Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

Chapter 34

Monsters

The wind blew as he slowly strummed his guitar. My hat flew and continued to swing as the chin straps around my neck extended. I let my curly hair danced with the two hymns united together, his sad music and the wind sympathizing with his emotion.

How could I feel so dreary in this romantic place with the man I loved?

He fixed his eyes on me. I tried to appear pleased and fascinated, but there were times that our eyes betrayed us, he could see through my eyes how conflicted I was. But like what he used to do, he pretended not to notice and continued strumming his guitar.

I turned to look at the sea waves, and I smiled. It was calm and relaxing. I hope it would continue to stay like this, silent and unharmful. But I knew to the fact that as it prolonged its silence, the more force it would burst out.

My Keaton was like the sea, calm outside but too aggravating inside. He was like a ticking bomb that might explode at any moment. And lastly, a block of ice that when I tried to decipher it would melt and change into something else.

My emotions and thoughts were conflicted, afraid that when I tried to help him in his fragile state, I might do something that would turn him into a much worse state.

I wrapped my arms around my legs and hid my face behind my knees, as my gaze never left the sea. I took a few grains of sands and stayed it on my palm. I silently watched it slipped between my fingers and disappeared with the wind.

How I wished that my prince isn't a block of ice locked in his world, but a prince like sand with freedom and peace.

"You'll always stay with me, Shanti..." I turned to look at him again.

Hindi ako umalis sa posisyon kong nakayakap muli sa mga binti ko habang nakatitig sa kanya.

I nodded at him.

As I spend more time with him, I realized that he's been looking for someone to rely on, not just Langston, but a woman that would be willing to wrap her arms around his no matter sharp his ice around him.

It wasn't Autumn, but me.

Ako iyong napili niyang pakitaan ng bagay na hindi niya kayang ipakita sa iba. That behind his tough and intimidating personality was a fragile man who wanted someone that would caress his hair when he's about to explode.

Paano ko masasagot ang problemang ito kung si Keaton din mismo ang siyang kalaban ko?

Tumigil na siya sa pag-gigitara. Akala ko noon ay pagkanta lang ang kaya niya, pero talaga palang hindi lang siya intsik na sobrang gwapo. He's also talented.

Keaton Samonte is a wholesome boyfriend. From his physical appearance, intelligence, talents and status. Medyo kalas nga lang din kung minsan, but all in all kadala-dala pa rin talaga siya sa tabi.

"Pwede pahiram ng gitara? Ako naman."

Tumaas ang kilay niya. "Marunong ka?"

"Hindi... pero balita ko fast learner daw ang mga Mexicana. Teach me..."

"Never heard that news..."

"Narinig mo na ngayon, boss. Palibhasa puro Corona virus ang pinapanuod n'yong balita ngayon ni Langston!"

Keaton rolled his eyes before he opened his arms to welcome me. I crawled on our picnic mat and sat between his legs, his arms wrapped around me with his guitar in front of me.

"Who wouldn't?"

Tipid akong natawa dahil nito lang isang araw ay narinig kong tumawag si Aldus sa kanya at sinabi nito na saka na lang daw nila itutuloy ang lakad nilang dalawa dahil pinagbawalan daw siya ng lolo niya na magtungo sa Enamel dahil marami raw intsik dito.

"Hindi naman kita iniiwasan, ah?"

"Hindi dapat."

Hinawakan na niya ang kamay ko at tinuruan niya ako kung paano ang tamang hawak ng gitara.

"Relax your fingers, Shanti..."

"Like this?"

"No... I said relax it."

"Teka, may alam akong itugtog, Keaton. Listen..."

"Really?"

Binitawan na nga niya ako at pinanuod niya ang gagawin ko. Hindi naman talaga ako marunong at wala akong alam.

I am not a good singer or a musician, but I really love this song and I wanted to sing it for him. Kahit mali pa ang pag-strum ng gitara ko.

I see your monsters
I see your pain
Tell me your problems
I'll chase them away
I'll be your lighthouse
I'll make it okay
When I see your monsters
I'll stand there so brave
And chase them all away

I wanted to let him know how I sincere I was to chase his monsters, and his fears. Kung hindi niya iyon kayang gawin para sa sarili niya, ako ang gagawa para sa kanya.

I'll fight the dark Keaton... I'll save him.

Kahit gaano kalamig...

Nang maintindihan ni Keaton ang kinakanta ko ay ipinatong niya ang kanyang mukha sa balikat ko.

"I don't want you to fight for me. I just want you to stay beside me..."

Umiling ako. Kung hahayaan ko na ganito na lang kami, sandaling sumabog siya hindi lang siya ang maapektuhan, pareho kami.

If he's afraid, I'll try to be braver. Kasi ganoon naman talaga ang pagmamahal, kung ang isa sa inyo ay nanghihina, hindi mo siya pwedeng sabayan at manghina rin sa harapan niya.

I would brave all his fears with my head held up high, and my heart beating for him. Sa abot ng makakaya ko.

"Don't..." ulit sa akin ni Keaton.

Pero simula nang makilala ko siya, minsan ba ay nakinig ako sa lahat ng sinabi niya? I was born stubborn. At hindi na iyon magbabago.

Keaton Samonte didn't let the lyrics linger on my lips. The guitar went into silence, and everything seemed to stop. Our lips met, and no matter how cold his eyes were, his words, and his personality, when I felt his kisses, I couldn't ask for any softness in this world, but his lips savoring mine.

Our one last kiss that I wished never lasted.

**

Maaga akong inihatid ni Keaton. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa gate ng campus. He kissed my cheeks before I ride off his car.

"I'll fetch you later. Be a good girl, seloso ako."

Ngumiti ako sa kanya. "Be a good boy rin."

Tipid lang na tumaas ang sulok ng labi niya bago niya itinaas ang bintana ng sasakyan at umalis na sa harapan ko.

The class went perfectly fine. Lunch break nang makita ko sa canteen si Kalas, isang malaking himala na wala siyang kasabay na babae o kaibigan man lang, sa tuwing nakikita ko kasi siya ay lagi siyang kasama.

Baka nadiskubre na nilang isa siyang malaking Kalas. Malapad ang ngisi ko sa kanya pero agad ko rin iyong itinago nang lumingon siya sa akin, muntik ko nang makalimutan na may mga mata nga pala ang magkapatid na Samonte sa kanilang likuran.

Mukha siyang bad mood. Until I finally realized his problem, muntik ko nang makalimutan na bukod nga pala na Kalas siya ay isa siyang dakilang intsik.

"Walang friends?" tanong ko sa kanya nang ilapag niya ang kanyang pagkain sa tapat ko.

"Sabihin mo nga sa kanila na hindi ako nagpuntang China!" iritado niyang binuksan ang sandwich niya.

Hindi naman kasi maipagkakailang intsik na intsik ang hitsura nilang dalawa ni Keaton.

"Gano'n talaga, safety first."

Habang ngumunguya siya ng pagkain ay pansin ko na parang may hinahanap siya. Ngumuso si Langston at mas iritado niyang kinagat iyong tinapay niya kahit puno pa ang bibig niya.

"Even her? Hahabol-habol siya sa akin tapos... tss... she's not even my taste."

"Oh..."

Tumingin siya sa akin. "Why?"

Ngumisi lamang ako at umiling sa kanya. Gusto ko man may malaman pa tungkol sa magulong mundo ni Langston Samonte sa Kalas niyang pag-uugali pero alam ko sa sarili kong may kailangan akong lubos na bigyan ng pansin.

Hindi dumating ang professor ko sa last period kaya pinili kong magtungo sa library ng Enamel.

"Hi, Shanti..." bati sa akin ni Farrah.

Hindi ko maiwasang humanga sa kasipagan ni Farrah, dahil bukod sa pagiging Youth President ng bayan namin, hindi pa rin siya pumapalya sa mga school activities at madalas ko pa siyang makita sa library.

"Hi, Farrah!"

Ngumiti siya bago siya nagpatuloy sa pagtingin sa mga libro. Habang naglalakad ako sa section ng history, pansin ko na may isang lalaki roon na may hawak ng libro pero nakatitig naman sa may shelves na bakante na dahil sa tinanggal niyang libro.

I stared at him for a while. Hanggang makuha ko na kung ano o sino ang pinagmamasdan niya. Bakit hindi pamilyar sa akin ang mukha ng estudyanteng ito? Ngayon ko lang siya nakita sa library.

When he noticed me, he immediately straightened himself. Bumaba ang mata niya sa librong hawak niya at nagpatuloy siya sa pagbubuklat. "Y-yes, miss?"

Umirap ako sa kanya. "Stalker..."

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakarating ako sa dulo kung saan naroon ang maliit na conference room kung saan pwede tumigil ang mga estudyante kung gusto nila ng privacy, lalo kung gagawa ng thesis at may mga defense or exam.

Natuwa ako nang makitang bukas iyon, ibig sabihin ay walang tao. But my smile wavered when I saw someone that I've been avoiding for a very long time.

"L-Leiden..."

"Ashanti..."

"I'm sorry. Akala ko walang tao. Aalis na lang ako..."

Nang akala ko ay makakaalis na ako sa loob ng conference room, bigla siyang nakatayo at naitulak ang pintuan. Nanlalaki ang mga mata kong napasandal doon habang nakaharang ang dalawa niyang kamay sa magkabila ko na siyang nagkukulong sa akin.

"L-Leiden... what are you doing?"

"It's alright, kahit hindi ako ang piliin mo, Ashanti. But please... not him..." maybe he could see horror in my face.

"Leiden, pakawalan mo 'ko. Sisigaw ako... wala kang pakialam kung---"

"He's a ticking bomb! Lahat kaya niyang gawin kahit... masaktan ka. I can see him just like..." pinilit ko siyang itinulak.

"Leiden, ano ba!?"

But as I tried to push him, Leiden made the biggest mistake that made me curse him to hell. He forcefully kissed me.

"L-Leiden!" sigaw ko sa kanya matapos lumipad ang nag-iinit kong palad na tumama sa kanyang pisngi.

"How dare you! Akala ko iba ka sa ibang mga lalaki—" umiling na ako at pinahid ko ang luha sa pisngi ko.

"I'm sorry... I want to save you. White saved Autumn from him, I should save you—"

"Shut up! Hindi mo kilala si Keaton! Hindi n'yo siya kilala!"

"And you do?"

Hindi ko na siya sinagot dahil tumakbo na ako at nagmamadaling lumabas. Alam kong nakamata si Keaton sa akin at maaaring malaman niya ang nangyari. Kahit binigla ako ni Leiden, hindi ko pa rin gustong dumating sa puntong mauulit ang laban sa pagitan ng mga pamilya.

Kaya nagmadali na akong lumabas ng campus at tinawaga si Keaton bago pa sa mga tauhan niya makarating ang nangyari. Pero agad na akong ginapangan ng kaba nang hindi na siya sumagot sa tawag ko na agad niyang sinasagot.

Kalahating oras akong naghintay ng kotseng siyang sumusundo sa akin. Nagmadali akong buksan iyon pero wala si Keaton sa loob, hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay may humablot sa mga braso ko. Ang kaninang maaliwalas na mukha ni Langston ay halos hindi ko na maipinta ngayon.

"What the fuck did you do?"

Nangatal ako sa tigas nang pagkakatanong niya. Nakarating na nga kay Keaton.

"I... can explain..."

Pumiglas ako kay Langston at nagmadali na akong sumakay sa kotse. "Kuya, pakibilisan po, please..."

Habang nasa biyahe ako, nangangatal na ang buong katawan ko, sobrang lakas ng pintig ng puso ko sa kaba at natatakot ako sa pwedeng maabutan ko.

Lakad takbo ako patungo sa loob ng mansyon ng mga Samonte nang marinig kong tumutunog ang telepono ko.

I saw my mom's number. Hindi ko iyon sinagot at nagpatuloy ako sa pagtakbo, wala sa sala si Keaton kaya nagmadali akong umakyat sa taas patungo sa opisina niya.

Wala pa rin tigil sa pagtunog ang telepono ko kahit ilang beses ko na iyong pinatay. Halos mapasigaw pa ako sa pagkairita dahil sa patuloy na pag-iingay niyon. Napapadyak na ako sa inis at sinagot ko na iyon.

"Ma naman, may importante akong—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig ko ang malakas na pag-iyak ni Mama.

Mas lalo akong niyakap ng matinding kaba. "Shanti... anak ang Papa mo..." hindi pa man nasasabi lahat ni Mama ang mga salita, nanalangin na ako na sana ay mali ang akala ko.

"Nabaril ang Papa mo... wala na ang Papa mo..."

Nabitawan ko na ang telepono ko at nanlalambot akong napatingin sa pintuan ng opisina niya. Gusto ko man tumakbo sa kabila nang nanlalambot kong tuhod, pinilit kong makarating sa pintuan at buksan iyon.

At tumambad sa akin ang eksenang nagpadilim ng paningin ko. I saw Keaton Samonte in his wrecked state with my pictures spread on his table. Litrato ko at ni Leiden na magkalapat ang mga labi at litrato ng isang lalaking nakahandusay sa...

Napahagulhol na ako sa harapan niya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at kita ko ang takot sa mga mata niya. "No... no... no... sweetheart, let me explain..."

Nagmadali siyang tumayo at halos matumba siya para lumapit sa akin. "Huwag kang lalapit sa akin! You killed my father! Hindi mo man lang ba hinintay ang paliwanag ko!"

"No... nagkakamali ka..."

Nagpumilit siyang lumapit sa akin pero nagmadali akong humawak ng bagay na maaaring makaprotekta sa akin. Hinawakan ko ang vase at akma ko iyong ihahampas sa kanya.

"Huwag mo akong lalapitan! Ibabato ko 'to sa 'yo! You killed my father! You monster! Ginawa ko ang lahat ng gusto mo, minahal kita! Pero ano ang tingin mo sa akin? Pag-aari na sa sandaling may magawang mali ay tatanggalan mo ng bagay na mahalaga sa kanya? Tatakutin? Sawang-sawa na 'ko sa 'yo, Keaton at sa kabaliwan mo!"

Marahas kong itinuro sa kanya ang mga litrato ko. "No, you got it wrong, Shanti..."

Hindi siya natakot lumapit sa akin at hindi niya inalintana ang vase na ibinato ko sa kanya na marahas tumama sa kanya, nagawa niyang iharang ang braso niya ngunit masyadong malakas ang pagkakabato ko na tinamaan pa rin ang ulo niya.

I saw blood streaming down from his forehead.

Sa kabila nang pagkahilo niya ay pilit siyang lumapit sa akin at yumakap. "Someone set this up, inilalayo ka nila sa akin. Inaamin ko may problema ako. Papayag na ako, I will take medication, Shanti. You'll be there, sasamahan mo 'ko. Sasabihin ko na ang lahat ng gusto mong malaman... ikaw na ang masusunod, I will not cage you. I will give you freedom, pwede ka nang umuwi, hindi ako mananakit ng ibang tao... I will let this slide, kakalimutan ko ang nakita ko ngayon... dito ka lang. 'Wag mo kong iwan, Shanti..." he said desperately.

He cupped my face and his eyes were begging for me to stay. "Maniwala ka sa akin... I love you... so much... when I mentioned Autumn before? I was just terribly jealous... walang ibang babae ang higit na ginusto ko kung hindi ikaw... stay Shanti..."

Marahas kong tinanggal ang yakap niya sa akin. "Sawang-sawa na 'ko, Keaton. I lost my father because of this madness! Ayoko na! Pakawalan mo na 'ko!"

"I didn't kill your father!"

"Then, who? Sino?! Sino ang nag-iisang nagbanta sa ulo ng mga magulang ko!?" natigilan siya sa sigaw ko.

"I didn't kill him..."

"Kung hindi ikaw... ano ang rason? Ipagkakaila mo ba sa akin na wala ka pa rin koneksyon doon?"

Natulala na sa akin si Keaton. "Tapos na tayo, Keaton. Ayokong dumating na pati ako mawala na rin sa sariling katinuan. Mababaliw na ako kasama ka."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro