Chapter 30
Chapter 30
Caged
"Go on. As if I didn't use you to forget about Autumn."
Tuluyan nang napatid iyong pinipigilan kong emosyon simula nang batuhin niya ako ng sunud-sunod na masasakit na salita.
Mula sa pagmamaliit niya sa akin at sa pangalang dinadala ko, ang kakayahan ng boses ko laban sa boses niyang siyang makapangyarihan sa bayang ito, at ang salitang kailanman ay hindi ko nais marinig mula sa kahit sinong tao.
Ang maging panakip butas.
I bit my lower lip, and cried hopelessly in front of him. Ginamit lang ako, naniwala ako sa mga kilos at mga salita niya. Nabaliw ako sa paraan ng pagtitig niya kahit gaano man iyon kalamig.
Nangangatal na iyong mga labi ko, nag-iinit ang mga kamay ko, nais ko siyang saktan, kalmutin ang mukha, gusto kong magpaulan ng mura pero sa kabila nang tindi ng galit na nararamdaman ko, sobrang sakit at nanghihina ako, na tanging ang kaya ko na lamang gawin ay sumandal sa pinto para suportahan ang sarili ko.
Parang paulit-ulit sinasaksak iyong dibdib ko.
Our happy moments together were flashing in my memory, my laughter, his touch, whispers, words, and even his kisses.
Para iyong nasa malinaw na salamin na unti-unting nagkakaroon ng bitak hanggang sa tuluyan nang nabasag. Because everything was a farce, and a trick to mend his wounded heart.
"H-how dare you!"
Humiwalay na siya sa akin at tinalikuran niya ako. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pinilit ko ang sarili ko na lumabas doon sa opisina niya.
I ran as fast as I could like it was a life and death run, and I didn't bother to look back when I heard Langston called me.
Magsama sila ng kapatid niya!
Nang tuluyan ako makalabas doon sa gate ng mga Samonte, lakad takbo na ako para lamang makalayo sa kanila.
Hagulhol na ako sa pag-iyak habang halinhinan ang dalawa kong kamay sa pagpupunas ng mukha ko.
How many times did I try to compare Keaton to his brother? How many times did I tell myself that he's different from him? That my emotions for him were far way clear, deep, and unexplainable.
The happiness that I've found from him was not forced and obligatory, my every approach for him wasn't desperate, I was genuinely smiling at him, and every time that we're together all I could think was to allow him to build a tall castle for us.
Gaya ng mga salitang ipinaniwala niya sa akin ng walang kahirap-hirap. Bakit ganoon siya? Hindi man lang siya nahirapan na mapasailalim ako sa kanya dahil lamang sa tipid niyang mga kilos at salita, ngunit hindi ko akalain na madali niya rin akong maitutulak papalayo sa kanya.
Panakip butas lang naman pala ako. Sino ba ang totoong magkakagusto sa akin? I wasn't pretty, not even an ideal girl, reckless, and nosy.
Magang-maga ang aking mga mata nang sumakay ako sa tricycle. Bakas pa kay kuyang driver ang pagtataka, halos kilala na niya ako dahil ng mga panahong hindi pa naman ako inihahatid ni Samonte ay sa kanyang tricycle ako madalas sumakay.
"Sa may 7—"
"Hindi po. Doon po tayo sa may burol."
Sinabi ko sa kanya ang isang lugar sa Enamel na madalas kong tambayan sa tuwing gusto kong mag-isa. It was a silent hill at the end of the Enamel with a big tree atop on it, until now I wasn't aware of the name of that tree, but as long as it could still give me a calm ambiance, I wouldn't demand a name.
I heard it has a sister tree in Enamel. Parehong-pareho raw dahil nasa tuktok din daw iyon ng burol matatagpuan. I wonder what was the story behind those trees?
Alam ko na hindi lang ako ang nahihilig tumambay roon, minsan ay nakita kong mag-isa roon si Rashid Villegas, isa na namang kilalang lalaki rito sa Enamel.
I was thankful that the hill was empty of visitors today. Some people would like to sit down under the tree, to feel the calmness of the place, but as wild and reckless as I was, I tried to climb up the tree, sat on its think branch, and look over at the beautiful scenery, from bermudagrasses, butterflies, and dandelion petals fluttering around like fairies.
I hope everything was like this beautiful scene. Genuine.
Katulad nito na naghahatid ng saya ngunit walang kapalit. At kung magkaroon man ng pagkakataon na may mawala sa kanila, sila pa rin ang papalit.
The replacement of a bermudagrass is only a bermudagrass.
The replacement of a butterfly is only a butterfly.
The replacement of the dandelion's attraction is another fluttering dandelion.
And... a blue rose would never replace a yellow daisy.
Dapat naghanap na lang siya ng ibang gagamiting babae, bakit ako? Dahil malaki naman ang pagkakautang ng pamilya ko sa kanya kaya hindi mahirap sa kanyang paglaruan ako?
Hindi siya iyong nagulo, dahil sa ang totoo'y ako ang nanahimik at inosente sa mga nangyayari. All I did was to help the people of Enamel from his abusive business. Wala naman ako natatandaang ginawang masama sa kapwa ko para maranasan ko ang ganitong sakit.
I lived my life helping others, I never thought of bad things toward other people, I never wished for someone's failure, I always felt satisfied, and no matter how sore people looked at us, I never yearned to get back at them.
Masaya na naman ako noon, pero nang dumating ang mga Samonte kung anu-ano na ang ipinararanas nila sa akin at sa pamilya ko.
I went home late. It was almost eight pm. I was so tired that all I wanted was to dive on my bed and spend the rest of my vacation sleeping.
I was starting to think about the reasons for my parents when my steps faltered when I saw his figure inside our living room, sitting like a welcomed guest while wearing a business suit like he's about to close a big deal.
"A-ano ang ginagawa niya rito?!"
My eyes turned to my parents, who were both sitting cowardly. My brows creased incredulously, how dare him to manipulate my parents!
How dare him to treat us this small just because we had a debt on him?!
"Ashanti, anak, halika..." tawag sa akin ni Papa.
I looked at them, stunned. Ibinebenta talaga nila ako ng harapan sa kanya?! Hindi ba nila alam na sa likod ng tipid na pagsasalita ng Samonteng iyan ay may kakayahan din siyang dumurog ng puso ng isang babae sa isang iglap?
"Is it because of our debts? Kaya kong magbayad sa kanya, makakapagtapos din ako ng pag-aaral. Kahit habang-buhay na akong magbayad sa kanya ng pagkakautang n'yo ay gagawin ko! Pero ang ibenta ako sa kanya sa utang na hindi naman sa akin? Anak n'yo ako, Ma, Pa..."
Nanatiling nakaupo roon sa sofa si Keaton Samonte, nakakrus ang mga hita at braso habang nagtatangis ang mga bagang.
"Make her sit." Malamig na sabi niya.
"Huwag mong utusan ang mga magulang ko!" sigaw ko.
Halos magmakaawa ang mga mata ni Mama sa akin habang iling ako nang iling. Hindi ako papayag na mapapaikot niya ako sa kanyang mga kamay. Sinabi niya na sa akin ang papel ko sa kanya at hindi ko iyon gustong ipagpatuloy pa.
"Ashanti!" sigaw sa akin ni Mama.
"M-ama... hindi naman ako pambayad ng utang. Huwag n'yo naman akong itulak sa kanya... kasi nahuhulog na 'ko sa kanya... pero hindi naman ako iyong gusto niya. Ibang babae naman ang gusto niya... nasasaktan ako... Mama, ayoko po..." patuloy ako sa pag-iling habang mariin na ang paghila sa akin ni Mama.
"Mama, hindi n'yo ba nakikita kung gaano kaliit ng tingin ng taong iyan sa atin? Na ang tingin niya sa akin, sa anak n'yo ay pambayad lang ng utang. Parang awa mo na, Mama, kahit minsan naman intindihin mo iyong nararamdaman ko, hindi ko gusto ang nangyayari..."
Hindi ko na magawang sumulyap kay Samonte at sa reaksyon niya sa mga sinasabi ko. Nakita niya naman sa reaksyon ko nang sabihin niya ang mga salitang iyon sa akin.
I was hurt, damn hurt. Na ngayong nakikita ko siya, gusto ko nang tumakbo nang sobrang layo sa lugar na walang makakatawag sa pangalan ko, na maging ang boses at pagmamakaawa ko'y hindi nila nakikita.
Bakas na bakas ang matinding takot sa mga nila, hawak ni Keaton Samonte sa leeg ang mga magulang ko sa hindi ko maintindihang dahilan.
Pinaupo ako ni Mama sa tabi ni Papa, hinawakan niya ang kamay ko habang hindi ako tumitigil sa pag-iyak at pag-iling.
"Now that your daughter learned the truth..."
Truth? Inakala niya ba talaga na higit pa roon sa mga sinabi ko ang nalalaman ko? All I did was assumed, but he did confirm it. May ilegal silang ginagawa ni Papa at natatakot siyang ikalat ko iyon. Pero ano iyon? Bakit hinayaan ni Papa na madawit kami rito?
"I will take her."
"T-take me? Ibabahay mo 'ko? Ano na lang ang sasabihin sa akin—oh! Oo nga pala, La Rosa nga pala ako. Madumi na ang tingin sa akin ng mga tao. Bakit nga ba magtataka pa ako sa magiging trato mo sa akin?"
"You're already eighteen. I can marry you."
Hindi ito ang pinangarap kong proposal simula nang magdalaga ako. Hindi sa ganitong paraan.
"W-what? No! Sobra- sobra na! Bakit hindi mo na lang ako ikama at nang matapos na iyang tang inang utang namin?!"
"Ashanti!" sigaw ni Mama at Papa.
Bakit nandito pa siya? Bakit sumunod pa siya sa akin at nagawa niya pa akong unahang makarating dito sa bahay para lamang masiguro niyang masusunod ang gusto niya.
Dapat ay hinayaan niya na lamang ako. Matapos niya akong paulanan ng masasakit na salita, alam ko sa sarili kong tapos na. Ayoko na sa kanya. Hindi ko na kayang tumagal pa na makita siya.
Hindi na ako nagpapigil sa mga magulang ko. Kilala ako biglang La Rosa na may pinakamatigas ang ulo at hindi ako papayag na ganito ang gawin nila sa akin. Marahas akong tumayo at nanlilisik ang mga mata kong sinalubong si Samonte.
"Do you think your threat to my parents will make me stop? Do you think you can manipulate me like them? Think again, Samonte. Gigibain ko ang pinakatatago mo at pagsisisihan mo ang panggagamit mo sa akin, sa mga magulang ko..." hantaran akong nagpunas ng luha sa harapan niya.
Hindi man lang siya natinag sa mga sinabi ko at bumaling siya sa mga magulang ko na ngayo'y wala man lang magawa para maipagtanggol ang kanilang anak.
"I want her to move into my place by the first week of June. Kausapin n'yo siya nang maayos." Sabi niya sa mga magulang ko na parang hangin lamang ako roon sa harapan niya.
He opened his phone and he casually scroll it down. "I'll soon arrange our civil wedding."
"Ano ang kapatan mong—" saglit nag-angat ng tingin sa akin si Keaton Samonte.
"Ask your parents."
Mas lalong piniga ang puso ko nang hindi na makatingin sa akin ang mga magulang ko. "Bakit ako? Apat kaming magkakapatid, bakit laging ako?"
"Ikaw ang gusto ko. Shut up, La Rosa. Cooperate."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at dinampot ko na iyong remote sa center table at ibinato ko na iyon kay Keaton Samonte, tumama iyon sa dibdib niya na hindi man lang nakapagpapitlag sa kanya.
"Ashanti!" sigaw ni Mama.
"Manloloko ka... pinaniwala mo ako sa lahat nang inakala ko. I thought you're a--"
"A Prince?" he asked. "Yes, I was. I was willing to play a prince for you, but you can't just stay in one place and do what I say. I tried to woo you and give you a dream-like love story, hindi ba't iyon ang gusto mo?"
Nanatili akong hindi nagsasalita. Iyong magagandang alaala namin na magkasama, hindi ko na magawang isipin na hindi ako lubos na nasasaktan. Ang hirap isipin na sa bawat ginagawa, sinasabi at ipinaparamdam niya sa akin, pilit niyang kinalilimutan ang isang babae.
"I was planning to win you without getting involved the debt, pero ano ang ginawa mo? It was all your fault."
Sarkastiko akong tumawa sa kanya. "Nasabi mo na sa akin, Samonte, don't start giving me your flowery words again. Panakip butas lang ako... D-do you think I'll let you take everything as easy as what you imagined? Do you think that I'll give you my—"
Marahas na siyang tumayo at mariin niyang itinuro ang Papa ko. "Lumapit ka sa Arellanong iyon, I will cut your father's head."
Bumaling siya kay Papa. "May maghahatid sundo sa kanya sa sandaling magsimula ang kanyang klase. You will never talk with any of the Arellanos. I have eyes to watch, Shanti."
"Sa sandaling nahawakan siya ng iba..." marahas umiling si Papa. "M-makikinig siya sa akin..."
Sinalubong muli ni Samonte ang mga mata ko. "Wala nang Arellano ang aagaw sa akin. Akin ka lang, La Rosa."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro