Chapter 37
Hi, angels! It's been a while. I am really sorry for my supeeer late update! Huhu. Too busy these past few weeks. I'll try my to best to bring back my old pace. I'd like to thank all of you for the consistent support and love! And hey! We've reached 1 Million followers! Until now I couldn't still believe it! Sa tuwing napapatingin ako sa number ng followers natutulala pa rin ako!
I hope everyone is doing well. To all my readers in the Philippines, please take care of yourself (doble ingat po). To all my OFW readers, I hope the warmth of my stories make you feel happy. Ingat din po kayo!
You are my angels, and COVID-19 wouldn't stop us from seeing each other in 2023.
Happy reading! Yes! I am back! Haha
Chapter 37
His Secret
I didn't expect his presence, and I never wished for him to come. I pushed him away and wished that we never crossed paths, but why couldn't I stop myself from hurting when I heard the news about him?
He went away to the place where he could find his first love.
I shouldn't think about his decision. I should be happy thinking about my freedom. Magagawa ko na ang lahat ng gusto ko, hindi na ako mag-iisip parati sa bawat kilos ko at lalong hindi na ako kakabahan na anumang oras ay may sisigaw at magagalit sa akin.
Wala na akong matatanggap na pagbabanta at hindi ko na muling mararanasan pa ang nakakasakal niyang pagmamanipula sa akin.
The moment I opened my eyes after the accident, I've been trying to convince myself that I made the right decision. Tama iyong ginawa kong pagtaboy sa kanya, hindi na maganda ang sitwasyon ng relasyon namin.
It's not healthy for us anymore, but my tears knew how to betray me. Walang pasabi iyong bumuhos ng marinig ko ang balita na pumunta na siya sa ibang bansa.
Sa parehong bansa kung saan naroon si Autumn. His first love. Dapat ay pigilan ko ang sarili kong isipin ang naging desisyon niya. Dapat ay hindi na ako nag-iisip na ngayo'y kapwa sila malungkot ni Autumn, umalis ng bansa dahil sa parehong dahilan at naghahanap ng bagay na maaaring makapagpalimot sa kanila.
Si Autumn na gustong lumayo kay White Arellano at si Keaton na ipinagtabuyan ko.
Bumilis ang pagpindot ko sa remote at halos ibato ko na iyon nang wala akong mapili na channel.
Autumn and Keaton is a good pair. Dahil bukod sa hindi malayo ang estado ng kanilang mga pamilya, hindi man sinabi sa akin ni Keaton noon, pero alam kong gustong-gusto siya ng mga Olbes para kay Autumn higit kay White Arellano na hanggang ngayon ay kaaway ng kanilang pamilya.
"Ashanti, wala na tayong pera tapos sisirain mo pa ang remote ng hospital." Sita sa akin ni Ate Aliyah.
Ilang buwan na ang nakakalipas simula nang ilibing si Papa pero hindi pa rin nababago ang pakikitungo sa akin ng dalawa kong kapatid. Hindi man nila sabihin sa akin, hanggang ngayon ay ako pa rin ang sinisisi nila.
Matapos ang libing, tatlong beses na akong nadadala sa hospital. Una ay dahil sa nangyaring aksidente sa akin na halos dalawang linggo akong nanatili rito, sumunod ay ang pagkakasakit ko at biglaang pagkawala ng malay.
Ibababa ko na sana iyong remote nang biglang ipalabas sa tv ang Marimar. Ilang beses akong napamura sa isip ko, nangangatal na ang kamay ko at nang akma ko na talaga iyon ibabato sa tv, lumapit na sa akin si Ate Aliyah at inagaw na ang remote sa akin.
"Tigilan mo na nga iyan!"
Pinatay na niya ang tv at naniningkit ang mga mata niya sa akin bago siya bumalik sa kanyang upuan.
Hindi ko na naman kailangan na may bantay pa, pero si Mama ang nag-utos kay Ate Aliyah kaya wala siyang mapagpipilian kundi samahan ako rito.
Pinili nina Ate Aliyah at Ate Ariana na hindi na lamang ako kausapin, kaya nakapagtataka na ngayon ay kinakausap ako ni Ate Aliyah.
Siguro ay naubos na rin ang pasensiya. Talaga palang nakakaubos din ako ng pasensiya kahit titigan lang ako.
"Stop it, Ashanti. Itigil mo na iyang kaartehan mo. Wala na si Papa at hindi mo na mahahabol pa iyong si Samonte. Ikaw rin ang gumawa ng sarili mong problema."
I blankly stared at her. "Ako ba talaga?"
Kumuyom ang mga kamay ni Ate Aliyah. Ilang beses marahas na nagtaas baba ang dibdib niya habang pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili.
Tinapunan ko ng tingin ang nakalagay na bulaklak sa lamesa.
"Kanino galing?"
Hindi siya sumagot sa akin, pero hindi ko pa man nakikita kung kanino iyon nakapangalan, nasisiguro kong mula iyon kay Leiden Arellano.
He tried to approach me after that kiss, but I never allowed him to come near me. Alam kong hindi ko maaaring isipin na ang paghalik niya sa akin ang siyang malaking dahilan ng lahat.
Isang parte lamang iyon ng totoong dahilan na hanggang ngayon ay katanungan pa rin sa akin.
"Anong plano mo? We need to help our mother. Wala na si Papa na bumubuhay sa atin."
"Kaya kong buhayin ang sarili ko. I can find a part time job? What about you, Ate Aliyah? Would you rely on your boyfriend?"
"Fuck off, Ashanti! Kinakausap kita ng maayos. Naghahanap na rin kami ng trabaho ni Ariana."
Bigla akong napalingon sa kanya. Ang mga kapatid ko na nasanay sa ginhawa at sarap sa buhay ay magtatrabaho?
"Bakit parang gulat ka?"
"W-What job?"
Mas lalong naningkit ang mga mata sa akin ni Ate Aliyah na parang hindi niya nagugustuhan ang iniisip ko.
"Trabahong marangal, Ashanti. Ayusin mo ang madumi mong isip."
"Masisisi mo ba ako? Pinanganak akong La Rosa..."
I saw how my sister bitterly smiled.
***
When I went back to school, I expected a huge scandal. Lalo na at tumigil ako sa mansyon ng mga Samonte, dahil kahit walang nangyari sa amin ni Keaton, bali-baliktarin man ang mundo madumi ng babae ang magiging tingin sa akin ng mga tao. Idagdag pa na La Rosa ang apelyido ko, pero ang inaasahan kong salubong sa akin ay kabaliktaran sa nararanasan ko.
Wala akong komplikasyon na nararanasan o mga mapang-matang mga titig na siyang kinatatakutan ko. Karamihan pa nga sa mga nakakakilala sa akin ay pag-aalala ang isinasalubong sa akin at hindi panghuhusga.
Ilang araw na rin akong pilit hinahabol ng mga Arellano. Sina Gilbert at White Arellano ang siyang lagi kong nakikita na hinahanap ako at sa tuwing nakikita nila ako, nagmamadali akong magtago sa maraming tao. Kung maaari ay gusto ko ng umiwas mula sa malalaking pamilya ng bayan na ito.
Gusto ko na ng katahimakan malayo sa kanila.
Nasa rooftop ako ng building ng school at lumalanghap ng sariling hangin nang marinig ko ang boses ng isa sa iniiwasan ko.
"White..."
Ngumisi siya sa akin. "Ang bilis mong tumakbo, La Rosa..."
"Nagtatago lang ako. Hindi ako tumatakbo."
Nagkibit balikat siya. Nag-abot siya sa akin ng coffee-in-can na agad kong tinanggap.
"Why? Bakit n'yo ako hinahanap? Hindi n'yo ba naiintindihan ang gusto kong mangyari? Hindi ko na gustong mapa-ugnay pa sa inyo... sa malalaking pamilya... kung anuman ang naging koneksyon ni Papa sa kanila o sa inyo, please... labas na ako roon, si Mama o ang mga kapatid ko..."
Kumunot ang noo sa akin ni White Arellano. "I don't care about it or whatever you're talking about..."
"Huh? Hindi ka ba lumalapit sa akin dahil utos ni Leiden?"
Tumaas ang kilay niya. "Malaki na si Leiden. Kung may problema siya sa 'yo, hindi ako ang gagawa ng paraan. I am here because of Autumn."
"Huh? We're not friends..."
"Alam ko. Maaarte ang kaibigan no'n. I am here for a question."
"Hindi ko alam kung masasagot ko iyon."
"I don't trust Keaton Samonte. And I am not sure about Autumn's feelings for me... tell me... nakasama mo na si Samonte. You spent a lot of time with him... si Autumn pa rin ba?"
Gaano kagago ang kausap ko? Simula Enamel hanggang Leviathan ang haba. Paano niya natatanong sa isang babae ang tungkol sa babaeng unang minahal ng lalaking mahal niya?
"Sinundan niya si Autumn. I am still in a process of fixing everything... he should stop triggering me. Tutuluyan ko na ang intsik na iyon..."
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi ni White Arellano. How could he easily say those words? Hindi niya ba alam kung gaano dapat sineseryoso ang mga bantang iyon?
Wala siyang ipinagkaiba kay Keaton, palibhasa ipinanganak sila sa makakapangyarihang pamilya at hindi na kaso sa kanila ang pagbabanta sa buhay ng iba.
"Gaano kayo kadalas magbanta sa buhay ng tao? Ganoon na ba talaga kayo?!"
Sa halip na magulat ay mas dumiin ang mga mata niya sa akin. "Nagbabanta lang kami kung..." nawala ang pagkabalisa sa mukha niya at lumapad ang ngisi niya na parang nagkaroon siya ng magandang balita.
"I see... mukhang hahayaan kong humaba ang buhay ng intsik na iyon." Tumalikod na siya habang kapwa nasa likuran na ng ulo niya ang kanyang mga kamay.
"I really want you for my cousin, Ashanti. Matagal ka na rin gusto no'n. But after what I've heard... sino nga ba sa pinsan ni Nero ang laging kasama niyang si Samonte na iyan?"
Tumigil si White Arellano sa paglalakad at inisip niya muna. Hinayaan ko siyang mahirapan kahit kilala ko na naman kung sino ang tinutukoy niya.
"Ah, si Aldus..." ilang beses siyang tumango bago tamad na kumaway sa akin.
Akala ko ay matatapos na ang buong araw ko na tanging si White Arellano lamang ang manggugulo sa akin.
Pero nang makita kong naghihintay sa tapat ng gate si Aldus Ferell na parang binabati na ang lahat ng magagandang babae na dumadaan, mas lalong nasira ang araw ko.
"Hey, Ashanti! Such a coincidence! Sabay ka na sa akin!" rinig kong sigaw niya habang lakad takbo na ako. Alam kong nakasunod na siya.
Hindi ako naghintay ng ilang minuto bago niya nahawakan ang braso ko at mapigilan sa pagtakas.
"Sige na. Sabay ka na sa akin..." ngumiti siya ng napakatamis sa akin na mas lalong nagpainosente ng mukha niya.
"Bakit?"
"Let's just talk. You know... friends... ang tagal na natin hindi nag-uusap."
"Are we friends, Aldus?"
He made an exaggerated shocked expression. "Harsh. We're friends, Ashanti."
"Marami pa akong gagawin, Aldus. Just tell me what you want."
"Marami... but we're not going to talk about my wants. I am here for my friend's want, and it is you."
Bumuntong hininga ako. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad ulit. "Come on, Ashanti. I know that you're confused that time... yes Keaton needs some time for himself first, pero kailangan ka pa rin niya. I heard from Nero about White's cousin. Tang ina, maaagawan na naman ba kaming mapuputi?"
Lumingon na ako kay Aldus. "Ako ba ay pinagloloko mo?"
He smiled at me innocently. "Okay. Fine! I'll stop kidding. Let me talk to you seriously."
Mas malaki na ang hakbang niya at naunahan niya pa ako hanggang sa makaharang na siya sa akin.
"First, walang alam si Keaton na kinakausap kita o hinaharangan ko ang mga gagong gustong lumapit sa 'yo."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paano niya nagawa iyon?
"See? I am a good friend. While the other Ferells? Mahilig silang manlaglag. I'll skip the explanation about my effective guarding, because it is still a secret. I am here for one reason, I want tell you a bit about him..."
"Hindi ba't dapat ay siya ang magsabi niyan sa akin at hindi ikaw?"
"He's too stubborn and too afraid, Ashanti. But as soon as you've heard me... maybe you'll understand. Yes, this is against his will. Pero sino pa ang maglalakas loob? Langston is under him, hindi niya magagawang hindi sundi ang kapatid niya. Yes, Keaton is my best friend, pero hindi niya ako mapapasunod sa gusto niya."
"Ano ang mapapanghawakan ko na totoo ang lahat ng sasabihin mo sa akin? Ano ang mapapala ko kapag nalaman ko?"
"Yan ang bagay na ikaw lang ang makakasagot, Ashanti. I saw how my friend's eyes' glow during our short vacation. Akala ko ay hindi ko na makikitang gano'n si Keaton, but your existence made him alive again."
Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Hindi ko iyon tinanggap sa halip ay sumunod na ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa harap ng kotse. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan at pinasakay niya muna ako bago siya sumunod sa akin.
Ilang minuto kaming nanatiling tahimik ni Aldus habang nasa biyahe nang makahanap ako ng sasabihin.
"Why are you doing this? What's with this effort? Kung hindi naman ito hiniling sa 'yo ni Keaton."
Nagkibit balikat siya. "Pinanganak yata akong pakialmero."
"Not a good quality."
"Really? Hindi naman. Tumutulong kaya kami... masama ba iyon?"
"Hindi naman hiningi ang tulong mo... that's the problem."
"Should I wait for my friend to ask for help?"
Natigilan ako sa sinagot niya sa akin. Simpleng sagot lang iyon ni Aldus at nakangiti pa siya nang sabihin iyon, pero nang sandaling lumapat na iyon sa tenga ko parang sobrang bigat at laman ng mga salitang iyon.
"Ang mga Ferell na katulad ko, makakapaghintay sa kahit anong paraan... sa altar... taon o kahit sa anong lugar na tagpuan..."
Kumunot ang noo ko nang biglang lumiko ang sinasabi niya. "But waiting for a voiceless friend's in help is not part of it..."
Mas lalong dumiin ang titig ko sa kanya. How could he effortlessly breathe those words?
"I first met Keaton Samonte when he had his third session with his psychiatrist. Pareho sila ng doctor ni Troy noon. He was traumatized because he's blaming himself for his parent's death..."
"W-What...? Pero sinabi niya sa akin na sa dagat..."
"They were ambushed, Ashanti. Keaton's parents were under illegal business... and..."
Bigla akong nanlamig sa kinauupuan ko. "H-How old was he...?"
"Bata pa kami ni Troy noon, maybe six or seven? Keaton is just few years older than us..."
"H-He's still a kid... and he's already exposed with..." kumuyom ang mga kamay ko na nakapatong sa mga hita ko.
"H-He tried to set things right, Ashanti..."
Nahuhulaan ko na ang sasabihin ni Aldus at mahirap isipin na sa batang edad niya ay nakaranas na siya ng ganoong mundo.
Huminga siya ng malalim, ramdam ko na rin ang tensyon sa pagitan namin ni Aldus.
"He was the whistleblower..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro