Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Chapter 25


Serenade

Binitawan ko na ang kamay niya nang alam ko na susunod na siya sa akin. At ginawa ko iyong paborito kong paraan ng paglalakad. Patalon-talon ako habang nasa likuran ko ang dalawa kong kamay na sinasabayan ng aking pagsipol.

Hinayaan kong tangayin ng hangin ang kulot kong buhok.

"Shanti, I should send you home."

Ngumuso ako sa sinabi niya. "Malapit na tayo, boss..."

"Where?"

Pinagpatuloy ko pa rin ang pagtalon-talon at hindi man lang ako lumingon sa kanya. Hindi ba't sinabi ko na sa kanya kung saan kami pupunta? Si boss talaga makakalimutin na.

Maybe he's a bit drunk. Should I send him home?

"Sa Great wall of China!"

"Really? Here in Leviathan, huh?"

"What? Nasa Mexico tayo!" natatawang sabi ko.

"Oh, so the great wall of China is now located in Mexico..."

Lumingon ako ulit sa kanya. "Sino nagsabi?"

Bumuntong hininga siya. "Just bring me there, and let's get this done."

"Hmm. Sungit."

Nanatili siyang mabagal na naglalakad sa likuran ko habang patuloy pa rin ako sa patalon-talon at pagsipol. Nang makita ko na ang hinahanap ko ay tumigil na ako.

I almost jumped in excitement as I pinpoint the beautiful scenery in front of my eyes.

"See? That's the great wall of China! Look, nilagyan pa nila ng ilaw ang mga pader para 'di tayo madapa!" napapalakpak ako sa tuwa at ilang beses na napatalon habang pinagmamasdan iyon.

Sinundan niya ng tingin ang itinuro ko sa kanya at kumunot agad ang kanyang noo na parang hindi niya nakikita ang ganda ng great wall of China.

"Shanti, you're just pointing the sea. And the lights? It's just the swimming barriers. Come on, let's go..." inilahad niya na sa akin ang kanyang kamay.

Unti-unti akong natigil sa pagpalakpak nang makita ang reaksyon niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at napaatras ako mula sa kanya. Ilang beses akong umiling nang tinangka niya akong hawakan.

"Boss! Great Wall of China nga iyan!"

"You're drunk, Miss La Rosa."

"No! Y-you should appreciate my effort! Sobrang saya ko nang makita ko iyan. I thought you'd be happy too! Kasi intsik ka, pinaghirapan iyan ng mga ninuno mo." Akala ko ay mas maliliwanagan at mabibigyan man lang ako ng ngiti ni Keaton Samonte pero mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Let's go, Miss La Rosa. I'll get back to that fucking Aldus." Nang subukan niya ulit hawakan ang kamay ko ay nagawa na niya iyon pero pilit ko iyong binabawi sa kanya.

Mas lalo akong umiling sa kanya. "N-no... iwan mo na lang ako rito."

Sumulyap siya sa Great Wall of China bago niya ibinalik ang titig sa akin. "What do you want? Lalakarin ba natin iyan?"

"No, let's just watch the beauty of it!" tuluyan ko nang naagaw ang kamay ko sa kanya.

I saw how Keaton Samonte frustratingly combed his hair with both of his hands as he speaks another language. Mandarin na naman siguro iyon.

"Ang ganda!" I said as I spread my arms to feel the cold wind of the night while looking at the lines of the light of the wall.

"Pero lasing..."

Napalingon ako sa kanya, nakapamaywang na siya at nahuli ko siyang nakakunot ang noong nakatitig sa akin, ngumuso siya at tumingin na sa Great Wall of China.

"I mean... nakakalasing tingnan..."

Ngumiti ako sa kanya. "Yes."

Habang pinagmamasdan namin iyon ni Keaton Samonte, nagsimula na akong magpaliwanag sa kanya ng history ng Great Wall of China sa abot ng mga naalala ko.

"It is the longest wall in the world..."

"Kasing haba ng pasensiya ko."

Hinahayaan ko lamang siyang magbigay ng mga side comment hanggang sa may itanong siya sa akin na muntik ko na ngang makalimutan kung hindi niya lamang sinabi sa akin.

"What about your surprise, Mexican professor of Chinese history?"

"Yes! Muntik ko na makalimutan! Thank you for reminding me, Mr. Samonte." Tipid siyang tumango sa akin.

I thought the Great Wall of China would make me fascinated as of the moment, but when my eyes veered at him, with both of his hands inside his pockets, three undone buttons on his polo, and his disheveled hair playing with the wind. I couldn't help but stare at him, awestruck. Tang ina, sobrang gwapo.

"Miss La Rosa..."

I almost jumped when I heard his voice calling me. Natulala na pala talaga ako.

Bigla kong naalala ang ibinulong sa akin ni Aldus. Kailangan ko itong gawin bago mahimasmasan ang boss ko at i-deduct niya sa akin ang lahat ng ginastos niya sa gabing ito.

He told me that from now on, I shouldn't try to whisper to someone else's ears. And I would gladly follow that. But I would make sure tonight, it wasn't just my Mexican hair and my girly outfit would he be remembered.

Nagtungo na ako sa likuran niya. "Hey... where are—" hinawakan ko ang magkabilang balikat niya mula sa likuran, tumingkayad ako para mas maabot ko ang kanyang tenga.

"Stay... nandito lang naman ako sa likuran, boss..."

His body stiffened after he heard my whisper. "Diyan ka lang, boss..."

Mas inilapit ko ang katawan ko sa kanya at pinagpatuloy ko ang pagtingkayad dahil kahit matangkad na ako ay higit pa rin siyang matangkad sa akin. Ang mga kamay ko sa kanyang mga balikat ay unti-unting gumapang mula roon patungo sa kanyang mga mata at tinakpan ko iyon.

Kusang dumikit ang katawan ko sa likuran niya na parang nakayakap na. I giggled when he faltered.

"Mr. Samonte... can you see anything?" bulong ko sa kanya.

"You covered my eyes, Miss La Rosa. Tell me how..."

Iginalaw ko ang ulo ko at ipinuwesto ko ang mga labi ko sa kabilang tenga niya. "How about now? Can you see anything?"

"Are you playing with me, Miss La Rosa?"

"No... I will not play with you, boss. Now, can you hear anything?" kahit nakatakip ang mga kamay ko sa mga mata niya nahawakan niya ang ilang hibla ng kulot na buhok ko.

"I get it now, La Rosa." He chuckled. Muntik nang bumigay ang tuhod ko nang marinig ko na naman ang tipid niyang tawa.

"What can you hear? The sea breeze? Wind, music, waves? Tell me..." nanatiling nakatakip ang mga kamay ko sa kanya.

"I can hear you, Shanti..." nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang banggitin niya ang pangalan ko.

I was about to ask him another question nang hawakan na niya ang dalawa kong kamay na nakatakip sa kanyang mga mata niya. "And I can feel you..."

Unti-unti niyang tinanggal ang mga kamay ko mula sa kanya at humarap siya sa akin, tipid na umangat ang sulok nang labi niya nang makita niyang hindi ko masalubong ang kanyang mga mata.

I was afraid, yes! Baka panaginip lang ito, na baka nga mahimasmasan na siya at hindi totoo itong lahat ng nangyayari. Yes, this thing escalated too quickly between the two of us. Pero ibang-iba ito kumpara sa mga paandar sa akin ni Kalas.

Keaton wasn't princely, nice, and charming. He's something I couldn't describe very well much with his piercing cold eyes, but it would break my heart if this resort tryst is just a dream, a fantasy, and a product of my wild imagination.

I hate him, yes. I entered his territory, hating him and his awful business. But what on earth made me so smitten with my cold boss?

Sobrang sungit niya sa akin, laging mainit ang ulo at madalas ay mali ko ang nakikita niya. Ano itong ginawa niya sa akin para makalimutan ko ang galit ko sa kanya at sa sabungan? Buwiset siya.

Sa isang iglap ay nagkabaliktad ang posisyon namin dalawa. Siya naman ngayon ang nasa likuran ko.

"Lasing na lasang milk tea..." biglang nagtindigan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang siya naman ang bumulong sa akin.

"I am not d-drunk!"

Ginaya niya ang ginawa ko sa kanya kanina. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "M-madaya ka! Akin naman na ano—"

Napasinghap ako nang mapaglaro niyang pinaglakad pataas mula sa mga balikat ko ang ilang daliri niya patungo sa leeg ko. Hindi haplos iyong ginawa niya, kundi parang batang paslit na naglalaro sa isang lamesa ng kanyang mga daliri hanggang makaabot iyon sa pisngi ko at tuluyan na ngang takpan ng mga kamay niya ang aking mga mata.

"B-boss!" hinawakan ko ang kamay niyang nakatakip sa akin.

"Keaton. Call me, Keaton, kapag nanliligaw ako..." dumiin ang pagkakahawak ko sa kamay. Ganoon pala ang paraan niya ng panliligaw, iyong palalakarin ang daliri sa balikat hanggang leeg. Shit!

"Now, what can you see, Shanti?"

Alam kong nakayuko na siya sa akin para magawa niya akong mabulungan. "A-ano..."

Paano ko ba siya masasagot sa ginagawa niya sa akin? "What can you see?" ulit niya.

Hindi ko pa rin magawang makasagot sa kanya. Nanatili kaming nasa ganoon posisyon dahil hindi niya ako gustong pakawalan.

Nang muling umihip ang hangin mas lalong kinilabutan ang buong katawan ko, hindi dahil sa lamig na dulot niyon kundi sa boses niya na hindi lamang simpleng nagsalita sa akin.

He's singing!

Nobody knows
Just why we're here
Could it be fate
Or random circumstance
At the right place
At the right time
Two roads intertwine

Unti-unti na niyang tinanggal ang mga kamay niya sa mga mata ko pero nanatili akong nakapikit habang pinakikinggan ang malamig niyang boses. Ramdam kong hawak ng dalawang kamay niya ang ilang hibla ng buhok ko.

And if the universe conspired
To meld our lives
To make us
Fuel and fire
Then know
Where ever you will be
So too shall I be

And then his forefingers made a similar vertical stroke on my neck, and it landed teasing on both strap of my summer dress. I cursed inside my mind.

Habang ginagawa niya iyon sa akin, mas lalong lumalamig ang boses niya na patuloy na nagpapalambot sa akin.

Why was he like this? He's so cold yet so gentle and soft. Dulo lang ng daliri niya ang inihahawak niya sa akin, hindi siya sobrang madikit at mahawak sa akin na bigla na lang may kamay sa hita, tagiliran at kung saan mang parte ng katawan ko, kung gagawin man niya iyon nagpapaalam pa siya o kaya'y hindi rin iyon nagtatagal, hindi rin siya masyadong nagsasalita sa akin ng mga pinaririnig ng mga lalaki sa isang babae.

Mas madiin na ang pagkakakagat ko sa pang-ibabang labi ko habang patuloy siya sa pabulong na pagkanta sa akin. Tang ina niya.

Close your eyes
Dry your tears
'Cause when nothing seems clear
You'll be safe here

Hindi ko na napigil ang sarili ko, marahas ko nang tinanggal iyong mga kamay niya sa balikat ko at nagmadali akong maglakad papalayo sa kanya.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, sobrang init ng buong pakiramdam ko at kung hindi pa ako kumawala sa kanya, baka may magawa ako sa kanya na pagsisihan ko kinabukasan dahil sa matinding kahihiyan.

"S-stop! Stop right there, Keaton Samonte!"

Nakaabot na ang mga paa ko sa dagat dahil nararamdaman ko na ang malamig na tubig, nakaharang ang isang kamay ko sa aking unahan para pigilan siyang humakbang at sumunod sa akin.

"You hate my voice, then." Sabi niya habang nananatiling nakapamulsa.

Umiling ako sa kanya. "N-no! I loved it! Sobra! But... ang init, boss... ang init... kahit ang lamig ng boses mo." Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang sarili kong kamay.

I heard him curse with Aldus name. Inilahad niyang muli ang kamay niya sa akin. "Let's go. Ihahatid na kita."

"Uuwi na lang ako mag-isa..."

Nang humakbang siya papalapit sa akin ay mas umatras ako. "Miss La Rosa."

Habang patuloy ako sa pag-atras, kumukunot na naman ang kanyang noo sa akin. Ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko na may kasamang pagbabanta, ngunit hindi niya ako napigilan.

Huli na bago ko malaman na marami na pala ang nagawa kong pag-atras at lampas na ng hita ko ang tubig. Nagmumura na si Samonte habang papalapit sa akin.

Bago pa man niya ako naabot ay biglang humampas ang alon dahilan kung bakit ako matumba at malubog sa tubig. Sa halip na takot ay ginhawa ang siyang unang naramdaman ko dahil sa lamig ng tubig na tumalo sa pag-iinit ng katawan ko.

Nang mawawalan ng ako ng hangin sa katawan, kusa na iyong umangat mula sa tubig at natagpuan ko ang sarili kong nasa bisig ni Keaton Samonte na ngayo'y basang-basa rin katulad ko.

Para kaming nasa sikat na Mexican telenovela. Ako si Marimar at siya si Sergio.

"Sergio..." nanlaki ang mga mata niya sa akin habang naglalakad na siya pabalik sa pangpang na buhat pa rin ako at nakatitig sa kanya.

"Who is fucking Sergio?!"

"Ako si Marimar..." sagot ko.

Kung kanina'y hangin ang yumayakap sa instik na salubong ang kilay, ngayon naman ay tubig. Ang kanyang buhok na nagtutuluan, ang puti niyang damit na ngayon ay bakat na sa kanyang katawan at ang galit niyang boses na pinauulanan na ako ng mga salita na hindi ko maintindihan.

Iniyakap ko na ang mga kamay ko sa batok niya at inihilig ko ang sarili ko sa dibdib niya habang patuloy siya sa paglalakad.

"Antok na 'ko... I'll sleep now, Mr. Samonte... I enjoyed the night. What about you?" unti-unti ko nang ipinikit ang mga mata ko.

Ngumiti ako nang marinig ko ang tipid niyang sagot. "A bit..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro