Chapter 20
Chapter 20
Invitation
Ilang beses akong napasulyap sa lamesa at kay Samonteng lamig habang iniisip kung ano iyong nakain niya para sabihin niya ang salitang bonus.
"B-bonus? Bonus talaga? Hindi ikaw bawas akin sahod? Ikaw dagdag akin sahod?"
Hindi makapaniwalang tanong ko gamit ang lengguwahe ng instsik na katulad niya. Para mas malinawan siya sa tanong ko, baka umasa lang ako sa wala kapag naniwala ako sa bonus na sinasabi niya.
Paano kung iba pala ang ibig sabihin ng bonus sa instik? Paano kung ang ibig sabihin pala no'n ay isang buwan na thank you lang ang matatanggap ko? But I suddenly had a second thought, hindi naman nagpapasalamat si Samonteng lamig.
Kumunot ang noo niya sa akin. "Sha zi..."
"Huh?"
Ini-intsik na niya ba ako?
"Ikaw bigay talaga bonus?" ulit ko.
Mas lalong ko nang hindi naipinta ang mukha ni Keaton Samonte. I was just asking for confirmation! Bakit umiinit na naman ang ulo niya?
"Nǐ chī cuò yào le ma?" iritadong tanong niya.
Malay ko sa sinasabi niya! "Huh? Ba't ka ba intsik nang intsik! Hindi ko naman maintindihan, e!"
"Learn Mandarin, then! Go get our prize. Quick!"
"Wala ako sa tra—" nang mas lalong naningkit iyong mata niya wala na akong nagawa. Hmmp. Ang hina naman kumain.
Akala niya ikaka-hot niya iyong pa-demure niya sa pagkain? Pabebe.
"Ito na po! Kukunin ko na ang premyo! Ang nice naman ni boss mag-talk ng mandarin... so excited to learn your language."
"Stop being sarcastic, La Rosa."
Nagtungo na ako sa unahan, naghihintay na roon ang dalawang crew ng event at iyong cute na si Patrick Montenegro.
"Hi!" I greeted him.
Mas matangkad ako sa kanya kaya bahagya siyang nakatingala sa akin. May hawak na siyang envelope na naglalaman ng certificate na pwede akong magpabalik-balik sa resort nila ng walang bayad sa loob ng isang taon.
Napaka-generous talaga ng may-ari ng resort na 'to!
"Congratulations, Miss...?"
"La Rosa..."
"Ah, yes! Nakalagay na nga pala rito 'yong name mo." Inabot na sa akin ni Patrick Montenegro ang envelope.
Sinabi ng crew na magkakaroon daw ng picture-taking, tinawag ko si Keaton dahil siya naman iyong partner ko, pero nagkunwari siyang bingi at wala naririnig. Nakaupo lang at hindi ako pinapansin.
I awkwardly looked at Patrick and to his crews. "Sorry, masakit na kasi tiyan niya."
Dahil ayaw talaga ni Samonteng lamig mag-picture, kami na lang ni Patrick. Ilang shots lang naman ang kinuha, una ay iyong pagbibigay niya ng certificate, tapos habang hawak ko iyon sa pareho kong kamay at ang huli ay nang hinawakan ni Patrick ang bewang ko. He was pouting in front of the camera when I looked at him startled.
Mga galawan niya, alam na kung saan patungo makalipas ng ilang taon. Kung kasing edad ko siya o mas matanda sa akin ay baka magalit ako. But he's still a little boy and cute! I'll let his slide.
Ngumiti ako kay Patrick na agad namula, pero nawala iyong atensyon namin sa isa't-isa nang marinig kong tumayo na si Keaton Samonte.
"Are you done?"
"Yes!" ngiting sagot ko. Humarap akong muli kay Patrick. "Thanks..."
"Inform me if you'll come back, Ate..." he blushed.
"I will."
"With your workload?" ngumiwi ako nang pinaalala sa akin ni Samonteng lamig ang trabaho ko.
"Psh... is this another Nero? Is he your boyfriend?" I rolled my eyes. Humarap ako nang mas maayos kay Patrick para hindi makita ni Samonte ang sagot ko.
"He's my boss, intsik kasi... alam mo na Spratly Islands and Scarborough Shoal... masama talaga ugali..."
"Oh..."
"Yes... I should go..." I winked at him before I turned back and followed my boss.
Lakad takbo ako para mahabol si Samonteng lamig na sobrang layo na ang narating. I was hopping and whistling happily when I reached him.
Dahil sobrang good mood ako, wala na akong pakialam kahit mainit na naman ang ulo niya. Nagawa ko pa ngang hantarang silipin ang iritado niyang mukha habang malawak ang ngiti ko.
See? He's so gwapo na naman... mainit nga lang ulo. Hawakan ko kaya ang tenga kung lalong magalit?
I softly chuckled with my thought. "Silly me..."
"Why are you looking at my ear?"
"Oh... hahawakan ko sana..."
"What?!"
Ngumisi lamang ako sa kanya. Hindi naman masamang asarin siya ngayon, wala kami sa trabaho at siya itong nauna sa akin, acting like a jealous boyfriend.
"Pero may bonus talaga ako?"
"I can't remember..."
"Makakalimutin ka naman, boss..."
"I just don't remember unnecessary things."
Hindi ko hinayaan na maputol ang usapan sa pagitan namin kaya kung ano na lang ang unang pumasok sa isip ko ay iyon na ang lumalabas sa bibig ko.
"Oh, so... which one is better? Cookies, kalamay o bread—"
"Breadstick." Mabilis na sagot niya na hindi na ako ginawang patapusin.
Bago pa ako may sabihin ay bigla na siyang naubo. "I mean, cookies..."
"Sabi mo breadstick..." I grinned at him. "I know why..."
Iritadong tumaas ang kilay niya sa akin. "What? That I took advantage of you?"
"Wala akong ni-sasabi..."
"Stop that."
"What? Sabi ni Aldus ni-aano raw kita..."
Kung tumitig sa akin si Keaton Samonte parang kaunti na lang ay sasakalin niya ako.
"Stop flirting with me, La Rosa."
"Nauna ka, Samonte. Pretending like a jealous boyfriend in public!"
Ilang beses siyang lumunok at mariin kaming nagtitigan pero tulad nang laging nangyayari siya iyong nanalo. "Gusto mo ng buko juice?"
"What?"
Tinapik ko ang braso niya. "Iinom lang ako ng buko juice. Una ka na."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil nagmadali na akong tumakbo papalayo sa kanya habang tinatapik ang pisngi ko. Ano ba iyong ginawa ko? Ang landi!
Humihingal pa akong naupo sa panibagong nipa hut, nakatalikod pa iyong nagtitinda na may dalawang babaeng customer.
"Hi!" sabay na bati ng dalawang babaeng naka-bikini. Sana all, nakakasuot ng bikini, iyong boss ko gusto pa akong magsuot ng winter jacket.
"Hi?" they looked familiar.
"Ikaw iyong kasama ni Keaton, 'di ba?" tanong ng babaeng naka-orange na bikini.
Pilit kong inaalala kung saan ko sila nakita, hanggang sa unti-unting rumehistro ang isipan ko ang mga mukha nila.
The maarte's in town! Sina August at Antonia. Friend sila ni Autumn at siguradong issue sa kanila na kasama ko ang ex-boyfriend ng kaibigan nila.
"Yes..."
Sabay ngumuso ang dalawang babae sa sagot ko. "Baka nag-iisip kayo, I am his secretary..." I awkwardly said.
Pinakatitigan ako ng dalawang babae bago nila ibinalik ang atensyon sa kanilang buko juice.
"Autumn failed to lure him..."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko salita. Tama ba iyon? Autumn tried to—narinig kong tumawa iyong dalawa, siguro ay nang makita nila ang reaksyon ko.
"Nakalaan talaga sa'yo. By the way, August, paano iyon? Autumn is planning to take Keaton Samonte seriously when she come back."
Antonia snorted. "Are you sure?"
"Sabi niya..."
"Don't believe her. She's still into that Arellano."
Hindi ko na maintindihan ang sinasabi nila. Dumating na iyong buko juice ko, akma ko n asana silang iiwanan nang pigilan nila ako.
"Girl, ang ganyang tipo ni Keaton Samonte, sobrang gentleman. Provoke him, and tease him, saka iyan gagalaw. At siya iyong tipo na gusto marahas ang babae... medyo harsh, parang gano'n...." mariin akong umiling sa kanila.
"Nagkakamali kayo, secretary lang talaga ako. If I did hurt him... it wasn't intentional."
"Oh!"
They both gasped exaggeratedly, they covered their mouths like they were surprised, and scandalized.
Sabay nilang hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Masarap magmahal ang mga ganyang lalaki..." they leaned at me and whispered something that made me blush as hell. "Virgin..."
"Kung tatanungin ako mas gusto ko siya kaysa kay White Arellano para sa friend namin. But our dearest friend is badly smitten with that smuggler."
Iling ako nang iling sa kanilang dalawa. Bago pa ako makarinig nang kung anu-ano mula sa kanila ay nagmadali na akong umalis. It was late when I realized that I'd left my buko juice!
Bakit ba sa dami nang mapupuntahan ko ay roon pa sa pugad ng Maarte's in town.
Akala ko ay mag-iisa na 'ko nang makita ko na naman sa hindi kalayuan si Keaton Samonte, dapat ay lalampasan ko na siya pero nakita niya na rin ako. Agad humiwalay sa kanya si Aldus na may kasama nang dalawang babae.
Kaya wala akong pinagpilian kundi samahan na naman siya. At para mawala sa isip ko iyong mga sinabi sa akin nina August at Antonia, ibinaling ko na lamang ang atensyon ko sa hawak ko na envelope.
Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad lamang, ilang beses ko pa tinitingnan iyong pangalan ko sa certificate. Nag-iisip na tuloy ako kung sino ang magandang kasama rito. Pwede siguro ako mag-stay rito kapag walang pasok.
"You like this resort so much..."
"Sikat kaya ang resort na 'to, boss! Bakit 'di ka nga pala magpagawa ng resort kaysa sa sabungan na iyan?"
"I just inherited that—" lumingon ako sa kanya. Hindi pa kami nagkakaroon ng pag-uusap tungkol sa negosyo niyang iyon dahil hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako ng tamang panahon para mas kumbinsihin siyang ipasara iyon.
Maybe he saw the eagerness on my eyes that made him stop in midway. "I will not close that."
"Wala pa naman akong sinasabi." Umirap ako sa kanya nang hindi na siya nakatingin sa akin.
"I saw that."
Sa pagkakataong iyon ay wala muna akong isinagot sa kanya. Instead I continued hopping and humming like a little girl with my hands on my back, holding the brown envelope.
Nauna na ako ng ilang hakbang kay Keaton Samonte pero alam ko na nakasunod pa rin siya sa akin. He's still walking stiffly with his hands inside his pocket, typical Samonte's style.
Akala ko ay magpapatuloy ako sa paglalakad ng ganoon nang maisip kong gusto ko pa rin sabihin sa kanya ang balak ko tungkol sa sabungang iyon. I've been serious about that, kung hindi man ako makatulong sa laban sa pagitan ng Pilipinas at China tungkol sa Spratly Islands and Scarborough Shoal, at least I'd made a good choice to save Enamel from another abusive Chinese.
Sino nga bang Ferell ang narinig kong nagsabi na China Town na raw ang Enamel dahil puro intsik ang tao roon?
I grinned with my thoughts. Ngayon ko napagtanto na parang totoo nga ang narinig kong iyon, karamihan sa mga kilalang pamilya sa Enamel ay may lahing Chinese. Puro mga naniningkit pa ang mga mata!
But I think I've just met the sharpest eyes of them all. I turned and stopped whistling and hopping when I noticed that the sun was setting. I looked with awe when it started to cast a mesmerizing spell in the sea.
"Ang ganda, boss..."
I smiled, looking at it as the wind gently blew. "Yes..."
I turned to look for the same satisfaction on his face, but my boss was startled with his eyes on me. He then turned his gaze somewhere behind me.
My lips curved in amusement. Ibinalik ko ang mga mata ko sa dagat. "You know it's not that bad to compliment people..."
"Excuse me, Miss La Rosa?"
"Nah, sabi ko gwapo ka sana kaso sinungaling ka..." I laughed and continued hopping and whistling. "Uwi na 'ko, boss, hinahanap na 'ko sa'min..."
"L-La Rosa, wait!"
Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang nakunwaring hindi nakakarinig sa kanya. The scene was too cute that I'd never imagined that I would be part of it. There was a beautiful sunset, our shadows, the glittering orange sea with its calmest waves, wind dancing with my hair, and a Chinese prince on the tail (plus topless).
I've known him as a regal prince, kaya hindi ko inaasahan na ang sinabi niya sa aking paghabol ay literal na mabilis na pagtakbo. As I hopped happily, pretending not to notice him, his pace never changed.
"La Rosa!"
Tumigil na ako sa pagpapahabol sa kanya. I sweetly looked back at him as I slowly swiveled my body with my hands still on my back, whispers of the wind lingered around us.
His steps faltered with my sudden movement. His mind was close enough to entertain my concern about his business, but I was just starting.
Mahaba pa ang bakasyon at kung may matutunaw na yelo, hindi iyon ang mga pinagbibili kong yelo.
Someone who built a snowman himself. Someone with a frozen heart.
"I will continue to convince you, Keaton..." I stuck my tongue out that made his small eyes widened.
I chuckled and turned my back again. "See you after two weeks, boss!"
I was about to continue my hopping and whistling when someone grabbed my arm and made me face him. His face was flushed.
We already had a far distance, as I remembered. Not if.... Oh...he walked in different pace. Mas bumilis. His chest was heaving heavily.
"Dinner. Let's have a dinner. I'll fetch you later."
I grinned. "Is that a deduction?"
"Oh god! Just say yes or no!"
"Deduction?"
He suddenly tilted my chin up to answer his gaze. "Stop teasing me."
"Yes... no... boss..." itinulak ko na siya at mas dumistansya ako.
"Should I wear a winter jacket tonight?"
He rolled his eyes. He turned his back and placed his hands inside his pocket again. "You're pretty... but... oh you're really not pretty."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro