totoo naman ang sinabi ko. I expected him to retort quickly, but what he did really confused me.
With his teeth, he lazily removed the gloves in both of his hands while stepping closer to me. His eyes traveled first behind me, and I felt the hands on arms started to disappear.
I froze. I couldn't move until the tip of his forefinger tilted my head to meet his icy gaze.
"That is a different—" his eyes wavered for a second. "Are you even aware of that—" nanlalaki ang mga mata ko sa kanya.
He touched me with his bare hands, hindi pa ba ako nagiging yelo? Buhay pa ba ako?
I thought the tip of his forefinger would last for another minute, pero para siyang natauhan at inilayo niya ito sa akin. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang likuran at ilang beses kong nakita ang paggala ng kanyang mga mata sa kabuuan ko.
This was when I noticed that my white shirt was soaking wet, and my blue bra was damn visible. He turned around, and his disciples made the same turn when they saw his icy face.
My fist balled. I was about to turn my back to join my colleagues when I heard his final words.
"Palay nga..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro