Chapter 32
Chapter 32
Matigas sa tabi
The first time I've met Keaton Samonte, I already knew that he's a manipulative man. Isang katangian na madalas nang makikita sa kagaya niya na maagang namulat sa mga responsibilidad.
Sanay siyang naaayun lahat sa mga plano niya, mapa-negosyo iyon, kanyang mga empleyado, sariling kapatid at maging sa akin.
Maganda na ang naging simula namin. We were the usual couple with endless flirting sessions. Madalas na siyang ngumingiti, hindi na siya nag-aalinlangang magsalita at naririnig ko na siyang tumawa.
I thought I melted the ice around him. Buong akala ko ay tuluyan ko nang natanggal iyong matinding lamig sa buong pagkatao niya, isang bagay na hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa akin. Ngunit nang inakala kong abot kamay ko na siya, kilala at maituturing na sa akin, ibang uri ng pagkatunaw ang sumalubong sa akin.
I melted the thing he feared the most, which caused him to build an enormous ice again. Makapal at matigas na yelo na ngayo'y hindi ko na matibag.
Hindi ko na maintindihan ang mga emosyon ko, malaki ang parte sa pagkatao kong nais manatili sa kanya at tulungan siya. But our push and pull relationship is killing me slowly!
When he once told me that he's going to build a block of tall ice again, and us together, hinintay ko iyon nang buong puso, pero ang ngayong binubuo niya ay para lang sa kanya. There was an ice between us. Gusto niya akong malapit sa kanya ngunit laging may nakapagitan pa rin.
Even in school, I couldn't help but think about Keaton. At isa lang taong maaari kong makausap tungkol sa kanya.
"Hey..."
When Keaton Samonte started to act like a psychotic possessive boyfriend, I never had an opportunity to talk even with his brother, Langston.
Kahit minsan nga ay hindi ko rin siya nakita sa bawat pagtigil ko sa mansyon nila. It was like Keaton Samonte poisoned every man who would think of coming near me. Maging sa loob ng campus, pakiramdam ko ay nakamata siya sa akin.
I should find it creepy, I should run, and I asked for help. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako ang nangangailangan ng tulong sa pagkakataong ito.
My Keaton needs help. Sinasarili niya iyong problema niya at kung hindi ako magmamadali na tulungan siya, mas sasabog pa siya.
Kahit nasasaktan na ako sa pakikitungo niya sa akin, sa mga salita niya at kung paano niya ako ilang beses itinutulak papalayo upang mas kilalanin siya, gagawin ko ang lahat para sa kanya.
"Langston..."
Ilang beses siyang nagpalingon-lingon bago pumasok ng classroom ko. Wala na akong klase at umalis na iyong mga kaklase ko, nakiusap lang ako sa isa sa mga dumaan kanina na natatandaan kong madalas kasama ni Langston na kung maaari ay puntahan ako.
Based on his behavior right at this moment, he knew what was happening to his brother. Alam niyang bantay sarado ako.
Niyaya ko siya na maupo, dahil ko yata kakayanin na manatiling nakatayo sa magiging usapan namin.
I could see the beaded sweat on his forehead. He's nervous as well as I was.
"Langston... I think your brother needs help. Psychologi--"
Umawang ang bibig niya. "He's not crazy!"
Umiling ako at hinagip ko ang mga kamay niya. "No. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. But can't you see? Alam mo ba ang ginagawa niya sa akin?"
Suminghap siya at nanlaki ang mga mata. "G-ginagalaw ka ni—"
"Oh gosh! No! He's still your gentleman brother... pero sobrang possessive na niya at nasasakal na ako. Hindi ko rin gusto ang paraan ng pakikitungo niya kay Papa..." he grimaced when I mentioned my father's name.
"There's always a reason behind his behavior, right? Hindi siya magkakaganito kung walang dahilan. Please tell me, Langston..."
Tinanggal niya ang mga kamay ko sa kanya. "I thought... you will handle him well when I introduced him to you..."
Ako naman ngayon ang natigilan sa sinabi niya. "W-what?"
Langston laughed, and it was very unusual because his laughter right now was far way different from those that I'd witnessed before. There's always the warm and light on it, bagay na siyang naging dahilan kung bakit nakuha niya ang atensyon ko. At ngayo'y tanging pagtulala at pagtataka na lamang ang nagagawa ko.
He was the warm prince, while his brother's the cold one. But they radiated the same presence, a villain.
Langston Samonte displayed his brother's signature gesture. He crossed his legs and intertwined the fingers of his hands as he formally placed it on the table between us.
"Didn't you get it already, Ashanti? I brought you to him. I pretended that I liked you, and fed you to him."
Nang hindi siya makarinig ng sagot sa akin ay nagpatuloy siya. Ibang-iba na siya sa Langston na nakilala ko.
"He finds it silly to think about your father's debt, but I was the one who reminded Keaton about the importance of debt. So...I tempted him by using you. Isn't it wise, eh? Hitting two birds with one stone. May utang na nababayaran at nakakapagliwaliw si kuya habang abala siya sa responsibilidad niya sa ilalim ng..."
Kumuyom ang mga kamao ko sa sinabi niya. Kung dati'y iniisip ko na baka parte lamang ng paglalaro niya ang pag-aalok ng kasal sa mga babae, ngayo'y nakumpirma kong may problema na nga talaga kay Langston.
They were the same, and I was trapped inside the world of these psychotic brothers.
Akala ko ay si Langston lamang ang may problema sa pag-iisip, hindi ko akalain na higit pa sa kanya si Keaton at sabay nilang kinukunsinte ang isa't isa.
Samonte brothers were insanely crazy!
Ang inakala ko na siyang tutulong sa akin ay isang malaking baliw. How could I think that Anna will betray Elsa?
"What are you?"
He devilishly grinned at me. "Let's say that... we're not in the good side. Will you accept him?"
Tears stung my eyes. Nagsisimula na akong magtanong sa sarili ko kung bakit nasangkot sa pamilya nila si Papa at kung anong klase ng utang ang mayroon kami para pasakitin nila ang utak at puso ko.
Tumayo na si Langston na may kasamang pag-iinat. "You should accept him. All of him, sister-in-law. Possessive? Of course, Samontes are psychotically possessives."
Itinuon niya nang sabay iyong mga kamay niya sa lamesa at inilapit niyang muli ang mukha niya sa akin.
"Pasalamat ka... panganay ang nahulog sa 'yo. Dahil mas grabe akong mabaliw sa babae kumpara kay Keaton..."
Sasampalin ko na dapat siya nang mabilis niyang itinuwid ang pagkakatayo niya.
"Answer me directly, Samonte!"
Unti-unti niya iyong inangat sa ere na may pormang parang baril. Itinapat niya iyon sa aking noo.
"Follow his rules and do not trigger him much. Avoid filthy males around you, because if you ruined his mood again, that would cause a delay in our operation... o sabihin na natin mas lalong mabaliw si kuya ng dahil sa pangingialam mo... Bang... pagsasabayin ko pa kayong mag-ama."
Hinipan niya ang hintuturo niya na parang may usok iyon ng baril.
And then he flashed his signature smile. "Kidding. Please do not mention this to Keaton, he will kill me."
"This isn't love anymore..." kung nagkaroon nga ba ng ganoon.
"Eh? Are you sure?"
"You are both crazy!"
He shrugged his shoulders. "See you around, sister-in-law. Don't worry, Keaton is true to his words. Nababaliw kaming mga Samonte pero may paninindigan kami. He'll respect you."
Iniwan niya akong tulalang nag-iisa sa classroom at ang inakala kong araw kung saan mas maliliwanagan ako ang siyang lalong nagpagulo sa sistema ko.
My conversation with Langston confirmed that both of them have a problem. It should have been my alarm bells to run and save myself from Keaton's cage, but here I was, forcing my smile in front of him.
"How's your day?"
"Good. You?"
"It's good now that I see you." Magaan siyang humalik sa ibabaw ng noo ko.
I convinced myself that I wouldn't use our family's infamous signature, na kailanman ay hindi ko gagamitin ang emosyon ng isang lalaki para makuha ang gusto ko.
But Keaton Samonte pushed me to embrace that awful way. Natigilan siya nang bigla akong kumalong sa kanya.
"Pumapayag na 'ko..." bulong ko sa kanya.
"You'll live with me?"
I nodded at him. This time I was the one who initiated the kiss. Ibinigay ko sa halik na iyon ang lahat ng emosyong kinikimkim ko sa lahat ng nangyayari.
"But you should do something about the gossips..."
"Tell me who to kill then..." halos mangatal ako sa sinabi niya.
"No to killing."
"I'll drain them, then. Uubusin ko ang lahat ng ari-arian ng sisira sa araw mo. I'll banish them in this province, tell me... gagawin ko."
Kung ganito na siya makapangyarihan, paanong hindi niya naagaw si Autumn noon kay White Arellano? Paanong nasa ibang bansa ngayon si Autumn at hindi nakakulong sa bisig ni Keaton?
"Next month ako lilipat..."
Ngumiti siya sa akin. If I couldn't break the ice in front, I would start at the back. Kailangan ko siyang paniwalain na wala na akong pakialam sa kung anumang itinatago niya sa akin.
I need to fool him to help him. At kung totoong nasa ilalim sila ng masamang paraan, gagawin ko ang paraan para kumbinsihin siyang itigil na iyon.
Nasa isang malaking sindikato ba siya? Gusto ko man iyong hindi isipin pero lamang ang pinakamalapit na maging dahilan, lalo na't nadawit na rin ang pangalan nila sa mga Olbes. Don Olbes was a confirmed drug lord na napatay matapos ang isang ambush.
Ang tanging kailangan kong gawin, ay mas baliwin si Keaton Samonte, higit sa kabaliwan niya sa responsibilidad na iniingatan niya.
Naramdaman kong hinawakan niya ang ilang hibla ng buhok ko. "You are not thinking of manipulating me or something... La Rosa, right?"
I stiffened. Isiniksik niya ang sarili niya sa leeg ko at naglaro ang tungki ng ilong niya roon. "Masama akong magalit..."
"N-no... kailan ba ako nanalo sa 'yo, Mr. Samonte?"
"Always, sa maraming bagay. Hindi mo lang iyon napapansin..."
Tumigil na ang sasakyan at nasa harap na pala kami ng bahay. Umalis na ako sa pagkakakalong sa kanya.
"See you tomorrow..."
Hinayaan niya akong makababa ng sasakyan. Hindi niya pa ibinababa ang bintana at nakatitig pa rin siya sa akin na parang ako na ang pinakamagandang tanawin sa mundo.
"You caught my attention for a few seconds, but here I am, crazy about you... forever..."
Sa kabila ng takot ko sa kanya, ilang salita ang lumabas sa mga labi ko. "I love you..."
Kita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko, ngunit hindi ko na pinatagal pa ang sarili ko sa kanyang harapan dahil nagmadali na ako patungo sa bahay.
**
Sinimulan ko na ang paraang inakala kong kailanman ay hindi ko gagawin, lalo na sa lalaking mahal ko.
Tutunawin ko ang yelo at kasama niyon ay ang lalong pagkabaliw niya sa akin.
Sa tabi ng malaking puno sa likuran ng kanilang mansyon...
"Keaton..." naglakbay na ang mga kamay ko sa dibdib niya, nasa lupa na ang pag-itaas niyang damit habang nakatingkayad akong humahalik sa leeg niya. Hindi siya humahawak sa akin. Matigas at hindi marupok.
Sa tabi ng refrigerator...
"Shanti..." my kisses went on his abs, but he pulled me up and he kissed my lips again. "Silly girl..." matigas at hindi pa rin marupok.
Sa tabi ng lababo...
Sinadya kong mabasa kami ng tubig at mabasa iyong damit ko. Bumakat ang panloob ko sa basa kong damit. Humiwalay siya sa akin at tumigil sa paghalik. "Magpalit ka na ng damit, baka lamigin ka." Matigas at hindi pa rin rumurupok.
Sa tabi ng bintana...
Nagkunwari akong mahuhulog habang nagpupunas ng bintana, dahil dadaan siya ay agad siyang nakatakbo at sinambot ako. I kissed him, hanggang sa kapwa na kami napaupo sa sahig.
Hinawakan ko na ang dalawa niyang kamay at isinuot ko iyon sa likuran ng damit ko, sa tapat ng bra ko. "Remove it, boss..." tumango siya.
Patuloy kami sa pagpapalitan ng halik ni Keaton, ako na ang humila sa kurtina sa takot na may makakita sa amin. Ramdam ko na hirap na hirap siya sa pagtatanggal niyon. Ba't ang tagal?
Parang pinipindot niya lang iyon. Ano akala niya sa bra di pindot? "Unhook it..."
"Oh..."
"Oh..." ulit ko. First time niya nga pala!
Sa lahat ng gwapo at possessive si Keaton Samonte lamang ang hindi marunong magtanggal ng bra. Hindi na ako nagtataka na sa bawat punta naming dalawa sa tabi ay siya ang namomolestiya.
Hindi niya talaga matanggal. "Ako na!"
Tatanggalin ko na sana iyon nang biglang may tumunog na telepono. "Oh, business... continue cleaning the window." Humalik siya sa noo ko at iniwan niya ako roon na nanggigigil sa kanya. Matigas at hindi pa rin rumurupok.
Paulit-ulit iyong nangyayari. Hindi siya hahawak sa akin kung hindi ko igagalaw ang kamay niya, naglalambing pa rin naman siya katulad ng dati pero nang tumigil na talaga ako mismo rito sa mansyon nila siya ang nagbibigay ng distansya sa amin.
Kasalukuyan na kaming kumakain ng almusal at mainit na ang ulo ko sa kanya. Sinabi nina August at Antonia na mababaliw daw ang lalaki sa isang babae kapag pinatikim.
Pero si Keaton Samonte ay ilang beses ko nang dinala sa tabi para patikimin, hindi pa rin natutunaw at rumurupok. Matigas pa rin siya.
"Iba naman kasi ang pinatitigas ko!"
Natigil sa pag-inom ng kape sa Keaton at tumaas ang kilay niya. "Pakasalan mo muna ako, babalikan natin ang maraming tabi ng mansyong ito."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro