Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Hi, angels! I am so sorry for my late update. I hope you'll enjoy this chapter! Happy New Year! I hope to continue my journey this 2020 with you. Love lots! 

Chapter 21


Brim Hat

I don't know how did it happen. I just found out that my sisters were all informed about my dinner with my boss.

They all looked pressured like they were the invited ones. Halos hindi sila magkaintindihan sa paghahanap ng mga damit at sapatos nila sa maleta na ipahihiram sa akin.

Ilang beses umikot ang mga mata ko. Tatlong oras pa bago iyong dinner na sinasabi ni Samonteng lamig. I could wear anything I wanted. Kung may dala nga sila riyan na winter jacket, iyon na ang hihiramin ko.

"What's the fuss all about?!" I scowled at them.

It's just a dinner. Ano ba ang pinagkaiba no'n sa ginawa namin kanina? Maybe the speed? Hindi na naman siguro ako dadalhin ni Keaton Samonte sa isang fast eating challenge. I had this feeling that he's a bit traumatized.

Para na siyang masusuka kanina, e.

Padabog akong naupo sa kama at pinagpatuloy ko ang paggamit ng google translate ng mga salita. From Tagalog to Chinese, paano ko ba iyon ita-translate? Hindi ko na tanda ang sinabi niya kanina.

"Pumili kayo ng hindi siya magmumukhang negra!" sabi ni Ate Aliyah na siyang nangunguna sa kanila. Habang si Ate Ariana at Alissa ay halinhinan sa pagpapakita sa kanya ng mga dress sa kanya.

"No, not that color! Alam mo naman na baduy magdala ng damit iyang si Ashanti." Tumaas ang kilay ko.

"Huwag iyan! Hindi bagay! Wala naman korte ang katawan niya! Napapaisip talaga ako kung kapatid natin siya." Mas tumaas na ang kilay ko.

"How about this?"

"Ano ba iyan? Bakit wala man lang bumagay riyan ka Ashanti?"

Ibinagsak ko na ang phone ko sa kama at pinagkrus ko ang mga braso ko habang nakatanaw doon sa mga kapatid ko na iisipin kong nagkukunwari lang tumulong sa akin maghanap ng susuotin para mapulaan lang ako.

"Ako na ang pipili ng damit ko! Hindi ko naman kayo pinatutulong. Tumahimik na kayo riyan! Kayo na ang magaganda, mapuputi at sexy! Mga leche!" nahiga na ako sa kama, nagkumot at nagsaklob ng kumot.

Pinagpatuloy ko ang pakikipag-usap sa google-translate. Ano ba ang Mandarin ng leche? Leche rin madalas iyong boss ko.

Eksaherada silang suminghap tatlo sa harapan ko na parang hindi sila makapaniwala na sasabihin ko iyon sa kanila.

Akala ko ay hahayaan na ako ng mga kapatid ko, pero narinig ko ang mga yabag nila na patungo sa akin.

"Ashanti, we are just worried. This is your first date, right?" napabangon ako agad sa sinabi ni Ate Ariana.

"Excuse me? Hindi iyon ang first date ko at hindi date ang magaganap mamaya. It's a business dinner. Paano n'yo ba nalaman, mga tsismosa kayo?"

"Sabi ni Mama, nagpaalam ka sa kanya, hindi ba?" sagot ni Alissa.

Napabuntong hininga ako. "Hindi iyon date. Kaya hindi ko na kailangan ng magandang damit. Mag-rash guard na lang ako mamaya."

Nanlaki ang mga mata nila sa akin. "Dinner? Tapos rash guard? Ikaw ba, Ashanti, ano ang ginagamit mo sa pagsalo ng bola kapag naglalaro ka ng volleyball? Inuulo mo ba?"

"Minsan..."

Hindi na nakapagpigil ang tatlo kong kapatid at pinagtulungan nila akong sabunutan.

"Shit! Get off me!"

Tinigilan lamang nila ako nang sumilip sa amin si Mama at sawayin kami dahil baka raw magkasakit kami. Nagmatigas ako sa kanila na hindi ako tatanggap ng tulong sa kanila sa pag-aayos pero gumamit na sila ng alas. They called our Papa and they told him about my helpless case.

Dahil nakaawa nga naman daw ako, mabuti at naririto ang mga kapatid ko para iligtas ako sa matinding kahihiya. Para akong nakakita ng tatlong mangkukulam sa likuran ni Papa nang mga oras na iyon. Kaya wala akong ibang pinagpilian kundi hayaan ang mga kapatid ko na paglaruan ang hitsura ko.

"Maghilod ka nang maayos! Baka may itinatago ka pang puti." Kumuyom na iyong dalawa kong kamao sa sinabi ni Ate Ariana.

Madali lang nila iyong nasasabi kasi maputi sila. Hindi naman ako maitim, morena sabi, e!

Padabog akong naligo habang walang tigil ako sa pag-usal sa nabasa ko sa google translate. "Shui che!"

I went out from the bathroom wearing a robe as instructed. Nakahanda na ang upuan kung saan nila ako pagtutulungan habang malawak ang ngisi nilang tatlo sa akin. Napansin ko na rin iyong isusuot ko na damit.

"Bakit sobrang iksi niyan? Hindi n'yo ba alam na malamig? May balabal ba kayo?"

"Gentleman naman yata ang boss mo. Maybe he'll offer you anything naman..." ngumiwi ako sa sinabi ni Ate Aliyah. Baka salary deduction pa. Hindi na, maninigas na lang ako sa lamig.

Muli akong sumulyap sa dress na susuotin ko. It's quite cute, actually but I doubt if it would suit me. I am not a cute size, though. It is a different shade of pink, floral knot at the corner of V-neck, and with ruffle trims. They even provided a brim hat. Gabi na, aanhin ko pa kaya ang sombrero?

Nanatili akong nakaupo habang nakakrus ang mga hita at braso habang mariin akong tinititigan ng mga kapatid ko.

"Pabebe vibe?"

"Nah, 'di bagay kay Ashanti."

"Fierce and seductive?"

"Nah, she'll ruin the vibe when she started eating."

"Pa-virgin?"

"Ah? Maiksi na ang suot niya."

"Excuse me? Ano na naman iyan! Sabi nang kahit wala na akong ayos!" halos sabunutan ko na ang sarili ko.

"Serious look?"

"Err..."

"How about the bubbly vibe? I mean, gano'n naman talaga si Ate Ashanti. She's funny. Gano'n na lang. Parang Mexicana na nagmamasyal lang sa island. Let's just curl her hair, iyong medyo malilit?" sabi ni Alissa.

Wala akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila. Kapag sinuklay ko na ng isang beses ang buhok sa loob isang araw, okay na iyon.

Hindi na ako gumalaw sa upuan ko at hinayaan ko na ang mga kapatid ko na gawin ang gusto nila. Ilang beses nang muntik bumagsak ang ulo ko habang kinukulot nila ako.

"Hindi ako pwedeng ma-late, ayaw ng boss ko ng gano'n."

"Wait lang, Ashanti, malapit na." Nakayuko na ako at kanina pang naglalaro ng phone habang tinatanggal na nila iyong nilagay nila sa buhok ko.

"Konti na lang! Oh my! Ang ganda mo, Ate! Bagay pala sa 'yo ang curls na ganyan."

"Eh?" hindi na sana ako maniniwala kay Alissa nang nag-angat ako ng tingin sa salamin, at ilang beses pa akong napakurap sa sarili ko.

"Wow... I looked..." nagmukha akong mayaman. Hindi na ako mukhang empleyado lang ng instik na iyon. Mukha na akong Mexicana na target abusuhin ng isang Chinese, I mean, mukha na akong madam na nagbebenta ng original na mga bag at sapatos, dahit magandang lalaki ang instik na iyon (No, not really, this is not my boss we're talking about) gagamitin niya iyon para akitin ako, iyon naman pala, ang balak niya ay gumawa ng maraming Class A na bag at sapatos na binebenta ko.

Natawa na ako sa sarili kong naiisip.

"Sa wakas, gumanda rin! Magbihis ka na."

Tinulungan na rin ako ng mga kapatid ko na magbihis. Ten minutes bago ang eksaktong oras ng dinner namin ay tumawag na ang instik, I mean... my boss.

"Yes, boss?"

"Don't be late."

"Saan po ba? Sa lobby na lang po ba tayo magkikita?"

"Why? Would you like me to fetch you in your room, Miss La Rosa?"

"Pwede rin..." mahinang sabi ko.

"What?"

"I'll be there po."

Pinatay na niya ang tawag. Sungit.

Nang sabihin ko ang oras ng dinner sa mga kapatid ko, bigla na akong nagsisi. Dahil sinabi lang naman nila sa akin na kailangan daw ay late ako ng mga ten minutes. Oh my goodness!

"Padaanin n'yo na 'ko! Mamaya ay tatawag na iyong si Samonte!"

"Kahit five minutes na lang! Huwag mo gagamitin ang elevator hanggang ground floor, hanggang second floor ka lang, maghagdan ka para tumingala siya sa 'yo sa pagbaba mo." Ilang beses na akong napapangiwi sa pinaggagawa sa akin ng mga kapatid ko.

I stomped my foot when I saw the time. "Six minutes late na 'ko!"

Nang mapansin ng mga kapatid na nagsisimula na akong ma-stress pinagbigyan na nila ako. Akala ko ay hanggang doon na lang sa kwarto ang panggugulo nila, pero sinabayan talaga nila ako sa elevator. They pushed the second floor.

"Alright! Sige na!"

They giggled with excitement while my mind was uttering a different curse. Bigla akong kinabahan nang lumabas na ako sa second floor, hindi ko na naintindihan pa iyong mga pinagsasabi ng mga kapatid ko nang makita ko na ang hagdan.

Ilang beses na akong napalunok nang makarating ako sa dulo, nakita ko na agad sa ibaba si Samonteng lamig na naka-puting summer long sleeves (kung iyon ba talaga ang tawag), brown pants, expensive wristwatch (for sure) and a damn smart glasses! He's not gwapo, nagugutom lang siguro ako, pero...erm... Tang ina niya na lang ulit, gwapo talaga. 'Di niya naman naririnig.

But he doesn't look formal na minsan lang niya gawin. Hindi siya mukhang negosyanteng instik, dahil mukha na siyang bakasyunistang instik sa mga oras na ito.

Pero malayo pa lang alam ko na mainit na ang ulo niya. Why? Dahil nasa baywang na niya ang isa niyang kamay at ilang beses na siyang sumusulyap sa wristwatch niya.

Isa mexicana init ulo instik siya patay. Shui che!

Nangangatal ang kamay at tuhod ko habang humahakbang na ako pababa ng hagdan, nakatalikod sa akin si Keaton Samonte na nakatuon ang mga mata sa elevator. Nang nabuksan iyon at hindi ang sekretarya niya ang lumabas, kinuha na niya ang phone sa kanyang bulsa at nang tumalikod na siya sa elevator dahil sa matindi niyang pagkairita na kitang-kita sa salubong niyang kilay, napaisip na ako kung paano ako mangangatwiran sa kanya.

Tumunog ang ringtone ng phone ko.

Oh pag-ibig fortune cookie

Kinabukasan maganda ang sinasabi, oh

Hey hey hey, kung gustong maging maswerte

Huwag mong kalimutang ngumiti

Unti-unting umangat ang paningin ni Keaton Samonte na kasalukuyan pa rin nakapamaywang at may kunot na noo habang hinahanap ang pinanggalingan ng kantang kanyang narinig.

I almost took my breath away when our eyes met. Gwapo na siya kapag hindi nakatingin sa 'yo pero iba talaga kapag iyong instik niyang mga mata nasa 'yo na ang atensyon, bigla kong nakalimutan ang pang-aabuso ng mga instik sa mga Pilipino, ang mga nasunugang bahay dahil sa mga made in china na Christmas lights at mga laruang may toxic sa kalusugan ng mga bata. Iyong mga mata ni Keaton Samonte nagdadala ng amnesia sa mga Mexicana na katulad ko. And like what I used to do when he caught me doing some stupid things (or mga kapalpakan sa trabaho) I gave him an awkward smile.

Hindi nawala ang titig sa akin ni Samonteng lamig at mukhang nakalimutan na niyang patayin ang tawag kaya patuloy na tumutugtog ang fortune cookie habang papalapit ako sa kanya.

Dahil naka-flats na ako, bahagya na akong tumakbo patungo sa kanya pero agad rin akong tumigil nang maalala ko ang suot ko. I smiled awkwardly again. Isinumping ko ang takas na kulot na buhok sa gilid ng tenga ko at mabagal akong naglakad patungo sa kanya.

Tumigil na ako sa tapat niya habang nando'n pa rin ang kamay niya sa phone niya na tumatawag sa akin.

"B-boss... your phone..."

"W-what?"

"Ang phone mo po..."

Hindi ko naman pinapatay ang phone ko, malapit na sa chorus.

Nang hindi pa rin ako nakuha ni Keaton Samonte, ipinakita ko na ulit sa kanya ang dance step na parang nagawa na naman ako ng tinapay.

"What are you doing, Miss La--" bigla siyang natauhan at mabilis niyang ibinaba ang phone niya at pinatay ang kanyang tawag sa akin.

Ngumisi ako. Pero nang lumingon siya sa akin para tingnan ang reaksyon ko, agad ko iyong binalik sa pagiging seryoso.

"Why are you late?" ibinulsa na niya ang phone niya. Hindi nakaligtas sa akin ang ilang beses na pagbaba-taas ng mga mata niya sa kabuuan ko.

I feel slightly confident. Minsan na lang ako purihin ng mga kapatid kong mahilig akong pulaan, hindi pa ba ako maniniwala na maganda ako ngayong gabi?

"Nakatulog po ako..."

"Oh, nakakakulot pala ang pagtulog..."

"Ngayon ko lang din na-discover, boss. So, saan po tayo?" nauna na akong maglakad sa kanya.

Nagsimula na ulit akong maglakad habang tumatalon-talon, nasa likuran ko pa rin ang dalawa kong kamay habang hawak ang sombrero ko.

"Boss, sabi ng mga kapatid ko isuot ko raw itong sombrero ko. Would I look weird sa pupuntahan natin?" bigla akong humarap sa kanya kasabay nang pagsusuot ko ng sombrero sa aking ulo. Sa pag-ikot ko may ilang hibla ako ng aking buhok na napunta sa bibig ko, kaya hinipan ko iyon.

"Ops..." natawa na ako sa sarili ko. "So, boss..."

Natigil ako sa pagtawa nang makitang hindi na naglalakad si Keaton Samonte at nahuli ko siyang lumunok nang ilang beses. Kunot pa rin ang kanyang noo.

I gasped when I first heard his words.

"Fuck... Sweetheart... S-stop that..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro