Chapter 35
Chapter 35
Cries
My whole body was trembling, my eyes were blurry because of my endless tears, and my thoughts were crumbling.
Hindi lang boses ni Mama iyong paulit-ulit kong naririnig kundi pati na rin ang lahat ng mga sinabi ni Keaton. I couldn't process anything as of the moment. Hindi na ako magugulat kung bigla na akong sumabog sa kinauupuan ko.
My family and I were living happily before. I loved my father's job, my mom, with her never-ending jealousy toward her relatives and my nosy sisters and their annoying boyfriends. It was simple but fun. There were no complications at all, no manipulation, threats, or fears.
But the moment I let a Samonte entered our life, it was like staring at a beautiful mirror filled with memories of laughter and smile that started to have a fracture. A small crack that turned into a huge one, causing the mirror to break apart.
Mas lalong lumakas ang paghagulhol ko, hindi ko na inalintana ang pagsulyap sa akin ng tricycle driver. May parte sa akin na gusto na agad makarating sa bahay at damahayan ang pamilya ko, pero may malaking parte rin na bumubulong sa akin na tumakbo at magpakalayo.
Hindi ko matanggap. Simple lang ang buhay ko at ng pamilya ko, hindi kami mayaman gaya ng malalaki at kilalang pamilya rito sa Enamel at sigurado akong wala naman kaming kaalitang mga pamilya, pero bakit kailangan namin makaranas ng ganito?
Nang muling tumunog ang telepono ko ay agad ko iyong sinagot.
"Mama, malapit na po ako." Rinig ko sa kabilang linya ang paghikbi ni Mama at ng mga kapatid ko.
"A-Anak... huwag ka munang umuwi. Bumalik ka muna sa mga Samonte..." pakiramdam ko ay biglang tumaas ang presyon ng dugo ko sa narinig mula kay Mama.
"Mama naman! Sino ang nag-utos sa 'yo na bumalik? Ang Samonteng iyon na naman ba?!"
"Makinig ka muna sa akin, Ashanti. Diyan ka muna, inaayos pa lang naman--" hindi ko na pinatapos si Mama at pinatay ko na ang telepono.
Napasigaw na ako sa sobrang galit sa lahat nang nangyayari. How could he manipulate my mother in a situation like this? Bakit hindi niya na lang ako pabayaan at pakawalan?
When I reached home, I almost tripped myself thrice. The tears, trembling knees and my heart that was about to explode didn't bother me. But when I finally entered my once warm home filled with painful flowers, dim lights, and some familiar faces, I felt an utter cold.
Sobrang lamig...
I wrapped my arms around myself as the last thread of my strength lost its power to hold on. I fell on the floor while staring blankly at the white casket with my mom's arms on it hugging it tightly.
"Papa... P-Papa..."
Napansin na ako ng ilan sa mga kamag-anak namin. Inalalayan nila akong makatayo at inakay nila ako patungo sa kabaong ni Papa. When my mom noticed me, she immediately stood up and embraced me tightly.
Hindi mawala iyong mga mata ko sa kabaong habang nakayakap sa akin si Mama. "Nagpaalam ka ba sa kanya?"
"May kinalaman ba siya rito?" malamig na tanong ko.
"Ashanti... anak..."
Nang tinanggal ni Mama ang yakap niya sa akin, sinimulan kong mas lumapit kay Papa pero nang abot-kamay ko na siya ay biglang may humablot sa aking mga braso.
Handa ko na sana iyong sigawan dahil sa ginawa sa akin, pero natigil ako nang makitang ang dalawa kong kapatid iyon.
"Let's talk..."
"Mamaya na, Ate..."
"Marami tayong kamag-anak dito, huwag ka nang gumawa ng eksena rito, Ashanti." Bulong sa akin ni Ate Ariana.
Mahigpit ang hawak ng dalawa kong kapatid sa akin nang hilahin nila ako mula kay Mama, agad rin naman siyang sumunod sa akin na parang hindi niya nagugustuhan ang paglapit sa akin ng mga kapatid ko.
"Kung anuman iyan, ipagpaliban n'yo na." Utos ni Mama.
"Mama, madali lang po ito." Sagot ni Ate Aliyah.
Tumango na lamang ako kay Mama para matapos na. "Babalik din po kami..."
Halos manakit ang mga braso ko sa paraan ng paghila sa akin ng mga kapatid ko, nang makarating kami sa loob ng kwarto ko at ikandado nila ang pintuan, bigla akong kinabahan, lalo na sa paraan ng paninitig nila sa akin.
"This is all your fault, Ashanti. Ano na naman ang ginawa mo?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ate Aliyah. "Anong ginawa ko?"
Sarkastiko silang tumawa sa harapan ko. "Wake up, sister! O sadyang tanga ka lang? Simple lang naman ang gagawin mo, hawakan mo sa leeg ang Samonteng iyon! What did you do? You let him killed our father!"
Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. "Ashanti! Sumagot ka!"
"Ano ang isasagot ko?! Hindi ko na alam ang nangyayari! Hindi ko na alam kung ano ang relasyong meron si Papa at ang mga Samonte at kung ano ang dapat kong gawin! I've been trying my best to crack-" malakas na sampal mula kay Ate Aliyah ang tumama sa akin.
Halos mamanhid ang pisngi ko sa sobrang lakas niyon. And when I looked at them, both of my sisters were crying.
"Ashanti, did you cheat on him? Ano ang ginawa mo para magalit siya ng gano'n? Kung sa akin lang sana siya nagkainteres, hindi na magkakaganito ang lahat... hindi mamamatay si Papa..."
Napapatitig na lamang ako sa kanila. Simula pa lang ay alam kong parang may itinatago sila sa akin, matagal na at base sa mga naririnig ko sa mga oras na ito, nakukumpirma kong may higit silang kaalaman tungkol sa mga nangyayari.
"Hanggang saan ang nalalaman n'yo?"
Tumitig sila sa akin na parang napakatanga ko. Kasalanan ko ba iyon gayong pamilya ko sila at hindi nila sinasabi sa akin ang lahat?
"Gaga ka ba, Ashanti? Sa tingin mo sinong matinong magulang ang papayag na ibahay ang kanilang anak ng babae ng isang lalaki? Ibinayad ka sa utang nina Mama at Papa, dahil sa malaki nating pinagkakautangan sa mga Samonte, ang kailangan mo lang naman gawin ay sumunod sa mga gusto niya, pero ano ang ginawa mo?"
I swallowed the lump on my throat. I heard this before, and it still pierced harshly deep in my soul. Keaton denied this, of course, who would admit it, anyway?
"Those boyfriends of yours..." sinadya kong bitinin ang sasabihin ko pero sa nakikita ko sa ekspresyon nila, nakumpirma na rin ang nasa isip ko.
Hindi lang ako, kundi ang mga kapatid ko ay naging pambayad utang na rin sa naglalakihang pamilya. Paano iyon nagagawa nina Mama at Papa sa kanilang mga anak?
"But we learned to love them, Ashanti..."
"Tao tayo... may buhay, sariling isip... bakit kailangang ganoon?"
"Shanti, listen..."
Marahas akong napahilamos sa sarili ko at matalim kong tinitigan ang mga kapatid ko.
"Hiwalayan n'yo ang mga mapansamatalang lalaking iyan! Itatak n'yo sa batong babayaran ko ang lahat ng utang ng pamilya natin! Are you all insane?! Gusto n'yo bang habang-buhay nang ganyan ang tingin sa atin ng buong bayang ito? Na ang mga La Rosa ay nagbabayad ng laman?! Gaano na kababa ang tingin ng lahat sa atin? Gaano na kababa ang tingin n'yo sa mga sarili n'yo? Gaano na kababa ang tingin sa inyo ng mga lalaking iyan?!"
"Anong karapatang mong maglinis, Ashanti? Pare-pareho na tayo! Sa tingin mo ba ay maloloko mo pa kami at sasabihin mong-"
"Wala pang nangyayari sa amin? Mabaliw kayo sa paniniwala n'yo. Malaki pa ang respeto ko sa sarili ko sa kabila ng apelyidong nakakabit sa akin. I will break this fucking curse! Kung hindi n'yo kayang putulin, ako! Ako na ang magpapakamatay linisin ang madumi nating pangalan!"
"Wow! Coming from? Anong nangyari sa ginawa mo? You think walang kinalaman ang hayop na Samonteng iyon kay Papa? Dahil sa pagmamatigas mo sa kanya nangyari ang lahat ng ito!" sigaw ni Ate Aliyah.
Bigla nang nagdilim ang paningin ko sa mga kapatid ko at kusa nang lumabas ang mga salitang kailanman ay hindi ko akalaing mailalabas ko sa harapan ng mga kapatid ko.
"Ano ang gusto n'yo gawin ko? Gumaya sa inyo? Let him have me all night and obey his every demand? Gano'n ba? Para bayad ang utang nating lahat? I'll be the obedient whore?"
Magkasunod na sampal ang tumama sa akin. Nang mawalan ako ng balanse ay mas itinulak pa nila ako dahilan kung bakit ako matumba at pilit nilang inginungudngod ang labi ko sa sahig dahil sa mga sinabi ko.
Dumudugo na ang labi at ilong ko nang dumating si Mama para umawat sa amin.
Napuno ng sigawan at iyakan ang buong silid. Marahas kong pinunasan ang dugo sa mukha ko habang nagsusumigaw sa akin ang mga kapatid ko.
Habang pinagmamasdan ko ang sitwasyon namin, hindi ko na alam kung maibabalik pa ba sa dati. Wasak na wasak na ang buong pamilya ko dahil sa pagkamatay ni Papa na wala pa rin kumpirmasyon ang dahilan.
"We are about to kill each other, Mama. Baka gusto mo nang sabihin ang lahat?"
"Ano pa ang sasabihin ni Mama? Alam naman natin ang lahat! Ginawa mo lamang komplikado sa katigasan ng ulo mo." Sagot ni Ate Aliyah.
"Pambayad sa utang, Mama? Nag-anak ka lang ba para mawala ang utang n'yo ni Papa?" diretsong tanong ko.
Inaasahan ko na ang kumpirmasyon kay Mama pero sa halip ay panibagong sampal ang ibinigay niya sa akin.
"Sino ang nagsabi sa inyong pambayad kayo ng utang?!" malakas na sigaw niya.
Ako naman ang tumawa ng sarkastiko. "Fuck this life!"
Hindi na ako nagpapigil sa kanila, gusto ko man balikan si Papa, pinili ko na lamang umalis ng bahay at lumayo sa maraming tao. Pakiramdam ko ay mas hindi ko kakayanin pang tumagal doon sa harap ng inakala kong mga taong mayayakap ko sa ganitong sitwasyon.
Iisa lang ang lugar na alam kong mabibigyan ako ng pagkakataong mag-isa, nagtungo ako roon sa burol at hinayaan ko ang sarili kong umiyak doon. Yakap ko ang mga binti ko habang nakasubsob ang mukha ko sa aking mga tuhod.
"S-sorry... sorry.... Hindi ko naman sinasadya..."
I could still see the pain in their eyes. Kahit madalas akong makipagtalo sa mga kapatid ko, hindi kami dumating sa punto na magkakasakitan ng pisikal, hindi ako kailanman nagbigay ng matalim na salita sa kanila na tatapak sa pagkatao nila, pero hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Mababaliw na ako sa mga nangyayari.
Hindi ko maintindihan si Mama, bakit parang hindi niya alam na alam na may nalalaman ang mga kapatid ko? Ano na ba ang nangyayari?
"Ayoko na... sana bumalik na lang sa dati... ayoko na..."
Nang maramdaman ko na may pumatak ng tubig sa braso ko hindi ko iyon pinansin, pero nang magsunud-sunod na iyon, napatingala na ako, hindi ko na napansin na madilim na pala ang kalangitan.
I should run and look for a shelter, but I pretended that the heavy rain didn't bother me at all, instead I tightened my arms around my legs and stared blankly at the meadows.
I was feeling numb when I heard heavy footsteps beneath the pouring rain. And there in front of me, Keaton Samonte and his wrecked state the same as mine, heaving heavily with his eyes with relief when he finally saw me.
Kabaliktaran ng nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Agad akong napatayo sa harapan niya, hindi alintana ang panghihina at lamig ng tubig na yumayakap sa akin.
It was not relief, but fear overwhelmed me. I saw the pain in his eyes when he saw my reaction. Would he expect me to feel happy after seeing the possible murderer of my own father?
"Huwag kang lalapit sa akin..."
"Shanti..."
"Utang na loob, tigilan mo na nga ako! Hindi na kita gustong makita! If you're here because of that fucking debt? Or if you wanted to fool me about that fucking love? Fuck off! Ayoko na Samonte! Ayoko nang madawit sa pamilya mo! Gusto ko pang mabuhay, gusto ko pang humaba ang buhay ng pamilya ko! Hindi ako bulag at tanga! Nagkanda leche-leche na ang pamilya ko nang makilala kita!"
"I am not here for that fucking debts! Kailanman ay hindi pumasok sa isip ko iyon nang lumapit ako sa 'yo..." nang humakbang siya ay agad akong umatras.
"Huwag kang lalapit sa akin! Huwag mo akong hahawakan!" niyakap ko ang sarili ko at natatakot akong tumingin sa kanya.
Nangangatal na rin ang mga labi ko sa sobrang lamig ng tubig.
"I love you, Shanti... we need each other right now..."
Umiling ako. "Nadidiri na 'ko sa sarili ko, Samonte... gusto kong ibalik ang oras, sana hindi ko na lang hinayaan ang sarili kong mapalapit sa 'yo. I hate the kisses, touches... the hugs, the words... hinayaan kong bumabang babae ako... pambayad... nagsisisi ako..."
"Have I ever looked at you like that? All I did was to look at you lovingly, kissed you gently, hugged you tenderly, whispered you with my love even if it was beyond my character, all I demanded was your love, Shanti... trust..."
Umiling ako at tinakpan ko na ang tenga ko. "Ayoko na, Samonte..."
His adam's apple moved, and he nodded. I didn't hear his last words, but I saw the slow movement of his lips before he turned his back on me and walked under the rain. "I love you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro