Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Chapter 27

Honorable 

Akala niya ay madadala ako sa mga paandar niyang paalo-alo? Hindi ko siya pinansin sa natitirang limang minuto habang nakakrus iyong mga braso at binti ko, ginaya ko lang naman ang posisyon niya sa tuwing mainit ang ulo niya sa akin.

"Right." Sumulyap ulit siya sa relo niya. "I'll get back to you this break time."

Maaalo ba ako ng landing limang minuto sa dami ng isinigaw niya sa akin? Instik na hilaw 'to! May pa-Marimar at Sergio pa siya na nalalaman, gawa-gawa niya lang siguro iyon.

Tumayo na siya at nagsimula nang maglakad patungo sa lamesa niya. I made expressions at his back to at least release my annoyance at him, kahit 'di niya nakikita.

Pampalubag loob man lang sa akin. Pero dahil ipinanganak yata talaga siyang may mata sa likuran, lumingon siya pabalik sa akin kaya nahuli niya ang ekspresyon ng mukha ko at akma kong pagbato sa kanya ng kalamay na hindi ko naman talaga ibabato.

Tumaas ang kilay niya sa akin at namulsa siya sa harapan ko. "Kapag ako tinamaan niyan..." sinadya niyang bitinin ang anumang sasabihin niya.

Biglang bumalik sa mga alaala ko iyong mga salitang binitawan ko ng mga panahong inis na inis ako sa mga kapatid ko at sa mga boyfriend nilang madalas kong tawaging mga hilaw na kalamay.

Shit!

"Makakatikim ka sa akin ng kalamay..."

Umawang ang mga labi ko, natigil sa ere ang kamay ko na may hawak na kalamay at nangatal ang buong katawan ko.

Sa talambuhay ko, hindi ko pa kailanman narinig naging banta ang salitang kalamay, pero nang lumabas iyon sa bibig ni Keaton Samonte mas matindi pa ang epekto niyon sa salitang kakagatin kita sa tenga.

"B-bakit ka naman tatamaan, boss? Nag-inat l-lang po ako..." pautal-utal na sagot ko.

Tumaas ang sulok ng labi niya at muli niya akong tinalikuran. "Eat them, I'll give you fifteen minutes."

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya, kinuha ko na ang lahat ng pagkain na ibinigay niya sa akin at nagmadali na akong tumayo para magtungo sa pantry.

"Wala ka ng breaktime mamaya."

Napairap ako sa sinabi niya at pinili ko na lamang na hindi sumagot. Nagtungo ako sa pantry na may nag-iinit na pisngi habang dama ang malakas na kabog sa dibdib ko.

Nakatukod ang isang kamay ko sa lamesa habang ang isa'y nasa dibdib ko. Naningkit ang mga mata kong tumanaw sa malabong pigura niya na nakaupo na ulit sa kanyang lamesa mula sa salamin na nakapagitan sa amin.

Mabuti na lamang at naka-frost ang paligid ng salamin ng pantry para hindi ko siya agad makita.

Naiinis ako sa sarili ko, bakit hindi tumagal ang inis ko sa kanya? Kaunting salita niya lamang na kaswal na kaswal niya lang naman kung sabihin sa akin, pero kung makaapekto sa akin ay parang ibinuhos na niya ang lahat ng kaalaman sa pang-aakit.

Sobrang tipid niyang magsalita at sobrang tipid niyang gumalaw pero... putang ina niya. Nakakapagmura na talaga siya.

Hindi naman ganito ang inaasahan ko. I won't deny the fact that it wasn't hard to get attracted to him, he's handsome, hot and cold, and smart! Kuripot at masama ang ugali, pero urgh...

Naupo na ako at sinimulan ko nang kumain ng mga ibinigay niya sa akin. Pansin ko na marami pa ang sago ng milktea, at pinagbantaan pa siguro niya ang magtitinda.

Exactly after fifteen minutes, I went outside the pantry. I returned to my post and continued with my work. Sa takot na baka sigawan na naman niya. Importante ang isang minuto sa mga instik na katulad niya.

The work process went smoothly at last. Hindi na niya ako nasigawan ulit o kaya ay pinagalitan, pero hindi nabawasan iyong utos niya at pagkunot ng noo niya kapag hindi ko agad nabibigay sa kanya ang file na pinahahanap niya.

Exactly at five thirty-one pm, he casually stood from his seat, smooth his business suit and turned his eyes on me. "I'll send you home."

I blinked a lot of times. How could he look so perfect like that with tons of his workload? Hiyang-hiya naman ako na sabog kong buhok at stress na stress na sa dami ng papel na pinapaayos niya sa akin.

"S-saglit lang, una ka na kaya?"

"Mauuna ako sa liligawan ko? Really." Ang dami mong pinapagawa sa akin! Intsik na 'to! Wala naman bayad ang overtime ko.

"Five minutes. Tapusin ko lang 'to, boss."

"Right. I'll wait you outside. Faster." Demanding, huh?

Nang makalabas na siya sa opisina mas mabilis kong inayos ang mga papeles niya. Nagtungo agada ko sa banyo at inayos ang sarili ko. Pupunta ba talaga siya agad sa amin or should I delay it?

Handa na ba akong makita ang reaksyon ng buong pamilya ko kapag nalaman nila na gusto talaga akong ligawan ni Keaton Samonte?

Kinakabahan na akong lumabas ng masyon, tumambad agad sa akin ang magandang sasakyan ni Samonteng lamig na daig pa iyong unang dinala ni Langston, lalong magmumukhang second hand ang sasakyan ng mga boyfriend ng mga kapatid ko.

Kung dati ay gusto kong ipagyabang agad sa kanila si Langston, ngayon ay nag-aalinlangan ako. Hindi dahil mas gusto ko iyong si Kalas kaysa sa kapatid niya, kundi dahil gusto ko munang pakalmahin ang buong pamilya ko at dahan-dahanin sila sa mga nangyayari.

Nanlalamig ang kamay ko nang sumakay na ako sa sasakyan niya.

"A-ano... Keaton..." mariin akong napapikit nang dahan-dahan siyang gumalaw mula sa pwesto niya patungo sa akin.

Hahalik ba? Shit!

When I heard a click, I awkwardly smile and touched my buckled seatbelt. Seatbelt lang pala, bakit naman kasi gano'n? 'Di na lang ako inutusan.

"Yes?"

"P-Pwede kaya na next time ka na lang pumunta sa amin?"

"Why?"

"Baka kasi magulat sila... Kasi alam mo naman na naging kami ni Kalas... I mean ni Langston, tapos biglang ikaw naman ang manliligaw. Sasabihin nila tinuhog ko kayong magkapatid."

"Tinuhog?"

Ako naman ang kumunot ang noo sa kanya. Bakit ba mahina sa mga kasabihan itong si Keaton Samonte?

"Tinuhog, gano'n lagi ang sinasabi kapag nauugnay ang isang tao sa magkapatid. Tinutuhog daw..."

"Tinuhog mo ba si Langston?"

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya at mariin akong umiling. "No! Naging kami, yes! But I was just confused! Hindi ko type iyong kapatid mo na may nakakalas na--" turnilyo.

Itinigil ko dahil kapatid niya pa rin iyon. "Pero iba pa rin ang iisipin ng mga tao sa akin..."

"Hmm. Alright. Saan kita ibababa?"

Mas lalo akong kinabahan, nagagalit ba siya sa akin? Paano ko ba malalaman kung totoong galit na siya?

"G-galit ka ba?"

"No. Madali akong kausap. Just tell me if you're ready, just don't let me wait for too long."

I awkwardly nodded at him. Sinabi ko sa kanya na ibaba na lang ako sa may 7-eleven at sasakay na lang ako sa tricycle. Hindi naman siya nakipagtalo sa akin at sinunod niya ang gusto ko.

Hindi siya nagsasalita hanggang sa itigil niya ang sasakyan. "Thank you..."

Bumaba na ako at nang akma ko nang isasara ang pinto saka ko narinig ang boses niya. "Shanti..."

Hindi ako nagsalita at hinintay ko siyang ituloy ang sasabihin niya sa akin. "About what you have said... hindi ko gusto na tinutuhog ako."

Napasinghap ako sa sinabi niya. "Hindi ko naman---" hindi ko na natuloy ang pangangatwiran ko.

"Ako ang tutuhog. I'll see you tomorrow."

Tumaas na ang bintana ng sasakyan niya at iniwan niya akong tulala sa harap ng 7-eleven habang iniisip kung anong paraan ng pagtuhog ang sinasabi niya.

Ilang beses ko bang kakalimutan na hindi magandang magparinig ng kasabihan kay Keaton Samonte?

Lumipas ang dalawang linggo na patuloy siya sa panliligaw sa akin tuwing lunch break at sa fifteen minutes break namin sa umaga at hapon, hinahatid niya rin ako lagi hanggang 7-eleven hanggang sa magpasya na ako na sabihin na nga sa pamilya ko ang panliligaw niya.

Halos maiyak si Mama nang marinig iyon sa akin habang ang tatlo kong kapatid ay kulang nalang ay pumalakpak sa sobrang galak. Kung kailan daw kami dadalhin ni Keaton Samonte sa Singapore or Paris para mag get together daw ang family namin. Edi wow.

"Pupunta siya rito bukas. Para magpaalam sa inyo, Mama, Papa..."

Pansin ko na walang imik si Papa simula nang sabihin ko ang panliligaw ni Samonteng lamig habang iyong mga kapatid ko at si Mama ay parang tumama sa lotto.

"Kakaiba rin ang type ng mga Samonteng iyon, gusto maiitim." Kumento ni Ate Ariana.

Umirap ako sa kanya at sinalubong ko ang mata ni Mama. "Please, act behave in front of him."

"Coming from you? Muntik mo na nga siyang--" tinakpan ni Ate Ariana ang bibig ni Ate Aliyah, dahil walang nalalaman doon sina Mama at Papa.

"Please? Ayoko na isipin ni Samonte na mukhang pera ang pamilya natin. Utang na loob, gusto ko nang tanggalin ang masamang tingin na iyon ng mga tao sa pamilya natin."

"Duh? Naiingit lang sila. Palibhasa, wala silang mga anak na magaganda na nakakabingwit ng mga gwapo at mayamang mga lalaki. Mga tsismosang inggit lang naman kay Mama ang nagpapakalat niyan sa Enamel, Ashanti."

Gusto kong sagutin si Ate Aliyah ng totoo ba? Pero dahil hindi ko gusto na makita nina Mama at Papa na nag-aaway kami ay hindi ko na sinagot ang sinabi niyang iyon.

"Sigurado ka na ba anak?" tanong ni Papa sa unang pagkakataon.

"Mukha naman siyang seryoso..." lagi pala siyang seryoso.

"Hindi ba at kakahihiwalay mo pa lamang sa kapatid niya? Hindi mo naiisip ang sasabihin ng mga tao kapag nabalitaan na nagpapaligaw ka na naman sa isang Samonte?"

"Hindi naman sila nagtagal, Papa. Isa pa, ang daming naging girlfriend ni Langston Samonte rito sa Enamel, hindi na nila malalaman na kasama roon si Ashanti." Sagot ni Ate Ariana.

"Ano ka ba, Steven? Hayaan mo na si Ashanti at nagdadalaga na ang anak mo." Saway sa kanya ni Mama.

"It's just odd, hindi siya gusto ng anak mo nang magsimula siyang magtrabaho sa kanya at halos ilang beses niyang gusto ipapatay iyong tao dahil sa ngayong trabaho ko. Hindi naman kaya..."

Umiling ako kay Papa. "No... Inaamin ko na hanggang ngayon ay gusto ko pa rin magsara iyong sabungan pero nangako akong sa ibang paraan ko siya kukumbinsihin na isarado iyon."

Hindi na humaba ang usapan namin pero pansin ko ang malaking pag-aalinlangan ni Papa na siyang ipinagtaka ko. Siya iyong problemado ng mga panahong galit na galit ako kay Keaton Samonte, pero ngayong masasabi ko na naging maganda ang relasyon namin siya itong parang hindi mapakali.

**

It was seven in the evening when a knock on our door interrupted us. My sisters jumped excitedly, and they even perfected the curls of my hair before they finally allowed me to went straight at the door.

I took a deep breath before I opened it. And there, wearing a simple gray polo shirt and pants, expensive watch and a bouquet of roses on his right hand.

"Good evening, Miss La Rosa."

"Good evening..."

His lips moved an inch when he saw my Mexicana look again. I opened the door widely. "Welcome..."

My smile wouldn't have wavered, not until I saw someone from his back.

Bakit siya nandito?

"Aldus..." he smiled widely at me.

"Thank you for the invitation! Thank you very much."

I didn't invite him!

Nagtataka ang mga mata kong nagtungo kay Keaton pero parang hindi niya nakuha ang ibig sabihin ng mga mata ko.

Dahil matatalino rin naman ang mga kapatid ko, sila ang nag-entertain kay Aldus at inilayo nila iyon sa amin ni Samonteng lamig. Inabot na niya sa akin ang mga bulaklak.

"Thank you..."

Pormal na bumati si Keaton kina Mama at Papa. Maganda naman ang pagsalubong nila sa kanya at maging ng mga kapatid ko at nakarating kami sa dining area na hindi pa nagkakaroon ng aberya.

Hindi muna nagtanong sila Mama at Papa sa pakay ni Keaton Samonte kahit alam na naman nila iyon. Hinayaan muna nila kaming kumain at habang ginagawa namin iyon, si Aldus ang nagdadala ng usapan.

Sinabi niya na matalik daw silang magkaibigan ni Keaton (na walang kumento) at nagkwento rin siya kung paano sila nagkakilala. Dahil kilala rin naman nina Papa at Mama si Don Ferell, hindi na rin sila nahirapan makipag-usap kay Aldus kung tungkol sa lolo niya ang sinasabi niya.

Nang matapos na ang pagkain naming lahat, tumikhim na si Keaton na siyang kumuha ng atensyon namin.

Alam ko na naman ang sasabihin niya pero bakit bigla akong kinabahan? Hinawakan na niya ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa, siya kasi ang katabi ko at pinaggigitnaan namin siya ni Aldus.

"Balak ko sanang hingin ang—" humikbi na si Mama. At halatang-halata na pag-arte iyon.

"Ang kamay ng anak ko...?"

Naluha-luha na rin sina Ate Aliyah at Ariana, maging si Alissa na parang nagtatapat si Keaton Samonte na nabuntis niya ako. Kung hindi yata ako ang pipikot kay Keaton ay ang buong pamilya ko.

Eksaheradong napatakip sa kanyang bibig si Aldus. Parang tanga.

"Pwede po ba?" he chuckled. "Manliligaw pa lang po ako. I'll stick to traditional... I promise to respect your daughter just like a Chinese honorable man."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro