Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2

Threat

"Walang sundo? Ihatid na kita." Leiden Arellano winked at me.

I smirked and continued to walk. Hindi ko siya pinansin katulad ng lagi kong ginagawa. He's too overconfident, rude and well a walking trouble.

Paulit-ulit ko itong ipinapasok sa isip ko sa tuwing lumalapit siya sa akin. Isa siya sa kilalang apo ni Governor Arellano, isa sa tatlong pinakamayayabang sa St. Luciana, isama na si White at Gilbert. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit lagi siyang lumalapit sa akin.

Not that he likes me or something, dahil nakikita kong kung sinu-sinong babae ang kasama niya kapag nakakasalubong ko siya at talagang magaganda at sexy kumpara sa akin.

It's just because he heard something years ago when I was talking with my sisters before. Maybe that caught his attention or curiosity kung itutuloy ko ba ang mga sinabi ng mga kapatid ko.

No way.

"Ashanti, listen to our mother. Try to get White Arellano's attention. He's single." Muntik na akong masamid sa sinabi ni Ate Ariana.

Why to all people? White Arellano? Seriously? Kahit sinong may mata rito sa St. Luciana, madaling malalaman na patay na patay si White Arellano kay Autumn Olbes, like, duh? Besides, mapuputi ang gusto no'n.

"Ate, I can't. Hindi ako matitipuhan ni White, gusto niya mapuputing babae. And he only got his eyes on someone else. And please... I hate politics."

"What about the other Arellanos?" tanong ni Ate Aliyah.

"W-what? No." Giit ko.

"Yes, it's a no. Kung Arellano na lang din, mas mabuting iyong sa paboritong apo." Sagot ni Ate Ariana.

Ngumiwi ako, I hate favoritism.

Sa huli iniwan ako ng dalawa kong kapatid mag-isa sa canteen. Buong akala ko ay maitutuloy ko ang pagkain ko ng maayos nang may isang lalaking naupo sa harapan ko. Tuluyan na akong nasamid nang makilala ko siya. He grinned before giving me his unopened mineral water.

Pinangalahati ko iyon bago ako nakahinga nang maayos at magsalita sa lalaking nasa harapan ko.

"Thanks..." I said.

"You're a La Rosa, right?"

Sa tanong niyang iyon, alam ko nang narinig niya ang pinag-uusapan naming magkakapatid. He'd definitely think that the rumors were indeed true. We're a family of social climbers which was partly true, shamefully.

"Yes, why?"

"I am my parent's favorite, does it count?" My eyebrows crossed.

Simula ng araw na iyon, ginawa ko ang lahat para iwasan si Leiden Arellano, hindi ko gusto ang paraan ng una naming pagkakakilala sa isa't-isa, lalo na at alam kong iisa lang ang tumatakbo sa isip niya sa tuwing nakikita ako.

Social climber, and I hate it.

"No need, Arellano. Susunduin ako ni Lants."

Sumipol si Leiden sa sinabi ko. "Are you sure that he's serious on you? Or--" sinadya niyang bitinin ang sasabihin niya.

I glared at him. "Don't judge me."

Itinaas niya ang dalawang kamay niya sa ere habang nakangisi sa akin. "I am not judging you. You're just paranoid, La Rosa."

"Leave me alone." I said before turning my back on him. Hindi ko alam kung iyong pang-aasar ni Leiden sa akin ang bumubuo ng buhay niya sa araw-araw.

Hindi ko naman sinunod ng payo ng mga kapatid ko, why was he still bothering me?

"Mas kilala naman kami sa mga Samonte." He said that made me stop. Sinubukan kong lumingon sa kanya pero nakatalikod na siya at may tinawag na pangalan ng babae.

I shrugged my shoulders. I checked my phone hoping for a text message from my boyfriend, but I regretted reading the message. Hindi niya ako maihahatid.

I sighed. I thought it was just an empty threat, but the older brother was really serious about it.

"Let him go..." I couldn't help but to roll my eyes.

Masaya na sana kami ni Lants, he's a perfect boyfriend at wala nang hahanapin sa kanya. Bitter lang talaga masyado ang kuya niya.

It's been two weeks when Lants, my handsome prince started to cancel our dates. Since he's an honest guy, he told me that it was because of his brother's task for him. And as an ideal girlfriend, I tend to answer his calls with my angelic voice with an angelic answer.

"It's fine, I can wait. Ingat ka, and please tell your kuya, ingat din siya." Sagot ko matapos niyang tumawag pagka-reply ko sa kanya.

"Pleas tell your kuya 'wag siyang bitter." Ulit ko nang masiguro kong putol na ang tawag namin sa isa't-isa.

Hindi na ako nagagawang ihatid ni Lants sa bahay at kahit ang pagku-krus ng landas namin sa campus ay mukhang impossible na rin. Our schedules were damn conflicting!

Pinagbabantaan na yata siya ng magaling niyang kapatid na mukhang bloke ng yelo. Sino ba ang hindi matatakot sa kanya sa sandaling tumitig na siya? He's too cold and emotionless.

I sent Lants my message, and I invited him to dine with us tomorrow. Madalas siyang kumain sa amin nang mga panahong hindi pa ako kilala ng kuya niyang hilaw.

I thought he was done ruining my day, but my eyebrows automatically crossed when I saw the villain of my fairy tale. Nasa harap siya ng gate ng campus namin habang nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan. He's waiting for someone.

Ano ba ang pangalan nitong mokong na 'to? Sinong hinihintay niya rito?

Kunot na kunot ang noo ko sa kanya nang ipagpatuloy ko ang paglalakad papalabas ng gate, but our eyes suddenly met for no reason. I rolled my eyes on him, samantalang siya ay inilipat ang tingin sa ibang direksyon at nanatili sa kanyang pormal na pagkakatayo na parang hindi ako nakita.

Duh? Girlfriend ako ng kapatid mo, hindi ka man lang marunong bumati? Kahit plastikan lang tayo?

"Kito!" awtomatiko akong napalingon sa boses ng babae sa likuran.

Lalong kumunot ang noo ko nang makilalang si Autumn Olbes iyon, may pagyakap pa siya sa kapatid ni Lants.

Nang unang sabihin ni Lants na girlfriend ng kuya niya si Autumn hindi ko masyadong napansin iyon, pero nang nagtagal bigla kong naalala si White Arellano, hindi ba't sila lang ang laging magkapulupot ni Autumn Olbes sa campus?

Hindi na ako nagulat nang naging sila ni White Arellano, hinihintay ko na lang ang balita na mabuntis si Autumn Olbes dahil hindi na yata sila naghihiwalay ni White Arellano, isa pa sobrang PDA na nila. Pero ang nakapagpagulat sa lahat, bigla silang nagbreak at may bago ng boyfriend itong si Autumn.

I saw how Lant's older brother moved his lips an inch, kung ngiti na ba ang tawag doon. Hinawakan niya sa siko si Autumn at inalalayan niya itong sumakay sa kanyang kotse, tumaas ang kilay ko.

I remembered how gentleman he was that night, he literally dragged me on my wrist. Wow.

Maybe he noticed how intense my eyes on him, dahil lumingon siya muli sa akin bago siyang umikot ng sasakyan. Nawala ang konting ngiti niya at bumalik siya sa pagiging bloke ng yelo.

To annoyed him, I smiled brighter while waving my hand for acknowledgement. He averted his eyes, and turned his back. At naiwan akong nakasunod ang mga mata sa kotse niya laman si Autumn Olbes.

Suplado.

"Ano ka ngayon? Kaya pa?" I saw Leiden Arellano on my right side. I was about to answer back when I heard someone from my left side.

"Shut up, Leiden." Napaatras ako nang makita si White Arellano sa tabi ko.

"Hi, La Rosa..." Gilbert Arellano greeted me.

Seriously? Kailan pa ako nakilala ng tatlong Arellano na ito?

"Sino ang iboboto ng pamilya n'yo sa susunod na eleksyon, La Rosa? Arellano o Olbes?"

"Hindi ko alam."

"Olbes family supported the Samonte's business, you know? Iyong pinakamalaking sabungan dito sa Enamel. I assume your father is one of their active customers?" That caught my attention. Hanggang ngayon ay problema namin ang bisyo ni Papa.

Tumaas ang kilay sa akin ni Leiden nang makita niyang nakuha ang atensyon ko rito.

"Ipapatanggal na ni Lolo ang sabungan kapag napunta muli sa amin ang posisyon." Sabat ni White.

"Then my vote will be on your family."

"You should come with us, you know? Campaign, parade? House to house visit and all."

Sabay sumipol si White at Gilbert Arellano sa sinabi ni Leiden.

"I'll think about it."

Simula ng araw na iyon, bigla na lang susulpot sa tabi ko ang tatlong Arellano habang walang tigil si Leiden at Gilbert sa pang-aasar kay White tungkol kay Autumn at sa kapatid ni Lants.

I don't know what made me agree. Natagpuan ko na lang ang sarili kong kasama sa Walter Mart itong si Leiden habang naghahanap ng candy na ipamimigay nila sa float parade para kampanya ng kanilang pamilya.

"Seryoso ba talaga sa'yo si Samonte? Masyado silang abala sa pagsuporta sa mga Olbes, nakalimutan nang may girlfriend."

"We're engaged, Arellano." Inilabas ko ang singsing na ibinigay ni Lants sa akin na ginawa kong pendant ng kwintas ko.

Hindi ako agad nakaiwas sa kanya nang hawakan niya ang singsing sa kwintas ko, kunot iyong noo niya habang nakatitig dito.

"It's generic. I think I've seen this before."

Umirap ako sa kanya at inagaw ang singsing sa kanya. "Substance over form, Arellano. Hindi iyon sa hitsura, it's the thought that counts."

"Kahit marami kayo?"

"What do you mean marami?"

Nagkibit balikat siya, nagpatuloy kami sa paghahanap ng candy nang makita ko kung sino ang bagong pumasok sa Walter. Autumn and Lant's brother.

Agad kong hinila si Leiden para magtago, hindi ko alam kung bakit ko biglang ginawa iyon. Pero mas gusto kong hindi mag-krus ang landas namin, isa pa, baka kung anong isipin niya sa akin habang kasama ko si Leiden.

At gumawa siya ng rason para siraan ako sa kapatid niya.

"Why are we hiding?"

"The evil big brother is here, Leiden."

Hinila ko si Leiden sa likuran ng aisle na alam kong hindi sila magpupunta. Narinig kong magkakaroon din ng parade ang mga Olbes at kung tama ang hinala ko, narito rin sila para bumili ng ipamimigay sa tao. Kahit sila na lang muna ang bumili ng candy.

But to our surprise, nagpunta sila ni Autumn sa mga school supplies kung saan kami nagtatago ni Leiden, hindi tuloy kami makagalaw sa likuran dahil siguradong makikita kami ng mga ito kapag naglakad kami papunta sa ibang linya.

Shit.

Tahimik kaming nakikinig ni Leiden sa pag-uusap ni Autumn at ng kapatid ni Lants, hindi ko akalain na may ibabait naman pala siya o talagang sa akin lang masama ang ugali niya.

Nakailang taas pa ako ng kilay habang pinakikinggan si Samonte.

"Not a good idea. Sa'yo lang naman ito bagay ang glitters at feathers."

Hindi ko napigilang mapalingon sa likuran ko dahil sa lambot ng pagkakasabi niya kay Olbes na siyang hindi ko akalain. At halos manlaki ang mata ko nang makitang lalong naniningkit ang mata ni Samonte sa akin sa maliit na espasyo ng mga ballpen sa lagayan nito sa pagitan linya namin at sa kanila.

Shit!

Nauna siyang maglakad kay Autumn na walang kamalay-malay na agad din sumunod sa kanya. Wala sa sarili akong napahawak sa patasan ng mga school supplies dahilan kung bakit may narinig akong ballpen na nalaglag sa kabilang linya.

"Now I got it. Ayaw sa'yo ng kapatid?" nang-aasar na tanong sa akin ni Leiden.

"Shut up, Arellano."

Mas lalo akong kinabahan nang hindi na nagpaparamdam sa akin si Lants, kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko, baka nalason na ng kapatid niya ang kanyang utak kaya pinili na nitong lumayo sa akin at kalimutan ako.

I started to get paranoid.

"Are you two timing your boyfriend, Ashanti? Pansin ko na lagi kayong magkasama ni Leiden." One of my sisters mentioned during our dinner.

"She's always with the Arellanos."

"It's because I'm supporting them this election. Ipapatanggal na nila ang sabungan which is beneficial for our family, hindi na matutukso si Papa. Hindi masasayang ang pera natin." Agad nasamid si Papa sa sinabi ko.

"W-what are you talking about, Ashanti? Hindi tayo pwedeng pumanig sa mga Arellano, sa mga Olbes tayo boboto." Sabi ni Mama.

"B-but why? Sa mga Arellano tayo makikinabang."

"Anak, Keaton Samonte hired me. Ako na ang pumalit kay Mr. Olbes para mamahala ng malaking sabungan dito sa Enamel. That's why if you noticed, hindi tayo kapos ngayon, malaki ang kinikita ko sa pamamahala ng sabungan."

Suminghap ako sa sinabi ni Papa.

"But Papa! Sabungan pa rin iyon, sugal... maraming pamilya ang naapektuhan ng bisyong iyan, maraming anak ang sa halip na makakakain ay dinadala ng ama sa sabungan ang pera. Can't you imagine that job?"

Sa huli, hindi ako pinakinggan ng buong pamilya ko. We're good having the big money coming from Samonte's business, pero magandang negosyo ba iyon? Ang sugal ay sugal.

Hindi ko napigilan ang sarili kong magpunta sa mansyon ng mga Samonte. Lants was surprised to see me, pero sinalubong niya rin ako ng ngiti at yakap.

I felt relieved. Akala ko ay wala na talaga kami, he told me that he was sorry for his absence dahil sobrang busy raw talaga niya. And he was actually about to surprise visit me tonight, naunahan niya lamang ako.

He invited me for a snack, dinala niya ako sa pool side, nando'n din ang kapatid niya na prenteng nakakrus ang binti at saglit akong sinulyapan.

That's it, he hired my father to pissed me off. He made a background check on me at inalam niya ang ayaw ko. Isa na doon ang sabungan ng Enamel, I was once the president of anti-gambling club in this province, nangalap pa ako ng napakaraming pirma para ipasara noon ang isang sabungan, mukhang gagawin ko na naman ito ngayon.

Iniwan kami ni Lants, sinabi niyang siya ang mag-aayos ng kakainin ko.

"Thanks, Love." Kumindat sa akin si Lants.

"Don't scare her, Kuya."

Hindi sumagot ang kuya niya na lalong nagpainit ng ulo ko. Nang mapansin ko na wala na si Lants, mas pinagsingkit ko ang mga mata ko sa kanya.

"Fire my father. Find a new manager."

He's wearing his unusual gloves again, bakit kapag si Autumn Olbes ang kasama nito ay wala siyang gloves?

Hindi man lang siya lumingon sa akin. Huminga ako nang malalim, sumulyap akong muli sa may dinaanan ni Lants para malaman kung malapit na siya bago ako muling nagsalita sa kuya niya.

"If you tried to ruin our relationship again. I'll ruin yours. Let us go, Samonte."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro