Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Chapter 39

The Planners

After three years...

Akala ko noon ay lagi ko nang maiisip ang lahat ng nagpagdaan ko kasama siya at ang mga kasagutang pilit kong gustong sagutin noon, pero nang sandaling mas binigyan ko ng atensyon ang pamilya ko at ang mga pangarap ko, iyong sakit, pangamba at takot ay unti-unti nang natatabunan.

Napalitan ng bago at masasayang memorya siyang naging dahilan para higit akong mabuo at magpatuloy sa buhay.

My relationship with my sisters went well. I never wished for their relationship break-ups, pero ilang buwan din matapos namin ipangako sa aming mga sarili na gusto naming gibain ang imahe ng mga babaeng La Rosa buong Enamel, nabalitaan ko na lamang na wala na silang mga kalamay na boyfriend.

I never voiced out that I was glad, pero kilala nila ako, kahit hindi ko man iyon sabihin sa kanila, mas masaya ako na katulad ko ay mas binibigyan na nila ng pansin ang kanilang mga pangarap na walang pagtapak sa hagdanan ng iba.

La Rosa women can build their own stairs to climb up. Kung hindi man ganoon ang tingin ng nakararami sa mga naunang La Rosa, kaming apat na magkakapatid ang unang magmumulat sa kanila na iba kami sa kanilang pinaniniwalaan.

It's been months when we had our new house. Hindi naman iyon kalakihan kaya nagawa namin iyon mabili magkakapatid, lalo na't magaganda na rin ang trabaho naming tatlo at si Alissa na ilang taon ay matatapos na rin sa pag-aaral, hindi na rin naman namin problema ang tuition dahil sa scholar siya.

Si Mama naman ay hindi rin tumigil sa pagtatrabaho kahit pinapatigil na namin siya.

My mom's flower shop, La Rosa Blooms is now famous in Enamel. Hindi iilang beses na napapahanga kaming magkakapatid sa malalaking kliyente niya na nagagawa pang dumayo sa Enamel para lang sa flower arrangement ni Mama.

Right now, I could finally say that my family is completely healed and continually moving forward. Isang bagay na siyang ipinagmamalaki ko sa nakalipas na tatlong taon.

Matapos ang nangyaring pag-uusap namin ni Aldus Ferell noon at ang ginawa kong pag-iyak sa harap ni Farrah at ang pangangako namin magkakapatid sa isa't isa, little by little, my hands were picking up my pieces.

Mga pirasong hindi lang para sa akin kundi sa buong pamilya ko.

I am completely happy and satisfied.

Marami rin nangyari sa loob ng tatlong taon, akala ko ay mararamdaman ko ang presensiya ni Aldus dahil sa ginawa niyang pagbabanta sa akin pero iyon na ang huli naming pagkikita, narinig ko rin ang balita tungkol sap ag-alis ni Leiden at pagpapatuloy ng pag-aaral sa ibang bansa, samantalang nanatili rito sa Pilipinas si Langston. Ilang beses ko siyang nakakasalubong noon sa campus pero hindi man niya lang ako kinakausap o tinitingnan man lang na parang wala kaming pinagsamahan. Hindi ko naman iyon pinaka-isip dahil mas gusto ko pang ganoon ang pakikitungo niya sa akin.

"Ashanti, magmerienda ka muna!" sigaw sa akin ni Ate Aliyah na lumabas sa terrace na may dalang juice at tinapay.

Ibinaba ko muna iyong timba at ang hose bago ako nagmadaling pumunta sa kanya.

She placed the tray of foods on the table before she threw a towel on me.

"Bakit hindi na lang kasi ipa-car wash? Nagpapakahirap ka pa na linisin iyan. Sobrang tipid, Doc?" Ate Ariana rolled her eyes.

Natawa ako sa sinabi niya. "In the making... pinapalaki mo naman ang ulo ko. At ang tagal pa ng proseso."

I am currently taking my master's degree, Major in Clinical Psychology, and happily enjoying it.

Sabay na sila ngayong umirap sa akin. "Ang arte! Sinasanay na rin namin ang sarili namin. We have a soon to be a doctor sister! At tsaka, hindi ba at iyon na rin naman ang tawag sa 'yo ng mga pasyente sa clinic n'yo?"

"I am just an assistant." Pero totoong madalas ay iyon na rin ang tawag sa akin ng mga pasyente na siyang nakakataba ng puso.

Tumabi na ako sa kanila at sinimulan ko na rin magmerienda. Sabay silang tumanaw roon sa second hand ko na kotse na lilinisin ko.

"Hindi ka pa ba nakatipid, Ashanti? Sabi ko brand new car na lang ang bilhin mo. Mahuhulugan mo naman iyon, bakit pinili mo pa rin ang second hand na iyan?"

"Hindi naman ako maluho, mga ate. At tsaka, ang mahalaga ay masasakyan ko."

Ngumuso lang sila sa akin. Nanatili kaming tahimik tatlo bago kami nagsunud-sunod sa pagbuntong-hininga.

"Ang layo na ng narating natin..." mahinang sabi ni Ate Aliyah.

"Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon..." dagdag ni Ate Ariana.

I smiled while watching the good view of the outside. Dati ay nasa sikip na lugar lang kami, ngayon ay nagagawa na rin naman umupo sa terrace at mag-usap ng walang problema.

"Sabi ko sa inyo... kakayanin natin..."

Si Ate Aliyah ay kasalukuyan nang nagtatrabaho sa isang kilalang airlines at ngayon lang siya nagkaroon ng bakasyon, habang si Ate Ariana naman ay nagsisimula ng umusbong ang pangalan sa showbiz na nagsimula sa maliit na pagmo-modelo.

"It's because of you. Ginising mo kami." Sabay nilang isinandal sa balikat ko ang mga ulo nila.

I just smiled again. I patted their heads, breathe the air happily, and whispered my thoughts to my father. "I hope you're happy up there, Papa."

"By the way, may bumili na rin daw sa katabi nating bahay. Ibig sabihin niyan, may magiging kapitbahay na tayo." Balita ni Ate Aliyah.

"Oh? Isang pamilya raw?" tanong ni Ate Ariana.

"No. Bagong kasal daw, mga foreigner. Iyon ang narinig kong sabi ng security guard."

Napatingin ako sa katapat naming bahay. Mas malaki iyon sa bahay namin pero hindi rin naman kalakihan kumpara sa iba pang bahay rito.

"Sana mababait naman ang magiging kapitbahay natin. Hirap din kapag masasama ang ugali."

Tumango sila sa akin. Natapos akong magmerienda at hinayaan na nila akong maglinis ng kotse.

It is a red Honda Civic fd 2006.

Inilagay ko muna iyong panali ng buhok ko sa labi ko bago ko pilit na ipinusod ang buhok ko na maikli na naman at kulot. Hindi ko sana iyon gagawing kulot pero nagpumilit talaga ang mga kapatid ko.

Nang mapagsalikop ko na ang buhok ko ay dali-dali kong kinuha ang panali ko at itinali na iyon. Umikot ang mga mata ko nang may ilang hibla na bumagsak sa mukha ko.

I annoyingly blew it upward, pero ilang beses ko iyon ginawa pero bumabalik pa rin ang kulot na buhok sa mukha ko. Kaya binasa ko na lamang ang parteng iyon ng buhok ko para dumikit siya sa nakapusod kong buhok.

"Ako pa rin ang nanalo!"

Kinuha ko na iyong hose at sinimulan ko ng basain ang kotse ko. Nakahanda na rin naman ang sabon at basahan na siyang gagamitin ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglilinis nang makita ko na sa malayo si Alissa. Siya lang at ang boyfriend niya ang nanatiling matatag.

"Hi, ate!"

"Hey..."

Ngumiti sa akin ang boyfriend niya na si Jan Carlo. Tumango naman ako sa kanya.

"Carlo, una ka na sa loob. May sasabihin lang ako kay Ate." Nahihiyang sumulyap sa akin iyong kalamay na boyfriend na parang natatakot sa akin.

"Sige lang, Carlo. Una ka na. Importante yata ang sasabihin ni Alissa."

Hindi na siya nagsalita pa at nagpunta na sa loob ng bahay.

"Ano?"

"Ate, I got a news. May mga nagbabalik..."

Dumiin ang hawak ko sa hose. "Akala ko naman ay kung ano ang sasabihin mo. Sige na, pumasok ka na sa loob."

"Hindi mo ba gustong malaman, Ate?"

"Come on, Alissa. Wala naman akong inaabangan na uuwi. Hindi naman uuwi ang iba nating kamag-anak—"

"Kilala mo kung sino ang tinutukoy ko, Ate..."

"Alissa." Dumiin na ang pagtawag ko sa kanya.

"Ate, sinasabi ko lang para hindi ka na magulat. Uuwi na yata this week si Keaton Samonte, tapos iyon si Leiden Arellano? Nakasalubong ko kanina. Kinakamusta ka nga."

"Ikaw talaga, ang chismosa mo!"

"Naririnig ko nga lang, Ate. Alam mo naman na sikat na tao ang mga iyon sa Enamel at crush pa ng ilan sa mga classmate ko. Siguro nakatanggap ka rin ng invitation?"

My brows furrowed. "Invitation?"

"Uuwi na rin si Autumn Olbes. Iyong pinakasikat na babae sa St. Luciana noon?"

"Oh..."

Hindi na muli nagsalita si Alissa at nagpaalam na sa akin. Ilang minuto akong nablangko. Hindi ko alam ang dapat kong isipin o maramdaman sa oras na iyon. Ilang taon kong iniligaw ang sarili ko at inabala sa ibang bagay at hindi ko naisip na masyadong mabilis ang panahon at darating pa rin ang pagkakataong ito.

Gabi nan ang magyaya si Farrah sa akin na magkape. Katulad ko ay masaya na rin siya ngayon sa propesyon na kanyang tinatahak.

Hindi pa man ako nakakaupo ay may ibinigay na siya sa akin. "The President of the Youth Council gave it to me... pinabibigay niya sa 'yo. Sobrang daming invited, kilala mo naman si Autumn 'di---"

Hindi niya na nagawang ituloy ang sasabihin niya nang mukhang maalala niya ang kaunting koneksyon ko kay Autumn. She's Keaton's ex-girlfriend. At alam ni Farrah na nagkaroon kami ng relasyon ni Keaton.

Inamin man sa akin ni Keaton noon na hindi naging sila ni Autumn, sa mata ng mga taga Enamel ay naging sila.

"Si Olbes..." tumango ako.

"P-Pupunta ka ba?" she asked hesitantly.

"I am not really a party person. Alam mo naman iyon, Ashanti. Pero may kailangan akong puntahan doon, at hindi ko rin magawang tumanggi kina August at Antonia. Alam mo naman na sa bayan ng Enamel, hindi magandang maging kaaway ang dalawang iyon."

"Agree..."

It's Autumn welcome party, pero sina August at Antonia ang naghanda niyon. Hindi naman masama ang naging relasyon ko sa dalawa kaya nahihiya rin akong tumanggi.

"Siguro kahit magpakita na lang tayo saka tayo umalis agad? At least, nakita nila tayo. Hindi rin ako sanay sa mga ganoon..."

"Same plan."

Agad rin niyang binago ang usapan namin at nagtungo sa trabaho. Halos hindi na nga namin namalayan ang oras sa pagku-kwentuhan.

Hindi na sana kami maabalang dalawa nang may maiingay na pumasok sa coffee shop. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang mga iyon.

Sina White Arellano, ang apat na Ferell, Nero, Owen, Troy, Aldus at Trition. Ano ang ginagawa ng mga kamoteng 'to rito?

Pansin ko na maging si Farrah ay kunot na kunot din ang noo habang nakatitig kay Owen.

Lumampas sa amin iyong mga kamoteng taga Leviathan na may kasamang taga Enamel. Nakaakbay pa sina Nero at Owen kay White na halos hindi na maipinta ang mukha at ganoon din si Troy kay Triton na ilang beses umiiling.

Alam mo iyong hindi mo naman naririnig ang pinag-uusapan nila parang may binabalak na silang hindi maganda?

"Kami na nga sabi ni Triton ang bahala sa switch!" natatawang sabi ni Troy Ferell.

"W-We should go..." halos sabay na sabi namin ni Farrah na kapwa namin ikinagulat.

Bigla kaming nag-alangang tumayo ni Farrah ng piliin ng mga kamoteng hilaw na iyon umupo sa tabi ng pwesto namin.

Ano ba ang pinag-uusapan nila? Gagawa na rin ba ng hardware company iyong mga Ferell ay may switch na sinasabi itong si Troy?

Pareho kaming halos tumalikod na ni Farrah para hindi mapansin ng mga iyon. Nasa akto na sana kaming tatayo nang nakarinig kami ng sipol.

Napamura na ako sa aking isipan.

"Hi, ladies!"

"Troy!" sabay siyang sinita nina White at Triton.

"Stop pestering them."

"Pamilyar..." sina Aldus at Owen naman ang nagsabay.

Tumango na kami ni Farrah sa isa't isa, kapwa na kami tumayo at handa ng iwan iyong mga kamoteng hilaw nang sabay muli nagsalita sina Aldus at Owen.

"Ashanti!"

"Farrah!"

Umasim ang mga mukha namin bago kami ngumiti ng pilit habang dahan-dahang humarap sa mga lalaking nararamdaman kong may dalang hindi maganda.

"Such a coincidence, Aldus!"

"Such a coincidence, Owen!"

Salitang sabay nagpalingon sa amin ni Farrah sa isa't isa. Isa lamang ang ibig sabihin niyon, hindi lang ako ang napurga sa salitang iyon ng isang Ferell.

Sumipol ang dalawang natitirang Ferell na mukhang natutuwa sa nangyayari habang sina White at Triton ay kapwa nakakunot ang mga noo.

"Are you close with them?" tanong ni White Arellano sa akin.

"You too?" tanong ni Triton kay Farrah.

Sabay kaming umiling magkaibigan. Tumayo na si Troy mula sa upuan niya at lumapit siya sa amin.

"Maaga pa, ladies. Bakit hindi n'yo muna ako tulungang bawasan ang mga barya ko? Come pick something sweets, my treat."

Umulan ng mura mula sa lamesa. Hindi ko alam kung gaano kabilis kumilos si Troy dahil nasa gitna na namin siya ni Farrah habang nakahawak ang mga kamay niya sa pagkabilang siko namin.

"Allow me to include you in my game plan..." mahinang sabi niya.

"W-What?" sabi ko.

"Huh? I said it's a good plan that we're here. I'm already familiar with you both. I am a businessman, you see? I want to be your friend. You might need me in the near future, at kailanganin ko rin ang tulong n'yo."

"With your money? Ano pa kailangan mo?" Farrah kidded.

"It's not all about the money, ladies. Now pick..." nakatitig na siya sa mga cakes.

Sabay naming tinanggal ni Farrah ang kamay niya sa amin at itinuro namin ang dalawang pinakamahal.

"Good." Sinabi niya sa counter ang order namin at binayaran na iyon. "Keep the change."

Ang yabang!

Humarap siya sa amin at binigyan niya kaming dalawa ni Farrah ng kakaibang ngiti. Una ko iyong nakitang ginawa sa akin ni Aldus.

"Utang n'yo ito. Sisingilin ko rin..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro