Chapter 22
Chapter 22
Mexicana
I blinked a lot of times. Did he call me, sweetheart?
I tried to open my mouth to breathe a word, but I ended up closing it again. If he really did call me that, didn't he supposed to act awkward or something?
But look how handsome he was right now, with his brows crossed, cold eyes, some signs of prodding veins on his temple, and his hands tightly shut inside his pockets like he was about to strangle my neck if he'd not strain it.
Did I just offend him or something? But he called me sweetheart! He should be smiling, but look how devilishly hot he was with his 'mainit ulo' look.
Since I wasn't sure if that endearment was really meant for me, I awkwardly tried to look around and find a possible prospect for his well... sweetheart.
My heartbeat skipped faster when I found no one. Shit!
What's with Keaton Samonte and his word 'Stop that'? I remembered the same words when I was inside his office playing my ball pen.
"Well?" he said.
"W-what?"
He didn't wait for my answer, and he continued to walk, leaving me behind. "W-wait lang!"
When I finally reached him at the entrance of the hotel, I expected that he'd glance at me, and he would tell me something, but he pretended that he didn't utter that word.
"Akala mo hindi ko narinig?" I said in my low voice, but audible enough for him to hear.
Hindi siya sumagot sa akin at nagkunwari na naman siyang hindi ako narinig. Magaling talaga magpatay malisya itong si Samonteng lamig.
Nanatili kaming tahimik dalawa ng mga ilang minuto nang mapansin ko na tipid niyang iginalaw ang kanan niyang braso pero nanatili pa rin siyang nakapamulsa. What is that?
Nagtataka akong sumulyap sa mukha niya na hindi naman nababago ang ekspresyon. Gusto niya ba na humawak ako roon? Hmm.
Napanguso ako at tinanaw ko ang kasabayan namin na lumabas sa hotel, nakasakay na sila sa beach cart, nandito pa rin kami ng boss ko na hindi nagsasalita. Nasaan na ba iyong susundo sa amin? Kung hindi ako nagkakamali ay may dadaan sa beach cart din kami sasakay na siyang magdadala sa amin sa restaurant.
Sumulyap ulit ako sa kanya, ganoon pa rin ang posisyon ng braso niya. Baka nangalay lang kaya binago niya ang posisyon ko. Pinili ko na manatiling nakatayo at hindi gumalaw. Paano kung mali na naman ang pagkakaintindi ko roon? Paano kung nag-iinat lang siya?
"Miss La Rosa."
"B-boss?"
Hindi siya nagsalita pero iyong galaw ng mata niya ang nag-utos sa akin na humawak na nga ako roon sa braso niya. Kaya agad akong sumunod sa kanya sa nangangatal kong kamay.
Tumikhim lang siya at hindi na naman nagsalita. This is so awkward!
Tatlong minuto na kaming nakatayo roon ni Samonte, hindi pa rin dumadating ang sundo namin. Ilang beses na rin siyang tumitingin sa relo niya.
"Lakarin na lang kaya natin, boss?"
"What?" pinasadahan na naman niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Isang minuto ulit ang lumipas na katahimikan lang ang namagitan sa aming dalawa, hanggang sa tanggalin ni Samonte ang nakakawit kong braso sa kanya at humarap siya sa akin.
"Tsk. Hindi na ba kayang ibaba ang damit na iyan? Bawal iyan sa restaurant." Really? Pwede naka-bikini, bawal naka-dress?
"Oh..." iyon na lang ang sinabi ko dahil hindi ko na gusto pang lalong uminit ang ulo niya.
Tipid kong hinawakan ang laylayan ng dress ko at sinubukan kong hilahin ng konti. But it didn't turn out well. Nakalimutan ko na low V neck nga pala ang dress ko kaya mas nakita ang konting cleavage ko.
"Ops..." I immediately covered my front using my brim hat.
"Fuck... I said stop that!" humiwalay siya sa akin, tinalikuran ako at humakbang ng ilang beses habang nakapaywang at sinuklay ng dalawang kamay niya ang kanyang buhok. He looked to frustrated.
"Inaano ba kita? Ikaw ang nagsabing hilahin ko!"
Mas naningkit ang mga mata niya sa akin. Humakbang siya pabalik sa akin at hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Bahagya siyang yumuko at mas sinalubong niya ang mga mata ko.
"Stop seducing me, La Rosa."
"W-what? Bakit naman kita aakitin? H-hindi ka naman gwapo at h-hindi ako attracted sa mga instik..."
"Yeah, yeah?" he said sarcastically.
Tinanggal ko ang mga kamay niya sa braso ko. Nakita ko na ang paparating na beach cart na nasisigurado kong siyang sundo namin. I just saw the grinning driver. Aldus Ferell.
"Mas type ko iyong mukhang inosente at hindi lagi salubong ang kilay."
"What?"
Hindi ko sinagot si Keaton Samonte dahil bumusina na si Aldus sa amin. "Good evening, guests!"
Nang makita ako ni Aldus, sumipol siya at sumulyap kay Keaton na parang may whistle language silang dalawa. Nakapaywang na humarap sa kanya ang boss ko na mainit pa rin ang ulo.
Tiningnan niya pa ang kanyang wristwatch. "I'll call another cart. Sila na lang ang pasakayin mo."
May itinuro siyang couple na katulad namin ay naghihintay rin ng sundo. "Why? Nandito na nga ako. Ten minutes earlier than the given time."
"Just pick them up. Go."
"Uhuh? Alright. See you later, Ashanti." Kumindat muna sa akin si Aldus bago niya pinaandar ang cart at nagtungo roon sa itinuro ni Samonteng lamig.
Hindi rin nagtagal ay may dumating na cart. Hinayaan ko siya na alalayan akong makasakay hanggang sa makaupo ako, at dahil pang-couple ang dala ni kuyang driver sobrang lapit namin ni Samonte sa isa't isa.
Nang umihip ang hangin at muntik nang malipad ang sombrero ko, agad iyong nahuli ni Samonte dahilan kung bakit ngayon ay naipit na naman kami sa nakakaubos hiningang posisyon.
Ramdam ko ang biglang paglapat ng kamay niya sa mismong likuran ko para maalalayan niya ako at hindi mahulog habang ang isa niyang kamay ay nasa sombrero ko. Dahil sa sobrang lakas ng hangin, may ilan na namang hibla ng kulot kong buhok na napapunta sa labi ko.
Gutom na ba ako at pati buhok ay kinakain ko na? Hindi ko magawang hipan iyon dahil baka isipin niya na inaakit ko na naman siya. Kaya akma ko na sanang tatanggalin iyon gamit ang aking kamay nang mabilis niyang ibinalik sa ulo ko ang sombrero ko.
"Let me..." bulong niya.
Ramdam ko ang mas pagkabig niya sa likuran ko at ang marahang paghaplos ng ilang daliri niya sa pisngi ko para hilahin ang ilang hibla ng kulot kong buhok mula sa labi ko.
Ako naman ngayon ang paulit-ulit na nagmumura sa isipan ko dahil sa ginawa niyang iyon sa akin. The gesture was too simple, but oh! Bakit sobrang init ng kamay niya sa likuran ko?
"A-are you seducing me, Mr Samonte?"
"I think... that's my line."
Akala ko ay tatanggalin na niya ang isang kamay niya sa likuran ko nang maramdaman kong lumipat na rin ang isa pa niyang kamay niya roon. Dahil patuloy ang pag-ihip ng malakas na hangin, kapwa nag-angat ang dalawa kong kamay para hawakan ang sombrero ko at hindi na iyon lumipad.
A tricky movement that would give him an access, both of his thumb fingers were caressing my back.
"Y-you are seducing me! Ibinabalik mo lang sa akin ang ginagawa mo!" itutulak ko na sana siya nang mas kinabig niya ako. Tinanggal niya ang isa niyang kamay sa likuran ko para pigilan ang dalawang kamay kong gumalaw mula sa sombrero ko.
"Hold it tight... lilipad..." he whispered as he pulled me closer to him.
"A-and you called me, sweetheart! Narinig ko! Don't pretend! Nadulas ka na!"
"Huwag kang malikot. Masikip, Shanti..." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Iniiba mo ang usapan!"
"Mahuhulog ka, La Rosa. Ang galaw mo." Ramdam ko ang haplos ng daliri niya sa likuran ko. Bakit parang minomolestiya na ako ng instik na 'to?
"Narinig ko iyon! You're dodging my—"
"Pinarinig ko talaga sa 'yo... I wouldn't say it, kung hindi ko gustong marinig mo."
Napasinghap na ako sa sinabi niya. "W-what is this? What's with the sudden turn of events?"
Tumaas ang kilay niya bago niya ako pinakawalan, tumuwid na siya ng pagkakaupo at inayos niya ang damit niya na parang ginusot ko na naman. "I don't know. You're a strange girl, I guess?"
Ngumuso ako at umayos na rin ako ng pagkakaupo. "Moody."
Akala ko ay mahihintay ko ang pagdating namin sa restaurant para makabawi kay Keaton Samonte pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lalo nang sulyapan ko ulit siya sa kanyang madalas na posisyon. My super cold boss regally sitting with his legs and arms crossed.
Naninigkit na ang mga mata ko sa kanya. Hindi pwede na ganoon na lang ang gawin niya sa akin. He'd seduce me and then pretend as nothing happened, akala niya ba ay manhid ako? I could see it through his eyes. Ilang beses niyang pinaglandas ang mga mata niya sa akin. And he didn't even give me any compliments? Samantalang ako, ilang beses ko na siyang pinuri sa isip ko. Instik siya!
Alam kong alam niya na nakatitig na ako sa kanya, pero sa larangan ng pagkukunwaring walang pakialam ay hindi ko siya matatalo. Akala niya siguro ay hanggang titig lang ang kaya kong gawin.
Dahan-dahan kong mas inilapit ang mukha ko sa kanya, at dahil mas matangkad siya sa akin ay mabilis kong inihawak ang isa kong kamay sa balikat niya gaya ng ginawa ko dati sa kanya.
And I whispered something with my silly grin. "Sweetheart..."
I thought I had a successful attack, but I was wrong because I just welcomed another dangerous attack.
Nawala na ang sombrero ko sa ulo at natagpuan ko na iyong nakaharang sa harapan namin ni Keaton Samonte habang inaangkin niya ang mga labi ko.
His right hand was now pushing my head on him as he kissed me deeply. Mulat na mulat ang mga mata ko habang ilang beses kong hinahampas ang dibdib niya.
"Hmmp! Samonte!" marahas ko siyang itinulak pero ganoon pa rin ang posisyon namin. Nasa ulo ko pa rin ang isa niyang kamay, nakaharang ang sombrero sa unahan namin at magkalapit pa rin ang mukha namin sa isa't isa.
Sobrang init na ng pisngi ko dahil sa nangyayaring ito. Hindi na rin ako magugulat kung naririnig na niya ang tibok ng puso ko. This instik is making me insane!
"Stop teasing me, La Rosa. Stop that. Kung ayaw mong--" sumulyap siya sa labi ko, marahan niyang binasa ang kanya at sinalubong ang mata ko.
"That's the second! You don't just kiss a woman because she's your secretary!"
"Sweetheart... I kissed my secretary because it's you. Shut up."
Umawang na ang bibig ko. "Y-you are flirting with me! Tapos—y-you're impossible!"
"What do you want, a vacation, a double pay or triple pay?"
"B-binabayaran mo 'ko!? How could you—" tinakpan ko gamit ng isang kamay ko ang labi ko habang ang isa'y nakahawak sa sombrero ko.
"You provoked me, La Rosa. Tahimik akong tao, ginulo mo 'ko."
Napatitig na lamang ako sa kanya dahil sa bawat bitaw niya ng mga salita niya ay may kasamang diin at pagbabanta sa akin.
"You started breaking the ice. Do you think I'll build the same again?"
Nang hindi ako makapagsalita at nanatiling nakatitig lamang sa kanya ay mas inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Hinila niya iyong kamay ko na nasa labi ko at sinadya niyang saglit na sumayad roon ang labi niya nang magsalita siya ulit.
"Sagot... naghihintay ako..."
"I d-don't know..." nangangatal na sagot ko.
"I'll build again, at nakakulong ka na roon. Wala nang gibaan, Shanti."
Iginalaw ko na ang ulo ko at iniwasan ko na ang kanyang mga mata, ngayon ay nakaharap ako sa sombrero ko na nagtataklob sa aming dalawa habang ramdam ko iyong matangos niyang ilong sa pisngi ko.
"What happened, La Rosa?" panunuya niya sa akin.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sumagot sa kanya nang ramdam kong sinadya niyang ihaplos sa pisngi ko ang tungki ng ilong niya.
I felt a sudden shiver down on my spine. Speechless. Ang landi niya...
Buong akala ko ay hindi na ako makakaalis sa nakakaubos hiningang posisyon na iyon, nang may biglang nag-overtake sa aming beach cart.
"Oh, pag-ibig, Fortune Cookie... Pag nabuksan 'di mo na mapipigilan 'to... Come on come on come on come on baby..." malakas na sintonadong kanta ni Aldus Ferell na may nagkabaliktad na mga lyrics ang nagligtas sa akin.
Ibinaba na ni Keaton Samonte ang sombrero at kapwa kami napalingon doon kay Aldus na nasa unahan na namin at panay ang kanta ng fortune cookie.
"Tsk."
Ibinalik na niya ang sombrero sa ulo ko at nabalot na naman kami ng katahimikan. Ako naman ngayon ang nakakrus ang mga braso habang nakatingin sa kanang direksyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang tibok ng puso ko. Instik talaga siya!
Akala ko ay hindi na siya magsasalita bago kami makarating sa restaurant nang maramdaman ko na hinawakan niya ang ilang hibla ng kulot kong buhok.
"You're pretty tonight. I love the curls...teasing Mexicana..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro