Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Chapter 24


Milk Tea

I thought the kalong would last until we've done eating, but Keaton Samonte let me go. Not too disappointed, though. Kain is life.

"Boss, you should eat."

Nakailang subo na ako ng pagkain pero nakikita ko na ilang beses palang siya sumusubo.

"You should eat a lot to build your stamina." Tumaas ang sulok ng labi niya sa sinabi ko.

"Believe me. I have plenty of stamina, Shanti."

"That's good, then."

Katulad ng laging nangyayari, mas nauuna siya sa akin matapos kumain habang hindi pa ako nangangalahati. Hindi na naman siya nagsasalita at pinagmamasdan niya lamang ako.

It's awkward, kaya napipilitan akong kausapin siya kahit mas gusto ko munang kumain. Abala talaga ang mga instik.

Nagsalin ulit ako ng wine. Ang mga Mexicana na katulad ko ay mataas ang tolerance sa alak, besides, this is just a wine.

"Umiinom ka ba talaga, Shanti? Namumula ka na." I faked my laughter.

"Boss, sanay ako. Come on, typical Mexicana..."

"I see..."

"So... you're staying for good na, boss? Malaking balita nang bigla kayong bumalik sa Enamel, isama pa na kasabay n'yo rin bumalik ang mga De Mesa sa iisang taon."

"Yes."

"Hmm..."

"Tell me about Autumn, bakit kayo nag-break?" natigilan ako sa paghiwa ng steak sa tanong ko. Shit. Bakit iyon ang lumabas sa bibig ko? Isinubo ko agad ang steak at mabilis na uminom sa una kong nahagip na baso para agad ko iyong malunok.

"Let's not talk about her."

"Oh, sorry... but..." bakit ba hindi ko mapigilan ang sarili ko?

Noong panahon na kami pa ni Langston ang naglolokohan, ilang beses ko silang magkasama ni Autumn and they seemed nice. Hindi ba masama ang magtaka?

Bumuntong hininga siya. "She's a nice girl. Very pretty. But we didn't end up well."

"Nagtataka lang ako. We're so different, chinita siya, hindi sobrang tangkad, sexy at maputi!"

"Are you jealous?"

"N-no! I am just curious. What's the sudden change of preferences?"

"Mas gusto ko na ang mga Mexicana..."

"You mean my curls? Nagpakulot din si Autumn tanda ko! Sa dulo. Gusto mo ba ay mga kulot na babae?"

Nakita ko na muntik na siyang tumawa pero mabilis niyang kinuha ang tubig at uminom siya.

"You're funny when you're—" sumulyap siya sa bote na wine na malapit nang maubos. "Nevermind."

"You tell me..." sumubo ulit ako ng pagkain.

"It's not about the curls, La Rosa. Silly..."

Ngumuso ako at naghanap ulit ako ng pagkain, nagsimula akong hiwain ulit iyon nang may naalala ako.

"Dalawa na pala ang manliligaw ko..."

"What?!"

I looked at him. "Si Leiden Arellano."

"Arellano na naman..." bulong niya.

Bigla kong naalala na naging ex din ni Autumn Olbes si White Arellano at hiwalay na sila ngayon matapos ang eleksyon. Buong akala ko talaga ay hindi makakatapos mag-aral iyong si Autumn dahil nabuntis ni Arellano. Kaya nakakagulat na naging boyfriend niya pa si Keaton sa sobrang landi nila White Arellano.

Speaking of them, kumusta na kaya ang tatlong kamonteng Arellano na iyon? Hindi na nila ako ginugulo.

Nagpatuloy ulit ako sa pagkain pero ramdam ko na nakatitig na naman siya sa akin. "But not this time..."

Natapos ako sa pagkain na halos walang itinira sa lamesa. Namamanghang mga mata ng waiter ang sumalubong sa amin nang tawagin na sila ni Samonteng lamig para sa bill.

"Do you want more, Shanti?"

Ngumisi ako sa kanya. "I'm full. Nahihiya naman ako, boss."

"That's all." Aniya sa waiter.

"Wait, milk tea kaya? Bakit parang biglang humina ang aircon nila? I want to drink something cold."

"All right. Milk tea."

"S-sir, wala po kami—"

"You heard her."

"Right away, Sir! Milktea!"

May lumapit na rin sa amin na isa pang waiter dahil tinawag siya ni Samonteng lamig para linisin ang lamesa namin. Nakatanaw na ako sa labas habang nakapangalumbaba.

"Ganda talaga rito..."

"Yes."

"Dapat madalas sa mga lugar na ganito, boss. You know... para hindi ka lagi stress sa trabaho mo."

"I'll try..."

"I can always join you."

"I will deduct it next time..."

"It's okay. Kaso walang hawak sa likuran at bewang ng Mexicana."

"Hmm...nevermind."

Ngumisi ako humarap sa kanya. "I am just kidding."

"You're such a simple girl, Shanti."

Hindi ako nagsalita at hinintay ko siyang sabihin pa ang gusto niyang sabihin sa akin. "I mean... you're carefree, bubbly, wala kang arte sa katawan, you eat a lot and you're not even bothered with judgmental eyes, you're silly, you don't care about your appearance, you smile a lot, and you're a tease but too innocent..."

"Very observant, boss... hmm..."

Dumating na ang isang waiter na parang hinihingal na, ibinigay niya sa akin ang milk tea at nagpalapad sa ngiti ko.

"Thank you."

Bukod sa ibininayad ni Samonteng lamig kanina, binigyan niya pa ulit ang waiter na nagbigay sa akin ng milk tea. Tip ba iyon? Ang laki, ah. Baka bangungutin ang instik kong boss kapag nahimasmasan siya mamaya.

Lumabas na kami ng restaurant habang humihigop ako ng milk tea.

"Hindi ka ba nahihilo?"

Umiling ako sa kanya. "Maybe, you're just talkative..."

"What?"

Hindi siya sumagot sa akin. Pero pansin ko na ilang beses na siyang sumulyap sa kamay ko, gusto niyang humawak ko pero pareho iyong abala, ang isa ay nasa milk tea habang ang isa ay may hawak ng sombrero ko.

"I saw something there..." may itinuro siya sa akin na Nipa Hut na nagtitinda ng mga sombrero. Nagtungo kami roon, eksakto na kaunti lamang ang tao roon, kinuha niya sa kamay ko ang aking sombrero at humarap siya sa lalaking nagtitinda.

"We need a chin strap."

"Saglit lang po ito, Sir."

"Good."

Naupo muna kami ni Samonteng lamig habang patuloy ako sa pag-inom ng milk tea. Ramdam ko na paulit-ulit na pagsulyap niya sa akin na parang hinihintay niya na may gawin ako.

Or maybe he wanted my milk tea?

"Do you want?"

Umiling siya. Hindi ako naniwala, kaya mas inilapit ko sa labi niya. "Sige na. Masarap."

"Busog na 'ko."

"Sige na. Tikim lang, boss..."

"N-no—" hindi ko siya pinatapos dahil isinubo ko na sa kanya ang straw.

"Sip..."

Wala siyang pinagpilian kundi uminom ng milk tea. "See? Delicious."

Inagaw ko na sa kanya at pinagpatuloy ko na ang pag-inom. Apat na sago iyong sabay-sabay kong nginuya habang nakaharap ako kay Keaton Samonte na tipid rin ngumunguya ng sago.

I gave him a small smile, and when I was about to take another sip, Keaton Samonte leaned at me and gave me a quick smack on my lips.

"Stop being adorable, Shanti..."

Tikhim ang kumuha sa atensyon namin ni Samonteng lamig, hawak na ng lalaki iyong sombrero ko na may tali na.

"Stay..." tumango ako sa sinabi niya.

Sumunod siya sa lalaki na may hawak ng sombrero ko. Napahawak na ako sa dibdib ko, hindi na mawala ang kaba ko. Hindi lang dahil sa paghalik-halik niya sa akin kundi pati na rin sa sunud-sunod niyang panlilibre sa akin, dahil baka sa sandaling matuwid ang buhok ko at mawala ang dugong Mexicana ko ay bigla siyang mahimasmasan at i-deduct iyon lahat sa sweldo ko.

Ubos na ang milk tea nang bumalik siya. Inilagay niya na sa ulo ko ang sombrero at nang humangin at malaglag iyon ay sumabit lang sa leeg ko. Hindi naman ako nasakal dahil manipis lang ang strap na ginamit.

Maghawak na ang kamay namin habang sabay kaming naglalakad. Sa sobrang tahimik na naman niya, nagiging awkward na naman kami. Sa aming dalawa ako talaga iyong dapat nagsisimula ng usapan.

"Are you sleepy? Ihahatid ka na kung inaantok ka na."

"No, hindi pa ako inaantok."

Muli siyang yumuko sa akin at mas inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Hindi ka na amoy alak, ang tapang ng ininom kanina..."

"Oh... kaya ba binilhan mo 'ko ng milk tea?"

Hindi siya sumagot at nagpatuloy kami sa paglalakad. Nakarating kami sa parte ng beach na maraming nagsasayawan, may disco lights din at malakas na music. Dahil pareho naman kami ni Keaton Samonte na hindi mahilig doon ay nilampasan na lang namin.

Pinili namin na maupo na lamang sa buhangin habang nakatanaw sa dagat pero sa sobrang lakas ng music ay naririnig pa rin namin iyon.

"You know why Langston---"

"Paging Keaton Samonte and his girl! Please join us here. Huwag muna pupunta sa tabi, maaga pa mga kaibigan. Paging my friend, Keaton Samonte and his girl. Isang Intsik at Mexicana!" malakas na boses ni Aldus Ferell ang nang-agaw ng atensyon namin.

Nandoon pala iyon sa dinaanan namin na mga nagpa-party. Siya pa yata ang dj. Akala ko ay hindi siya papansinin ni Samonteng lamig pero tumayo na siya at inalalayan ako.

"Let's go, hindi titigil ang isang iyan sa pagbanggit sa pangalan ko."

"Oh..."

Kaya wala kaming pinagpilian kundi bumalik sa mga nagsasayawang mga tao. When Aldus saw us, he gave us his wide grin. Nagmadali siyang bumaba ng stage at may dalawa siyang hawak na bote ng alak na may magkaibang kulay.

"For Keaton and for his nililigawan..."

Aagawin sana sa akin ni Keaton ang binigay sa akin ni Aldus pero hindi ako pumayag.

"I can manage."

"Mataas ang tolerance ng mga Mexicana sa alak!" sabi ni Aldus na mas nagpataas ng kilay ko.

Nakita kong bumulong si Keaton kay Aldus pero pilit ko namang pinakinggan. "Ginagatungan mo, may inom na nga..."

"Better! Now, allow me to get back to my work." Bago pa man napigilan ni Samonteng lamig si Aldus na bumulong sa akin ay nagawa na niya.

"Ashanti...kapag dinala ka sa tabi, unahan mo. Sige ka, kapag nahimasmasan iyan sa 'yo. Ubos sahod mo." Kumunot ang noo ko.

Ano ang ibig sabihin niya sa unahan ko?

Itinulak na siya ni Samonteng lamig habang tumatawa lamang siya. Inubos na niya iyong alak niya at bago pa man niya agawin ang sa akin at ini-straight ko na rin nang inom iyon.

Biglang nabago iyong music, mula sa rock at mabilis ay naging slow dance na medyo may pagka-erotic. Sumipol sa microphone si Aldus at nagsimula na siyang magsalita nang kung anu-ano roon na parang tinutukso niya ang mga kalalakihan na gawin ang kanilang mga gusto.

Hindi aakalain na ang mukha niyang inosente ay kampon pala ng kadiliman. Sino ba ang matinong tao ang manggagatong sa mga lasing na lalaki na molestiyahin ang kanilang mga kapartner?

"Hahawak na iyan... tataas, baba... konting bilis mga p're... okay everyone, kapag matigas na, maraming tabi sa resort!"

Hinawakan na ni Keaton Samonte ang magkabila kong pero kita ko ang ilang beses na buka ng bibig niya na nagmumura na kay Aldus.

Ilang beses ko nang nakitang maging iritado si Samonteng lamig, pero mas mainit na talaga ang ulo niya dahil sa pinaggagawa ni Aldus. When I glanced at Aldus he was still smiling widely, ilang beses na siyang tumango kay Keaton na parang pumapayag na siya sa sinasabi nito.

Tinanggal na niya ang kamay niya sa dalawang tenga ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumingkayad ako sa kanya. I kissed his cheeks.

"Ang sweet mo, boss..."

Napalitan ang kanta, mula sa erotic ay naging slow dance na pwedeng sayawan ng mga couple na hindi hahantong sa pagpunta sa tabi. Hindi ko na tinanggal iyong kamay ko sa balikat niya habang ang kanya'y nasa bewang ko.

Akala ko ay nasanay na ako sa mga titig niya sa akin, pero nang mas matagal na iyon sa akin hindi ko na napiglan na mag-iwas ng tingin sa kanya. Kailan ba naman ang nanalo sa pakikipagtitigan sa kanya?

Pero nang sandaling igalaw niya ang ulo niya para habulin ang mga mata ko, muntik nang bumigay ang tuhod ko. Shit!

Nag-iwas ulit ako at tumingin ako sa kanan, but he followed me again with his cold yet melting eyes. Tumingin ako sa kaliwa pero gano'n na naman ang ginawa niya sa akin. Habol siya nang habol sa bawat galaw ko. It's okay if it was just an eye movement, pero iyong marahang paggalaw ng ulo niya na parang batang inaalo ako? Oh my gosh... nasaan na ba ang tabi, Aldus Ferell?

"K-keaton, s-top that!"

"Meiyou..."

"What? Stop staring at me! Nahihiya na ko." Tinakpan ko na ang mukha ko.

But what made melt more was his sudden chuckle. Shit! Tumawa na si Samonte! Mas kinabig niya ako at yumakap siya sa akin habang nakapatong sa ibabaw ng ulo ko ang baba niya.

"Hey..."

Ramdam ko na yumuko na naman siya at marahang sinisilip ang mukha ko. Hindi ko pa rin tinatanggal ang mga kamay ko sa mukha niya.

"Mexicanang lasang milk tea..." bulong niya.

Ngumuso ako nang hawakan niya ang dalawa kong kamay nang matanggal niya iyon sa mukha ko ay agad akong mas lumapit sa kaya, tumingkayad ako at inilagay ko ang dalawa kong kamay sa mata niya para takpan iyon.

"Don't look at me nga muna, Samonte!"

Napatili ako nang umangat ang katawan ko sa buhangin nang marahan niya akong buhatin. Nandoon pa rin ang mga kamay ko sa mga mata niya pero nakayakap ang mga braso niya sa bewang ko para hindi na ako mahirap tumingkayad at abutin siya.

Natawa na ako sa posisyon namin. "I think... you're drunk now, Shanti..."

Mas lalo akong napanguso nang mas mapagmasdan ko kung gaano kagandang lalaki si Samonteng lamig kahit may takip ang mata niya. Shit. Hindi ko alam ang gagawin ko sa sandaling mahimasmasan siya at hindi na ako mukhang Mexicana sa mga mata niya.

I glanced at Aldus. Ilang beses gumagalaw iyong kaliwanag kamay niya na parang tinataboy kami ni Keaton. Ilang beses bumuka ang bibig niya. "Go... go... himasin mo..." Bakit ko hihimasin!? Oh my goodness!

Tumawa siya nang makita ang reaksyon ko.

"What?" kumunot ang noo ko at pinakatitigan ko ang buka ng bibig niya.

"Go... go... bago mahimasmasan..." ilang beses akong napatango. Akala ko ay may hihimasin ako.

I leaned closer to his ear and whisper something. "Boss, I have a surprise for you. Iyon ay kung dadalhin mo muna ako sa tabi..."

"S-shit! You're drunk, Shanti! Ano ang inilagay ni—" tinanggal niya ang kamay ko sa kanya at inamoy niya ang tapat ng labi ko.

"Fucking Aldus!"

Bago pa niya mapagbuhatan ng kamay si Aldus ay hinila ko na papalayo ang Instik habang pinauulanan na niya ng mura ang inosenteng Ferell.

"Come...come, boss... let's travel the great wall of China!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro