Chapter 26
Chapter 26
Pag-alo
I heard voices. Alarmed familiar voices. Sinubukan kong alalahanin kung saan ko unang narinig ang mga boses ngunit mas namayani ang antok at panlalamig ko.
Mas isiniksik ko ang sarili ko sa dibdib ni Sergio na hanggang ngayon ay buhat pa rin ako.
"Oh my gosh! Ano ang nangyari sa kanya? Come inside!"
Ramdam ko ang patuloy na paglalakad ni Sergio hanggang sa tumigil siya. "Ibaba mo na lang siya sa kama. Kami na ang bahala sa kanya."
Bigla akong napamulat sa sinabi ng babae at mariin akong yumakap kay Sergio nang akma niya akong ibababa sa kama.
"N-no! Don't leave me, Sergio..." mariin akong umiling sa kanya habang mahigpit ang yakap ko sa leeg niya.
"S-Sergio?!" sabay na sigaw ng boses ng tatlong babae.
"Kilala mo ba iyang naghahatid sa 'yo? Si Keaton Samonte, ang boss mo!"
"Sergio, 'wag mo akong iwan sa kanila..."
"Anyare kay Ate Ashanti? Naglaro po ba kayo ng Marimar ng kapatid ko?" rinig kong tanong ng batang boses.
"Your sister is insane. Remove her from me." Sagot ni Sergio na nagpaangat ng mga mata ko sa kanya.
"W-what? Are you--" mas lalong kumunot ang noo niya sa akin, ang mga kamay niya na nakabuhat sa akin ay nasa magkabilang tagiliran na niya at kaya lamang ako nananatiling nakapulupot sa kanya ay dahil sa mga braso kong nakasabit sa leeg niya.
"Sleep, Miss La Rosa."
Bigla nang nagpatakan ang mga luha mula sa aking mga mata. "A-are you breaking up with me, Sergio?"
"Oh my gosh! Hilahin na natin iyang si Ashanting lasing! Nakakahiya na ang kapatid natin!"
Nang akmang lalapit sa akin ang tatlong babae ay mas lalo kong hinigpitan ang yakap kay Sergio na parang poste na lamang na nakatayo. Ipinulupot ko ang mga hita ko sa bewang niya at mas pumulupot sa kanya ang mga braso ko.
"No, pag-usapan natin 'to, Sergio. Sinabi mo sa akin na mahal mo 'ko, mahal mo si Marimar..."
"What the—" nang hilahin na ako ng mga babae mula sa kanya at pumalag ako, naramdaman ko na tumutulong na rin si Sergio, habang hila ako ng mga babae ay tinatanggal n ani Sergio ang mga braso ko sa kanya.
"No... huwag mo akong ipagtabuyan!"
Ginawa ko ang lahat para hindi bumitaw sa kanya na halos hindi ko pakawalan ang polo niya na huli kong nahawakan. Ngunit mas malakas silang lahat sa akin, nabitawan ko pa rin si Sergio na iisang butones na lang ang natira sa kanyang polo.
Nakaawang na ang labi niya, sabog ang kanyang buhok at may polo na malapit nang masira habang nakatitig sa akin.
"Oh my gosh! Muntik mo nang abusuhin ang boss mo, Ashanti! Nakakahiya ka!"
"S-Sergio..." parang naalarma siya nang tawagin ko siya, agad niyang tiningnan ang pintuan ng kwarto.
"I should go."
Hindi na niya hinintay ang sagot ng tatlong babae dahil nagmadali na siyang umalis ng kwarto. Mas lalo akong napaiyak dahil doon. Bakit niya ako iniwanan?
At habang iyak ako nang iyak, walang tigil sa pagtawa ang tatlong babae na siyang kontrabida sa buhay ko. Bakit ba pamilyar sila?
"Ang baliw ni Ashanti, dapat hindi mo pinatakas. Nagkunwari lang kami na tinutulungan siya, e. Mukha talaga siyang pinaglaruan ng sampung lasing!"
"Ang gwapo nga, Ate! Kahit hindi siya nagsasalita at nakatayo lang, pogi talaga! Kakatuwa i-bully!"
"He liked our sister, trust me. Kahit gano'n reaksyon niya."
Natigil na ako sa pag-iyak at naniningkit ang mga mata ko sa tatlong babae na nasa harapan ko.
"Who are you?" tanong ko.
"Gaga!"
**
I woke up with my head still spinning. I tried to remember what happened last night, but all I could recall were blurry scenes and tattered conversations.
I looked around to find my sisters or anyone that could help me deal with this worsening headache, but no one seemed to care about a woman suffering from a hangover.
I tried to get down on my bed, and I cursed the idiocy I made last night that caused my head to spin like this. I couldn't even stand well!
Where should I start to recall? My boss invited me to dinner, and we had this sort of... erm... was that even real or it was just part of the alcohol side effects?
But as far as I remembered, that 'pag-alo' and 'I should court you' lines happened right after I started drinking more wine. Right?
What really happened after that? Why couldn't I remember a thing?
When I was about to move again, trying to ask support from my bedside table, the door suddenly opened. Ate Aliyah just greeted me with her signature smirk with her crossed arms, her typical stunts when she's about to confront me.
"Yes?"
"Maka-yes, yes ka riyan! Tanggap ka na namin, Ashanti kahit sobrang lakas mong kumain. Pero uminom? Seriously? Akala mo ba ay malakas ang tolerance mo sa alak?"
Napalunok ako sa salubong niya sa akin. Ito na ang kasagutan na nais kong malaman. Ano ang nangyari kagabi? Baka naman sesante na talaga ako?
"W-what happened? Wala talaga akong matandaan."
"Of course! Ano ba iyong ininom mo at sobrang wasted mo? Mabuti na lamang at mabait iyong si Samonte at inuwi ka niya nang matiwasay." Suminghap ako sa sinabi niya.
"What do you mean by that?"
Umirap muna siya sa akin. "Buhat ka ng boss mo rito, tapos pareho kayong basang-basa ng tubig."
"W-what?"
"Yes!"
"W-what else?"
Naningkit ang mga mata niya sa akin. "Hindi mo ba talaga naaalala ang mga pinaggagawa mo?"
"Hindi ako magtatanong nang ganito kung naalala ko!"
"Well, hindi lang naman nakaalis ang boss mo rito ng gano'n kadali. Akala naming lahat ay natutulog ka lang habang buhat ka niya, but when he was about to put you down, bigla ka nang nagwala."
"You are kidding, right?"
"Mukha ba akong nagbibiro?" seryosong tanong niya sa akin. Hindi na ako makasagot sa kanya kaya pinagpatuloy niya ang kahihiyan na ginawa ko.
"Sergio, huwag mo akong iwan. Iyan ang paulit-ulit mong sinabi kay Samonte habang nakayakap ka sa kanya at ayaw mong bumitaw, literal ka nang nakasabit doon sa katawan niya."
Mas lalong lumala ang pagsakit ng ulo ko at parang gusto ko na iyong iumpog sa pader para pilit alalahanin ang eksenang iyon.
"This is a prank, right?"
Muli siyang umirap sa akin. "Nakakahiya ka. Alam mo iyong tao? Natulala na habang kung anu-ano ang pinagsasabi mo sa kanya, na kesyo ikaw si Marimar at siya si Sergio. At kung makikita mo kung paano ka makasabit sa kanya? Laglag na iyong dalawa niyang kamay at hindi na nakahawak sa 'yo, pero ang mga hita at binti mo ay mahigpit na nakapulupot sa kanya at ang mga kamay mo ay 'di mapigilan."
Nakaawang na ang mga labi ko at tulalang-tulala na rin ako sa mga sinasabi ni Ate Aliyah.
"Parang namolestiya iyong tao sa 'yo, Ashanti. Biruin mo, sobrang sabog ng buhok niya at halos tanggal na ang lahat ng butones ng polo niya bago ka namin maihiwalay sa kanya. Hindi na nakapagsalita nang maayos nang magpaalam sa amin."
"Oh my...H-hindi iyan totoo!" napatayo na ako mula sa kama. Bakit naman gano'n ang nangyari? Baka isa na naman ito sa paraan ng mga kapatid ko para sirain ang araw ko. Bakit naman hahantong sa muntik ko nang mamolestiya si Samonteng lamig?
Umiiling na tumayo na rin si Ate Aliyah. "Iligo mo lang iyan, Ashanti. Magbabad ka, at baka maalala mo na ang pinaggagawa mo. I never thought that you have that kind of naughty behavior."
"No way!"
"Yes. But it's okay, Ashanti. Ariana and Alissa were also proud of you."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong iyon. "Hindi nga sabi totoo ang mga sinabi mo!"
"Uhuh? Why not ask your boss, then? Iyon ay kung may trabaho ka pa pala. Kung ako iyong boss mo, tanggal ka na. Sino ba naman ang matinong boss ang tatanggap sa kanyang secretary na muntik na siyang pagsamantalahan?"
"Y-you are such a story teller, there's no way that—" nagkibit balikat siya sa akin.
"Malay mo naman tanggapin ka, at magpatay malisya sa nangyari. Isa lang ang ibig sabihin no'n, ginusto iyon ng boss mo. At gusto niyang ulitin mo. Hindi mo agad sinabi sa amin, Ashanti na mas gusto mo ang malaki..."
"What the actual fuck, Aliyah!"
Tumawa siya sa reaksyon ko. "I mean, mas gusto mo pala ang mas matanda sa 'yo ng ilang taon kaysa sa kasing edad mo. Well..."
Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa mga naririnig sa kanya, kaya sa halip na may marinig pa ako na mas magpapasakit ng ulo ko ay nagmadali na akong pumasok ng banyo, pabagsak ko na isinara ang pintuan pero rinig ko pa rin ang pagtawa ng kapatid ko.
Ilang beses kong hinilampusan ang sarili ko at pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Pilit ko man alalahanin ang mga sinabi sa akin ni Ate Aliyah, hindi pa rin ipinakikita ng utak ko ang mga eksenang iyon.
Tatanggapin ko pa iyong mga natatandaan ko, dahil kaya kong panindigan ang mga iyon at sagutin ang mga katanungan niya sa tuwing magkita kami dahil nasa matinong pag-iisip pa ako noon, pero iyong naging si Marimar na ako at siya si Sergio?
Tang ina. Bakit ko pa ba naisipan na uminom ng alak? Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Aldus Ferell at ang pinainom niya sa akin at kay Keaton Samonte. Shit!
Nang marinig ko na lumabas na ng kwarto si Ate Aliyah ay nagmadali muna akong lumabas at hinanap ko ang telepono ko. Tiningnan ko ang oras, mag aalas dose na.
I immediately messaged my boss.
"Happy Lunch, boss! Thank you for sending me home last night. But did something happen?"
Isang minuto akong nakatitig doon sa message ko sa kanya, inihiga ko muli ang katawan ko sa kama at hinayaan ko ang sarili ko na tumulala sa kisame, nang biglang mag-vibrate ang phone ko.
Akala ko ay si Keaton Samonte iyon, pero si Leiden ang nag-message sa akin.
"I heard you're in vacation, wanna hang out?"
Gusto ko sana na pumayag sa kanya dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita, kung hindi ako nagkakamali ay abala na rin naman siya sa mga responsibilidad niya sa kanyang pamilya.
"Pass. I'm with my family right now. I'll find time next time."
"Oh, okay. Enjoy!"
I spent the rest of my vacation with my family. Ilang beses kong tiningnan ang telepono ko kung may reply si Keaton Samonte, pero hindi na siya nagparamdam sa akin.
**
It was Monday morning when I felt my intense nervousness. Kung papasok pa ba ako sa trabaho o hindi? Kung kukulutin ko pa ang buhok ko o hindi?
Sinubukan kong katukin ang pintuan ng tatlong kapatid ko na mga natutulog pa habang may dala akong curler pero hindi nila ako pagbuksan ng pintuan.
"Please? Kulutin n'yo muna ako... Kahit saglit lang, dali na, baka ma-late na 'ko."
Halos magmakaawa ako sa kanila na kulutin ang buhok ko pero wala man lang pumansin sa akin. Padabog akong bumaba ng hagdanan at pinigilan ko lamang ang sarili ko na hindi ibato iyong curler na hawak ko.
Wala akong pinagpilian kundi pumasok na tuwid ang buhok ko.
Lakad takbo na ako sa mansyon ng mga Samonte nang makasalubong ko si Kalas na topless habang nagpupunas ng kanyang basang buhok.
"Good morning, ex!"
"Morning!"
Magpapatuloy pa sana ako sa pagmamadali sa opisina ni Samonteng lamig nang mapatigil ako sa sinabi ni Kalas.
"Medyo mainit ang ulo ni Kuya, I don't know what happened to him, ilang araw na siyang ganyan. Simula nang makita ko siyang parang..." he chuckled.
"W-what?"
"Nah, don't mind me. Just kidding."
Parang gusto ko nang bumalik sa bahay at huwag na lang magtrabaho sa birong iyon. Halos marinig ko na ang malakas na pagtibok ng puso ko nang makarating ako sa harap ng pinto ng opisina niya.
Huminga ako nang malalim at binuksan ko na iyon sa nangangatal kong kamay, nakailang lagok ako ng laway bago ako nagkaroon ng boses para bumati sa boss ko na nakatungo sa lamesa.
"G-good morning, Boss..."
"You're late, Miss La Rosa! I will deduct it to your salary!"
"Err... S-sorry po..."
Pinaikot niya ang ballpen na hawak niya sa daliri niya habang kunot noo siyang nakatitig sa akin. "Why are you still standing there? Move!"
"Y-yes, boss!"
Kinuha ko na agad ang laptop na ipinagagamit niya sa akin at mabilis iyong binuksan. Naupo na rin ako sa pwesto ko, gusto kong biglang umiyak sa nangyayari.
Sabi na! It was just part of my damn dream! Bakit naman siya manliligaw sa akin at bakit kailangan ko maniwala sa mga narinig kong sinabi niya na siyang inakala kong totoong nangyari sa resort?
Walang pagbabago. Inulan ako ng iba't ibang e-mails, paper works at tawag mula sa iba pa niyang mga empleyado. Hindi iilang beses niya akong sinita dahil ang bagal ko raw gumawa ng ipinagagawa niya.
"Konting bilis, Miss La Rosa! Kulang pa ba ang bakasyon na ibinigay ko sa 'yo?"
"Saglit lang po, boss..."
Nang tumagal na ng fifteen minutes at hindi ko pa rin nase-send sa kanya iyong file na pinagagawa niya bigla na siyang tumayo at tiningnan niya ang ginagawa ko.
Mariin akong napapikit nang makita ang ekspresyon sa mukha niya, konti na lang ay bubuga na siya ng apoy sa akin.
"Miss La Rosa! Hindi iyan ang ipinagagawa ko sa 'yo. This file! Not that one!" iritado niyang itinuro sa akin ang file na nasa laptop ko.
"It's just a simple instruction!"
May tumakas nang luha sa mata ko, hindi ko na napigilan. Kanina niya pa ako sinisigawan at pinag-iinitan! Ginagawa ko naman kung hanggang saan ang kaya ko, hindi niya naman ako kasing talino na agad kong magagawa ang gusto niyang gawin ko! Siyempre kailangan ko pang basahin nang maigi at hindi katulad niya na isang pasada niya ay alam na!
Sumulyap siya sa relo niya. "I'll get it after lunch."
Iniwanan na niya ako sa opisina. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at pinili kong huwag na lang kumain at tapusin ang pinagagawa niya sa akin.
Kumakalam na ang sikmura ko nang matapos ko na ang file, eksaktong nabuksan ang pintuan, rinig ko ang boses niya na may kausap na naman sa kanyang telepono. Tumingin ako sa oras, may fifteen minutes pa bago matapos ang lunch.
Wala akong plano na tumingin sa kanya, pero kusa pa rin dinala sa kanya ang mga mata ko. Hirap na hirap siya sa pakikipag-usap sa telepono dahil nakakilik iyon sa balikat at kanang tenga niya habang may hawak ang dalawa niyang kamay.
"I'll talk to you later." Sumulyap siya sa orasan na nakasabit. "I still have fifteen minutes..."
Nagtungo siya sa tabi ko at ipinatong niya ang milk tea, cookies, kalamay at bread stick sa harapan ko. Hindi ko iyon pinansin at nagkunwari akong may gagawin pa sa laptop. Pagkatapos niya akong sigawan? Susuhulan niya ako?
"Kumain ka na ba?" he asked. Paano ako kakain? Instik siya!
Hindi ko na napigilan at umiyak na ako sa harapan niya. "Paano ako kakain, inaway mo 'ko? Sobrang init ng ulo mo sa akin, maayos naman ang trabaho ko..."
"I'm sorry, I was just—"
"What?"
"Inaano kita, boss? Sigaw ka nang sigaw sa akin! Tapos ngayon aaluin mo 'ko? Susuhulan mo 'ko?!"
"Anong pag-alo ang gusto mong gawin ko? Parang kay Sergio, Marimar Shanti? Did you take responsibility for your action, Miss? Alam mo ba ang ginawa mo sa akin ng gabing iyon?"
My mouth hung open. That confirmed everything. "Did I really—"
"Yes. Try to do it again. You'll wake up in different room." Sumulyap siya muli sa relo niya. "I still have five minutes left, hahayaan mo ba akong manligaw o mamayang paglabas na?"
Minsan gusto ko nang isaboy sa kanya ng milk tea. Kuripot ng mga instik kahit sa oras!
Umirap ako sa kanya. "Huwag mo na akong ligawan. Hindi kita sasagutin. Hindi ko type ang mga instik."
Muntik na akong napatalon sa upuan ko nang hawakan niya ang ilang hibla ng dulo ng buhok ko. Akala ko ay ginagawa niya lamang iyon kapag kulot ang buhok ko.
"Hmm... I told you, I'm sorry... tell me, anong pag-alo ang gusto ng Mexicana ko?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro