Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

Chapter 36

Connections

I was motivated before, willing to do everything to save him, and solve all the mysteries tangled with my father. I never thought of my feelings first, and I didn't mind the sacrifices I'd made just save him from his own cliff. But all of my efforts didn't wave all my fears, and it ended up into a tragedy that I didn't even imagine.

An ending that wasn't part of any fairy tale.

The death of a king, my father, and the first man who made me feel like a princess. The man who would have brought me in front of the altar to the prince destined for me.

A prince who threated his life.

I felt a sudden shiver when I remembered that scene. Keaton and his wrecked image, the photos scattered on the floor, and all his possessiveness and manipulations the moment he entered our house with my parents scared with his presence.

"Sorry, Papa... I failed to save you. I failed to save him... hindi ko na alam ang gagawin ko." Bulong ko sa sarili ko.

I settled on my seat at the corner of the room, while watching the passing relatives to visit my father's funeral.

I settled on my seat at the corner of the room, while watching the passing relatives visit my father's funeral. Most of them tried to greet me or nod as a simple acknowledgment, but I chose to disregard them.

Kung gusto nilang sumilip kay Papa, sumilip na sila. Wala na akong pakialam sa kanila.

After what had happened, the outbursts, tears, blaming, and tragedies. All I could feel right now was an utter cold and numbness.

Hindi ko na gustong mag-isip at maghanap ng mga kasagutan. Dahil sa sandaling mangyari iyon, mababalik pa ba ang buhay ng aking ama? Maibabalik pa ba ang kumpleto kong pamilya? Would this damn wound heal in an instant after knowing the truth? Baka sa halip na ngayon na halos wala na akong maramdaman dahil sa sunud-sunod na pangyayari ay bigla na naman akong makaramdam ng matinding sakit na hindi ko na magawang kayanan.

My sisters never tried to approach me after our encounter. Hindi ko na rin sinubukan lumapit sa kanila at mas pinili ko na umupo lagi sa isang sulok at manuod sa malayo habang halinhinan ang mga kamag-anak namin sa pagsilip kay Papa.

Tanging si Mama lamang ang nagkakaroon ng lakas ng loob lumapit sa akin para mag-alok ng pagkain o inumin na madalas kong tanggihan.

I saw some Arellanos, sinubukan ni Leiden na lumapit sa akin pero pinigilan siya ng mga pinsan niya na ipinagpasalamat ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sandaling lumapit siya sa akin.

Should I blame him? Did those pictures trigger Keaton? Were those pictures the real cause of this tragedy? Wala na akong nalalaman.

Gusto ko na lamang matigil ang lahat ng ito, lumayo sa malalaking pamilya at magkaroon ng simple at tahimik na buhay. Bahala na silang malalaking pamilya, kung magpapatayan sila, magpatayan na sila! Kung gusto nilang gumawa ng illegal? Magpakasaya sila.

I am done.

Nakakrus ang mga braso ko habang tulalang nakatitig sa unahan. Sa sandaling mailibing si Papa, ano ba ang dapat kong gawin? Magsumbong sa mga pulis? Sa mga nakatataas? Paano kung manipulado ang bayang ito ng malalaking pamilyang iyon?

Buong akala ko ay tapos na ang alitan sa mga Arellano at Olbes, ngunit mukhang panakip lamang iyon sa totoong gulo. It wasn't all about the feud between the Arellanos and Olbes, but also the Samontes. Kaya ba ilang taong nawala ang mga iyon sa Enamel?

Ano ang malaking koneksyon ni Papa sa naglalaking pamilyang ito?

Mariin akong napapikit nang matagpuan ko na naman ang sarili kong nag-iisip ng kasagutan. Nasabi ko na sa sarili ko na didistansya na ako sa problemang ito at gusto ko iyong panindigan sa abot ng aking makakaya.

Huminga ako nang malalim at pinagpatuloy ang pagmamasid sa paligid. Pero ang siyang higit na nakaagaw ng pansin ko ay ang pagdating ng hindi ko inaasahang grupo.

Aldus Ferell, his cousins and his famous grandfather. What are they doing here?

My brows creased in confusion as my eyes followed them. I never heard my father uttered something about this family, and it never occurred to me that I'd think of my father connected to them.

Si Don Ferell ang siyang lumapit kay Mama, and my mother cried in relief when he saw him like he was some kind of a blood-related family. The Ferells sat quietly. Aldus looked around, and when his eyes met mine, he whispered something to Troy before he stood up and walked towards me.

Simula kaninang umaga, siya lamang ang nagkaroon ng lakas ng loob umupo sa tabi ko.

"Condolence..."

I nodded. "Hindi ko alam na kilala pala ni Papa ang Lolo mo..."

"My grandfather is quite friendly."

Hindi ako nagsalita at pinagmasdan ko lamang si Mama at si Don Ferell na magkatabi at nag-uusap.

"Ashanti..."

"Aldus, if you're here to convince me about your best friend..."

"N-no... I am not here because of him. Sinamahan ko lang talaga si LG. Sa kanya ko rin nalaman ang balita." Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya.

Sinabi sa akin nina August at Antonia kung anong klaseng kaibigan ang mga Ferell. He's here to monitor me for Keaton's information. Pinatunayan na raw iyon nina Troy at Nero na ikinuwento sa akin ng dalawang babae.

"I wonder what was my father's connection with your grandfather, sa totoo lang, nagugulat ako sa mga nalalaman ko. Ang dami pala naming koneksyon."

"I don't know. Nagulat nga rin ako."

Sa pagkakataong iyon ay lumingon na ako sa kanya. Sinubukan kong tingnan ang reaksyon niya at hulihin ang pagsisinungaling niya, pero masyado siyang magaling.

"I love him... but it isn't healthy anymore. Hindi na ako ang makakatulong sa kanya, Aldus, sarili na niya."

Bumuntong hininga siya at sumandal sa upuan. "Maniwala ka man sa akin o hindi, I haven't talked to him. Pero nakausap ko na si Langston, isa lang ang gusto kong itanong sa 'yo, Ashanti. D-Did you accuse of him?"

Ilang segundo akong napatitig sa kanya. At bumalik sa mga alaala ko ang mga salitang binitawan ko kay Keaton. I didn't utter a word, but Aldus already got the answer.

Kasalanan ko ba na maging reaksyon iyon? Keaton, the love of my life, threatened my parent's life not just once but twice!

Umiling sa akin si Aldus na parang ako ang may kasalanan ng lahat. Aasahan ko ba na makikita niya ang posisyon ko? Ferells are always on the side of their friends, laging kaming mga babae ang masama sa paningin nila sa tuwing akala nila ay ang mga kaibigan lang nila ang nasasaktan.

"Wala akong kaibigang masama, Ashanti... and accusing him of something—" napatayo na ako sa tindi ang galit na biglang sumabog sa dibdib ko.

"Wala kang alam!" sigaw ko na umagaw sa atensyon ng lahat ng tao.

Maging sina Mama at Don Ferell ay nasa amin ang atensyon. Mariin akong napapikit dahil sa tensyong namuo sa loob ng chapel at kumuyom ang mga kamao ko.

Mariin kong binigyan ng masamang titig si Aldus bago ako nagmadaling umalis ng chapel at iwan ang lahat ng mga taong may iba't ibang ekspresyon sa naging reaksyon ko, gulat, pangamba, lungkot at awa.

Hindi na ako bumalik sa chapel at nagpakita na lamang ako sa mga tao nang ihahatid na si Papa sa kanyang huling natungan. Kung sina Mama at ang mga kapatid ko ay wala nang tigil sa pag-iyak habang tinatabunan na ng lupa ang kabaong ni Papa, nanatili akong walang kibo na may nakakrus na mga braso.

Nanatili akong nakatayo sa harap ng puntod ni Papa habang unti-unting lumiliit ang bilang ng mga tao, hinintay ko silang maubos lahat bago ko inilagay ang puting rosas na kanina ko pang hawak.

Talaga palang nasa huli ang pagsisisi. I never had a proper bonding with my father, all I did was to displease him when he was alive. At ngayong wala na siya, saka ko lang inisip ang mga bagay na dapat nakapagpasaya sa kanya.

The tears that I've been keeping since this morning, suddenly flow like a river.

"Sabi ko na sa 'yo, Papa, magpakabait ka. Sabi ko sa 'yo, mag-aaral akong mabuti. Ako ang mag-aahon sa atin sa kahirapan. Konting tiis na lang naman, sinabi ko sa 'yo na ako na ang magbabayad ng mga utang na 'yan. Konting hintay na lang, Papa... pero bakit sumali ka pa sa problemang mayroon sila?"

"Letcheng sabungan iyan..." pinunasan ko na gamit ng mga braso ko ang mga luha ko.

"Sa sandaling magkapera ako, pasasabungin ko na iyan..." habang umiiyak ako, hindi ko mapigilan ang sarili kong tumawa sa mga sinasabi ko.

Hindi ko na alam kung ano at sino ang partikular na sisisihin ko.

"Bobombahin ko ang lahat ng sabungan dito sa Enamel, Papa. Makikita mo."

Iyak at pagtawa ang nangibabaw sa libingan. Hindi na ako magugulat kung sabihin nilang nababaliw na ako.

"'Wag naman, hija. Marami rin naman ang swerte sa sabungan."

Muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ko nang may narinig akong nagsalita. When I turned to look at him, I only had a glance of him. May hawak siyang malaking paso na may puti at dilaw na bulaklak. Nilampasan niya ako ng mga tatlong puntod sa unahan bago niya inilapag ang bulaklak na hawak niya.

He looked familiar.

"Nagkita na po ba tayo?"

"Wala akong matandaan, hija. Pero naalala ko sa 'yo ang anak kong babae, kasing edad mo siya. Galit na galit rin siya sa sabungan."

"Oh..." sino bang anak na babae ang matutuwa sa sabungan?

"Taga-rito po kayo?"

"Kung saan-saan lang..." he said with a shrug. 

Pumitas siya ng puting bulaklak mula sa paso. "Mahal, pahingi muna ng isa. Bibigyan ko lang si kumpare..."

"Kilala n'yo po si Papa?"

Tumango sa akin ang lalaki at naglakad na siya patungo sa akin. He looked so utterly familiar, totoo ba na hindi pa kami nagkikita?

Humarap din siya sa lapida ni Papa at naglagay siya ng isang tangkay ng bulaklak.

"Your father is a good man, hija..."

Sumang-ayon ako sa kanya. Nanatiling nakakunot ang noo ko habang pilit inaalala kung saan ko ba siya nakita. Kung hindi ko man siya nakasalamuha noon, siguro ay may kamukha siyang kilalang-kilala ko. At hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko nakukuha kong sino iyon. 

I shouldn't tolerate a guessing game right now, but I knew that this particular man wouldn't entertain my curiosity.

"Buong akala namin sa sandaling umalis na kami, babalik na sa dati. That we would live normally, but we're already tied to it, hija. Na nadadamay na pati ang mga pamilya namin." Naiiling na sabi niya. 

"W-Who are you?" I asked, immediately got tired of guessing. 

Tipid na ngumiti sa akin ang lalaki. "A friend..."

Tumalikod na siya sa akin at namulsa, pero agad ko siyang hinabol at hinawakan ang kanyang braso.

"M-May alam ka po sa nangyayari... please tell me..." I said desperately. Bigla kong itinapon ang lahat ng sinabi ko.

Of course, I am still hungry for the answers!

"I can't, hija. I am a coward. Hindi ako katulad ng Papa mo na matapang at kayang harapin ang lahat. Dumalaw lang talaga ako, hindi ko akalain na nandito ka pa." Tinanggal niya ang mga kamay ko sa braso niya at nagpatuloy siya sa paglalakad papalayo sa akin.

Nanatili akong nakatayo, tulala at tanaw ang lumiliit na pigura ng lalaki habang pilit nagsusumiksik sa akin ang imahe ng isang kaibigan na nasisiguro kong kamukhang-kamukha ng lalaking iyon.

"It couldn't be... he is... Farrah's missing father..."

Umuwi akong pilit pinagdudugtong-dugtong ang lahat. From the Samontes, Arellanos, Olbes, Ferells and Farrah's father.

Sila lang ba talaga ang may koneksyon sa isa't isa o maliit na parte pa lang ito? May dahilan ba ang pag-alis ng mga Ferell sa Enamel? Ang biglang pagkawala ng mga Samonte ng ilang taon? Ano ang koneksyon niyon sa pagkawala ng tatay ni Farrah na siyang naging malaking eskandalo rin noon?

I thought he was dead, but it turned out that he was hiding! At may koneksyon siya kay Papa! May nalalaman siya!

Sa pag-iisip ko, hindi ko na namalayan ang sasakyang paparating at huli na bago ako makatakbo at iwasan ang pagbangga nito sa akin.

The only thing I remembered was how my whole body swirled in an instant as the darkness and pain overwhelmed my system.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro