Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Chapter 28


Debt

Pilit pinipigilan ng tatlo kong kapatid ang kanilang pagtili, si Mama ay tuluyan nang naiyak na parang inihahatid na ako sa altar, habang si Papa ay naiiling sa kanilang reaksyon.

I tried to compose myself that time and pretended like a demure Mexicana with a calm yet blushing face.

Bakit naman kasi ganyan ang salitaan nitong si Samonteng lamig? May pa-honorable pa siyang nalalaman.

Sa lahat ng intsik na nang-aangkin at nananakop ng teritoryo ay siya na nga ang pinaka-honorable.

Ipapasakop ko na... ipapaangkin ko...

I bit my lower lip to stop my silly thoughts. Bakit ko naman ipapasakop agad? Dapat manlaban muna naman ako. Ang Mexicanang katulad ko ay hindi dapat basta na lamang bumibigay sa isang intsik.

Tumikhim si Aldus at nagkibit balikat. "Yes, it's good being honorable. So happy that my friend is practicing that principle too. What are friends for if we have different beliefs, right, Keaton?"

Wow. Honorable rin pala itong si Aldus na taga-Leviathan lang.

Kumunot ang noo ni Samonteng lamig, pero agad niya rin iyon inayos dahil nasa harapan siya ng mga magulang ko.

Tumikhim si Papa at hanggang ngayon ay seryoso pa rin ang ekspresyon niya. Sa totoo lamang siya ang inaasahan ko na unang masisiyahan sa biglaang pagbabago ng ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa ni Keaton Samote. But my father's getting weirder.

"Kung liligawan mo ang anak ko, Mr. Samonte, dapat ay rito sa bahay."

"Of course. Gladly."

Alissa suddenly giggled that caught everyone's attention. "I'm sorry. Bigla ko pong naalala iyong pagwewelga ni Ate Ashanti, it's so ironic na nauwi rin sila ni Kuya Keaton sa ligawan."

Muntik ko nang ibato sa kapatid ko ang plato. Sa dami ng pwede niyang sabihin, bakit iyong pagwewelga ko pa? At kailan ko siya pinayagan na tawaging Kuya si Samonteng lamig?

Hindi man nagsalita si Mama, ang pandidilat ng kanyang mata sa kapatid ko ang nagpatigil sa anuman pang sasabihin niya na makapagpapahiya sa akin o maaaring maging dahilan ng pagdadalawang isip ni Keaton Samonte.

Hindi tuloy ako makatingin sa kanya.

"Paano ang trabaho ng anak ko sa 'yo? Hindi yata maganda na magpatuloy pa siya sa kanyang trabaho kung magkakaroon kayo—"

Magsasalita na sana ako nang unahan na ako ni Mama. "Steven, ilang linggo na rin naman ay matatapos na ang bakasyon ni Ashanti. Bakit kailangan pa itigil ang kanyang trabaho? Hindi naman siguro gagawa ng bagay na hindi natin magugustuhan si Keaton, 'di ba, hijo?"

Kung ibang tao siguro ako ay baka maniwala pa ako sa sinasabi ni Mama, pero alam kong mas gugustuhin niya pa na gumawa ng bagay si Keaton na mas makakapagpatali sa kanya sa akin.

He's a good catch for our family, at gagawin ni Mama ang lahat para kami talaga ang magkatuluyan. Bagay na hindi ko gustong mangyari, kung magtagal at mahantong kami ni Keaton sa matibay na relasyon, hindi ko gusto na may bahid iyon ng ambisyon ni Mama.

"Of course. But if you're really bothered, I can let go of Shanti as my secretary." Marahas akong lumingon sa kanya. Hindi pwede, alam niyang may mga bagay pa rin naman akong gustong gawin at magagawa ko iyon habang nagtatrabaho ako sa kanya.

"N-no..." hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng lamesa.

My eyes were pleading at him. Yes, it's reasonable that a father would feel worried about her daughter working with her suitor, but a fifteen minutes flirting moment in the morning and afternoon couldn't just take my innocence that fast.

Papayag ba naman ako na fifteen minutes lang? Tanggap ko nang kuripot ang mga intsik na katulad niya, pero hindi ako papayag na magtitipid siya sa akin sa lahat ng bagay.

Even a one-hour lunch break would not cause any harm. Hindi naman ako papayag na magpalandi sa kanya na nagugutom ako. Keaton knew me too well when it comes to the foods.

"Just trust my friend, shall we?" tinapik ni Aldus ang balikat ni Samonteng lamig.

"LG wouldn't allow me to hang out with him if he's no good. Alam natin na mga abusado ang mga intsik, pero iba itong kaibigan ko. He's honorable, hindi siya kagaya ng ibang intsik diyan, na basta na lang nagdadala ng babae sa tabi."

Mama pretended to smile, Ate Aliyah and Ate Ariana arched their brows, Alissa's eyes sparkled dreamily, but my father continued with his unreadable mien.

But I almost choked while looking at Aldus with my widened eyes. I felt Keaton's hand tightened against mine. Paano hindi magiging ganoon ang reaksyon namin dalawa?

Keaton Samonte, the honorable Chinese whispered at me once that he wanted to bring me somewhere. Sa tabi... at ako lamang ang babaeng gusto niyang dalhin doon.

Iyong mga mata namin ni Samonteng lamig nagkukunwari na lamang mga kalmado pero ang totoo, gusto na namin sabay dalhin sa tabi si Aldus Ferell at pagtulungang iuntog ang ulo sa pader.

Aldus Ferell smiled at us innocently.

"He will never take advantage of your innocent Ashanti, a kiss is too sacred for every eldest son of a Chinese family. Hindi sila basta humahalik sa babae, sa katunayan ay sa kasal pa nga iyon."

Kahit si Keaton Samonte na napapakunot na ang noo dahil mukhang kahit siyang intsik ay walang nalalaman sa tradisyong sinasabi ni Aldus.

May Mexicana na bang nakapatay ng gate crasher?

"Of course, being honorable does mean a Chinese who avoids a woman on his lap. Karamihan sa mga napapanuod ko na boss at secretary na telenovela, laging ikinakandong ang babae tuwing breaktime! Hinding-hindi iyon gagawin ni Keaton."

Inuulan na ng mura sa aking isipan si Aldus Ferell. Madalas iyong gawin sa akin ni Samoteng lamig kapag break time. Gago nga yata itong Ferell na 'to at inilalaglag kami.

Pansin ko na mas lalo nang naniningkit ang mga mata ni Samonteng lamig at nag-iigting na ang bagang niya, may ilan na rin akong nakikitang ugat sa may noo niya. Kapag bigla niyang nasuntok si Aldus, ano kaya ang magandang idahilan?

"And lastly, hinding-hindi niya gagawin na maagang tuhugin—oh I'm sorry, I mean, he'll value wedding night. Gaya ng pinanghahawakan ko, ng mga pinsan ko at ng lahat ng mga kaibigan ko, at isa na nga roon si Keaton."

Hindi ko akalain na sa sobrang tipid nga na magsalita ni Samonteng lamig ay magsasama siya ng spokesperson na sobrang daldal na gugustuhin kong sakalin ng sarili niyang dila.

"Indeed. Such a very supportive, right?"

Hindi na tumagal pa ng kalahating oras sina Keaton at Aldus, nagpaalam na ang manliligaw ko at sinabing may biglaan siyang kailangang gawin.

Inihatid ko na sila sa main door ng bahay namin, nakasunod pa rin sa akin sina Mama at ang tatlo kong kapatid. Yuyuko na sana sa akin si Keaton para humalik sa aking pisngi pero nang tumikhim si Aldus ay agad siyang tumuwid ng pagkakatayo.

Pakitang-tao 'tong si Aldus! Sa pagkakaalala ko siya pa ang magaling manggatong doon sa resort ng kung anu-ano.

"Good night, I'll see you on Monday."

Tumango ako at nagpaalam na rin sila kina Mama at sa mga kapatid ko. Nang tumalikod na ang dalawang lalaki sa amin, nakailang kirot ako sa tagiliran mula kay Mama.

"Napakaganda mo talaga, anak!"

I rolled my eyes. Bago pa kami magtungo sa usapan tungkol sa kagandahan ng mga La Rosa at sa kamandag na mayroon kami sa mga kilalang binata rito sa Enamel, nagmadali na akong pumunta sa kwarto ko.

Nakagat ko na ang aking unan at itinaklob ko na sa sarili ko ang aking kumot habang impit akong napapatili roon na may kasamang pagpadyak. Kahit may malaking epal, hindi pa rin no'n maaalis ang kilig na pinaramdam sa akin ni Keaton.

Ibang-iba sa naramdaman ko noon kay Kalas. I was blinded by my competition with my sisters before, na nginitian lamang ako ay itinuri ko na siyang aking prinsipe. I was too desperate to find my own match without my mother's help, at nang makakilala ako ng lalaking ang tingin sa akin ay isang prinsesang kailangan tulungan, akala ko ay ang pagtingin ko sa kanya patungo na sa pagmamahal.

I was just confused, helpless and too desperate. Pero ngayong si Keaton Samonte naman ang prinsipeng siyang kaharap ko, iyong nararamdaman ko ay hindi pangangailangan, pakikipagkumpetensiya o may nais patunayan.

Muli akong napakagat labi, kailan ba ito nag-umpisa? Kailan ko siya nakita na higit pa sa aking masungit na boss at lalaking mayaman na may-ari ng sabungan?

Ang tagal kong nagpagulong-gulong sa kama bago ako tuluyang tinangay ng antok at nakatulog na may ngiti sa mga labi.

**

It was Sunday when my mother appointed me to do our weekly grocery. Dapat ay kasama ko si Alissa pero dahil mabuti akong kapatid at nakikita ko na marami pa siyang projects sa school, sinabi ko sa kanya na ako na ang bahala.

Habang may buhat akong basket at pumipili ng kape, may lalaking tumigil sa tabi ko, at hindi ko na kailangang lumingon sa kanya para makilala siya.

"Ashanti, long time no see."

"Leiden..."

I smiled awkwardly at him. "Kumusta?" he asked.

"Still the same, ikaw?"

Ngumuso siya habang pinagmamasdan iyong mga kape. "Gusto mo siguro talaga ang white coffee? Ayaw mo ng brown coffee?"

Hindi ako nakasagot agad sa kanya. Bigla akong nakarinig ng pagtawa, nang lumingon ako sa likuran ko ay naroon na si Gilbert Arellano na may hawak na rin basket.

"Bakit 'di mo na lang diretsuhin, Leiden? Ang laki siguro ng galit sa inyo ni Samonte? Pareho kayong inagawan ni Dwight."

"Shut up, Gilbert."

Kumuha ng maraming brown coffee si Leiden. "Maraming preservatives iyang white coffee, Ashanti."

Muling tumawa si Gilbert. "Ano na, pinsan? Dalawa na kayo ni Dwight na duguan?"

"Leiden, can we talk? Tatapusin ko lang mag-grocery."

It would be unfair for him, siya iyong unang nagsabi sa akin na gusto niyang manligaw sa akin, pero hindi ko siya pinayagan at binigyan ng pagkakataon, maliit lang ang Enamel, sigurado akong alam na niya ang namamagitan sa amin ni Keaton.

"About what?" tanong niya.

Nagpipigil nang hindi tumawa si Gilbert. "Iyong ano..."

"Oh, don't bother. Hindi pa naman ako patay na patay sa 'yo. Just good luck. I'm cool with your decision." Tipid siyang ngumiti sa akin.

Bumuka ang mga labi ko na parang may gustong sabihin, ngunit walang mga salita at lumabas kaya muli ko iyong isinarado. His voice was so cold despite the warm smile he in front of me.

"L-Leiden..."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. He's been good to me, wala siyang ibang ginawa kundi tulungan ako at suportahan sa lahat ng gusto ko noon pa man. But when I met Keaton Samonte, I suddenly brushed him off.

Gusto kong biglang maiyak. I don't want to lose Leiden, pero posible pa ba iyon sa amin? Wouldn't it be awkward for us to hang out again like what we used to?

Bago ako tuluyang iwan ng dalawa ay iniwan niya ako ng mga salita na naging palaisipan sa akin hanggang sa makauwi ako sa bahay.

"Just don't crash the ice too deep, Ashanti. You'll be surprised. May mga bagay na gugustuhin mong hindi na guhuin pa."

**

I tried not to think too much about Leiden's words, pero sa tuwing nag-iisa ako ay iyon ang pumapasok sa isip ko. Hindi man niya sabihin sa akin kung ano ang nais niyang iparating, alam ko na may kinalaman doon si Keaton.

Hindi naman mahirap sa akin intindihin ang mga sinabi niya. May bagay pa ba akong kailangan malaman kay Keaton na dapat ay hindi ko na bigyan pa ng oras? Pero bakit alam iyon ni Leiden?

Leiden is a well-known Arellano, kilala ang pamilya niya sa probinsiyang ito sa iba't iba nilang paraan para makuha ang kanilang mga gusto. Everyone thought that they were once on the bad side, but after the election, Arellanos had cleared their name. They might have their wicked ways, but that wouldn't come to the point that they'll harm someone.

Kaya hindi basta magbibitaw ng mga ganoong salita si Leiden kung wala iyong laman.

I was about to knock at my parent's door to tell them that I will leave for work when I accidentally overheard their conversation.

"Alam mong nagtatrabaho lang ako sa kanila dahil sa malaki nating pagkakautang, Alaska. But our daughter isn't part of our payment..."

"He is willing to wave our debts, Steven."

"By selling our own daughter? Sinabi ko na sa 'yo ang trabaho ng mga Samonte..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro