Chapter 23
Chapter 23
Sa tabi
Sa wakas. Nakarating na rin kami sa restaurant. Akala ko ay hindi na ako aabutin doon na tumitibok pa ng tama ang aking puso.
Keaton Samonte is unfair. How could he assault my heartbeats that simple yet terrifying? How could he utter a few words but made me dumbfounded? How could be so quiet but so damn attractive?
Nauna siyang bumaba at inilahad niya ang kamay niya sa akin para alalayan ako. Dahil malakas talaga ang hangin, ang isang kamay ko ay nakahawak pa rin sa sombrero ko na nasa ulo ko.
Nang makababa na ako ay hinayaan niya nang humiwalay ang kamay ko sa kanya. Tinanggal ko na ang sombrero ko dahilan kung bakit ginugulo na naman ng hangin ang kulot kong buhok.
"Ba't ba ang lakas ng hangin?" iritadong sabi ko habang naglalakad na kami patungo sa restaurant.
"But I like the brim hat, very convenient."
Lumingon ako sa kanya. "Convenient, lagi ngang nalilipad---" huli na bago ko naintindihan ang ibig niyang sabihin doon. Shit!
I rolled my eyes. "Convenient, huh?"
"Don't roll your eyes. I can still deduct your salary. I am your boss."
"Sweetheart, I can always roll my eyes to my boss because it's you." I copied some of his line and gave him a wink.
Samonteng lamig crossed his brows as my beautiful smile didn't waver to plaster in front of him.
Hindi na siya nagsalita pero tinanggal na niya sa pagkakabulsa ang kanan niyang kamay. Saglit tumaas ang isa niyang kilay nang mas ibinuka niya ang kanang braso niya. I knew that move, boss.
"H-hindi ako sanay, boss..."
Hindi niya tinanggap iyong sinabi ko dahil mabilis na pumulupot ang kanang braso niya sa bewang ko at mas kinabig niya ako patungo sa kanya. I thought it would be the same position just like what we had at the hotel entrance. Hawak bewang na pala.
"Sasanayin kita..." bulong niya bago siya humarap sa crew ng restaurant na malawak ang ngiti sa amin.
"Good evening, Ma'am, Sir..."
"I have a reservation. Keaton Samonte."
Nang banggitin niya ang pangalan niya parang may tumunog na emergency signal sa utak ng crew na nasa harapan namin. "Very well, sir! We've been waiting for you."
"Good."
Nang makapasok kami sa restaurant nadagdagan na naman ang paghanga ko sa resort na ito. Montenegro Hotel and Resort is not your typical overhype resort na maganda lang talaga ang pictures sa facebook at mga advertisements, dahil bawat detalye rito ay wala napakaganda.
The lighting of the restaurant was not too bright, but not too dim. The tables were mixtures of white and blue linens, and the chairs were comfortable enough with its rattan made style. The walls on the first floor were designed in small rock with some abstract painting hanging, while there were plants and expensive vases on some sides.
The second floor offered a beautiful view that overlooked the sea as its walls were glass made. Ngayon ko lang napansin na may mga upuan din pala sa labas para sa mga tao na hindi yata nilalamig at gusto sa mahangin.
Pansin ko na konti lang tao rito sa second floor kumpara sa first floor, kung hindi pa ako nagkakamali ay tatlong pares lang kami. Pinili ni Keaton Samonte sa dulo kung saan may nakaharang pa na malaking column na nagawa lang naman takpan ang pwesto namin ni Keaton Samonte kung gugustuhin kaming silipin ng ibang guests.
Ang maaari lamang makakita sa amin ay iyong mga tao sa labas kung gugustuhin nilang tumingala. Bakit naman nila gagawin iyon?
Bakit mo 'ko dinala sa dulo, Samonteng lamig?
Sa unang pagkakataon ay pinaghila niya ako ng upuan. Nagtataka na talaga ako sa mga ikinikilos niya. Type ba nitong si Keaton ang mga Mexicana?
Hindi ba't mukha rin namang Chinese ang ex niyang si Autumn? Hmm.
"What's yours?"
Binuksan ko na rin ang menu, nang makita ko ang presyo halos manlaki ang mga mata ko, naisip ko agad kung salary deduction ba ang mangyayari sa akin nang bigla kong maalala na libre nga pala ngayong lahat ng instsik na nasa harap ko.
Hinintay ko lang siyang matapos sa pagsasabi nang kanya nang ngumiti ako sa waiter at sabihin ko lahat ng mga order ko na parang ilang buwan na akong hindi na naman nakakain.
Ilang beses pang kumurap sa akin ang waiter na parang pilit ginigising ang kanyang sarili kung tama ba iyong narinig niya. "That's all."
Halos madapa pa iyong waiter sa pagmamadali na makaalis sa table namin. Siguradong mahaba-haba ang ipaghihintay namin ni Samonte.
"Do you drink wine?" tanong niya bago sumimsim ng alak na ang mata'y nasa akin.
"Yes, of course." I lied. Hindi naman nakakalasing ang wine, kaya naglakas loob akong uminom din sa harapan niya.
Hindi masarap. Nakakasuka. Ngunit ngumiti ako sa kanya. Trying hard Mexicana.
"So... what is your plan after this, boss?"
He glanced outside, and he showed me his famous Keaton Samote sit, crossed legs and both hands settled on his knees. Very formal and regal.
"You?"
Ilang beses akong napalunok, kinuha ko iyong wine at ni-straight kong inom.
"Bakit ako? Boss... I just turned eighteen... this escalated too quickly..."
Kumunot na naman ang noo niya at lumingon na siya sa akin. "I mean, what about you?"
"Oh..." I awkwardly scratched my cheeks using my forefinger. Bakit naman kasi hindi niya kumpletuhin ang sinasabi niya?
"After this summer? Balik aral na ulit ako. I want to graduate and help my parents."
"Hmm... your Dad is a fine man, Shanti."
"Yes, he is..." pinagtrabaho mo lang sa sabungan. Buwiset ka pa rin.
"H-how about you, boss? What happened to your—" hindi ko tinuloy ang tanong ko. It's a bit personal. "No, nothing."
"My parents?"
"It's okay, boss—"
"They died. Lumubog ang barko na sinasakyan nila."
Kung wala kami sa seryosong usapan baka tumawa ako. Anna and Elsa's parents died because their ship sank in the middle of storm.
"Oh..."
"The reason why Langston and I were exposed earlier to our responsibilities. They left an empire that we need to continue to build."
"Y-you have an empire but you're still holding that business..." nilakasan ko na ang loob ko na sabihin iyon. Kahit hinawakan na niya ang likuran at bewang ko, naalala ko pa rin naman kung bakit ako nagtatrabaho sa kanya.
"Did you convince me enough, La Rosa?"
Umirap ako at umiling sa kanya. "I loved it when your eyes and lips are conflicting. No wonder why La Rosa women are known for bewitching men."
That hit me. Simula nang nakulot ako at nagmukhang Mexicana, wala nang ibang sinabi ang instik na nasa harapan ko kundi mga salitang kundi tutunaw sa akin ay bigla na lang akong titindigan balahibo o kakapusin ang hininga.
But not this one!
"Do you think I applied to be your secretary to bewitch you, Mr. Samonte?" kumuyom ang mga kamay kong nakapatong sa lamesa.
"What? I mean--"
"Mr. Samonte! Hindi talaga kita inaakit. If our family has that cheap background, ibahin mo 'ko! I could show you a powerpoint presentation about the benefits that you'd gain after closing that business of yours! Ganoon na ba talaga ang tingin ng mga tao sa amin?"
Tumayo na ako. "Uuwi na 'ko!"
"Hey... calm down, La Rosa. Saan ba nanggaling--" ang singkit na mata ni Keaton Samonte ay bahagyang nanlaki nang makita niyang may luha sa mga mata ko.
Matagal ko na iyong naririnig mula sa mga tao, pero bakit ang sama sa pakiramdam kapag ganoon ang iniisip niya sa akin? After all my hardships? Hindi niya ba nakikita ang pagpupursige ko sa tuwing nagtatrabaho ako sa kanya?
Minsan lang ako magmaganda pero iba na iyong naiisip niya. Pare-pareho na sila!
Maglalakad na sana ako at iiwan na siya roon mag-isa nang mabilis niyang nahawakan ang kamay ko nang inakala ko na makakalampas ako sa kanya. When he pulled me, he made sure that I would land on his lap. Captured.
"Hey... hey..." he cupped my face as my tears continued to flow. "Sshhh... calm down..."
Umiiling ako sa kanya. "H-hindi nga kita inaakit. I don't know how, Mr. Samonte. If you mistook my actions for that, I'm so sorry. Nakalakihan ko nang bumulong sa mga kapatid ko kapag nang-aasar ako sa kanila at mahilig akong magbiro lalo na kapag pikon iyong tao... teasing is different from seducing at minsan lang ako magdamit ng ganito. I would prefer winter jacket kasi malamig na talaga but my sisters forced me..."
Kinuha ko na iyong baso niya at ni-straight ko nang inom ang wine niya. "Gusto ko lang tumulong pero hindi ganoon ang paraan na gagawin ko. Boss, bakit mo ako ikinalong? Tatayo na ako." Humigpit ang dalawang braso niyang nakapulupot sa akin.
Nasa ganoong tagpo kami ni Keaton Samonte nang may dumating na apat na waiter habang may sulong na silang pagkain.
Our scene was too awkward, me on tears and Keaton Samonte with his arms around my waist.
"Can you serve us later? Inaalo ko lang..." he glanced at me.
"R-right away, sir!"
Mas lalo akong nagutom nang nagmadaling umalis ang apat na waiter sulong ang mga pagkain namin.
"Gutom na 'ko..."
"Wipe your tears first, nakayakap pa ako sa 'yo." Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Sinunod ko ang gusto niya at pinunasan ko ang sarili ko.
"I will let you eat if you're going to listen to me." Babalik na naman ba kami sa panahong ginugutom niya ako?
I nodded at him. "First, I didn't want to give you that idea. Pinatapos mo ba ang sasabihin ko kanina?
"But that was you'd told me when Langston and I—"
"Because I don't want you for Langston!"
"Oh... but for you?"
Tumaas kilay niya. "Too fast... what I mean about your contradicting words and eyes, and how you bewitched me..." hindi na ako kumurap at hinihintay ko na ang sasabihin niya.
"It's not how a known La Rosa in Enamel fool a man, it's how you bewitched me in your own way. Own style..." inalala ko ang sinabi niya kanina. Iyon talaga ang pagkakaintindi ko, gusto lamang lumusot nitong si Samonteng lamig.
"You looked doubtful."
"Of course, I am..."
"You looked bewitching, Shanti... na gustong-gusto na kitang dalhin sa tabi..." suminghap ako sa sinabi niya.
"B-bakit mo ako dadalhin sa tabi, boss? I-I just turned eighteen... ano ang gagawin mo sa akin sa tabi?"
"That's what I meant, hindi mo ako niloloko. Ako iyong naloloko sa 'yo. You made me talked, you made me flirt like this, and you made me talk dirty and listened to Aldus!"
"Oh... my... is this confession, boss?"
"Can I just kiss you and not talk?"
Lumingon ako sa paligid, nasa malayo iyong apat na waiter pero pa-simple silang nasulyap sa amin para sa tawag ni Keaton Samonte.
"Gutom na 'ko... at may mga nakatingin, boss..."
"Very well. Call them."
Inangat ko na ang kamay ko at kumaway ako sa apat na waiter na agad kong kung nakuha ang atensyon.
"Okay na po! Naalo na niya ako." Sa sulok ng aking mga mata nakita ko ang tipid na pagngiti ni Keaton Samonte pero nang sumulyap ako sa kanya ay seryoso na naman ang mukha niya.
Hindi ako pinakawalan ni Samonteng lamig sa kandungan niya habang nagse-serve ng pagkain ang mga waiter.
"You should make it permanent curls, La Rosa..." aniya nang hawakan niya ang dulo ng buhok ko.
"Will I have a raise?"
"Hmm. Nevermind." Kuripot.
Habang nagbibigay sa akin ng kumento si Keaton Samonte napapansin ko iyong tipid na pangisi ng mga waiter sa amin.
"Do you have a Mexican blood?"
"Kanina lang yata..."
Inikot niya sa daliri niya ang ilang hibla ng kulot kong buhok. "Silly..."
"I should court you..."
Muntik nang mabitawan ng tatlong waiter iyong mga hawak nila dahil sa sinabi ni Keaton. Mukha ba akong hindi kaligaw-ligaw? Nililigawan din naman ang mga Mexicana, ah? Mga kamote rin siguro ang mga waiter na ito.
"Magpaalam ka muna kay Papa at Mama..."
Bigla akong napaisip, bakit nauna ang pagkalong ko, pagyakap niya, paghawak sa likuran at bewang ko at paghalik bago manligaw? Napangiwi ako.
"This will be my first time." Nanlaki ang mata ko at tumingin ako sa kanya.
Nanatili nang naglalaro ang ilang daliri niya sa dulo ng buhok ko. "R-really? What about Autumn?"
"Her? It's a different arrangement."
"G-ginusto mo rin siyang dalhin sa tabi?"
Nakarinig na kami ng pagkabasag ng plato. "S-sorry po!"
"Hey, man. Be careful." Yumuko sila kay Keaton na hindi niya pinansin at sa akin muli ibinalik ang atensyon.
Nang makita niyang tumalikod na ang apat na waiter ay naramdaman kong bahagya niyang hinila ang kulot kong buhok, sumayad iyong labi niya sa tenga ko.
"Ikaw lang ang ginusto kong dalhin sa tabi... bawal ka nang bumulong sa iba simula ngayon."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro